MasukSamantha's POV
Nakatuon ang tingin ko sa computer pero ang utak ko ay tila ba lumilipad. Umiling ako at sumandal sa kinauupuan ko kasunod niyon ay ang pagbaling ko ng tingin sa mga papeles na nasa harapan ko. Kailangan kong tapusin ang mga ito dahil bukas na bukas din ay kailangan na itong mapirmahan ni Ms. Taylor. Maya-maya ay natigil ako nang sumulpot sa harapan ko si Marc. Nandito na naman ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang ipagsiksikan ang sarili sa akin. "Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ko na hindi man lang tumitingin sa kanya. "Sinasabi ko sa 'yo, kapag itong ginagawa ko hindi ko kaagad natapos, makakatikim ka sa 'kin ng maagang meryenda." "To namang si Samantha," nakanguso nitong sambit at umupo sa upuan sa harap ng desk ko. "Kailan ka ba papayag na makipagdate sa 'kin? Wala naman na kayo no'ng boyfriend mo. Baka naman mapagbigyan mo na 'ko? Isang taon na 'kong halos lumuhod sa harapan mo." Nginisian ko siya. "Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwede mong kulitin ay ako pa? Ang dami-daming babae dyan sa paligid mo. Nandyan si Sofia na halos ikaw palagi ang bukambibig, bakit kaya hindi siya ang kulitin mo?" Naalumbaba ito. "Hindi ko nga siya type. Ikaw 'tong gusto ko, ibinibigay mo 'ko sa iba." Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa ayaw ko nga rin sa'yo, lumayas ka nga rito. Minamalas ako umagang-umaga." Tumayo ako sa kinauupuan ko kasunod niyon ay ang pagdampot ko ng folder. Matapos niyon ay inihampas ko sa balikat niya kung saan ay mabilis pa sa alas-kuatro niyang ikinalayo sa akin. "Samantha naman-" "Tse!" putol ko sa kanya. "Lumayas ka rito. Naiirita ako dyan sa pagmumukha mo. Layas!" Bago pa man siya makapagsalita ay sakto naman ang labas ni Ms. Taylor sa kanyang opisina. "Ms. Taylor," bati ni Marc. "Good morning, po." "Good morning," bati rin naman nito. "Anong ginagawa mo rito? Umagang-umaga pinopormahan mo itong secretary ko." Natawa ang loko. "Iyon na nga ho ang problema, masyadong mailap." Napamaang ako. At talagang nakipagbiruan pa sa CEO. "Alam mo kung ano ang mas ikatutuwa ko?" nakangiti kong sambit kay Marc. "Ano?" Nakangiti siya. Binato ko sa kanya ang nadampot kong nilokot na papel mula sa basurahan. "Ang pumunta ka do'n sa workplace mo at magsimula ng magtrabaho. Busy ang tao rito iniistorbo mo. Nandadamay ka pa." "Oo na. Aalis na. Ito talagang babe ko-" "At talagang sasagot ka pa," gigil kong sambit na naging dahilan ng mabilis niyang paglisan sa lugar na iyon. Natawa si Ms. Taylor. "Kung bakit ba naman kasi ayaw mo pang pagbigyan? Mabait naman si Marc, matinong lalaki, gwapo at higit sa lahat sigurado na hindi ka lolokohin." "Paano niyo naman ho nasabi 'yan?" Napaisip siya. "Nakita mo ba kung paano siya maglaway sa tuwing nakikita ka niya? That's the kind of guy who will never cheat on you. Bagay na hindi nagawa ng boyfriend mo sa'yo. Ni kahit nga yata titigan ka ng matagalan ay hindi nagawa ng lalaking 'yon. He never even shows interests in you." Bumuntung-hininga ako. "Kaya nga sising-sisi ako dahil nagawa ko siyang mahalin. Kung sana nakinig nalang ako sa kaibigan ko, di sana ay hindi ako nasaktan ng husto." "Ano ka ba, Samantha?" Tinapik niya ako sa balikat. "Wag kang magsisi na minahal mo siya. Ang dapat nga ay siya ang mas magsisi dahil siya ang nawalan." Tumango ako at napangiti sa kanya. "Wag kang mag-alala," aniya at tinungo ang pinto ng kanyang opisina. "Darating ang panahon na mayroong lalaking kusang magbabalik sa'yo ng pagmamahal na ipaparamdam mo sa kanya. He's going to be so crazy about you that you don't know how to stop him from doing that. At kapag nangyari 'yon ay ikaw at ikaw din ang magsasawa." "Obsession na ho yata 'yon at hindi na pagmamahal." "When you're in love, Samantha, you're obsessed," huli nitong sambit at tuluyan na ring pumasok sa kanyang opisina. Well, that's Ms. Taylor, ang CEO ng industrial design company na pinagtatrabahuan ko. I've been working in their company for six years as a secretary. Malaki ang respeto ko at tiwala ko sa boss ko. Nakilala ko na rin ang buong pamilya niya at masasabi ko na tunay ngang karespe-respeto ang kanilang angkan. Hindi kalaunan ay natigil ako nang mabaling ang tingin ko sa cellphone ko. Agad kong dinampot iyon at mula roon ay nakita ko ang message sa akin ni Alya. "Best, punta kami ng bar mamaya. Sama ka?" Bar? Shocks! Naalala ko na naman ang nangyari nang gabing iyon. Simula nang mangyari iyon ay wala na akong ibang inisip kundi ang misteryosong lalaking iyon na nakilala ko sa bar. Kung paano niya ako hawakan, halikan at kung paano niya ako paligayahin. He's so good. I just hope I meet him again but at the same time, I don't want to. Iniwan ko siya kahit pa malinaw ang pagkakasabi niya na gusto niya akong makasamang kumain ng breakfast. Gutom na gutom na ako noon at hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang palagpasin ang pagkakataon at tinakasan ko siya. Ang masaklap pa ay nagsulat ako ng note sa bedside table niya na, 'I hope we don't meet again'. Bakit ba iyon ang sinulat ko? Paano kung magkita kami ulit? Maya-maya ay bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ms. Taylor. "Could you come in here for a moment?" "Yes, Ms. Taylor." Tumayo ako sa kinauupuan ako at nagtungo sa loob ng kanyang opisina. "Ayusin mo nga itong mga folders na ito at kung pwede lang ay i-color code mo. I like the way you organized the documents with color coding," nakangiti nitong sambit at umupo sa kanyang swivel chair. Tumango ako. "Of course, wala pong problema." "And before I forget," pagpapatuloy niya. "Would you please call my brother? Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo nandoon. Sabihin mo na may kailangan kaming pag-usapan at importante iyon." Brother? May kapatid si Ms. Taylor na lalaki?Theo's POV"Kung gusto mo 'kong kausapin dahil gusto mo pang idiin ang mga nagawa ko sa 'yo, sige lang. Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibabato mo sa 'kin. Hindi ako magrereklamo," blangko ang reaksiyon niyang pahayag.Hindi ako umimik bagkus ay tinapunan ko lamang siya ng tingin.Ngunit imbes na pahabain ko pa ang katahimikang iyon ay napagdesisyunan ko na ring agad na putulin iyon.Humugot ako ng isang malalim na hininga."I don't want to stay mad at you," pagsisimula ko na ikinatigil niya. "Ayaw kong dumating sa punto itong sitwasyon natin na huli na para sa 'tin ang magkaayos. However, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inis sa ginawa mong pagsisinungaling sa 'kin. I feel betrayed and fooled, you know?"Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Ang totoo nga niyan ay nagsisisi ako sa ginawa ko. I have a lot of what-ifs on my mind. Sana hindi ko nalang sinabi sa 'yo ang totoo at sa
Samantha's POV"Ano? Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Alya habang nagtitimpla ng kape. "How about Theo? Wala ba siyang napapansin sa 'yo na kakaiba? Your cravings or your morning sickness?"Umiling ako. "Fortunately, parang normal lang naman ang lahat. Pero ayaw kong makampante dahil si Theo 'yon."She laughed as she turned to me. Right after she sip her coffee, umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko sa dinner table."Right. He's kind of a jerk sometimes. Pero hindi maitatanggi na magaling siyang bumasa ng sitwasyon." Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Hula ko nga ay nahawaan siya no'ng magaling niyang pamangkin na si Neo."Natawa ako sa sinabi niyang iyon.Paanong hindi sila magkakahawaan na dalawa?Noon pa man ay hindi na sila mapaghiwalay. Bukod pa roon ay talagang malapit sila sa isa't-isa to the point na kung minsan ay napagkakamalan silang magkapatid.Minsan pa nga ay mag-ama.Pero sa ngayon ay
Theo's POVHindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa narinig ko mula kina Bella at Taylor.Neo is going to Canada. Probably, he's going to stay there for good dahil doon na nga rin siya magtatrabaho. Wala akong ideya tungkol sa bagay na iyon dahil wala naman siyang nabanggit sa akin.Huling nagkausap kami ay nagkausap natutuwa siya dahil mayroon na rin siyang trabaho sa wakas. Ngunit sa kabilang banda naman ng tuwang iyon ay sinabi rin niya sa akin na mukhang hindi siya magtatagal sa kompanyang iyon.Hindi raw kasi niya gusto ang patakaran sa loob ng kompanyang iyon.Bukod pa roon ay wala sa lugar ang pagiging istrikto ng kanilang employer. Gusto nitong sumunod sila sa gusto nito kahit hindi naman karapat-dapat sundin ang mga ipinag-uutos nito.But now, he accepted another job offer.Paniguradong umalis na ito sa dati nitong pinagtatrabahuang kompanya.Bakit hindi man lang nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa b
Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan ko na ring natapos ang trabaho ko na ilang araw ko na ring pinagkakaabalahan. It is finally ready for publishing at ang kulang nalang ay ang approval ng President sa proyektong iyon.Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay saka naman ako natigil nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. As I opened my phone, bumungad sa akin ang sunod-sunod na text message mula kay Taylor.'Tito Theo, are you done with your work? Pwede bang pumunta ka rito saglit sa office? Meron lang akong importanteng papers na ipapakita sa 'yo.''Sure, that wouldn't be a problem. Sakto at lunchbreak na rin namin dito. Basta ba may ipapakain ka sa akin kapag pupunta ako dyan.' I typed.She reacted to my message with a laughing emoji.'Talagang may kapalit kapag humingi ng favor sa yo, no?' tugon niya na ikinatawa ko. 'Walang problema. Punta ka na rito ngayon. I'll wait for you.'Matapos ang mga sandal
Samantha's POVAgad na umangat ang magkabilang kilay ko sa narinig ko mula kay Neo. Sa puntong iyon ay lihim akong napalunok kasunod niyon ay ang mabilis pa sa alas-kuatro kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. Hindi nagtagal ay nagtungo ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pinagkakaabalahan kong trabaho."I don't know what you're talking about," pagsisinungaling ko. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kwentong 'yan pero sinasabi ko sa 'yo…""Would you stop denying it?" anas niya at sinundan ako sa kusina. "Mismong si Ms. L ang nagsabi sa 'kin tungkol sa koneksiyon niya sa 'yo. Anong gusto mong palabasin? Sinungaling siya? Gumagawa lang siya ng kwento? Alam kong kilala mo siya at hindi siya ganong klaseng tao."Muli ay natigil ako sa ginagawa ko kasunod niyon
Neo's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago pa man ako kumatok sa pinto ng bahay ni tito Theo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito at kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Kung tutuusin ay sigurado ako na hindi na naman ako haharapin ng lalaking iyon. Sigurado ako na wala na naman akong mapapala kung magpupumilit na naman akong kausapin siya.Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin sa akin ang loko.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak na patawarin ako.Hindi ko alam kung hanggang kailan at hindi ko alam kung magagawa pa ba niya akong patawarin. Sa katunayan ay hindi ko siya masisisi kung ituring niya na akong iba dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya.Well, may choice ba ako?Napag-utusan lang din naman ako at kung tutuusin sa ilang taon na pagtatago ko sa kanya ng sekretong iyon ay walang araw na hindi ko binalak na sabihin sa kanya ang totoo.I felt guilty every time I faced him.Mabuti nga at nagawa kong magpakatapang dahil kapag si Ms







