Share

Chapter 15

Author: zeharilim
last update Huling Na-update: 2025-06-09 16:06:34

Samantha's POV

Tahimik kong sinundan ng tingin si Theo patungo sa kusina. Napatutop ako sa bibig ko nang marinig ko naging sagot niya sa akin kanina.

"I'm going."

Seryoso ba siya?

Umiling ako sabay tayo mula sa kinauupuan ko. Tinungo ko si Theo na abalang hinuhugasan ang pinagkainan naming dalawa.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Ngunit bago pa man ako muling makapagsalita ay natigil ako ng marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya.

"If you're wondering," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin. "Pupunta ako hindi para makisawsaw sa celebration ni dad kundi pupunta ako para sa 'yo."

Tumaas ang kilay ko. "Pupunta ka para sa 'kin?"

"That's right," agad niyang tugon.

"Bakit…" Iling ko. "What do you mean?"

Matapos niyang ilagay sa plate rack ang mga hinugasan niya ay ipinunas niya ang kanyang kamay sa kitchen towel.

Humarap siya sa akin.

"It's a birthday celebration," pagsisimula niya. "I'm sure na hindi lang angkan namin ang nandoon kundi pati na rin mga kakila ni dad – busin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • His Dangerous Desire   Chapter 106 - An Early Visit

    Samantha's POVIt's 3:30 am.Kung tutuusin ganitong mga oras ay mahimbing pa ang tulog ko, pero nang dahil sa nangyari at napag-usapan namin kagabi ni Alya ay wala akong ganang matulog. Gustong-gusto kong ipikit ang mga mata ko pero ang utak ko ay hindi matigil sa kaiisip. Ngunit sa bawat pag-iisip ko naman ay hindi ko alam kung anong hakbang ang dapat kong gawin. Alya was right. Pareho ko silang hindi type.Ang isa ay kaibigan ko at ang isa naman ay ang lalaking sobra-sobra kong kinabubwisitan. Ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko tungo kay Theo? Maayos naman siya at mukhang matino. Tulad ng sinabi ni Alya, responsable at hindi bastos. Nagawa niyang makipagsagutan kay Mr. Irigo nang dahil lang sa akin. Sobra-sobra kong na-appreciate ang ginawa niyang iyon at wala akong maramdaman nang mga sandaling iyon kundi tuwa. Tingin ko nga ay nakadagdag puntos ang ginawa niyang iyon na naging dahilan ng paghanga ko sa kanya. Pero kahit ganoon pa man ay parang wala pa

  • His Dangerous Desire   Chapter 105 - Between Two Worlds

    Samantha's POVNanlaki ang mga mata ni Alya nang sabihin ko sa kanya ang lahat-lahat ng mga nangyari sa pagitan namin ni Theo ngayong araw. Inaasahan kong bubungangaan niya ako tulad ng ginawa niya sa akin kanina sa chat pero hindi iyon nangyari. She was sitting in front of me with her eyes wide open. Curious yet, surprised. Well, sino ba namang hindi? Tapos ang mas nakakabigla pa ay hindi lang siya basta umamin kundi bigla na lang din niya akong hinalikan. It's not just a kiss, but a kiss on my lips. Lips!Shocks!Ang masaklap pa bukod sa idineklara niya na liligawan niya ako ay napaka-demanding pa. "Bwisit ka!" Yugyog ni Alya sa balikat ko kasabay ng pagsabunot niya sa laylayan ng buhok ko. "Ang haba ng hair mo ah! Talaga bang liligawan ka ni Theo? As in, ligaw talaga? Hindi kaya nagkamali ka lang ng dinig?"Pagak akong natawa. "Nagkamali? Sana nga at sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon.""Hoy!" bulalas niya at siniko ako. "Anong panaginip? Napakaswerte mo n

  • His Dangerous Desire   Chapter 104 - Another Suitor

    Samantha's POVSobra-sobra ang pasasalamat ko dahil inuwi naman ako ng magaling kong boss. Ang buong akala ko ay iuuwi niya ako sa bahay niya o di kaya ay dalhin ako sa kung saan. Tahimik ang loob ng kotse sa mga sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon ay panay naman ang pagwawala ng isipan ko dahil sa paghalik sa akin ni Theo kanina. Napakagat-labi ako habang ramdam ko ang bawat paggalaw ng kanyang mga labi sa labi ko. Noong mga nakaraang araw ay ini-imagine ko lang kung paano siya humalik, ngayon ay bigla akong nagkaroon ng sagot sa tanong kong iyon. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay. Kasabay ng pagtapak niya sa brake ay ang pagbaling niya sa akin. Not long later, he removed my seatbelt. At that moment, I felt like I was about to melt, knowing how he looked at me like there's no tomorrow. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Sa pagsandal ko sa pinto ng passenger seat ay agad din naman akong natigil nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Ram

  • His Dangerous Desire   Chapter 103 - He Likes Me, He Likes Me Not

    Samantha's POV"Bakit mo 'ko hinalikan?" tanong ko kay Theo. Hindi siya sumagot bagkus ay nag-iwas siya ng tingin. Tinanggal ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ko at hinampas siya niyon. Muli ay nilingon niya ako at takang pinukulan ako ng tingin. "What?""Anong what?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo 'ko hinalikan? Anong dahilan mo?"Nanatili pa ring tikom ang bibig niya sa sunod-sunod na tanong kong iyon. Pagak akong natawa at naningkit ang mga mata kong pinukulan siya ng tingin. "Don't tell me you kissed me because you thought..." Muli ay hinampas ko siya ng pagkalakas-lakas kung saan ay agad siyang napaatras mula sa akin. "Hoy, Theo Buendia! Hindi kita dinala rito dahil gusto kitang masolo! Anong tingin mo sa 'kin? Sinabi ko naman sa 'yo ang dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta rito, hindi ba?"He frowned. Hinablot niya ang hawak kong bag na ipinanghahampas ko sa kanya kung kaya't mabilis pa sa alas-kuatro akong natigil. "Anong pinags

  • His Dangerous Desire   Chapter 102 - City Lights

    Theo's POVLumabas na kaagad kami sa fast food restaurant matapos naming kumain.It's 11:30 pm. For a week and a half, this is the first time I have gone out of my house. Halos ilang araw din akong nagkukulong sa loob ng bahay ko at walang ibang inisip kundi ang tungkol sa nakaraan ko na hindi ko alam kung babalik pa ba. I was about to open my car door when Samantha spoke. "Pwede bang...""What is it?" tanong ko sabay sara ko ng pinto ng kotse.Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ano, um." Pinukulan niya ako ng tingin at hindi kalaunan ay umiling. "Hindi bale na lang. Saka na siguro kapag..."Hindi ako umimik bagkus ay mataman ko lamang siyang tinitigan. I waited for her to say something. "May gusto akong puntahan," pagsisimula niya. "Noong isang araw ko pa nga inaaya si Alya. Ang problema nga lang ay wala siyang oras na samahan ako. Hindi ko naman magawang puntahan dahil hindi ko alam kung saang banda 'yon at ang kaso ay wala akong alam sa lugar.""Saan ba ang lugar na 'yon?" I cur

  • His Dangerous Desire   Chapter 101 - Hate or Something More?

    Theo's POV"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Neo pagpasok namin sa loob ng opisina. "It's already late. Baka naman hinahanap ka na sa inyo?"Pagak siyang natawa. "Ako? Hahanapin ni Papa? Imposible! Saka bakit mo ba kinukwestyon ang pagpunta ko rito? I like it here with you more than in our house."Hindi ako umimik sa pahayag niyang iyon bagkus ay umupo lamang ako sa katapat niyang couch. Maya-maya ay binalingan ko ng tingin si Samantha na kunot-noong nakatitig sa kanyang cellphone. Bagamat panay ang ring niyon ay tila ba pinipili pa rin niyang huwag pansinin iyon. Who would it be?But my moment of staring at her comes to an end when the door closes.Agad akong nag-angat ng tingin at mula roon ay napukol ang tingin ko kay Neo na siyang nagsara ng pinto. "Problema mo?" iritable kong anas. Tumikhim siya at napahalukipkip na naglakad patungo sa pwesto ko."Ikaw ba?" aniya at umupo sa tabi ko. "Bakit ganyan ka kung makatitig kay Samantha? Tapos, ano 'yong nakita ko kanina? Baki

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status