Share

Chapter 157—Attempt

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-07-24 15:12:20
Lumipas ang ilang oras ay dumating si Theodore sa Coron, Palawan. Wala s'yang pakialam kung hating gabi man siya makakarating sa private villa kung nasaan si Aella. Walang problema ang address dahil binagay na lahat ng detective sa kanya. Maayos na sana ang daloy ng pagpasok niya pero hinarangan sila ng mga gwardiya.

Binuksan niya ang bintana at sinigawan ang mga ito. "Get out of the way!"

Nakunot ang noo pinigilan siya ng gwardiya. "Bawal pong pumasok kung wala kayong personal na imbitasyon ng may-ari. Pakiusap, sir, umalis na ho kayo."

Sinuntok niya ang upuan. Nasa back seat siya at ang sekretaryo ang driver. Ang masaklap wala silang imbistasyon para makapasok. Maaaring makapangyarihan ang may-ari nito dahil nakabantay sarado ang villa. Lalong kumulo ang dugo niya ng maisip na baka may kababalaghang ginagawa ang asawa sa lalaki nito.

"Break in!" utos niya, pilit na binalewala ang gwardiya.

Masunurin namang sinunod ng sekretaryo, pinaharurot nito ang kotse na walang pag-alin
Winter Red

Thank you for reading po! Ito na ang hinihintay niyong face off!

| 18
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Rocelyn Calinao
Sana mmtay n cya s selos hyop cya bkit Nong ksma nya kbit nya inisip b nya aswa nya more updates p author
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
thank you po sa masipag na page update
goodnovel comment avatar
Lanilyn Gucilatar Batac
ay wla na itong puknatan pagbabasa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 164—Catch them

    Bahagyang gumaan ang loob ni Aella matapos niyang umiyak sa balikat ni Raffaelo kahapon. Sa tagal ng panahon magkaibigan sila ay ito ang unang beses na nararamdaman niyang may halaga rin pala siya rito. Magkaibigan sila pero hindi ito mahalig na hinahawakan ng iba lalo na kapag babae. Bahagya kumibot ang dulo ng labi niya.Kasalukuyan nasa shopping mall siya kasama ang mga magulang at si Angelica. Namimili s'ya ng bagong washing machine nang makatanggap ng anonymous text. May isang taong nagpadala ng pictures sa kanya.Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Theodore at Scarlet nagyayakapan. Ito na siguro ang magiging daan, hindi kasi nakunan ng picture'yong naghalikan ang dalawa sa party ng auction sale.Judging from the background, ito 'yong salas ng mansyon ni Theodore. Kilalang-kilala niya ang interior design. Huling-huli na ito sa akto. Kahit naka-side view ang lalaki at hindi klaro ang ekpresyon ng mukha nito, halata sa mukha ni Scarlet na nasasabik ito sa susunod na mangyaya

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 163—Drunk Daze

    Kakauwi lang ni Theodore galing sa trabaho nang makatanggap s'ya ng report mula sa inutusan niyang bodyguard para alamin ang misteryong lalaki na kasama ni Aella noon sa Palawan."Sir, hindi na po matutuloy ang tracking mission na pina-assigned niyo sa amin. Aalis po kami ng Pilipinas," siwalat nito sa kabilang linya."What's going on?" Kumunot ang noo niya, "I hired you, why are you leaving the country?"Hindi nito sinabi ang buong detalye, "pinaalis po kami sa bansang ito. Iyong taong gusto pinaiimbestigahan niyo ay hindi basta-basta kalabanin. Wala kaming buong detalye tungkol sa kanya."Nanlaki ang mga mata niya. Paano nitong nagawa itaboy ang mga bodyguard niya. Sino ba ito?Sa gulat niya ay nadamay si Aella sa kanyang galit. Pinahihirapan siya nito dahil may koneksyon ito kay Raffaelo Conti. Tila pinaghihigantihan siya.Sa tindi ng inis niya ay tumungo siya sa wine cabinet, kumuha ng isa, sinalin sa baso at tinungga ang alak. Mainit na dumaan ang mapait na alak sa kanyang lalam

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 162—Well done, patient

    Lumipas ang isang buwan at muling dinalaw ni Aella ang pasyente niyang si Pennie Enriquez. "Good. You're recovering well. Tuluyan na ka ng gagaling ngayong linggo," masayang turan ni Aella. Lumiwanag ang mukha ni Miss Enriquez. "Talaga po? You mean, I can do whatever I want and get in touch with the person I like in the future, po?" She patted her head. "Of course, pero bata ka pa. H'wag ka munang padalos-padalos sa pag-bo-boyfriend." Malapad ang ngiti nitong kumapit sa braso niya. "Alam ko po, gusto ko lang hawakan ang kamay niya at don't worry, I won't think of anything else po..." saka pinuri s'ya. "You're really amazing po! Bagay na bagay kayo ni Kuya Matthias, sana nga naging doctor na lang kayo. But yeah, I'm so happy to know someone generous and a fashion designer too. Simula ngayon, magiging suki na ako ng Aurelia." Ngumiti siya at sandali s'yang nagkwentuhan tungkol sa trabaho niya. "Hmm... how about we have dinner here tonight? Barbecue?" Tatanggi sana siya pero dumat

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 161—Let me attack you

    Kanina pa hindi nakikinig si Theodore habang nag-re-report si Scarlet tungkol sa physical nilang mall. Malapit na iyong matapos at nagsisimula rin sila sa bagong proyekto nilang clothing line. Tinaas ni Theodore ang ulo, namungay ang mga mata at kinagat ang ibabang labi. Gusto n'yang kalimutan sandali si Aella, ilang araw na rin siyang wala sa sarili at napababayaan niya si Scarlet. Galit siya rito noong nakaraan subalit ito lang ang nagpapagaan ng loob niya. "Then... is there any reward for my good performance?" mahina at malanding bulong ni Scarlet sa taing niya. Saka niya namalayan na nakapatong ang mga kamay nito sa balikat niya. Nanginig siya nang dumantal ang mainit nitong hininga, bumilis ang puso niya sa matamis nitong amoy. "What reward do you want? Bags, jewellry? Or something else?" he asked absentmindedly. Hinamplos nito ang dibdib niya. "Hindi ko kailangan ang mga 'yon. Kasi dapat alam mo kung ano ang gusto ko mula noon hggang ngayon at alam mo kung ano ang gusto

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 160—Longing for her

    Malinaw pa sa ala-ala ni Theodore bago nagtapos ng pag-aaral si Aella sa kolehiyo ay nakilala nito ang lola niya, naging malapit ang matanda at nagboluntaryo itong alagaan siya. Pagkatapos 'nun ay nagpakasal sila. Naging abala sa buhay nito sa Manila at halos hindi makakauwi sa probinsya. Bumalik s'ya sa hwesyo nang muling maalala ang naging konprontasyon nila ng lalaki ni Aella. He couldn't help but narrow his eyes. "Malamang myembro ng secret society ang pamilya n'yan. Alamin mo pa," aniya. "Ok," tugon nito. "Hihinatayin pa ba natin silang lumabas o uuwi na?" Nayayamot niyang hinila ang necktie. "Umuwi na tayo." Kahit masakit sa loob n'ya na may ibang kasama ang asawa ay pinili n'ya parang magpaubaya. Mayamaya'y natagpuan niya ang sarili bumabyahe sa kanyang private jet. Sumunod ang mga araw ay palagi siyang pagod na umuuwi ng mansyon at palagi niyang nadadatnan hungkag ang lugar maski na marami s'yang katulong sa loob. Dati, wala s'yang nararamdaman mali, pero ngayon nahihira

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 159—Bruises

    Aella quickly regained her composure and apologized to Matthias. "Sorry talaga kung na-involve kayo sa gulo ko, Doc. Sorry po kung na-offend ko kayo ngayong gabi," nahihiya niyang saad. "Don't mind it. Hangga't umakto ka lang ng tama, hindi ka matatakot sa tsismis," anito na tila hindi siniseryoso ang naganap kanina. Bahagya s'yang nag-aalala dahil hindi ordinaryo tao ito. Isa ito sa pinaka-makapangayarihan sa bansa, hawak nito ang ekonomiya at hindi simple ang mga koneksyon nito. Paano kung bigla itong gagawa ng bagay na ikakapahamak ni Theodore? That man doesn't love her, but she won't allow her dignity to be challenged. This matter won't end easily. Namungay ang mga mata ng binata na wari'y nababasa nito ang kanyang isipan. Hindi rin pwedeng maliitin ang mga Larson sa bansang ito, ngunit hindi kaya maging ka-level ni Theodore ang tulad nito. "Ano ba'ng gusto mong pagkain?" pang-iiba ng usapan ni Matthias. Napukaw ang atensyon ni Aella nang matanto na nakatayo ang waiter sa g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status