Share

Kabanata 3

Author: Pxnxx
last update Last Updated: 2021-10-22 17:53:23

"Ma'am Alex, mamamasyal po ba ulit kayo?" Tanong sa akin ni Joan nang makalabas ako ng villa. Ika-apat na araw ko na ngayon dito sa resort. It went well, so far. I don't know for the next days. 

"Oo sana. Hindi ba't nabanggit mo sa akin na may isla rito na pag-aari din ng mga magulang ko? Gusto ko sanang tumungo roon." Nakangiti kong sabi sabay labas ng cellphone para tawagan si Jason. Simula kasi nang huli ko itong makausap ay hindi pa ito muling tumatawag. Gusto ko lang ng update ukol sa ipinapagawa ko sa kaniya. 

"Ay, opo. Meron pong motor boat na maghahatid sa bawat turista sa isla na iyon Ma'am. Gusto niyo po bang sumabay na sa kanila?" Tanong ni Joan habang nakasunod sa akin. 

"May tatawagan pa kasi ako, baka mainip lang sila. Mag-isa na lang akong pupunta roon." Sagot kong tinanguhan naman ni Joan. Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ito para kausapin ang isang bangkero na siyang maghahatid sa akin sa kabilang isla.

Nang makaalis si Joan ay kaagad kong tinawagan si Jason. Marami akong gustong itanong. Sa tingin ko'y malapit ko nang mahanap ang sagot sa mga nangyari sa pamilya ko.

"Nothing new." Salubong sa akin ni Jason pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko. Napairap na lamang ako sa sobrang inis.

"Hindi kita binabayaran para lang sa wala. Jason, I badly need his information. Paano ko makukuha ang katarungan na inaasam ko kung aandap-andap ka sa paghanap ng mga bagay na pwedeng magturo kung sino si Roman?" Mataas ang boses na sabi ko. Hindi ko gustong pagtaasan ng boses si Jason. Naiinis kasi ako. Palagi na lang ganito ang nangyayari. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa galit kong boses. Nakakakulo kasi ng dugo sa tuwing wala akong nakukuhang bago kay Jason. 

"Alex, I don't need your money. And you know that from the very first start you asked me to help you. You are too demanding." Mariing sabi sa akin ni Jason. Right. Pinilit ko lang naman ang pera ko sa kaniya para tulungan niya ako. Pero hindi ba't magkaibigan kami? Para saan pa't naging kaibigan ko siya kung hindi niya ako tutulungang makamit ang hustisya? 

"Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na napakapribadong tao ni Roman del Valle." Malumanay nang sabi ni Jason sa akin. "You know what, I think we should stop. Dahil kahit anong pilit mong alamin kung sino si Roman ay hindi ka binibigyan ng pagkakataon. Maybe all you need to do is to move on."

Alam ko namang napakademanding ko nga. Hindi niya ako masisisi dahil buhay ng pamilya ko ang ipinaglalaban ko. Kahit sino naman siguro ay ganito ang gagawin. I know, I have to move on. But I just couldn't let them go. Masakit ang nangyari. Hindi ko na yata iyon makakalimutan.

"I understand, I'm sorry." Mababa ang boses na sabi ko kay Jason. 

Ilang sandali lamang ay biglang napadako ang aking tingin sa lalaking nakatayo sa labas ng villa na katabi ng sa akin. Narinig niya kaya ang mga sinabi ko? Bakit napakalalim niyang tumitig sa akin? Bakit ang gwapo niya sa suot niya ngayon? At bakit naisip ko ang bagay na iyon? Fuck! Alexandria, you're not here to flirt with anyone. Damn your feelings!

Feelings? What the hell? Kailan pa ako naging gaga sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko? Damn! Huminga na lang ako ng malalim bago muling kinausap si Jason.

"Jason, I know I pressured you a lot. And I'm very sorry for that. But, before you stop helping me, can I have a favor? Last na ito." Sabi kong nakatitig pa rin kay Raul na sinasalubong ang mga mata ko. Damn, he's hot.

"What is it?"

"Rafael Urius Ledesma. Do you know him? Kaibigan siya ni Tito Max." Sabi kong napapaiwas nang tingin dahil biglang tumiim ang mga bagang ni Raul. Why is he doing that? Hindi ba siya aware na napakagwapo niya habang ginagawa iyon? 

"I d-dn't know h-him. Why?" He stuttered. Kilala niya si Raul. O baka mali lang ang hinuha ko. Ewan, bahala na.

"Sinabi niyang nasa panganib ang buhay ko. That there's someone who wants me dead. Na nasa paligid lang sila at anumang oras ay papatayin ako." Of course, someone out there wants to kill me. Hindi biro ang mga naiwan ng mga magulang ko. At sa isang babaeng hindi akapagtapos at walang alam sa pagpapalakad ng kompaniya, talagang hindi imposible ang bagay na iyon. Isa pa'y saksi akong buhay sa mga kahayupan ni Roman. They want to shut me up. 

Fuck. Isang malalim at marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Wala sa sariling nilingon ko ang kinaroroonan ni Raul. Bigla akong nakaramdam ng pagkabog ng dibdib nang muling magtama ang aming mga mata. Raul's still clenching his jaw. Darkness was in his eyes. He's intimidating yet so handsome. Parang gusto kong manatili na lang na nakatitig sa kaniyang mukha. But, fear envelopes my heart when he suddenly shifted his gaze. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang umalis siya at naglakad papunta sa lugar na hindi ko alam. 

"Okay, ito ang huling beses na tutulungan kita. Ako na mismo ang tatawag sayo. Kaya 'wag ka nang mag-abala pang tawagan ako. I promise to you na makukuha mo ang sagot." Sabi ni Jason bago naputol ang tawag. 

Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Sana nga matulungan ako ni Jason. Baka sakaling sa paghanap niya ng mga bagay tungkol kay Raul ay matuklasan ko na kung sino talaga ang taong walang awang nag-utos ipapatay ang pamilya ko. 

"Ma'am maayos na po ang sasakyan niyo papunta sa kabilang isla." nakangiting sabi sa akin ni Joan nang makabalik na ito mula sa paghahanap ng maaari kong sakyan. Isang ngiti ang isinagot ko bago naglakad papunta sa daungan kung saan naroon ang bangkang de-motor na sasakyan ko. 

Pagkarating sa daungan ay awtomatikong nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ko si Raul na inaayos ang bangka. I can see how his muscles move while he's fixing the motorboat. Veiny arms. I'm sure they're strong. They should be. Pero anong ginagawa niya? Bakit siya naroon? 

"Ay, Ma'am Alex, wala po kasi si Mang Carding na siyang magdadala sa inyo sa kabilang isla. Kaya si Sir Raul na lang po ang sasama sa inyo." Nangingiting sabi ni Joan na mas lalong ikinakunot ng noo ko. 

"At bakit? Wala na bang ibang pwedeng sumama sa akin sa pagpunta sa isla?" Tanong kong pilit itinatago ang pagkairita. 

"Eh Ma'am nakita po kasi ako kanina ni Sir Raul. Tapos no'ng nalaman niyang walang maghahatid sayo, nagpresenta siyang siya na lang." Nakangiwing sagot ni Joan. Marahil ay napansin nitong hindi ako sang-ayon sa gusto ni Raul. 

Pero aminin mo Alex, nakakaramdam ka nang excitement sa isiping kayo lamang ni Raul ang sasakay sa bangka. Palihim kong pinagalitan ang sarili nang pumasok iyon sa isipan ko. 

Excitement? Nunca na makaramdam ako niyon. Hindi ko kilala si Raul. Anong malay ko kung bigla na lamang niya akong pagsamantalahan? Lalo pa't nalaman at narinig ko mula mismo sa bibig ng mga kaibigan niyang matinik siya pagdating sa kama. Oh fuck. Bakit naiisip ko na naman ang mga bagay na iyon?

"Anong oras ka pa sasakay? Tirik na tirik na ang araw. Ayaw mo naman sigurong mangitim." Pasupladong sabi sa akin ni Raul nang nanatili akong nakamasid lamang. 

"Sige na po, Ma'am Alex. Sumakay na po kayo para hindi masayang ang oras na ipapasiyal niyo sa kabilang isla." Sabi ni Joan bago ako hinila palapit sa kinaroroonan ni Raul. 

Dahil nga sa unang beses akong makakasakay sa bangka ay hindi ko pa alam kung paano ibalanse ang sarili nang bigla na lamang iyong gumewang pagkasakay ko. Isang matinis na tili ang kumawala sa aking bibig sa pag-aakalang mahuhulog ako sa tubig. 

"I got you." Narinig kong sabi ni Raul habang naka-alalay ang kanang braso niya sa aking bewang. 

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Tila yata libo-libong kuryente ang dumaloy sa mga ugat ko nang maglapat ang aming mga balat. Halos yakap na nga ako ni Raul kung tutuusin. At kaunting galaw lamang ay maaaring maglapat ang aming mga labi. 

Malambot kaya ang mga labi niya?Shit! Naisip ko ba iyon? Alexandria tumigil ka! 

"Ma'am mag-iingat po kayo." Biglang nalipat ang tingin ko kay Joan. Parang kinikilig pa ito sa nasaksihan sa pagitan namin ni Raul. 

Isang tikhim ang ginawa ni Raul bago ako binitiwan. Naiilang man ay hindi ko ipinahalatang naging malaki ang epekto sa akin nang nangyari. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na parang gusto niyong kumawala sa aking dibdib. Sino ba namang hindi kakabog ng malakas ang puso? Napakalapit ng mukha sa akin ni Raul kanina. Napakaganda ng mga mata niya at napakatangos ng ilong. Hindi ko alam kung may lahi siyang banyaga. Pero sa tingin ko'y mayroon. Napakaganda rin ng mga labi niyang parang kaysarap halikan. 

"You're staring too much. Baka hindi mo namamalayan nahulog ka na nang tuluyan." Bigla akong namula sa sinabi niya. Ano bang gusto niyang sabihin? Na baka mahulog ako sa dagat ng tuluyan o mahulog ako sa kaniya? 

"Will you catch me?" Taas ang kilay na sabi ko habang maingat na nauupo sa upuang gawa sa kahoy. Paraan ko lamang iyon para malaman ko ang sagot niya at kung anong ibig niyang sabihin. 

"If you fall? Into the sea, maybe. Pero kung sa akin, hindi." Seryoso niyang sabi bago binuhay ang motor ng bangka. Kaagad kong isinuot ang life jacket nang maramdaman ko ang paggalaw ng bangka at pag-abante nito para umalis. 

Napansin kong umupo si Raul sa unahan malapit sa kinaroroonan ng parang maliit na manibela na siyang kokontrol sa bangka. 

"Why?" Tanong kong pilit itinatago ang pagkadismaya. Ang yabang naman pala. No wonder playboy ang gago.

"Dahil iba ang obligasyon ko. Kaya 'wag mong aasahang sasaluhin kita dahil hindi iyon mangyayari." Para naman akong sinakal ng mga salitang binitiwan niya. Talagang ipinapamukha sa aking hindi ako kagusto-gusto! Upang hindi mapansin ni Raul ang pagkapahiya ko'y kaagad ko siyang inirapan. 

"Sa tingin mo naman hahayaan kong mahulog ang sarili ko sayo?" Pagtataray kong ikinatingin niya sa akin ng malamig. "Hindi kita type, masyado kang matanda sa akin. At isa pa, ayaw ko sa tulad mong mahilig ikama ang babae." Sabi kong pilit isinasalba ang sarili sa pagkapahiyang nararamdaman.

Gusto mo siya, Alex. Ayaw mo lang talagang mapahiya kaya itinatanggi mo ang pagtingin mo sa kaniya. Ngali-ngaling sabunutan ko ang sarili nang pumasok na naman sa eksena ang taksil kong utak. Hindi na ako teenager na nagkakaroon ng crush sa mga gwapong nilalang katulad ng nasa harap ko!

"Rafael Urius Ledesma. A certified play—."

"How'd you know my name?" Malamig niyang sabi nang banggitin ko ang buo niyang pangalan. 

"I'm the owner of this resort. Kaya dapat lang na alam ko ang pangalan ng mga taong pumupunta rito." Nakangisi kong sabi bago inilibot ang tingin sa malawak na dagat. 

"And you think you know me already just because you knew my name?" 

"May sinabi ba ako?" Mataray kong sabi bago ipinaikot ang mga mata. Nakakainis ah! Anong akala niya, cool na siya sa paganiyan-ganiyan niya? Kahit balutin siya ng yelo sa sobrang kalamigan, wala akong pakialam! Isang nauuyam na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Magkalinawan nga tayo Raul, ipinadala ka ba rito ni Tito Max para bantayan ako?" Tanong kong ikinakunot ng kaniyang noo. "Kaya ba lagi ka na lang sumusulpot kung saan man ako naroon dahil utos niya iyon?" Akma pa sana akong magsasalita nang mapansin ko ang isang bagay na umuumbok sa kaniyang tagiliran. Bigla akong kinabahan.

"I'm here not because he asked me to look after you. I'm here because—."

"What is that? Is that a gun?" Putol ko sa sasabihin niya nang mapagtanto ko ang bagay na nasa tagiliran niya. Bakat sa damit niyang suot ang baril na nakasiksik roon. "Bakit mayroon ka niyan?!" Sigaw kong pilit pinapakalma ang sarili. 

"This?" Seryosong sabi ni Raul habang inilalabas ang baril. "For protection, baka bigla na lamang may sumugod sa atin." Sabi niyang ikinalakas muli nang kabog ng puso ko. 

"What are you talking about?"

"You'll know soon. But don't be scared, I won't harm you." Sabi niyang nakatitig sa mga mata ko. 

Sino ka ba talaga Raul? May alam ka nga siguro sa nangyari sa pamilya ko. Sana'y kakampi ka, dahil hindi yata matatanggap ng puso ko kung isa ka sa kanila. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Criminal Heart   Wakas

    ——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m

  • His Criminal Heart   Kabanata 29

    PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i

  • His Criminal Heart   Kabanata 28

    ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."

  • His Criminal Heart   Kabanata 27

    "I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E

  • His Criminal Heart   Kabanata 26

    MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.

  • His Criminal Heart   Kabanata 25

    MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status