Mag-log inNoong mga nakaraan, hindi na magdadalawang-isip si Katreese. Agad siyang susugod, nag-aalab ang galit, at hihingi ng paliwanag nang harapan. Hindi siya kailanman naging uri ng babaeng tahimik na nilulunok ang sama ng loob, lalo na pagdating sa pagtataksil.
Pero hindi na ngayon. Hindi na kailanman. Nakita na niya ang lahat, sarili niyang mga mata ang saksi sa mga nangyari. Ang paraan ng pagtingin ni Travis kay Trina, ang lambing na hindi niya kailanman maikakaila, at kung paano nito inalagaan ang bata na para bang iyon na ang sentro ng kanyang mundo. Ang eksenang iyon ay tila nakaukit na sa kanyang alaala—malalim, malinaw, at imposibleng burahin. Malinaw na malinaw na ngayon kay Katreese na nagbago na si Travis. Naligaw na ang puso nito, at nabasag na ang katapatan. Kahit pa may isa pang batang namamagitan sa kanila, kahit pa may natitirang bakas ng kanilang nakaraan, hindi na kailanman maibabalik ang dati. At hindi na niya kailanman tatanggapin ang lalaking mas pinili siyang saktan kaysa pahalagahan. Hinding-hindi na! Ngunit kahit pa humantong sila sa hiwalayan, hinding-hindi niya hahayaang makaalis si Trina at ang anak nito nang walang kapalit, na parang walang nangyari. May malamig at kontroladong ekspresyon sa mukha, lumapit si Katreese at umupo sa tapat ni Travis. Masyadong kalmado ang bawat galaw niya, ngunit ang lamig sa kanyang mga mata ay nagsisiwalat ng unos na kinikimkim niya. Nanatiling hindi nagagalaw ang mangkok ng sabaw ng isda sa harap niya. Sa halip, matalim siyang tumitig kay Travis. “TJ,” malamig niyang saad, matatag ngunit nagyeyelo ang tinig, “ako ang nagtatag ng kumpanyang ito mula sa wala. Hindi ako papayag na ibigay mo ang shares ko kay Trina.” Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy, bawat salita ay mabigat at sinadya. “Ayoko nang madagdagan pa ang gusot sa pagitan natin. Ikaw ang nagtaksil sa ating dalawa, ‘di ba? Kaya maghihiwalay na tayo…. Bukod sa original na ari-arian ng pamilya Ruscav, gusto kong kunin lahat ng pinagsikapan natin—bago man o habang kasal tayo.” Isang bagsakan niya itong sinabi, walang pag-aalinlangan sa kanyang tono. Ang dating lambot niya ay naglaho na. Ang pumalit ay ang matalim, matibay na babaeng dati niyang kinakatawan—ang Katreese na walang takot na lumaban sa malupit na mundo ng negosyo. Sandaling natigilan si Travis. Sa isang iglap, para bang nakita niyang muli ang babaeng minsang tumayo sa tabi niya, magkasamang hinarap ang napakaraming unos. Ngunit limang taon na ang lumipas, at napakaraming nagbago. Muling naging walang pakialam ang kanyang ekspresyon. Tahimik niyang kinuha ang tinidor at naglagay ng isang piraso ng karne sa walang laman na mangkok ni Katreese, na para bang walang mabigat na usapan ang naganap. “Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga bagay na ‘yan,” kalmado niyang sabi. “Alam kong nasasaktan ka. Pero gaya nga ng sabi ng doktor, kailangan mong kumain sa tamang oras. Huwag mong sayangin ang ilang buwang pag-aalaga mo sa sarili mo.” Sumulyap si Katreese sa karne sa kanyang mangkok. Isang malamig at mapait na tawa ang kumawala sa kanyang labi. “TJ, tinitingnan pa lang kita—nasusuka na ako sa’yo. Wala akong ganang kumain.” Natigilan si Travis, saka dahan-dahang tumingala. Nagtama ang kanilang mga mata. Sa makitid at madilim nitong mga mata, bahagyang sumilip ang pagkainip, bahagyang kumunot ang noo. Samantalang si Katreese, hindi umatras ni kahit kaunti, walang bakas ng pag-aalinlangan o pagsuko. Mula nang malaman niya ang katotohanan, malinaw na ang kanyang pasya. Hindi na siya muling magpapakababa para sa lalaking ito. Lalong bumigat ang hangin sa pagitan nila. This meal was destined to end in bitterness. Bahagyang napabuntong-hininga si Travis, ibinaba ang kutsara’t tinidor at pinisil ang sentido. “Noong panahong iyon, ikaw ang nag-angat sa mga senior executives. Natural na hindi sila nagtitiwala kay Trina. Nang ipasa mo sa kanya ang kumpanya, hindi ba’t gusto mong matuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa?” Saglit siyang tumigil bago nagdagdag, “Giving her shares was simply to strengthen her position, so she could manage the company more effectively on your behalf.” Mahinang napatawa si Katreese, isang mapanuyang tawa. “Mukhang maganda naman ang paliwanag mo,” malamig niyang tugon. “Pero matapos makuha ang mga shares, ano ang ginawa ni Trina? Isa-isa niyang pinalayas ang mga taong ako mismo ang nagpalaki at nagturo!” “Katreese, limang taon kang nawala sa kumpanya,” sagot ni Travis, bahagyang nakakunot ang noo. “Hindi pwedeng walang pagbabago sa isang kumpanya sa loob ng limang taon. Huwag kang magpadala sa emosyon gaya ng dati, kailangan mong maging malinaw sa tama at mali.” Nagliyab ang galit sa mga mata ni Katreese. “Ako ang hindi marunong kumilala ng tama at mali?” matalim niyang balik. “O si Trina ang walang utang na loob, dahil alam niyang nasa likod ka niya?!” Tumaas ang boses niya habang bigla siyang tumayo, ngunit sa mismong sandaling iyon, umikot ang kanyang paningin. Biglang bumigat ang kanyang ulo. Nahihilo siya. “Katreese!” Mabilis na kumilos si Travis at nasalo ang katawan niyang bumigay. Habang nanlalabo ang kanyang paningin, narinig niyang tinatawag ni Travis si Manang Linda at inuutusan ang drayber na ihanda ang sasakyan papuntang ospital. Nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang pagbubuntis, biglang kumabog nang malakas ang kanyang puso. “Hindi pwede…” sabi niya sa sarili. Pinilit niyang manatiling gising at mahigpit na hinawakan ang kuwelyo ng lalaki. Napahinto si Travis at tumingin sa kanya. “W-what’s wrong? A-are you okay?” Maputla ang mukha niya, at bahagyang nakakunot ang kanyang noo. “A-ayokong… p-pumunta sa ospital…” mahina niyang bulong. “Hindi ito ang tamang oras para magmatigas ka, Katreese Ruscav!” asik sa kanya ng lalaki. “Hindi ako nagmamatigas.…” pilit niyang sabi, lalo pang hinigpitan ang hawak. “It’s… it’s just low blood sugar. Dati ko na itong pinoproblema… ‘wag mo nang palakihin, please…” Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Travis. Matapos ang sandaling pag-aalinlangan, dinala niya si Katreese paakyat sa itaas. “Manang Linda, initin mo ang pagkain at dalhin dito sa kwarto,” utos niya. “Opo,” mabilis na tugon naman nito. Sa master bedroom sa itaas, maingat na inilapag ni Travis si Katreese sa kama. Sumandal siya sa headboard at pinisil ang kanyang sentido. Unti-unti nang humuhupa ang hilo, ngunit nananatili ang panghihina sa kanyang katawan, bunga ng emosyon at pagod. Umupo si Travis sa gilid ng kama, tahimik na pinagmamasdan ang kanyang maputlang mukha. “Hindi ka na naman ba kumain kanina?” tanong niya. Saglit na natigilan si Katreese. Pagkatapos, itinaas niya ang tingin at malamig na sinalubong ang mga mata ni Travis. “Anong klaseng asawa ang makakakain matapos malaman na nagloko ang kanyang asawa, at may anak pa sa iba?” Natigilan si Travis nang marinig ang sinabi ni Katreese. “Sinabi mong nasa abroad ka para sa business trip,” patuloy niya, matalim ang tono. “Pero nasa ibang bahay ka lang pala, ipinagdiriwang ang kaarawan ng batang ‘yon kasama si Trina.” Bahagyang kumunot ang noo ni Travis. “Paano mo nalaman ang tungkol d’yan? Inimbestigahan mo ba ako?” Mapanlait na ngumiti si Katreese. “May lakas ka ng loob na itago ang kabit at anak mo roon, pero natatakot kang malaman ko? O iniisip mong habambuhay mo akong maloloko?” Naging komplikado ang ekspresyon ni Travis. “Hindi ko balak itago ito habambuhay. Medyo komplikado ang sitwasyon… ipapaliwanag ko rin sa’yo sa tamang panahon.” “Ipapaliwanag?” nanginginig sa galit ang boses niya. “Tinatawag ka ng batang ‘yon na ‘Daddy.’ Si Trina naman ang ‘Mommy.’ Kamukha mo pa siya. Ano pa ang kailangang ipaliwanag do’n?!” Humihingal siya habang nagsasalita. “Ipapaliwanag mo ba na hindi mo sinadyang lokohin ako? O na hindi kayo nagsama ni Trina matapos mamatay ang mga anak natin?!” Habang nagsasalita siya, lalo siyang nawawala sa kontrol. Sa isang iglap, itinaas niya ang kanyang kamay. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong silid. Napaling ang ulo ni Travis, at agad na nagdilim ang kanyang mukha. “Katreese, limang taon na! Hindi ka pa ba tapos sa kabaliwan mo?!” galit niyang sigaw, mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso. “Iba si Ranran sa mga anak natin. Wala siyang kinalaman—” “Walang kinalaman?” mapait na tumawa si Katreese, namumula ang mga mata. “Travis, limang taong gulang na ang batang ‘yon!” Nabasag ang kanyang boses sa sakit. “Apat na buwan lang ang tanda niya sa mga anak ko! Noong ipinagdiriwang mo ang kaarawan niya, naisip mo ba ang mga anak natin?!” Napuno ng luha ang kanyang mga mata, ngunit lalo pang tumindi ang kanyang sigaw. “Wala siyang kasalanan? Eh ang mga anak natin?! Karapat-dapat ba silang mamatay?! Nakalimutan mo na bang namatay sila dahil sa’yo?! Dahil ‘yon sa’yo—!” Ang huling sigaw niya ay tila hinugot mula sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Isang sigaw ng isang ina. Isang paratang na puno ng sakit. Limang taon na ang nakalipas, si Travis ang target ng kidnapping. Ngunit sa huli, ang kanilang mga anak ang nagbayad ng lahat. Sa loob ng limang taon, kinain si Katreese ng pagsisisi. Bawat gabi, binabangungot siya, paulit-ulit na iniisip kung paano niya sana nailigtas ang mga anak niya. Nasira siya. Nawala ang sarili niya. Ngunit kahit kailan, hindi niya sinisi si Travis. Dahil minsan, nakita niya ito—nag-iisa sa kwarto ng kanilang mga anak, tahimik na umiiyak. At naniwala siya na mahal din nito ang kanilang mga anak tulad ng pagmamahal niya. Hanggang sa araw na nakita niya itong yakap ang ibang bata nang buong lambing. Doon niya napagtanto na lahat ay ilusyon lang. Isang hangal at desperadong ilusyon. Tulad ng dati, nagtapos ang kanilang pagtatalo sa pagtalikod ni Travis. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Katreese ang kanyang sarili. “TJ,” tawag ni Katreese, paos ngunit matatag ang boses, namumula ang mga mata habang nakatitig sa papalayong likod nito. “I want a divorce.” Bawat salita ay mabigat. “And I will never forgive you—or kahit si Trina pa.” Saglit lamang na huminto si Travis. Pagkatapos, tuluyan na siyang umalis ng hindi lumilingon. Tatlong araw siyang hindi umuwi matapos ang gabing iyon. At wala nang pakialam si Katreese sa kanya. Nakapagdesisyon na siya. Wala nang dahilan para malaman pa nito ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Tahimik niyang itinago ang resulta ng pregnancy test at nagsimulang magplano. Pagkatapos ng divorce, aalis siya ng bansa. Doon siya manganganak. At sa natitirang bahagi ng kanyang buhay ay palalakihin niya ang kanyang anak nang mag-isa, at magsisimulang muli.Makalipas ang ilang segundo, nagpatuloy si Aira, "Hindi ako mapakali kaya bumaba rin ako ng kotse. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari. Ikaw mismo ang nagsabing nasa ibang lugar na siya para may hanapin, kaya bakit biglang nandito pa pala siya sa maynila? Pagpasok ko sa villa, si Assistant Florez lang ang nasa unang palapag. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Tinanong ko siya kung bakit naroon si Kaori, pero pautal-utal lang siya at ayaw magsalita. Lalong uminit ang ulo ko kaya dumiretso ako sa itaas, at alam mo ba kung ano ang nakita ko?"Mahigpit na napahawak si Katreese sa kanyang telepono."Nakita kong lumabas si Kaori mula sa master bedroom ninyo habang may hinihilang maleta."Nanigas ang mukha ni Katreese sa narinig niya."Ang sabi niya, kumuha lang daw siya ng mga damit para kay Travis! Siya pa talaga ang kumuha ng mga damit niya! Halos hindi ako makapaniwala! Tinanong ko kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Travis at bakit siya ang gumagawa ng mga
"Kagigising lang po ni Boss kanina, pero dahil mahina pa rin ang katawan niya, muli siyang nakatulog. Sabi naman po ng doktor na normal lang iyon. Kailangan pa ng sapat na panahon para tuluyang makabawi ang kanyang katawan. Kung magiging maayos ang lahat, maaari na siyang ma-discharge pagkalipas ng halos dalawang linggo."Napangiti si Katreese nang marinig ang balitang iyon. Sa wakas, unti-unting nawala ang matagal ng bumabagabag sa kanyang isipan.Ligtas na si Travis, at higit sa lahat, magkakaroon pa rin ng ama ang kanyang mga anak.Tungkol naman sa usapin ng kanilang divorce, hindi na muna ito muling binanggit ni Katreese. Naisip niyang kapag tuluyan nang nakarekober si Travis at nakapunta sa probinsya, saka na lamang nila ito pag-uusapan nang harapan.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagtungo sina Katreese at Santi sa ospital para sa kanyang prenatal checkup sa ika-dalawampu't walong linggo ng kanyang pagbubuntis.Lumabas sa resulta na nadagdagan siya ng 2 pounds. Bihirang-bihirang pur
Ngunit patuloy lamang ang bata sa pag-iyak. "Auntie… gusto ko si Auntie…"Dinala niya si Isha pabalik sa kama. Mabigat man sa kanyang katawan, buong tiyaga niyang binuhat ang bata at kinandong ito.Nanginginig pa rin sa paghikbi ang maliit nitong katawan. Kumuha siya ng tissue at maingat na pinunasan ang mga luha nito."May mahalagang aasikasuhin lang si Auntie, pero babalik din siya. Magpakabait ka muna, okay? Kapag umiiyak ka, nalulungkot si Mommy… at siguradong malulungkot din ang auntie mo.""Gusto ko... si Auntie..." Paos na paos ang munting tinig ni Isha.Nangilid ang lungkot sa mga mata ni Katreese. Pagkagising pa lamang ng bata, si Kaori agad ang hinanap nito.Sa loob ng limang taon, si Kaori ang naging sandigan at nag-alaga sa bata. Sa biglaang pagkawala nito, nawala rin ang pakiramdam ng seguridad ni Isha.Mahinahon siyang nagpatuloy sa pag-alo sa anak, "Good girl si Isha, hindi ba? Babalik si Auntie, at sasamahan ka ni Mommy habang hinihintay natin siya."Bahagyang ngumuso
Pagkauwi ni Katreese kasama si Isha, agad siyang tinawagan ni Assistant Florez.Mahimbing pa ring natutulog si Isha kaya maingat siyang binuhat nina Katreese at Clark paakyat sa silid ng mga bata. Sumunod naman si Manang Linda upang bantayan at alagaan ang bata.Naupo si Katreese sa sofa at marahang hinimas ang sumasakit niyang ibabang likod."Ano'ng nangyari, Assistant Florez?""Madam, tumawag ako para sabihin sa’yo ang magandang balita!"Natigilan si Katreese at agad na napatuwid ng upo. "Nagising na ba si Travis?""Hindi pa po," masiglang sagot ni Assistant Florez. "Pero nagkaroon ng konsultasyon ang doktor at ang ilang pinakamahusay na neurosurgeon ngayong araw. Nakabuo sila ng panibagong plano para sa operasyon. Kapag naging matagumpay ito, mas malaki ang posibilidad na magising si Boss."Napakagat-labi si Katreese. "Mapanganib ba ang operasyon?""May panganib pa rin po. Ang pinakamasamang posibleng mangyari ay hindi na siya magising habang-buhay at manatili na lamang sa vegetati
Napakatatag ng pasya ni Kaori at mukhang wala na talaga itong balak bumalik. Dahil ganoon kalaki ang pagdepende ni Isha rito, mahaba-habang panahon pa ang gugugulin ni Katreese upang tuluyang mapawi ang takot ng bata.Pagkapasok sa loob ng villa, inakay ni Katreese si Isha papunta sa sofa.Napakalakas ng hangin sa labas at mahina pa ang katawan ng bata. Matapos umiyak nang matagal habang nasa malamig na panahon, hindi nito mapigilang umubo ng sunod-sunod.Labis na nag-alala si Katreese at naalala niyang may allergic asthma ang anak. Agad niyang inutusan si Manang Linda na kunin ang inhaler at gamot nito sa itaas.Matapos maibigay ang gamot, hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Isha. Hinawakan ni Katreese ang noo nito at medyo mainit ito.Sa labas, tuluyan ng nagdilim ang kalangitan. Sunod-sunod na bumagsak ang malalaking patak ng ulan sa mga bintana ng villa.Nagliwanag ang buong bahay dahil sa mga ilaw, ngunit lalo lamang naging kapansin-pansin ang sobrang pamumutla ng mukha ni Isha
Sumakay si Kaori sa isang taxi. Dahan-dahang umikot ang kotse bago tuluyang umalis.Gustong habulin ni Isha si Kaori, ngunit napakabilis umalis ng sasakyan. Samantalang napakaliit at napakahina naman niya.Hinawakan siya ni Manang Lilya at may sinasabi, ngunit wala siyang narinig ni isang salita.Ang alam lang niya ay umalis na si Kaori, at sumakay ito sa isang sasakyan na hindi man lang siya isinama.Sa kanyang mga mata, unti-unting lumiit ang puting kotse hanggang sa tuluyan itong naglaho sa kanyang paningin."Auntie..." Nanigas ang maliit niyang katawan sa malamig na hangin.Iniwan na siya ni Kaori. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sandali bago ito umalis. Napakahigpit ng yakap ni Kaori sa kanya na halos hindi na siya makahinga.Ngunit hindi siya nagpumiglas. Ang gusto niya ay habambuhay na siyang yakapin ni Kaori nang ganoon.Ngunit sa huli, binitiwan pa rin siya nito."Isha, magpakabait kang mabuti kasama ang Mommy mo, at kalimutan mo na rin ako." Iyon ang mga hul
Lumakad pasulong si Trina, suot ang isang mamahaling business suit na perpektong tinahi upang idiin ang kanyang balingkinitang pangangatawan. Ang mahaba niyang buhok na kulay cool-toned brown ay marahang bumabagsak sa kanyang mga balikat sa malalambot na alon, bahagyang umiindayog sa bawat kumpiyan
“Daddy, can you hear me?” maingat na hinila ni Ranran ang kamay ni Travis, bahagyang nakatingala habang umaasa. “Daddy, gusto ni Ranran ng chocolate cake…”Bahagyang umiwas ng tingin si Travis, saka ibinaba ang ulo upang titigan ang bata.Mahinahon ngunit mariin ang kanyang boses. “Kakagaling mo la
Noong una, mariing tumanggi si Aira na paniwalaan ang lahat. Hindi siya makuntento sa mga haka-haka lamang, kaya determinado siyang alamin ang katotohanan gamit ang sarili niyang mga mata. Walang pag-aalinlangan, sinundan niya si Katreese hanggang sa makarating sila sa isang garden.Nandoon pa rin
“Daddy… natatakot ako. Ayoko ng injection!”Bahagyang itinaas ng maliit na bata ang kanyang baba habang umiiyak, at tuluyang lumitaw ang kanyang basang mukha.Biglang tumigil ang paghinga ni Katreese. Hindi niya maialis ang kanyang tingin sa mukha ng bata.Ang mukhang iyon ay halos kaparehong-kapar







