LOGINMakalipas ang ilang segundo, nagpatuloy si Aira, "Hindi ako mapakali kaya bumaba rin ako ng kotse. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari. Ikaw mismo ang nagsabing nasa ibang lugar na siya para may hanapin, kaya bakit biglang nandito pa pala siya sa maynila? Pagpasok ko sa villa, si Assistant Florez lang ang nasa unang palapag. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Tinanong ko siya kung bakit naroon si Kaori, pero pautal-utal lang siya at ayaw magsalita. Lalong uminit ang ulo ko kaya dumiretso ako sa itaas, at alam mo ba kung ano ang nakita ko?"Mahigpit na napahawak si Katreese sa kanyang telepono."Nakita kong lumabas si Kaori mula sa master bedroom ninyo habang may hinihilang maleta."Nanigas ang mukha ni Katreese sa narinig niya."Ang sabi niya, kumuha lang daw siya ng mga damit para kay Travis! Siya pa talaga ang kumuha ng mga damit niya! Halos hindi ako makapaniwala! Tinanong ko kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Travis at bakit siya ang gumagawa ng mga
"Kagigising lang po ni Boss kanina, pero dahil mahina pa rin ang katawan niya, muli siyang nakatulog. Sabi naman po ng doktor na normal lang iyon. Kailangan pa ng sapat na panahon para tuluyang makabawi ang kanyang katawan. Kung magiging maayos ang lahat, maaari na siyang ma-discharge pagkalipas ng halos dalawang linggo."Napangiti si Katreese nang marinig ang balitang iyon. Sa wakas, unti-unting nawala ang matagal ng bumabagabag sa kanyang isipan.Ligtas na si Travis, at higit sa lahat, magkakaroon pa rin ng ama ang kanyang mga anak.Tungkol naman sa usapin ng kanilang divorce, hindi na muna ito muling binanggit ni Katreese. Naisip niyang kapag tuluyan nang nakarekober si Travis at nakapunta sa probinsya, saka na lamang nila ito pag-uusapan nang harapan.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagtungo sina Katreese at Santi sa ospital para sa kanyang prenatal checkup sa ika-dalawampu't walong linggo ng kanyang pagbubuntis.Lumabas sa resulta na nadagdagan siya ng 2 pounds. Bihirang-bihirang pur
Ngunit patuloy lamang ang bata sa pag-iyak. "Auntie… gusto ko si Auntie…"Dinala niya si Isha pabalik sa kama. Mabigat man sa kanyang katawan, buong tiyaga niyang binuhat ang bata at kinandong ito.Nanginginig pa rin sa paghikbi ang maliit nitong katawan. Kumuha siya ng tissue at maingat na pinunasan ang mga luha nito."May mahalagang aasikasuhin lang si Auntie, pero babalik din siya. Magpakabait ka muna, okay? Kapag umiiyak ka, nalulungkot si Mommy… at siguradong malulungkot din ang auntie mo.""Gusto ko... si Auntie..." Paos na paos ang munting tinig ni Isha.Nangilid ang lungkot sa mga mata ni Katreese. Pagkagising pa lamang ng bata, si Kaori agad ang hinanap nito.Sa loob ng limang taon, si Kaori ang naging sandigan at nag-alaga sa bata. Sa biglaang pagkawala nito, nawala rin ang pakiramdam ng seguridad ni Isha.Mahinahon siyang nagpatuloy sa pag-alo sa anak, "Good girl si Isha, hindi ba? Babalik si Auntie, at sasamahan ka ni Mommy habang hinihintay natin siya."Bahagyang ngumuso
Pagkauwi ni Katreese kasama si Isha, agad siyang tinawagan ni Assistant Florez.Mahimbing pa ring natutulog si Isha kaya maingat siyang binuhat nina Katreese at Clark paakyat sa silid ng mga bata. Sumunod naman si Manang Linda upang bantayan at alagaan ang bata.Naupo si Katreese sa sofa at marahang hinimas ang sumasakit niyang ibabang likod."Ano'ng nangyari, Assistant Florez?""Madam, tumawag ako para sabihin sa’yo ang magandang balita!"Natigilan si Katreese at agad na napatuwid ng upo. "Nagising na ba si Travis?""Hindi pa po," masiglang sagot ni Assistant Florez. "Pero nagkaroon ng konsultasyon ang doktor at ang ilang pinakamahusay na neurosurgeon ngayong araw. Nakabuo sila ng panibagong plano para sa operasyon. Kapag naging matagumpay ito, mas malaki ang posibilidad na magising si Boss."Napakagat-labi si Katreese. "Mapanganib ba ang operasyon?""May panganib pa rin po. Ang pinakamasamang posibleng mangyari ay hindi na siya magising habang-buhay at manatili na lamang sa vegetati
Napakatatag ng pasya ni Kaori at mukhang wala na talaga itong balak bumalik. Dahil ganoon kalaki ang pagdepende ni Isha rito, mahaba-habang panahon pa ang gugugulin ni Katreese upang tuluyang mapawi ang takot ng bata.Pagkapasok sa loob ng villa, inakay ni Katreese si Isha papunta sa sofa.Napakalakas ng hangin sa labas at mahina pa ang katawan ng bata. Matapos umiyak nang matagal habang nasa malamig na panahon, hindi nito mapigilang umubo ng sunod-sunod.Labis na nag-alala si Katreese at naalala niyang may allergic asthma ang anak. Agad niyang inutusan si Manang Linda na kunin ang inhaler at gamot nito sa itaas.Matapos maibigay ang gamot, hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Isha. Hinawakan ni Katreese ang noo nito at medyo mainit ito.Sa labas, tuluyan ng nagdilim ang kalangitan. Sunod-sunod na bumagsak ang malalaking patak ng ulan sa mga bintana ng villa.Nagliwanag ang buong bahay dahil sa mga ilaw, ngunit lalo lamang naging kapansin-pansin ang sobrang pamumutla ng mukha ni Isha
Sumakay si Kaori sa isang taxi. Dahan-dahang umikot ang kotse bago tuluyang umalis.Gustong habulin ni Isha si Kaori, ngunit napakabilis umalis ng sasakyan. Samantalang napakaliit at napakahina naman niya.Hinawakan siya ni Manang Lilya at may sinasabi, ngunit wala siyang narinig ni isang salita.Ang alam lang niya ay umalis na si Kaori, at sumakay ito sa isang sasakyan na hindi man lang siya isinama.Sa kanyang mga mata, unti-unting lumiit ang puting kotse hanggang sa tuluyan itong naglaho sa kanyang paningin."Auntie..." Nanigas ang maliit niyang katawan sa malamig na hangin.Iniwan na siya ni Kaori. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sandali bago ito umalis. Napakahigpit ng yakap ni Kaori sa kanya na halos hindi na siya makahinga.Ngunit hindi siya nagpumiglas. Ang gusto niya ay habambuhay na siyang yakapin ni Kaori nang ganoon.Ngunit sa huli, binitiwan pa rin siya nito."Isha, magpakabait kang mabuti kasama ang Mommy mo, at kalimutan mo na rin ako." Iyon ang mga hul
“Daddy, can you hear me?” maingat na hinila ni Ranran ang kamay ni Travis, bahagyang nakatingala habang umaasa. “Daddy, gusto ni Ranran ng chocolate cake…”Bahagyang umiwas ng tingin si Travis, saka ibinaba ang ulo upang titigan ang bata.Mahinahon ngunit mariin ang kanyang boses. “Kakagaling mo la
Noong una, mariing tumanggi si Aira na paniwalaan ang lahat. Hindi siya makuntento sa mga haka-haka lamang, kaya determinado siyang alamin ang katotohanan gamit ang sarili niyang mga mata. Walang pag-aalinlangan, sinundan niya si Katreese hanggang sa makarating sila sa isang garden.Nandoon pa rin
“Daddy… natatakot ako. Ayoko ng injection!”Bahagyang itinaas ng maliit na bata ang kanyang baba habang umiiyak, at tuluyang lumitaw ang kanyang basang mukha.Biglang tumigil ang paghinga ni Katreese. Hindi niya maialis ang kanyang tingin sa mukha ng bata.Ang mukhang iyon ay halos kaparehong-kapar
Sa isang maalinsangang gabi ng tag-init, nababalot ng malabong liwanag ang master bedroom, at ang malawak na kama ay tila lumulubog sa anino ng silid.Marahang sumasayaw ang manipis na kurtina sa ilalim ng maputlang liwanag ng buwan. Sa katahimikan ng gabi, magkasabay na gumagalaw ang kanilang mga







