Share

Kabanata 4

Penulis: Pxnxx
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-22 17:54:03

MALAKAS ang hanging tumatama sa aking mukha. Nasa bangka pa rin kami ni Raul at hanggang ngayo'y hindi pa nakakarating sa Isla Paradiso; ang islang pagmamay-ari ng aking pamilya. Hindi naman kalayuan ang isla pero parang sinasadya ni Raul na ihinto ng paulit-ulit ang bangka. Nakakairita!

"Kailan mo ba ititigil iyang ginagawa mo?!" Irita kong tanong na ikinangisi niya lamang. Napakasarap lunurin ng lalaking ito. Kung hindi ko lamang siya crush baka kanina ko pa iyon ginawa. 

"Sadyang tumitigil mag-isa ang makina. 'Wag kang mag-isip ng kung ano riyan." Pasupladong sagot niya sa akin. Nakakainis. Napakasakit na sa balat ng sikat ng araw. Namumula na rin ang pisngi ko dahil doon at sa pagkainis sa lalaking kasama ko ngayon. 

"Bakit ba kasi ito ang ginamit mong bangka?!" Malakas ko pa ring sigaw bago itinaas ang cellphone upang makasagap ng signal. Nang walang makuhang signal ay inis kong ipinasok sa bulsa ang aking cellphone at nagdadabog na hinubad ang life jacket. 

Nasa gitna kami ng dagat sa pagitan ng aming resort at Isla Paradiso. Masyado nang malayo ang resort at may ilang minuto pa ang tatakbuhin ng bangka para naman makarating sa kabilang isla.

"Kung pumayag ka lang sana na tulungan ako sa pagsagwan malamang nasa kabilang isla na tayo!" Sabi ni Raul na magkasalubong ang kilay. "O kaya nama'y sumabay ka na dapat sa ibang pupunta roon kanina. Napakaarte mo kasi!" Dagdag pa niya na ikinalaki ng aking mga mata. Sumusobra naman yata siya sa mga binibitiwan niyang salita!

"Kasalanan ko bang hindi ako marunong magsagwan?" Taas ang kilay na sabi ko. Gago ba siya? Oo, may kaartehan ako sa katawan. Pero totoong wala akong alam sa pagsasagwan! At sa liit kong ito, sa tingin niya ba makakaya ko ang pinapagawa niya?

Naiiling na muling binuhay ni Raul ang makina. Pero wala pa ring nangyayari. Pupugak-pugak na umandar saglit ang bangka pagkatapos ay kaagad ring tumigil. 

"Damn it!" Mariing sabi ni Raul na ikinagulat ko. Bakit ba galit na galit siya?! Alam kong nakakainis na ma-stranded kami rito sa gitna ng dagat. Pero kailangan bang magalit siya ng todo? 

"Ano bang problema mo?" I asked. Hindi niya ako sinagot. Nakatanaw lamang siya sa malayo. "Bwisit..."

"Jump," mariin niyang bulong sa akin habang nakatingin pa rin sa malayo. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Isang paparating na bangkang de-motor ang nakita ko. Kaagad akong napangiti dahil doon. 

"Alex, jump, now!" Mariin at galit na sabi ni Raul. Pansin ko ang pagdilim ng kaniyang mukha habang nakatitig siya sa akin. 

"At bakit naman kita susundin, aber?" Mataray kong sabi na ikinaigting ng kaniyang mga panga. "Hindi mo ba nakikita, may tutulong na sa atin ngayon." Dagdag ko pa sabay iwas ng tingin. Gago ka Raul, bakit ba napakagwapo mo?

"I said jump!" Malakas niyang sabi sabay tutok ng baril sa akin. Hindi ako makagalaw. Parang bumalik sa isip ko ang nangyari noon sa pamilya ko. 

"What the—ano'ng ibig sabihin nito?" Nanlalaki ang matang tanong ko habang napapaatras. Shit! What is happening?

"Tatalon ka o mamamatay tayong dalawa ngayon?" Seryosong sabi niya sabay tingin sa bangkang paparating. Medyo may kalayuan pa ito. Hindi ko masyadong maaninag ang sakay pero alam kong may nakatayo roon at nakatingin sa amin. 

"Anong ibig mong sabihin?" Nahihintakutan kong tanong. 

Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng tapang nang kasahin ni Raul ang baril bago muling itinutok sa akin. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka para sa akin talaga ang baril na iyon?

"Tumalon ka na Alex. Pareho tayong mamamatay kapag hindi mo ako sinunod!" Sabi niyang muling ikinakunot ng aking noo. Natatakot ako kay Raul, pero bakit parang iba naman ang gusto niyang iparating sa akin? Maging ang mga mata niya'y nakikiusap na gawin ko ang utos niya. 

"Gago ka ba? I can't swim!" Masama ang tinging sabi ko sa kaniya. 

"Damn! I guess I don't have a choice." Sabi niya sabay kalabit sa gatilyo ng baril. Isang malakas na tili ang lumabas sa bibig ko kasabay ng paghapdi ng aking kanang balikat. 

"Fuck!" Sigaw ko nang hawakan niya ang dumudugo kong balikat. Nanlalaki ang matang nakatitig ako sa kaniya. Pero malamig lamang siyang nakatingin sa akin. 

"I'm sorry, but I have to do this." Sabi niya bago niya ako dinala sa dulo ng bangka. Shit! Nagtataasan ang aking mga balahibo. Triple na rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa isiping hindi ako marunong lumangoy. Dagdag pa ang walang tigil na pagdaloy ng dugo ko. 

"No, please. I can't swim." Pakiusap ko.

"Don't die," bulong ni Raul sa akin bago niya ako itinulak. Tila naging slow motion ang lahat. Naramdaman ko lang ang pagyakap ng tubig-dagat sa aking katawan. Bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko pa ang pagbaril ni Raul malapit sa kinahulugan ko. Hindi ko alam kung hindi niya lang talaga ako tinamaan o sinandya niyang 'wag akong patamaan. 

Pilit kong iniaangat ang aking sarili. Napakalalim ng dagat. Hindi ako marunong lumangoy. At paniguradong walang tutulong sa akin. Unti-unti na akong kinakapusan ng hininga. Makailang beses na rin akong nakainom ng tubig-dagat. Ilang minuto akong nagkakampay at pilit na isinasalba ang sarili. Ilang minuto pa'y sumuko na rin ako. 

Putangina mo Raul, mumultuhin talaga kitang hayop ka. 

Kahit na nasa tubig ay ramdam ko pa rin ang pag-alpas ng aking mga luha. Katapusan ko na. Hindi ko na yata talaga mabibigya ng hustisya ang pagkamatay nila Mommy. 

Hindi ko na maaninag ang bangkang kinalululanan ko. Tuloy-tuloy na nga talaga akong lumubog. Nilamon na ako ng kadilim ng dagat. 

I should hate Raul. Pero bakit umaasa akong sasagipin niya ako? 

Don't die. Bulong ng isip ko nang maalala ang sinabi niya sa akin bago niya ako tinulak. Don't die? Gago ba siya? Matapos niya akong itulak, sasabihin niya sa akin iyon? Wala na akong pag-asang mabuhay! Mamamatay na ako. Malawak ang madilim na dagat. At wala yatang katapusan ang paglubog ko. 

"Fuck." Dahil sa pagsalita ko'y nakainom akong muli ng tubig. Nanlalabo na ang aking paningin. Ramdam ko na rin ang panginginig ng aking kalamnan. Tila sasabog na ang utak at puso ko. 

Help me, please, Raul. Help me. Usal ko sa isip bago unti-unting tinanggap ang aking katapusan. 

"Fuck! Wake up, Alex! Wake up!" Sabi ng tinig sa aking utak. Ramdam ko ang mabigat na bagay sa aking dibdib na tila tinutulungan akong huminga. Maging ang malambot na bagay na dumampi sa aking mga labi. Ang pagpasok ng hangin mula roon at ang muling pagdiin ng kung ano sa aking dibdib. 

Hindi pa ba ako patay? 

Nararamdaman ko ang ginagawa ng taong iyon sa katawan ko. Pero bakit hindi ko magawang tumugon? Bakit ayaw gumalaw ng katawan ko? Bakit parang napakabigat ng talukap ng mga mata ko? 

"Shit," sabi pa ng boses na unti-unting nagiging malinaw sa aking pandinig. Ilan pang pagpasok ng hangin sa aking bibig bago ako sinalakay ng matinding ubo. Naramdaman ko ang paglabas ng tubig sa aking bibig. 

"Oh, thank God!" Bulalas ng kung sino bago ako ipinaloob sa isang yakap. 

Unti-unting luminaw ang aking paningin. Malawak na karagatan kaagad ang sumalubong sa mga mata ko. Habol-habol ang hininga at wala sa sariling napaganti ako ng yakap sa taong nakayakap sa akin. 

"B-Buhay ako?" Bulong ko pero sapat na para marinig ng kasama ko ngayon. 

"You are." He whispered. "Let me carry you." Mahina niyang dagdag bago ako binuhat. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko. 

Sino ka ba talaga? Bakit mo ako binaril at hinulog sa dagat? Bakit mo rin ako iniligtas? At panghuli, bakit lumalakas ang kabog ng dibdib ko ngayon? Rafael Urius Ledesma anong ginagawa mo sa akin?! Sigaw ng isip ko. 

"Rest." Seryoso niyang sabi. "Kailangan mong bumawi ng lakas." Malamig pa rin siya at seryoso. Nawala na ang nag-aalalang Raul na nakita ko kanina pagmulat ng mga mata ko. 

"Why did you save me?" Mahina kong tanong dahil sa namamaos na boses. Nanghihina pa rin ako. Ni hindi ko nga maihawak nang maigi ang mga kamay ko kay Raul. 

"I said rest." Malamig niya turan bago ako ipinasok sa isang kubol. Marahan niya akong ibinaba sa papag na may manipis na kutson. Nasaan ba kami? 

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Sabi kong nakapikit. 

Narinig ko ang marahas na pagpapakawala niya ng hininga. Bigla akong napamulat nang maramdaman ko ang paglapit ni Raul sa akin. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha niya sa akin. 

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyong sasaluhin kita kapag nahulog ka sa dagat?" Sabi niyang ikinasinghap ko dahil sa eksenang pumasok sa aking isip. Shit! That soft thing na lumapat sa mga labi ko kanina! Labi ba iyon ni Raul? 

"Hindi mo ako sinalo! Isa pa, tinulak mo ako!" Sabi kong ikinalihis ng tingin niya. 

"But I did save you." Katuwiran niya bago muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata pababa sa aking mga labi. 

"Why?" 

"Malalaman mo pagdating ng panahon." Sabi niyang nakatitig pa rin sa aking mga labi. Halos kumawala sa aking dibdib ang puso ko nang unti-unti pang lumapit sa akin si Raul. 

"What—."

"Fuck," sabi niya habang magkadikit ang tungki ng aming nga ilong. Palihim rin akong napapamura dahil sa ginagawa niya! Hindi ako makakilos para pigilan siya. Wala akong lakas at alam niya iyon! "You got me addicted to your sweet lips honey." Bulong ni Raul bago tuluyang sakupin ang aking mga labi. 

I can't move. Para akong naparalisa at tinatanggap lamang ang pag-angkin ni Raul sa aking mga labi. I can't deny the fact that I also love the sweetness and softness of his lips. Parang bilyon-bilyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa mga ugat ko. Pati ang init na dala ng paghaplos ni Raul sa aking pisngi ay nagdadala sa akin ng samu't-saring pakiramdam. 

"I want you right now. But you need to rest." Sabi niya habang magkadikit ang aming mga noo. Isa pang mabilis na halik ang ibinigay niya sa akin bago niya ako iniwan sa kuwarto. 

What the hell was that? I should be angry. Dapat lang, dahil sa kaniya'y kumikirot ang aking balikat ngayon. Dahil sa kaniya'y muntik na akong mamatay. Pero bakit parang baligtad yata ang nararamdaman ko? Bakit masaya pa yata akong kasama ko siya ngayon? Ako yata ang baliw at hindi si Raul.

Gulong-gulo ang isip na pumikit ako. Bahala na. Saka ko na lamang siya tatanungin kung ano talaga ang totoong nangyari at kung bakit niya nagawa iyon. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Criminal Heart   Wakas

    ——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m

  • His Criminal Heart   Kabanata 29

    PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i

  • His Criminal Heart   Kabanata 28

    ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."

  • His Criminal Heart   Kabanata 27

    "I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E

  • His Criminal Heart   Kabanata 26

    MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.

  • His Criminal Heart   Kabanata 25

    MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status