Share

His Bandit Heart
His Bandit Heart
Author: Pxnxx

Simula

PABAGSAK kong inilagay ang cellphone sa aking lamesa. Kumukulo ang dugong tiningnan ko nang matalim ang aking sekretarya. 

"You are fired," malamig kong sabi na ikinanganga niya. Batid kong nabigla siya sa narinig. Pero pinal na ang desisyon kong alisin siya sa trabaho, pati na rin sa buhay ko.

"But, Rio—."

"Get out. Walang kalalagyan ang tulad mong traydor sa kumpanya ko." Seryoso kong sabi bago itinutok ang mga mata sa monitor.

"Rios, let me explain." Sabi ni Diana bago lumuhod sa harap ko. "Hindi ko naman—."

"Get the hell out of my office, bago tuluyang magbago ang isip ko." Mariin kong sabi bago tumayo para lisanin ang opisina. "Umalis ka na, bago pa dumating ang mga pulis."

Malalaki ang hakbang na tumungo ako sa elevator. Tahimik ang lahat nang dumaan ako. Hindi ko sila masisisi kung katakutan man nila ako, iyon naman dapat ang mangyari. 

But Diane? Fuck her! Siya ang rason kung bakit nawala ang ilang files sa office ko.

I shouldn't have trusted her! Sana hindi ako nagtiwala kaagad! Sana hindi ako nahulog kaagad! Sana hindi ko na lang inamin sa sarili kong mahal ko siya!

Nakakatawang isipin na nahumaling ako sa sekretarya ko. Nakakagago. I thought Diane was different. The first time I saw her, I've already admitted that she's the one. But I guess I was wrong. She's a traitor. 

Isa pala siyang espiya na ipinadala ni Ymar. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko rin noon. Pero panggagago lang ang iginanti sa akin.

Bakit ba ang bilis kong magtiwala? Bakit ba ang bilis kong maniwala sa mga ipinapakita nila? Kailan ba ako matututo? 

-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status