Share

Kabanata 11

"ANONG sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko kay Rios. Kung isa na naman ito sa mga pakulo niya, baka masapak ko siya nang wala sa oras.

"I don't want to repeat myself."

"Okay." maiksi kong sagot bago muling nagsimula sa paglalakad. Kung ayaw niyang ulitin eh di wag. Madali naman akong kausap. Isa pa'y hindi naman ako katulad ng ibang babae na halos maihi na sa kilig kapag sinabihan ng ganoon. Hindi ba nila alam na may dalawang ibig sabihin ang binitiwang salita ni Rios. At sa parte ko'y hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kahulugan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ilang beses kong narinig ang pagmumura ni Rios. Hindi ko na lamang iyon binigyang pansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok sa kuwarto pagkatapos ay nagpahinga.

Ilang minuto akong nakahiga sa kama nang magpasiya akong bumangon at muling lumabas ng kuwarto. Kailangan ko pa palang magluto dahil hindi pa kami nakakapaghapunan.

Wala pa man ako sa kusina ay naamoy ko na kaagad ang adobong niluluto ng kung si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status