"IS there something wrong, hija?" Marahan kong nilingon si Lola Clara. I was alone in the balcony when she came and asked me the question I have been asking to myself. What is happening to me? Kanina pang hapon sinabi ni Rios ang mga salitang iyon. Pero hanggang ngayon, parang sirang plaka iyong paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko. His presence keeps bothering me. His words were like darts but taste like a candy. The way he looks at me, the way he called my name, God! He distracted me without even trying! Dumagdag pa iyong mga sinabi niya kanina. Was he serious? Did he really said those words? Ewan ko ba kung bakit pinoproblema ko iyon gayong wala naman dapat akong pakialam.My very plan was to get away of the past that I've been wanting to forget. To stay away with the people who wanted me to pay for the crime, where I am a victim too! Hindi nga dapat tawaging krimen ang pangyayaring iyon! It was an accident. Aksidenteng walang sinoman ang gusto itong mangyari. "You can te
"..so this is your shop." sabi nang kakapasok lang na si Rios. Mula sa pagkakayuko ko sa laptop na nasa harap ay saglit kong tiningnan si Rios. Malaya nitong inilibot ang tingin sa shop kong may mangilan-ngilang kumakain. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong bago muling ibinalik ang tingin sa laptop. I heard him chuckled. "Masama bang bisitahin ang mommy ng anak ko?" he answered; leaning on my table. Mariin akong napaungol bago umirap sa kaniya. Mukhang wala talaga itong balak tumigil sa pangungulit na tanggapin ko ang inaalok niya. "Will you—,""...marry me? Sure, I'll marry you." nakangising agap niya sa sana'y sasabihin ko. "Pwede ba, tumigil ka na? Wala akong oras makipagbiruan sa iyo." walang ekspresiyong sabi ko sa kaniya. "Kung mang-aasar ka lang, pwede umalis—,""I want some carrot cake and a cup of tea." putol niya sa sana'y pagtataray ko. Kaagad akong napabuntong-hininga bago isinabi kay Celine ang gusto ni Rios. Matalim ko siyang tiningnan nang walang pasabi s
ISANG malakas na sampal ang iginawad ko sa pisngi ni Rios. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at pati na rin ang pagliyab ng galit sa dibdib ko. Hindi ko rin maiwasan ang biglang makaramdam ng takot dahil sa alaalang unti-unti na namang namumuo sa aking isipan. "Wala kang alam sa sinasabi mo." Malamig pero may diin kong sabi kay Rios na nakatungo pa rin dala nang malakas kong pagsampal sa kaniya. "Ang madrasta mo mismo ang nagsabi—.""Wala akong madrasta!" Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero hindi sumasang-ayon ang galit na lumulukob sa puso ko. Sa ginagawa ni Rios ay mas lalong nawalan ako ng ganang kausapin siya. A smirk formed in his lips. As if telling me that he already know everything about me. "Lucinda Olivarez is her name.""Lucinda? Tita Lucinda?" mahina kong sabi sa sarili. Si Tita Lucinda ang kaibigang matalik ni Nanay. Paanong siya ang stepmother ko?! "See, you knew her. At kaya ka narito ay dahil sa tinatakasan mo ang kasalanang ginawa mo sa pamilya mo
NAKALIPAS ang isang linggong hindi ko kailanman pinansin si Rios. Kahit na ilang beses niya akong kulitin ay hindi pa rin ako natitinag. Pinipilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin dahil alam kong pagmumulan na naman iyon ng pagbabangayan naming dalawa. May pagkakataong si Rios ang naghahatid sa akin sa shop, dahil wala pa rin si kuya Lito at lola Clara. Nagbago kasi ang isip ng matanda at pinilit na isama si kuya Lito. Na sa tingin ko nama'y sinadya niya. Sinadya niyang iwan kami rito ni Rios para kahit papaano'y mapagsolo kaming dalawa. Ang sana nga'y dalawang araw na pagbisita ni lola Clara sa pinsan nitong nasa Mindoro ay inabot ng isang linggo, at nahimigan ko pa nga sa telepono na mag-e-extend pa raw ito dahil napakaganda raw sa Little Tanawan. Halos napapaligiran raw sila ng samu't-saring punong-kahoy, halaman at malawak raw ang kalupaang sakop ng pinsan nito. Kaya kahit papaano'y nabawasan raw ang pagkasuyang nadarama noong nakikita pa raw nito ang malawak na dagat sa Ro
"ANONG sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko kay Rios. Kung isa na naman ito sa mga pakulo niya, baka masapak ko siya nang wala sa oras."I don't want to repeat myself.""Okay." maiksi kong sagot bago muling nagsimula sa paglalakad. Kung ayaw niyang ulitin eh di wag. Madali naman akong kausap. Isa pa'y hindi naman ako katulad ng ibang babae na halos maihi na sa kilig kapag sinabihan ng ganoon. Hindi ba nila alam na may dalawang ibig sabihin ang binitiwang salita ni Rios. At sa parte ko'y hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kahulugan.Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ilang beses kong narinig ang pagmumura ni Rios. Hindi ko na lamang iyon binigyang pansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok sa kuwarto pagkatapos ay nagpahinga.Ilang minuto akong nakahiga sa kama nang magpasiya akong bumangon at muling lumabas ng kuwarto. Kailangan ko pa palang magluto dahil hindi pa kami nakakapaghapunan.Wala pa man ako sa kusina ay naamoy ko na kaagad ang adobong niluluto ng kung si
"YOU know him?" salubong ang kilay na tanong ko. Nakita ko ang pagkalito sa mga mata ni Willa. "Huh? Ahmm, oo nga pala, hindi mo nga pala maalala." mahina niyang sabi na nakaabot pa rin sa pandinig ko. That's it. Rios was part of my past. Siguro'y kasama siya sa mga alaalang nawala sa akin nang maaksidente ako."Who are you?" maliit ang boses na tanong ni Renzo bago nagpakarga sa akin. "She's my sister, sweetie, she's Tita Willa-ugh you're so heavy." sabi ko bago inayos ang pagkakabuhat kay Renzo."Ohh, I have an auntie?! Yey!"Isang malaking ngiti ang pumunit sa mga labi ni Willa. "Yes, big boy, I am your auntie Willa."Mabilis kong iniwas ang aking nga mata. Pero mali pala ang ginawa kong iyon dahip kay Rios lang tumuon ang tingin ko. Vernon Rios Ledesma, marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Kabilang na ang mga tinging ipinupukol mo sa akin ngayon.Isang tikhim ang ginawa ni Rios bago tumingin kay Renzo. "Let's eat." malamig niyang sabi bago walang lingon na bumalik sa kusina.
Sinag ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpagising sa akin. Marahan kong inilibot ang tingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Noong una'y bahagya pa akong nagtaka sa pagbabago ng aking kuwarto. Pero nang maalalang sa kuwarto pala kami ni Rios natulog ay nawala ang kaba at pagtataka ko.Ibinaling ko ang katawan patagilid, pero nanlalaki ang matang natigilan ako. "What...." hindi ko naituloy ang pagsasalita nang biglang may lumundag sa aking likuran."Good morning Mommy! Good morning Daddy!" malakas na sabi ni Renzo habang tumatalon sa kama.Marahang inilayo ko ang katawan kay Rios na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin. "Beast." mahina kong sabi na nagpaangat ng kaniyang labi."That's how you greet your husband in the morning?" kunot ang noong tanong sa akin ni Rios. Nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga bisig, at parang sinadyang higpitan ang pagkakayakap sa akin para hindi ako tuluyang makalayo."Husband your face." masungit kong sabi. But damn! Sa kaloob-looban ko'y nanghihina na a
"'Nay!" malakas kong sigaw nang magising akong tanging puting kisame ang nasa harapan. "'Nay! Tatay!" umiiyak kong sigaw.Bigla ang pagbukas ng pinto, mula roon ay nakita ko ang pagpasok ng isang babaeng nakaputi. Kasunod nito ang lalaking may suot na salamin; nakasabit ang stethoscope sa leeg."Nasaan ang nanay ko? Si Tatay? Sino kayo?!" humahagulgol kong tanong. Inilibot ko ang tingin pero liban sa aming tatlo'y isang batang babae lamang ang nasa silid. "W-Willa, nasaan si nanay?""Ate..." umiiyak nitong tawag sa akin habang yakap ang maliit na teddy bear. "...'wag mo rin akong iiwan ah, gagaling ka di ba?" sabi pa nito habang umiiyak na lumapit sa akin."Nacheck ko na kanina ang lagay niya, Doc. So far, wala namang indikasyon na nasa peligro pa ang buhay niya. She's—.""Nasaan sila nanay?" mariin kong tanong sa nurse at doctor na tumitingin sa akin. Pero hindi nila ako pinapansin. Para ngang sinasadya nilang huwag akong pansinin. "I said, where are my parents?!" malakas kong sigaw