MAAYOS kong inalis ang bendang tumatakip sa sugat na natamo ni Raul. Nangingiting napatitig ako sa kaniya nang makitang malapit na iyong matuyo.
May isang linggo na rin buhat nang dumating kami sa private island niya. Sa mga panahong iyon tanging kwarto, kusina, sala at palikuran lang ang malimit kong puntahan. Wala kasi akong lakas ng loob na tanungin si Raul kung pwede ba akong pumunta sa tabing-dagat.
"Hey." mahinang tawag sa akin ni Raul. Hindi ko napansing nakatulala na pala ako sa mukha niya. Bakas sa mga labi ni Raul ang ngiting pinipilit na itago. Marahan ko siyang binatukan nang kumawala na ang isang ngisi mula sa kaniyang mga labi.
"What?" pataray kong tanong habang nilalagyan ng panibagong gasa ang kaniyang sugat.
"You're pretty." matamis ang ngiting sabi niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula nang aking mga pisngi nang marinig ko iyon.
"I know." mayabang kon
"HARDER! SAAVEDRA!" malakas na sigaw sa akin ni Akio. Kaagad kong sinunod ang utos niya. Malakas kong sinuntok ang punching bag na nasa harap ko.Halos magdadalawang linggo na mula nang dumating si Akio dito sa isla. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung paano siyang nasabihan ni Raul, na kailangan niya akong turuan. Pero ganoon pa man, ipinagsasawalang bahala ko na lamang. Ang importante sa akin ngayon ay matutong makipaglaban. Para kung sakaling kailanganin ay maipagtatanggol ko ang sarili ko. Mahirap ang umasa na lang ako palagi sa mga taong nakapaligid sa akin."Ano ba? Hindi ka ba kumakain? Ang lamya mong sumuntok!" inis at malakas na muling sabi sa akin ni Akio.Eh kung padapuin ko kaya sa mukha mo itong kamao ko?! Nakakairita ka na ah! Napapairap na bulong ko sa sarili.Akala yata ni Akio ay hindi ko napapansing pinag-iinitan niya ako! Halos buong araw-hindi; simula pala noong duma
MAHIGPIT kong hinawakan ang aking bestida nang biglang liparin iyon ng hangin. Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng mahaba kong buhok. Halatang hindi ko napaghandaan ang malakas na hangin sa tabing-dagat."Need some help?" muntik na akong mapatalon nang sumulpot si Akio mula sa aking likuran."No, I'm fine." malumanay kong sagot bago umupo sa buhanginan. Hindi na ako nagulat nang umupo si Akio; may isang metro ang layo sa akin. "Si Raul?""Naghahanda ng hapunan." tipid niyang sagot sabay tingin sa malawak na dagat.Isang mahinang tango ang ginawa ko bago ko ginaya ang pagtanaw niya sa dagat. Napakatahimik, tanging ang alon na tumatama sa buhangin at mga bato lamang ang naririnig kong ingay."I miss your sister." basag ni Akio sa katahimikang pumapalibot sa amin."Ako rin naman." sagot ko. "Walang araw na hindi sila laman ng mga
"I'M SORRY..." Tila nawala ang antok ko nang marinig ko iyon mula kay Raul.Bakit siya humihingi ng tawad? Para saan iyon? May nagawa ba siyang mali sa akin?"Sorry for what?" mahina kong tanong habang unti-unting bumabangon.Mataman niya akong tinitigan. Ilang sandali'y sumilay ang isang malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "For taking you away. Alam ko namang gusto mo nang umuwi."Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Maliit ang ngiting sumilay sa mga labi ko. Ngiti na tila inuubawa ang sinabi ni Raul.Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko'y may ibang pakahulugan ang mga sinabi niya."Ayos lang, kasama naman kita." mahina kong sagot na nagpangiti kay Raul. "Napagtanto kong wala na rin naman akong babalikan kung sakaling iuwi mo ako ng Pilipinas.""Ang Tito Max mo, ang kumpaniyang iniwan sa iyo ng mga magulang mo. Mara
PATAKBO akong lumapit sa naghihintay na chopper. Pababa mula roon si Akio na bakas ang pag-aalala sa mukha.Kanina nang malaman ko ang lahat ay kaagad ko siyang tinawagan para sunduin ako. Ngayon nasagot na ang katanungan ko kung bakit siya nasa isla noon. Tinawagan pala siya ni Raul."Are you okay?" kaagad niyang tanong sa akin bago kinuha ang mga gamit ko.Mahinang pagtango lamang ang naisagot ko sa kaniya bago ako naunang sumakay. Bahala na kung anong maging reaksiyon ni Raul. Basta ang mahalaga'y makauwi ako.Simula sa isla hanggang sa airport ay wala akong imik. Mukhang naiintindihan naman ni Akio ang sitwasyon ko kaya hindi na lamang siya nagtanong pa nang kung anu-ano.Sa private airport ni Raul kami tumuloy. Nang makilala si Akio ng mga tauhan ni Raul ay hindi na nagtanong pa ang mga ito. Kaagad sumunod ang mga ito sa utos ni Akio na iuwi ako sa Pilipinas.Nakakata
PAWISANG naupo ako sa gilid ng gym na pinag-eensayuhan ko. I rented the whole place para walang makapasok na iba. Baka may makakilala sa akin, mahirap na.Marahas akong tumayo at humarap sa salamin. Kita ko ang buo kong katawan. Bakas sa mukha ko ang pagod pero nagingibabaw ang confidence na makukuha ko ang bagay na matagal ko nang gusto makuha.Hinawakan ko ang mahaba kong buhok. Masyado nang mahaba, umabot na iyon sa aking pang-upo. Pati ang mukha ko'y tila nagiging maputla na rin dahil sa hindi ko paglalagay ng make up.Isang hingang malalim ang aking pinakawalan. Bukas na ako babalik ng Batangas. Kaya dapat na maging maayos ako. Kailangan kong magsimula ulit, at baguhin ang mga ilan sa pagkatao ko.Muli kong pinasadahan ang aking sarili bago ko pinakawalan ang isang ngisi. Kailangan ko nang kumilos. Dahil hindi lang ako ang gumagalaw. Baka nga mas advance na ang galaw ng mga ahas na n
MALAMIG akong tinitigan ni Raul. Titig na akala mo'y may ginawa akong malaking kasalanan. Hindi ba dapat siya ang tingnan ko ng ganoon dahil sa mga panloloko niya sa akin?Sinalubong ko ang titig niya. Nagsukatan kami ng tingin. Tila binubutas ng mga titig namin ang pagkatao ng isa't isa.Hindi ako natatakot sayo Raul! Kilala na kita at alam ko na rin ang kaya mong gawin. Salamat na lang at tanga ka dahil pinili mong mapalapit tayo. Dahil doon nalaman ko ang lahat. Lahat ng mga itinatago mo! Lahat ng nalalaman mo!"Hija, magpahinga ka na muna, mamaya na lamang tayo mag-usap. Kailangan pa naming tapusin ang meeting." may ngiti sa labing sabi sa akin ni Tito Max. Dahil doon naputol ang tila nag-eespadahang titigan namin ni Raul."Hindi na Tito, aalis na ako. Pumunta lang ako dito dahil kailangan ko ng pera." sagot ko. Mula sa gilid ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Raul. Nabaling tul
"MA'AM Alex!" tawag sa akin nang kumakaway na si Joan.Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko bago ako naglakad papunta sa pwesto niya. "Handa na ba ang bangka?" tanong ko habang inaayos ang balabal na ibinalot ko sa aking katawan."Opo, naroon na si Mang Carding." nakangiting sagot ni Joan bago niya ako sinamahan sa pagpunta sa kinaroroonan ng bangka."Ma'am Alex, hindi pa ho ba kayo babalik sa Manila?" biglang tanong ni Joan."Hindi ko alam." maikli kong sagot bago ko siya iniwan sa dalampasigan.Nang makasakay sa bangka ay siniguro kong maayos kong naisuot ang life vest. Pati ang mga dala kong gamit ay inayos ko rin.Bigla akong napalingon sa nakatalikod na si Mang Carding nang buhayin nito ang motor ng bangka. Kaag
HALOS wala sa sariling pinanood ko lamang ang pagpapalitan ng suntok ni Raul at Cean. Parehong duguan ang mukha ng mga ito. Pero kahit ganoo'y walang nagpapaawat sa dalawa."Stop!" narinig kong sigaw mula sa aking likuran. "Both of you stop!" ulit nito.Mabilis akong lumingon. Ngunit tila parang sa pelikulang bumagal ang lahat nang makita ko ang taong sumigaw niyon. Nakasuot siya ng bestidang puti, may benda sa noo at may hawak na baril na palipat-lipat ang tutok sa dalawang nagpapambuno.Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kasabay niyon ang tila pagkahilo dahil sa mga alaalang pilit sumisiksik sa utak ko.Ang maamo niyang mukha. Ang mapipilantik niyang mga pilikmata, matangos na ilong at manipis na mga labi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita."Stay away, Moreen!" mariing sigaw ni