LOGINTheo's POV
Matapos kong maligo ay hubot-hubad akong lumabas ng banyo at nagtungo sa walk-in closet ko. Habang abala akong naghahanap ng boxer shorts ko ay natigil ako nang mabaling ang tingin ko sa cellphone ko na nakapatong sa drawer ko. Binuksan ko iyon at mula roon ay bumungad sa akin ang picture ng babaeng nakilala ko noong nakaraang gabi. Yeah, I took a photo of her while she was sleeping and put it as my phone's wallpaper. Hindi ko alam. Simula nang makilala ko ang babaeng iyon sa bar ay hindi na magkandaugaga ang sistema ko. Gusto ko siyang makita at gusto ko siyang muling mahagkan. Sa puntong iyon ay ramdam ko ang paninigas ng alaga ko nang maalala ko ang pinagsaluhan namin nang gabing iyon. She's different sa mga naikama ko ng babae. Her voice is so soft and I just want to kiss her every single day. Ang problema ay iyon na ang huling pagkakataon na nakita ko siya. Inis na inis ako nang takbuhan niya ako nang umagang iyon. Kung hindi lang masakit ang ulo ko dahil sa sobrang kalasingan ko baka hinabol ko siya palabas ng condo ko. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makilala siya o di kaya mailibre siya ng almusal. Matapos kong isuot ang boxer shorts ko at isuot ang white tshirt ay lumabas ako ng kwarto ko. Agad akong dumiretso sa living room at naupo sa couch. Muli kong binuksan ang cellphone ko at mula roon ay tinitigang muli ang kanyang mukha. Paano ko kaya ulit siya mahahanap? "Nandyan ka na naman sa mysterious girl mo!" Hampas ni Neo sa balikat ko. He's my cousin na walang ibang ginawa kundi ang mambulabog sa pamamahay ko. "Noong nakaraang araw pa 'yan ah! Hindi ka na yata natigil dyan sa kakatitig sa babaeng 'yan?" Pinukulan ko siya ng tingin at di kalaunan ay umayos ako ng upo. In-off ko ang cellphone ko at inilagay sa coffee table. "I can't find her," kunot-noo kong anas. "Gusto ko siyang makita ulit. Ni hindi ko man lang alam kung anong pangalan niya o kung saan siya nakatira o kung saan siya nagtatrabaho." "Siguro kulang 'yong ipinalasap mo sa kanyang sarap no'ng gabing 'yon kaya ka niya tinakbuhan." Nginisian ko siya sabay hampas ko sa kanya ng nadampot kong throw pillow. "Anong kulang? Hoy, para sa kaalaman mo, I know how to satisfy a girl at halos lahat ng mga naikakama ko ay walang nakukulangan sa ginagawa ko sa kanila." Natawa si Neo at maya-maya ay nagtungo sa kusina. Nagbuhos siya ng kape sa kanyang mug at kumuha na rin ng tinapay mula sa lamesa. Maya-maya ay ipinatong niya iyon sa coffee table sa harap ko. "Magkape ka muna at nang mahimasmasan 'yang utak mo kakaisip dyan sa babae mo," aniya at muli ay tinungo ang kusina at kumuha ng sarili niyang kape. "Anyway, what would you do if ever you find her?" "Isang bagay lang ang nasisigurado ko. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa sa oras na magkrus ulit ang landas namin. I won't let her get away at hindi na 'ko papayag na mangyari ulit ang ginawa niya sa 'kin no'ng una." Umiling siya sabay tapik sa balikat ko. "Mukha yatang natamaan ka sa babaeng 'yon, kuya. Di kaya siya na ang magiging daan para tumino ka? Paniguradong matutuwa ang pamilya mo sa oras na mangyari 'yon." Sa katunayan ay hindi ko rin alam. Simula nang makilala ko ang babaeng iyon ay para bang bigla akong nagsawa sa mga bagay na madalas kong ginagawa. Nitong mga nakaraang araw ay pumupunta lang ako ng bar para hanapin siya at kapag hindi ko siya nakita ay babalik ako sa bahay. Hihiga sa kama ko at tititigan ang mukha niya sa cellphone ko. Mabuti nalang talaga at nagawa kong kuhanan siya ng litrato bago pa man mangyari ang pang-iiwan niya sa akin. Nagbaling ako ng tingin kay Neo na abalang kumakain ng kanyang tinapay. "Basta tandaan mo 'tong sasabihin ko, insan. Kapag nakita ko siya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. I swear. Ako muna ang mauunang ikakasal bago ikaw at ang girlfriend mo." Humagalpak siya ng tawa sabay sabing, "Kapag nangyari 'yon, you're family would be happy. At sigurado ako na lubos-lubos ang pasasalamat nila sa kung sino mang babae ang nakabihag sa'yo." Maya-maya ay natigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong dinampot iyon at mula roon ay lumitaw sa screen ang pangalan ng hindi ko inaasahang muling tatawag sa akin. It's my sister. "Sagutin mo na," ani Neo. "Ilang araw nang tawag ng tawag sa'yo si ate Taylor. Kung alam mo lang kung gaano 'yan nag-aalala sa'yo." Yeah right. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko sinagot ang kanyang tawag. Mapagbigyan na nga. "Hello," anas ko at nagtungo sa labas. "Hello. Is this Mr. Theo?" rinig kong sambit ng isang babae mula sa kabilang linya. It's not my sister. "Who is this?" Saglit na natahimik ang babae sa kabilang linya. Maya-maya ay narinig ko ang pagtawa niya na agad na ikinaangat ng kilay ko. She sounds familiar especially her laugh. She cleared her throat. "This is Samantha, her secretary." Tumango ako. "Okay. Nasaan siya? Bakit hawak mo ang cellphone niya? Meron bang nangyari sa kanya?" "Wala ho sir," natatawang anas nito. "Ibinilin ho niya sa akin na gusto niya ho kayong makausap. Kung maaari raw ho ay pumunta kayo rito sa office at nang magkausap kayo ng maayos. It's urgent at hindi na raw makapaghintay pa." "Okay," sagot ko. "Tell her, I'll be there tomorrow." Muli ay narinig ko ang mahina nitong pagtawa mula sa kabilang linya. "Thank you sir. Ipapaalam ko po kaagad kay Ms. Taylor. Have a good day, sir." "Have a good day." Matapos ang usapang iyon ay agad ng pinatay ng babae mula sa kabilang linya ang tawag na iyon. Pero sa puntong iyon ay nandoon pa rin ako nakatulala habang inulit-ulit ang boses ng babae na narinig ko. I can't point it out but I swear, that voice was familiar lalong-lalo na ang pagtawa niya. Umiling ako. I need to go to the office.Theo's POV"Kung gusto mo 'kong kausapin dahil gusto mo pang idiin ang mga nagawa ko sa 'yo, sige lang. Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibabato mo sa 'kin. Hindi ako magrereklamo," blangko ang reaksiyon niyang pahayag.Hindi ako umimik bagkus ay tinapunan ko lamang siya ng tingin.Ngunit imbes na pahabain ko pa ang katahimikang iyon ay napagdesisyunan ko na ring agad na putulin iyon.Humugot ako ng isang malalim na hininga."I don't want to stay mad at you," pagsisimula ko na ikinatigil niya. "Ayaw kong dumating sa punto itong sitwasyon natin na huli na para sa 'tin ang magkaayos. However, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inis sa ginawa mong pagsisinungaling sa 'kin. I feel betrayed and fooled, you know?"Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Ang totoo nga niyan ay nagsisisi ako sa ginawa ko. I have a lot of what-ifs on my mind. Sana hindi ko nalang sinabi sa 'yo ang totoo at sa
Samantha's POV"Ano? Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Alya habang nagtitimpla ng kape. "How about Theo? Wala ba siyang napapansin sa 'yo na kakaiba? Your cravings or your morning sickness?"Umiling ako. "Fortunately, parang normal lang naman ang lahat. Pero ayaw kong makampante dahil si Theo 'yon."She laughed as she turned to me. Right after she sip her coffee, umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko sa dinner table."Right. He's kind of a jerk sometimes. Pero hindi maitatanggi na magaling siyang bumasa ng sitwasyon." Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Hula ko nga ay nahawaan siya no'ng magaling niyang pamangkin na si Neo."Natawa ako sa sinabi niyang iyon.Paanong hindi sila magkakahawaan na dalawa?Noon pa man ay hindi na sila mapaghiwalay. Bukod pa roon ay talagang malapit sila sa isa't-isa to the point na kung minsan ay napagkakamalan silang magkapatid.Minsan pa nga ay mag-ama.Pero sa ngayon ay
Theo's POVHindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa narinig ko mula kina Bella at Taylor.Neo is going to Canada. Probably, he's going to stay there for good dahil doon na nga rin siya magtatrabaho. Wala akong ideya tungkol sa bagay na iyon dahil wala naman siyang nabanggit sa akin.Huling nagkausap kami ay nagkausap natutuwa siya dahil mayroon na rin siyang trabaho sa wakas. Ngunit sa kabilang banda naman ng tuwang iyon ay sinabi rin niya sa akin na mukhang hindi siya magtatagal sa kompanyang iyon.Hindi raw kasi niya gusto ang patakaran sa loob ng kompanyang iyon.Bukod pa roon ay wala sa lugar ang pagiging istrikto ng kanilang employer. Gusto nitong sumunod sila sa gusto nito kahit hindi naman karapat-dapat sundin ang mga ipinag-uutos nito.But now, he accepted another job offer.Paniguradong umalis na ito sa dati nitong pinagtatrabahuang kompanya.Bakit hindi man lang nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa b
Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan ko na ring natapos ang trabaho ko na ilang araw ko na ring pinagkakaabalahan. It is finally ready for publishing at ang kulang nalang ay ang approval ng President sa proyektong iyon.Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay saka naman ako natigil nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. As I opened my phone, bumungad sa akin ang sunod-sunod na text message mula kay Taylor.'Tito Theo, are you done with your work? Pwede bang pumunta ka rito saglit sa office? Meron lang akong importanteng papers na ipapakita sa 'yo.''Sure, that wouldn't be a problem. Sakto at lunchbreak na rin namin dito. Basta ba may ipapakain ka sa akin kapag pupunta ako dyan.' I typed.She reacted to my message with a laughing emoji.'Talagang may kapalit kapag humingi ng favor sa yo, no?' tugon niya na ikinatawa ko. 'Walang problema. Punta ka na rito ngayon. I'll wait for you.'Matapos ang mga sandal
Samantha's POVAgad na umangat ang magkabilang kilay ko sa narinig ko mula kay Neo. Sa puntong iyon ay lihim akong napalunok kasunod niyon ay ang mabilis pa sa alas-kuatro kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. Hindi nagtagal ay nagtungo ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pinagkakaabalahan kong trabaho."I don't know what you're talking about," pagsisinungaling ko. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kwentong 'yan pero sinasabi ko sa 'yo…""Would you stop denying it?" anas niya at sinundan ako sa kusina. "Mismong si Ms. L ang nagsabi sa 'kin tungkol sa koneksiyon niya sa 'yo. Anong gusto mong palabasin? Sinungaling siya? Gumagawa lang siya ng kwento? Alam kong kilala mo siya at hindi siya ganong klaseng tao."Muli ay natigil ako sa ginagawa ko kasunod niyon
Neo's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago pa man ako kumatok sa pinto ng bahay ni tito Theo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito at kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Kung tutuusin ay sigurado ako na hindi na naman ako haharapin ng lalaking iyon. Sigurado ako na wala na naman akong mapapala kung magpupumilit na naman akong kausapin siya.Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin sa akin ang loko.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak na patawarin ako.Hindi ko alam kung hanggang kailan at hindi ko alam kung magagawa pa ba niya akong patawarin. Sa katunayan ay hindi ko siya masisisi kung ituring niya na akong iba dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya.Well, may choice ba ako?Napag-utusan lang din naman ako at kung tutuusin sa ilang taon na pagtatago ko sa kanya ng sekretong iyon ay walang araw na hindi ko binalak na sabihin sa kanya ang totoo.I felt guilty every time I faced him.Mabuti nga at nagawa kong magpakatapang dahil kapag si Ms







