Share

Chapter 8 — A Puppet

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-02-14 01:53:52
Nabulabog ang tahimik naming agahan ni Marc sa sunod-sunod na tawag at mensahe mula sa mga board member, at sa mga taong sanay pumuna ng mali.

Kitang-kita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kobyertos habang nakatingin sa phone niyang nakalapag sa mesa.

Linggo ngayon, kaya dito lang siya nagtatrabaho. Tumatanggap lang siya ng tawag kapag tapos nang kumain.

Kaya lang, walang pakundungan ang mga tumatawag sa kanya.

Pabagsak niyang binitiwan ang kobyertos. Kumalansing iyon sa plato.

Lahat ka
sweetjelly

Hello sa lahat. Sa mga sumilip nito at sinubukang basahin 'to, sana magustuhan n'yo ang story ni Marc at Calessia, magtuloy-tuloy sana kayo. Haha

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janet Cabrales
bkit putol walang update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 39 — Between The Box and Me

    CALESSIAIlang segundo akong nanigas.Parang nawalan ako ng kakayahang mag-isip kung ano ang tamang gawin.Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa leeg ko at ang init ng labi niyang dumampi sa akin.Nagbalik lang ang ulirat ko nang parang hindi na ako makahinga. Parang hinihigop niya ang buong hangin sa baga ko.Mabilis kong itinulak si Marc.Napaatras siya nang bahagya, at bago pa siya tuluyang makabawi, umangat na ang kamay ko.Sumampal sa pisngi niya.Malakas. Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng tama.Buong silid tumahimik, parang pati hangin ay natigilan.Mabilis kong pinahid ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko, paulit-ulit, na para bang kayang burahin noon ang ginawa niya.“Don’t ever do that again,” madiin kong sabi, pilit inayos ang boses ko kahit nanginginig ang loob ko. “Hindi ko ibibigay sa’yo ang sarili ko. Kahit kailan.”Dahan-dahan niyang ibinalik ang mukha niya sa akin. May bahid ng dugo sa gilid ng labi niya, pero hindi niya iyon pinansin agad. Tinitigan niya lang ako

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 38 —I’d Do Anything

    CALESSIANagising ako na masama ang pakiramdam.Nilalamig ako, pero parang nagliliyab ang buong katawan ko. Mabigat ang ulo ko, at bawat galaw ko ay may kasamang kirot na parang umaakyat hanggang sa sentido ko. Pumikit ako nang mariin at pinisil ko ang gilid ng noo ko, sinusubukang pigilan ang pintig ng ugat na lalo lang nagpapalala ng sakit.Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kirot. Parang sabay-sabay. Sa ulo ko. Katawan ko at sugat ko.Dahan-dahan akong bumangon, pero bago pa ako tuluyang makaupo, umikot ang paningin ko kaya napahiga ulit ako. Napakapit ako sa kumot habang hinihintay na humupa ang hilo.Lagnat lang ’to. Kaya ko ’to.Mas malakas ako kaysa dito.Huminga ako nang malalim bago muling gumalaw. Mas maingat na ngayon ang kilos ko habang dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard. Pinikit ko sandali ang mga mata ko, hinayaang mag-steady ang paligid na umiikot pa rin. Maya maya inabot ko ang drawer sa gilid ng kama.Pagkabukas ko, agad kong kinuha ang l

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 37 — A Reason to Let Go

    CALESSIAPilit kong nilunok ang sakit na parang umakyat hanggang sa ulo ko.Kumirot ang sugat ko. Parang mabibiyak ang ulo ko.Pero hindi ako puwedeng magpadala sa sakit. Kailangan kong mahanap ang kahon na ’yon.Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng kamay ko, saka ko hinaplos ang pisngi ko, sinisigurong walang bakas ng kahinaan.Kailangan wala.Kailangan hindi nila makita.Paglabas ko ng elevator, diretso akong naglakad. Hindi lumilingon, parang walang ibang napapansin sa paligid.“Ms. Calessia, saan po kayo pupunta?” narinig kong tanong.Hindi ako tumigil.Walang pagdadalawang-isip akong lumabas.“Ms. Calessia, ang sugat niyo po, umuulan—”Kahit naririnig ko ang mga boses sa likod ko, nagbingi-bingihan ako. Pinili kong huwag pansinin ang kahit sino.Napangiwi ako nang bahagya, pero hindi ako huminto nang sinalubong ako ng malamig na hangin at malakas na ulan.Ilang segundo lang, nabasa na ang buhok ko, ang damit ko, pati ang balat kong kanina pa nanginginig sa pinipigil na emosyon.

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 36—Where Hope Breaks

    CALESSIAPagulong-gulong ako sa kama.Tatlong araw na mula nang makalabas ako sa hospital. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marc.Because she hurt you.She’ll pay for it.Pakiramdam ko no’n, parang lumutang ako sa hangin.Sa puntong natameme ako, habang pinakikinggan ang puso kong dumadagundong.“Ang boring…” Bumangon ako, umupo sa gilid ng kama at ilang beses na bumuga ng hangin.Nakakabagot na rito sa mansyon.Wala akong ibang ginagawa kundi humiga. Maski magtimpla ng sarili kong kape, hindi puwede.Mahigpit na bilin ni Marc. Magpahinga lang daw ako hanggang tuluyang gumaling ang sugat ko.Napahawak ako sa benda ko sa ulo. Masakit pa rin ang sugat ko, pero kaya ko na namang magtrabaho.Pero si Marc, ayaw akong payagan na bumalik sa trabaho. Maging ang bisitahin nga si Lola niya. Bawal din.Hindi raw ako puwedeng pumunta sa hospital nang ako lang.Kaya heto, parang mababaliw na ako sa katahimikan.Mag-aalas-diyes pa lang ng umaga. Mahaba pa ang oras.Naisi

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 35 — His Kind of Care

    CALESSIA“Narinig ko… may sinabi kang mahal.”Parang napako sa kinatatayuan si Dina. Tuluyang nawala ang parang nakikiliting ngiti kanina, napalitan ng kaba.Dinampot niya ang bowl at mahigpit itong hinawakan, na parang doon nakasalalay ang buhay niya.“M-Mahal…” utal niyang sabi, saka napalunok. “Mahal po ang mga ingredients sa lugaw na pinaluto niyo, Sir Marc…”Pilit siyang ngumiti habang pasimple akong tinitingnan, para bang humihingi ng tulong.Tumango-tango ako, pilit na ngumiti.“Oo… masarap. Halatang mahal ang ingredients.”Hindi umimik si Marc.Hindi rin siya gumalaw.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Dina.Maya maya ay mabagal siyang gumalaw at umupo sa gilid ng kama.Imbes na kumalma itong puso kong kinakabahan, mas lalong lumakas ang kabog.Hindi ko namalayang napaatras ako nang kaunti.Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin iyon, pero hindi siya nagsalita. Itinaas niya lang ang kamay niya at itinuro ang pinto.Isang malinaw na utos para kay Dina.Hindi na si

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 34 — Because Of Me

    CalessiaMabigat ang talukap ko nang imulat ko ang mga mata ko.Nakakasilaw ang ilaw at puting kisame ang bumungad sa akin.Amoy pa lang, alam kong nasa ospital ako.Dahan-dahan akong gumalaw. Doon ko naramdaman ang kirot sa ulo ko.Napangiwi ako habang itinataas ko ang kamay kong may suero. Kinapa ko ang gilid ng ulo ko at agad akong napapikit.Masakit.Hindi lang basta sakit. Parang napupunit ang loob.Napasinghap ako nang mahina at pilit na umupo.Saka ko muling iginala ang mga mata ko sa loob ng kwarto.May maliit na mesa sa tabi ng kama. May nakapatong na bouquet ng bulaklak. May mga prutas na nakaayos sa isang basket.Napakalinis at organized ang lahat. Pero walang tao. Walang nagbabantay sa akin.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, itong sugat ko sa ulo o ang magising na mag-isa lang ako.Ano bang in-expect ko? Babantayan ako ni Marc?Kapitalista ‘yon. Mas mahalaga sa taong ‘yon ang pera.Hindi ang magbantay sa taong hindi mahalaga sa buhay niya.Napatingin ako sa pinto. N

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 19 — Burning Water

    Nakadikit pa rin ang pisngi ko sa dibdib niya.Mas ramdam ko ang init, ang tigas. Nanonoot din ang bango ng sabon niya sa ilong ko. Pero mas nanoot ang malakas na tibok ng puso niya, parang kapos, parang tumatakbo siya.Hindi ko alam kung dahil ba sa biglang pagpasok ng lola niya sa kwarto o sa ayos

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 17 — One Request

    Pagpasok ng sasakyan sa driveway ng Belmonte estate, napansin ko agad na may kakaiba.Parang hindi ito ang karaniwang tahimik na gabi sa mansyon. Bukas ang lahat ng chandelier sa ground floor. May mga anino ng mga tao sa likod ng mga kurtina.Maging si Marc, halatang nagtataka rin. Agad siyang bumab

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 14 — Grand Ballroom

    Sakay na kami ng kotse. Hawak ko sa kandungan ang kahon ng damit na isusuot ko sana, pero nagbago ang isip ni Marc.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, at hindi na rin ako nagtanong.Napatingin ako sa labas nang pumasok ang kotse sa parking ng isang kilalang luxury hotel sa Makati.Pagkababa

    last updateLast Updated : 2026-03-21
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 18 — His Heartbeat

    “Don’t assume anything…”Hindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niyang sleep in my room tonight, nagdagdag pa siya ng lalo kong ikinatahimik.Binigla niya ako. Natural na matahimik ako. Hindi dahil nag-assume ako. Sira-ulo.“Matutulog ka sa kwarto ko dahil kay lola. That’s all.”Tumango na lang ako.

    last updateLast Updated : 2026-03-23
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status