Mag-log in
Ngayon ko mas naintindihan kung bakit minsan mas ligtas ang manahimik kaysa magtanong.
Nakatayo ako sa loob ng opisina na puro salamin. Ito ang pinakataas na palapag ng Belmonte Holdings. Magkadaop ang mga kamay sa harap ko, tuwid ang pagkakatayo kahit parang may mabigat na dumidiin sa dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga, habang tanaw ang lungsod sa ibaba, maganda, ngunit malayo, hindi ko abot. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Marc Landon Belmonte. Hindi siya galit. At alam kong mas nakakatakot iyon. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang folder sa kamay niya, kalmadong-kalmado, galaw na sanay magwasak ng mga kumpanya, isang salita niya lang. Suot niya ang maitim na suit. Matigas ang panga, may matang malamig, sapat para maramdaman kong wala akong maitatago sa kanya. “So,” sabi niya sa wakas, isinara ang folder. “You’re the Zerdan girl.” Itinaas ko ang mukha. “My name is Calessia.” “I know.” Saglit niyang sinipat ang mukha ko, sinusuri, tinatantiya. Humigpit ang kuyom ng mga daliri ko hanggang bumaon ang mga kuko sa palad ko. “Your father owes my company twelve million pesos,” patuloy ni Marc. “Halaga na hindi niya kayang bayaran.” Lumunok ako, pero hindi kumurap. “Alam ko, kaya ako nandito sa harap mo.” “Good.” Sumandal siya. "Handa kang gawin lahat?" Bumalot ang katahimikan sa silid. ‘Yong klaseng katahimikan na nagpapalabas ng mga lihim na ayaw mong aminin. Huminga ako nang malalim. “I’ll work,” sabi ko. “Kahit anong position. Kahit saang department. I’ll pay it back.” Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. Ngiting alam kong hindi mabuti, may nakatago sa likod. “You misunderstand, Miss Zerdan.” Hinugot niya ang isang papel mula sa folder at dahan-dahang itinulak, saktong abot ng tingin ko. “I’m not offering you a job in my company.” Bumaba ang tingin ko sa papel. "Personal Service Contract." Parang napatid ang tibok ng puso ko, habang binabasa ang salita. “You’ll live in my estate,” kalmado niyang sabi. “On call ka sa lahat ng oras. Gagawin mo ang anumang iutos sa’yo. Kapalit nito, mapi-freeze ang utang ng pamilya mo. Walang interes.” Dahan-dahan akong tumingala. “You’re buying me.” Ngumisi siya. Malamig, walang saya sa mata. “No,” sabi niya, mababa ang boses. “You’re the guarantee for their debt, Calessia." Nanigas ang panga ko. “And if I refuse?” Tumayo si Marc, matikas ang tindig, matangkad, umikot siya sa mesa hanggang huminto sa harap ko. Sobrang lapit. Parang nadadaganan ako ng presensya niya, kontrolado, pero mapanganib. “Then your father loses everything by the end of the week.” Muling bumalot ang katahimikan. Tinitigan kong muli ang kontrata, na ngayon ay nanlalabo ang mga letra. Kumokontra ang pride ko. Huwag pumirma, pero mas malakas ang bulong ng takot. Para sa pamilya ko. Pinulot ko ang ballpen. Tumitig sa mata niya. “May isa akong kondisyon,” mahina kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re not in a position to negotiate.” “I won’t sleep with you.” Nanahimik siya. Pagkatapos, nakakagulat na tumawa. Mahina pero matalas. “If I wanted your body,” dahan-dahan siyang yumuyuko, dumadampi ang bibig niya sa tainga ko, “I wouldn’t need a contract.” Napasinghap ako. Gumapang ang kakaibang lamig sa katawan ko. Pero hindi ko magawang umatras. “I want your obedience,” dugtong niya. “Sign.” Nanginig ang kamay ko. Napapikit saglit, at saka pumirma ako. Tumayo siya ng tuwid. “Welcome to Belmonte, Miss Zerdan.” Gano’n lang. Kinuha niya ang papel. Bumalik siya sa mesa, umupo, at hindi na ako muling tiningnan. Umalis ako ng kusa, at walang lingon na lumabas. Lutang. Hawak niya ang kontratang may pirma ko—ang kontrata na magdidikta ng takbo ng buhay ko.Buong gabi, dilat ang mata ko. Puno ng katanungan ang isip ko. Bakit tumawag si Armando? Kinausap ba siya ni Marc? Pinagbawalan o pinagbantaan?Sa kabila ng samu’t saring tanong, heto pa rin ako sa labas ng opisina niya, naghihintay na tawagin at utusan niya.Nangangalay na ang leeg ko kakatungo, pero tinitiis ko, 'wag ko lang makita ang mapanghusgang tingin ng mga damadaan.Ngunit napatingala ako nang may tumigil sa harap ko.Si Armando.Napatayo ako. Napalingon sa pinto ng opisina ni Marc habang kumakabog ang dibdib ko.“What are you doing here?”“Cale…” mahina ang boses niya, magaan ang tingin. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Come with me. Let’s leave this place.”“Arman…” Inalis ko ang kamay niya. Bahagya ko siyang itinulak. “Go… just go,” utos ko, pabulong.“I’m not leaving… not without you.” Humawak siya sa kamay ko, saktong bumukas ang pinto.Lumabas si Marc. Matalim ang mga mata, tiim-bagang na nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Armando.Humakbang siya palapit.Agad naman
Ito ang unang beses kong makapasok sa malaki at napakalinis na boardroom ng Belmonte Holdings. At hindi ko alam kung ano ang magiging papel ko rito ngayon.Ang sabi niya lang, matapos ilapat ang noo niya sa balikat ko kagabi, kailangan kong maging present sa board meeting ngayon.Kaya heto ako, nasa sulok, nakaupo mag-isa, at malayo sa kanya.Nasa dulo siya ng mesa, nakaupo, nakatungo, hindi mabasa ang ekspresyon habang isa-isang pumapasok at umuupo ang mga board member.Umiilaw ang screen. Naglo-load ang mga ulat.“Before we proceed,” maingat na sabi ng isa sa kanila, “there’s an issue that needs clarification.”“Then clarify.” Hindi pa rin tumingala si Marc. Abala siya sa pagtitipa sa tablet niya.Nag-atubili ang lalaki. “There have been… inquiries regarding your recent personnel decisions.”Huminto ang mga daliri ni Marc sa tablet.“Inquiries from whom?” kalmado niyang tanong.“From the compliance committee.”Inilapag ni Marc ang tablet ngunit nanatiling nakatungo.“And from a form
Umepekto agad ang pagbabago sa mansyon. Ramdam na ramdam ko. Wala nang bulungan. Lahat parang takot mapatingin sa akin.Sa opisina niya na ako nagtatrabaho, taga-ayos ng mga file, ng iskedyul niya.Taga-hintay, at taga-sunod sa bawat dikta at utos niya.“Sir…” sabi ko nang makapasok sa opisina niya.Laging ganito ang set-up. Papasok lang ako kapag tinawag niya. Magsasalita lang kapag kinakausap niya.“Sit,” sabi niya, sabay turo sa sofa.Sumunod ako. Walang tanong.Nakatayo siya sa may bintana, may kausap sa phone niya.“No. I don’t care how long they’ve been working with me. Remove them.”Napatitig ako sa kanya, hindi sadya.“Yes,” dagdag niya, sumulyap sa akin. “Immediately.”Natapos ang tawag, saka siya humarap. Bitbit pa rin ang seryoso, malamig na ekspresyon na sanay na akong makita.“They’re fired.”Kumurap-kurap ako. Saglit nag-isip kung sino ang tinanggal at ano ang dahilan.Then naalala ko ang mga house staff. Tumayo ako. “Hindi niyo po kailangang tanggalin sila dahil sa akin
Mabilis kong natutunan ang galaw ng bahay. Hindi lang mga dapat at hindi dapat gawin ang sinasaulo ko, pati ugali ng mga katrabaho ko.Alam ko kung sino ang umiiwas sa akin. Kung sino ang mapanuri ang tingin. Kung sino ang bumibigkas ng pangalan ko na parang nakakain ng mapait.Mabagal, tuwid, at taas-noo akong naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ko.Kalalabas ko lang mula sa study ni Marc. Naghahatid ng mga dokumentong kailangan niya.Kada hakbang ko, parang may ritmo. Hindi halos lumapat ang takong ng sapatos ko sa sahig.“Akala niya special siya,” bulong ng isang kasambahay habang dumaraan ako.“Kung kumilos parang isang prinsesa,” mahina namang sabi ng isa pa. “Utusan lang din naman siya.”Mahina silang nagtawanan, pero hindi ko pinansin. Ni tingnan sila, hindi ko ginawa.“Zerdan siya… malaki ang utang nila sa mga Belmonte.”Nakuyom ko ang kamay ko. Saglit na huminto sa paglalakad.“Kaya, ‘wag na kayong magtaka kung bakit malapit ang kwarto niya kay sir, siya ang ginawang baya
Alas singko y medya pa lang, bihis na ako. Maayos kong itinali ang buhok ko at tuwid na tumayo sa labas ng pinto ni Marc.Tahimik ang buong mansyon, ‘yong uri ng katahimikan na nagpapabilis ng tibok ng puso, nagpapapintig ng ugat sa sintido.Eksaktong alas sais, bumukas ang pinto.Hindi siya nagulat nang makita ako.“You’re early,” sabi niya.“Utos mo po, sir.”Tumalikod siya. “Coffee,” sabi niya, saka pumasok sa kwarto.Sumunod ako nang walang alinlangan.Maluwang ang kwarto niya, minimalist. Walang kalat. Pati ang kama, parang hindi pa natulugan. Dumiretso ako sa coffee machine, pinilit kong maging matatag ang mga kamay.Pero kita ko sa gilid ng paningin ko, pinagmasdan niya ako mula sa salamin habang inaayos ang cufflinks niya.“You learn fast,” sabi niya.“Kailangan po.”Humarap ako. Iniabot ko ang tasa.Tinanggap niya, humigop ng kaunti, at muling inabot sa akin. “Hold it.”Hinawakan ko. Hindi rin ako umalis sa tabi niya habang inaayos niya ang tie.Lumipas ang mga minuto. Nagsim
Marami na akong naiisip noong pinirmahan ko ang kontrata. Paano na ako? Ano na ang magiging buhay ko sa bahay ni Mr. Belmonte?Masikip ba ang silid na uukupahan ko?Matigas ang kama?O, matutulog ako kasama ang ibang katulong?Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko habang tanaw ang tahanan ni Marc.Isang mansyon sa loob ng mataas na pader, para bang hindi ito kabilang sa lungsod na kinalakihan ko. Ang paligid, masyadong malinis, masyadong tahimik na kahit ang hangin, amoy mamahalin.Bumaba ako ng sasakyan, bitbit ang kaisa-isang bag na dala ko.Agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa kwarenta na, tuwid na tuwid ang tindig, matalas ang mga mata. “I’m Mrs. Alfonzo. The housekeeper.”Bahagya akong yumuko. “Good evening.”Tiningnan niya ako. Magaan na tingin, hindi bastos, pero mapanuri. “You’re late.”“Sabi po sa akin, seven nandito na ako.”“Dalawang minuto na lang, huli ka na.” Tumahimik ako, yumuko. In-acknowledge ang mali ko. “Don’t let it happen again.”“Yes, ma’am.”Puma







