Share

Chapter 26 Realizations

"Ateng, lalake ang anak mo!" napapapalatak na sambit ng kinakapatid.

Parang kuryenteng bumalot sa kanyang katawan ang mga katagang binitiwan ni Clifford, dahil may kung anong kaba ang naidulot nito.

"Mabuti pa, padedehen mo na siya" galak na sambit ni Porsya habang hinihele ito.

Umalingawngaw sa kanyang tenga ang tinig ng ilang nagtatawanan sa paligid, kahit wala naman lumilikha ng ganoon ingay doon.

Para bang isang kidlat na lang na lumitaw sa kanyang isipan ang ilang alaala nang araw na ibinigay niya ang sariling puri para sa pera,

Tila napalitan sa kanyang pandinig ng sigaw at hiyawan ng mga tao ang iyak ng mumunting sanggol na para bang naroon lang ang mga ito.

Ganoon na lang tuloy ang kanyang panginginig nang itabi sa kanya ng kinakapatid ang bagong silang na bata.

"Hoy ateng, ayos ka lang ba?" Kunot noong pansin na lang ang kinakapatid niya sa kanyang inasal.

 <

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status