Share

Chapter 14

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-06-09 11:51:46

Samantha's POV

Namilog ang mga mata ko nang mabasa ko ang post ni Ms. Taylor sa kanyang news feed. Nagbaling ako ng tingin kay Theo na nananahimik habang may inaasikaso sa kanyang laptop.

"Birthday ngayon ni Mr. Irigo?"

Natigil siya at nag-angat ng tingin. "Yeah."

"Ang sabi ni Ms. Taylor sa post niyang invitation sa account niya ay mamayang 3 p.m. daw ang oras ng birthday celebration at gaganapin iyon sa Neolo Beach Resort."

Tumayo si Theo at tumabi sa akin.

Hinablot niya ang cellphone ko at binasa ang post doon.

"A huge birthday celebration in a beach resort. Huh!" Napaismid siya. "Tapos ang sabi sa 'kin ni ate Bella, simpleng handaan lang daw sa isang restaurant. Kalokohan!"

Sumandal siya sa kinauupuan niya at pumikit.

"Baka naman nagbago ang isip nila?" Tinitigan kong muli ang invitation. "Oh! 50th birthday pala niya. Hindi na kataka-taka kung bakit nag-iba ang venue."

Muli ay tinungo niya ang kanyang laptop.

Mula roon ay kita ko ang sinseridad sa kanyang mukha habang abala sa kany
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 133 In Disguise

    Theo's POVMabilis pa sa alas-kuatro akong natigil nang madatnan kong nakaupo sina Evan at Neo sa living room ng condo ko. Abala silang nanonood habang nagngangata ng chips na inilagay nila sa malaking mangkok. Bukod pa roon ay mayroon ding bukas na ilang bote ng beer sa ibabaw ng coffee table. Napameywang ako sa mga sandaling iyon habang mataman ko silang pinapanood. Kung noon ay si Neo lang ang problema ko na bigla na lamang sumusulpot sa bahay ko, ngayon naman pati si Evan ay isinali na rin niya sa kalokohan niya. Maya-maya ay tiim-bagang kong hinawakan ang pinto at hindi kalaunan ay pabagsak na isinara iyon. Agad silang napasigaw na dalawa kung saan ay agad na tumilapon ang mangkok na may lamang chips na hawak-hawak nila. Sa pagtayo nila sa kanilang kinauupuan ay nabaling ang tingin nila sa akin."What the heck are you doing in my condo?" kunot-noo kong tanong. "At paano kayo nakapasok dito? Sa natatandaan ko ay ako lang ang may susi rito."Sumagot si Evan. "Itong si Neo, ma

  • His Dangerous Desire   Chapter 132 More Than One Story to Tell

    Samantha's POV"Bukod sa pambababae niya, meron pa ba siyang ibang kalokohang ginagawa sa 'yo? Is he hurting you physically or emotionally? Either of the two?" muling tanong ni Vince. Marahan akong tumango at pilit na napangiti sa kanya. "The first two months of our marriage, I had no problem with him," pagsisimula ko. "Pero habang tumatagal ay nakikita ko ang pag-uugaling meron siya. Kapag umaayaw ako sa gusto niya, sinasampal niya 'ko. Kapag nagpupumilit naman ako sa gusto ko, ikinukulong niya 'ko sa kwarto. Nandoon ako hanggang sa umuwi siya."Mabilis pa sa alas-kuatrong nagkasalubong ang dalawang kilay niya sa pahayag kong iyon. Napatutop siya sa kanyang bibig habang nakatuon ang tingin sa akin at tila ba hindi makapaniwala sa narinig niya. "Other than that, this is the first time na nakalabas ako," pagpapatuloy ko. "For two years of staying here in California, ngayon ko lang nagawang maging malaya ng ganito. Hindi ako pwedeng makipag-usap sa kahit na sino lalo na kung ibang l

  • His Dangerous Desire   Chapter 131 Photo Update

    Theo's POV "Anong meron at pinapunta niyo 'ko rito?" sambit ko at pabagsak na naupo sa couch. "Wag niyong sabihing pipilitin niyo na naman akong pumasok sa kompanya? Nag-usap na tayo, hindi ba? Paulit-ulit na lang ba? Aren't you tired of the same conversation? Dahil ako, pagod na pagod na." Kunot-noo kong pinukulan ng tingin sina kuya Irigo at Taylor sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano na namang naisipan ng mga ito at pinapunta nila ako rito ngayon sa opisina. Kung tutuusin ay wala akong gustong gawin ngayong araw kundi ang humilata at matulog. Wala kasi halos akong tulog kagabi dahil sa kaiisip ko tungkol kay Samantha. A lot of things crosses my mind when I heard the recent news about her. She's in California. Nagpunta ako roon noong nakaraang buwan dahil inimbitahan ako ng former classmate ko sa kasal nito. Halos buong lugar ay nilibot ko dahil na rin sa pagpupumilit sa akin ng kaibigan ko na siya mismong naging tourist guide ko. But she's nowhere in sight.

  • His Dangerous Desire   Chapter 130 First Time Out

    Samantha's POVSa halos isa't-kalahating taon kong pananatili sa California ay ngayon ko lamang nasilayan ang ganda ng lugar na ito. Palagi kasi akong nasa loob ng bahay at kulang na lang ay igapos ako ni Karlo sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay natatakot siya na baka gumawa ng paraan si Theo upang hanapin ako. Natatakot siya na mag-krus ang landas naming dalawa. Natatakot siya na hindi matuloy ang plano nilang tatlo nina Carlo at Lorie.Ano bang katatakutan niya? Sigurado naman ako na sa ngayon ay limot na ako ni Theo dahil sa kalokohang ginawa ko sa kanya. He's probably living his life with someone deserving of his love.Although, naaalala man niya ako ay tiyak ko na hindi iyon tulad ng dati. Sigurado akong galit ang lalaking iyon sa akin at sa puntong ito ay ayaw kong malaman kung gaano siya kagalit.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang lumabas ako ng bahay. It's six o'clock in the morning. Kadalasan kapag ganitong mga oras ay nasa kusina ak

  • His Dangerous Desire   Chapter 129 Midnight Call

    Theo's POV Halos dalawang oras na ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ako makatulog. Pilitin ko man ang sarili ko pero ayaw akong dalawin ng antok. Gising ang diwa kong nakatuon ang tingin sa ceiling ng kwarto ko habang nakahiga sa kama ko. Sa pangalawang pagkakataon ay rumehistro sa akin ang naging usapan naming tatlo nina Neo at Evan. Pero ang dahilan kung bakit hindi magawang mapanatag ng loob ko ay dahil sa narinig ko mula kay Neo. "Yes. Iyon ang gusto namin. Gusto naming itigil mo na kung ano man ang nararamdaman mo sa babaeng 'yon." Hindi ko lubos-maisip na narinig ko iyon mismo sa pamangkin ko na siyang nagtutulak pa sa akin noon at sa aming dalawa ni Samantha. Hindi lamang siya botong-boto kundi kulang na lang ay ipagtulakan ako na pakasalan ko na ang nobya ko. But now, he changed. May punto naman si Evan.

  • His Dangerous Desire   Chapter 128 New Girl

    Samantha's POVIsang malalim na hininga ang pinawalan ko nang tuluyan na rin kaming nakarating sa bahay. Halos maghapon din kaming naglibot-libot sa kung saan-saang lugar. Kung ano-anong kinain namin na bago sa panlasa ko kung kaya't medyo nag-aalburoto ang sikmura ko. Sa paghinto ng kotse ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko. Ngunit nang akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse sa passenger seat ay natigil ako nang magsalita si Karlo. "May gusto sana akong sabihin sa 'yo," aniya na ikinabaling ko ng tingin sa kanya. "Ano 'yon?" I curiously asked. Pinatay niya ang engine ng sasakyan at humarap sa akin. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago tuluyang magsalita. "Someone's going to live here with us," tugon niya na mas lalo kong ikinatitig sa kanya. "She's my...girlfriend."Agad na umangat ang dalawang kilay ko sa narinig kong iyon mula sa kanya. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa handle ng pinto ng kotse at napalunok na lamang sa mga sandaling iyon. "Girl-girlfriend?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status