Share

Kabanata 5

"HEY!" tarantang sabi ni Rios nang magtuloy-tuloy ang pag-ubo ko.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod. Baba-taas ang kanang niyang kamay roon na ikinabawas ng pag-ubo ko.

"Ayos na ako." marahang kong sabi na ikinahinga niya nang marahas. Saglit akong natigilan nang mabungaran ang mukha ni Rios na halos ilang dangkal na lamang ang layo sa akin.

"Huwag kasing padalos-dalos sa pag-inom." pangaral niyang ikinatango ko na lamang. 

Ilang minuto lang ay kaagad nang bumalik si Rios sa kaniyang puwesto kanina. Magkatapat na naman kami't hindi nag-iimikan. Hindi na ako magtatataka kung matatapos ang gabing ito na panis na kaagad ang mga laway namin. God! Hindi ko alam kung sadyang tahimik siya o talagang hindi niya lang gusto ang magsalita kapag kasama ako.

Gaya nga ng sabi ko, nagkakausap naman kami. Ngunit pawang maiiksing usapan lang at kung kinakailangan. 

At kung hindi ako magsasalita ngayon, magmumukha kaming estatwang pwedeng i-display sa labas nitong villa.

"Renzo asked me to take you home with me. Ang sabi ng mga staffs mo'y nandito ka sa Odiongan dahil nga may delivery ka." Napaangat ang isa kong kilay nang marinig ang sinabi ni Rios. Akala ko'y magmimistulang kandali na lang akong maghihintay na matunaw sa buong magdamag dahil sa titig niya. Pero mabuti na lang at naisipan niyang magsalita. Kahit papaano'y nabawasan ang kaba ko.

Well, sino ba naman ako para hindi tablan diba? Babae ako, hindi naiiba sa mga babaeng humahanga sa mga lalaking may magandang hitsura't mabuting puso. Hindi ko nga lang alam kung mabuti talaga ang puso ng lalaking nasa harap ko. Pero ganoon pa man, hindi kami talo! I can be a mom to Renzo, but to be his partner, no thank you. Hindi pa naman ako baliw. 

I won't deny the fact that I'm attracted to him. Guwapo si Rios na kahit yata hindi ngumiti'y makukuhang modelo ng mga sikat na modelling company. Suplado ang hitsura nito na kahit sinong babae'y mangingiming lumapit, pero may nasa pa ring makuha ang atensiyon ng isang Ledesma.

"Ganoon ba, salamat."

"He forced me. Nalaman rin ni Lola kaya wala na akong magagawa kundi ang sumunod." Agap ni Rios sa pagpapasalamat ko. 

"Wala naman akong iniisip na kung ano." Sabi kong nakataas ang kilay. "Salamat pa rin."

Tipid na pagtango ang ginawa ni Rios bilang sagot sa sinabi ko. Baka akala niya'y iniisip kong kaya niya ako sinundo ay dahil may gusto siya sa akin. Kung malisyosa ako't patay na patay sa kaniya'y baka ganoon nga ang inisip ko, pero hindi eh. Unang beses ko pa lang siyang nakikita. May ilang araw pa lang na magkakilala kami. Kaya walang puwang si Rios sa puso ko. At hindi porke't ama siya ni Renzo ay dapat na magkaroon siya ng lugar puso ko, hindi. Sinong matinong ma-iinlove sa unang pagkikita? 

Love at first sight? Hindi naman iyon totoo. Ang dapat na tawag doon ay simpleng paghanga. Walang nang mas malalim na pangalang dapat itawag.

Eksaktong alas-siete'y sumindi ang mga ilaw. Pagkatapos niyo'y sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang nagpalinga sa amin ni Rios roon. Saglit niya akong tinitigan bago tumayo para siya na ang magbukas niyon. 

Isang staff ng resort ang napagbuksan ni Rios. "Sir, Ma'am, ayos lang po ba kayo? Hindi po kasi namin kaagad nabuksan ang generator, naubusan pala ng krudo."

"Ayos lang naman po kami. Mabuti nga't may ilaw na rin kahit papaano." Sagot ko sa staff ng resort. Naiintindihan ko naman kung bakit ngayon lang nila nabuksan ang generator. Malapit nga ang gasolinahan, baha naman at malakas pa rin ang ulan. Kaya talagang matatagalan ang mga ito.

"Mabuti po kung ganoon. Siya nga po pala, ipinabibigay po ni manager. Pasensiya raw po kung napaghintay kayo ng matagal." sabi pa nitong nakangiti bago iniabot ang isang plastik ng malalaking alimango.

"Thanks." maiksing sagot ni Rios bago kinuha ang alimango. Pagkatapos niyo'y kaagad na itong umalis para tumungo sa kusina. 

Napangiti na lamang ako ng tipid sa kaharap na staff. "Salamat." 

Nang makaalis ang lalaki'y agad na akong sumunod sa kusina. Mula roo'y nakita ko ang pabagsak na paglapag ni Rios sa dala. 

"Ayos ka lang?" mahina kong tanong na ikinatitig niya sa akin.

Hindi ko pinansin ang ginawa niyang iyon. Hinarap ko ang plastik ng alimango't inumpisahang hugasan iyon. Masarap sana iyong gataan kaya lang ay gabi na. Mahirap na't baka masira pa ang tiyan namin ni Rios.

Muli akong lumingon kay Rios. Pero tanging malamig na titig lang ang nakuha ko mula sa kaniya. He obviously doesn't want to answer me. 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Geez, hindi naman siya tuod, diba? 

"Sana umayos na ang panahon para makauwi na tayo. Namimiss ko na si Renzo." mahina kong sabi, sapat para umabot sa pandinig ni Rios.

"Ganoon rin siya sayo, kaya sana nga tumigil na ang pag-ulan." sagot ni Rios na ikinangiti ko. Akala ko'y nakikipag-usap na naman ako sa robot na bilang lang ang mga salitang lumalabas sa bibig.

Natapos ang buong gabing bilang lang sa mga daliri kung ilang beses kaming nag-usap. Hindi ko alam kung sadyang ganoon siya sa lahat o pinangingilagan niya lang ako. Ramdam ko kasing maingat siya sa mga salitang binibitiwan. 

Kinabukasa'y wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan. Mas tumindi pa nga yata kaysa kahapon. 

"Sabi ng napagtanungan ko'y may bagyo na naman." sabi sa akin ni Rios habang nag-aagahan kami.

"Ibig sabihin, hindi pa tayo makakauwi." nakasimangot kong sabi.

"Bakit parang ayaw mo yata akong kasama? Atat na atat kang umuwi." serysosong sabi ni Rios.

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ah, gusto ko lang makita na si Renzo. Ilang araw na rin tayong nandito sa resort."

Marahas na napabuntong-hininga si Rios. "Iyon ba talaga?"

Napatigil ako sa akmang pagnguya. Hindi ko alam kung anong gustong marinig ni Rios. Iyon naman talaga ang rason ko kung bakit gusto ko nang umuwi. Tiyak na nag-aalala na rin ang anak ko. Kaya niya nga inutusan si Rios na sunduin ako diba? "Ano bang gusto mong marinig?"

"Like, you misses someone, kaya gusto mo nang umuwi."

"Si Renzo nga, kaya atat na akong—,"

"I'm not talking about my son." 

Awtomatikong napaikot ang mga mata ko. "Wala akong nobyo, kung iyon ang ipinupunto mo."

"Admirer? Crush?"

"Wala."

"Why?"

"Kailangan ko pa bang sagutin?" kunot ang noong tanong ko nang muling magtanong si Rios.

"Of course." may ngising sagot niya sa akin.

"Sa pagkakatanda ko'y hindi naman tayo close. Kaya—,"

"Mommy ka ng anak ko. Kaya dapat lang na alam ko ang mga bagay na tungkol sayo." seryosong sabi ni Rios na ikinalunok ko. Kaagad akong napainom nang tubig. Mukhang hindi napansin ni Rios ang mga sinabi niya. "Gaano ba ka-close ang gusto mo para sagutin ang tanong ko?"

Halos manlaki ang mga mata ko nang tumayo si Rios. Nahigit ko ang paghinga nang ihawak niya ang kanang kamay sa sandalan ng inuupuan ko habang ang kaliwa'y nasa lamesa. "Ganito ba?" tanong niyang ilang dangkal na lang ang layo ng mukha sa akin.

Mabilis kong pinatigas ang ekspresiyon ng aking mukha. "Are you hitting on me?" tanong kong ikinatingin niya sa akin ng malamig.

"Is it okay to hit on you?" balik tanong niyang ikinamaang ko.

"Rios..."

"What? Bakit hindi mo masagot?"

"Seryoso ka ba?" tanong kong ikinangisi niyang muli. Akala ko'y nagbibiro lang si Rios. Akala ko'y pinagtitripan niya lang ako.

"Mukha ba akong nagbibiro? C'mon, is it okay? Wala namang magagalit diba? You said earlier na single ka and I am also single, wala naman sigurong masama roon." sabi niyang ikinatayo ko. Marahan akong lumayo sa kaniya. Pagkatapos ay uminom kaagad ako ng tubig. Mukhang hindi ko kinakaya ang mga sinasabi ni Rios. 

"Ang aga-aga pinagtitripan mo ako." matigas kong sabi habang dinadala ang mga pinagkainan namin sa lababo.

Isang malutong na pagtawa ang pinakawalan ni Rios. Ngayon ko lang siyang narinig na tumawa. Ewan ko ba, bigla'y parang gusto kong marinig ulit iyon.

"Hindi kita pinagtitripan Rhyna. Sa tingin mo bakit ko sinusunod ang utos ni Renzo?"

"Dahil pinilit ka niya gaya nang sabi mo."

"Dahil gusto kitang makilala." sabi ni Rios sa seryosong boses. "Gusto kong makilala ang babaeng tinatawag na Mommy ng anak ko. Ang babaeng una kong nakita sa cellphone ni Mildred. Ang babaeng pinahahalagahan ni Lola." mahaba niyang sabi. Mabilis kong inalala kung kailan ang pangyayaring nakita niya ako. Parang isang bombilyang umilaw sa ulo ko ang pangyayaring nabangga ko si Ate Mildred noon. Iyon siguro ang pagkakataong nakita ako ni Rios.

"Akala ko pa nama'y pinaimbestigahan mo na ako."

"Why would I do that? Tiyak na malalagot ako kay Lola kapag ginawa ko iyon." sagot ni Rios.

"Takot ka kay Lola Clara? Mabait naman—,"

"Hindi ako takot sa kaniya. Natatakot ako sa gusto niyang mangyari."

"Ano naman iyon?" tanong kong ikinaiwas niya nang tingin

"Hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status