Theo's POVNamilog ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Alya. Hindi ko nagawang umimik sa mga sandaling iyon bagkus ay nakatuon lamang ang atensyon ko sa kanya habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya. Hindi kalaunan ay nabaling ang tingin ko kay Neo na kanina ko pa napapansin ko na tila ba panay ang iwas sa akin. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay napahilamos na lamang ako sa mukha ko at lihim na napailing. Right at that moment, I knew that Neo did what I told him not to do. Hindi pwedeng malaman ni Alya ang tungkol sa proposal ko kay Samantha kung wala namang nagsabi sa kanya. Kung kailan naman mas karapat-dapat na itago niya ang ganitong klaseng sekreto ay hindi niya nagawa.I just hope that she won't burst it all out to her friend. This was supposed to be a secret until tomorrow night. "Anyway, may plano ka na ba para sa project APSH?" ani Alya na ikinatitig namin sa kanya. "Sigurado naman ako na may nabuo ka na, hindi ba? But whatever it is, gu
Samantha's POV"Aray!" anas ni Theo na agad naming ikinatigil sa aming pag-uusap. Sa kanyang likuran ay nakatayo roon si Alya habang gigil na pinipingot ang kanyang tenga. Not long after that, dumating si Neo na sa mga sandaling iyon ay nakangisi habang matamang pinagmamasdan ang tiyuhin. "Saang lupalop kayong dalawa nagpunta, ha?" ani Alya at binitawan ang tenga ni Theo. "Nalinga lang kami saglit, nang-iwan na kaagad kayo! Ikaw, Mr. Buendia, nakakarami ka na! Sinasabi ko na nga ba at aandar na naman 'yang kamanyakan mo."Hinaplos ni Theo ang kanyang napingot na tenga at sinamaan ng tingin si Alya. Bago siya magsalita ay binalingan nito si Neo na sa mga sandaling iyon ay nagkibit-balikat lamang. "Kayo? Saan kayo nagpunta kagabi?" tanong niya na ikinatitig sa kanya ng dalawa. "Bakit bigla nalang kayong nawala? Hinahanap din namin kayo pero hindi namin kayo mahagilap."Lihim na lamang akong natawa sa sinabi niyang iyon. Seriously?May lakas ng loob pa talagang magsinungaling ang lal
Neo's POVNaningkit ang mga mata ko sa narinig kong iyon mula kay Alya. "I think they're ready. I would be glad to help Theo kung magkataon man na may balak na siyang mag-propose kay Samantha."I was actually expecting her to say something else, but she didn't. Well, may bago pa ba? Kung tutuusin ay siya itong walang tigil sa kakabanggit at kakakulit kay tito Theo kung kailan nito aayaing magpakasal si tita Samantha. Simula nang malaman nito na may bagong boyfriend ang kanyang kaibigan ay hindi na ito natigil sa usapang kasal na iyan. Dahilan niya ay natutuwa siya dahil sa wakas ay napunta rin sa matinong lalaki ang kanyang kaibigan. But apart from those things, hindi na siya makapaghintay pang makita ang kanyang kaibigan na magsuot ng wedding dress. She couldn't wait to be her maid of honor, especially being the one who would help her prepare everything that's needed for the wedding. Food, the wedding theme, the wedding dress, and the like. From thinking about it. Paano kaya kun
Vince's POVHindi na lihim sa akin ang kagustuhan ni Ms. L na paghandaan ang kasal ng kanyang anak. Nang malaman niyang may matino ng girlfriend si Theo at nang malaman niya kung sino ang babaeng iyon ay hindi na siya matigil sa pagplaplano tungkol sa magiging future ng dalawa. She's more excited than anyone else at ramdam ko ang saya niyang iyon. Sino ba naman ang hindi? On the other hand, I was also grateful for Samantha and Theo's relationship. She deserved it anyway. Ngunit kahit na natutuwa ako sa relasyon nilang dalawa ay hindi ko mapigilan ang hindi malungkot sa katotohanan na ang babaeng lubos kong pinapangarap noon ay nasa piling na ng iba. Bagamat naiinis ako sa paglitaw ni Theo sa buhay ni Samantha ay hindi ako gagawa ng paraan upang masira silang dalawa. I want them to be together and I prefer Theo to be Samantha's husband other than anyone else. Kaya naman nang marinig ko ang pahayag ni Anthony tungkol sa kapatid nitong si Noah ay tila ba bumaliktad ang sikmura ko.
Hey, Author here!Gusto ko lang magpasalamat sa inyong walang sawang suporta sa kwento nina Theo at Samantha. Sana ay suportahan niyo pa ang librong ito hanggang sa matapos ito. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang season ng librong it pero pakaabangan niyo pa ang mga susunod na kabanata. Anyway, gusto ko ring hingin ang comment ninyo regarding sa story. I want it so badly. Masyado kasing silent ang mga readers ng librong ito. Kakaunti lang ang nagco-comment. Gusto ko talagang marinig ang side ninyo sa kwento nina Theo at Samantha. Hope to hear from you soon!
Third Person's POV"It's been quite a while," nakangiting bungad ni Ms. L kay Anthony. "Matagal-tagal na rin simula nang huli kayong bumisita rito. Is there a possibility that you went here because there's a problem? Do you need some help? Or you're really just visiting?"Natawa si Anthony. "Don't think about it too much, Ms. L. Nandito lang kami para bumisita at para na rin ipaalam sa 'yo ang kalagayan no'ng dress na pinasadya mong ipagawa sa 'kin.""That's good, then," nakangiti nitong sambit. "Halikayo rito sa living room at umupo kayo. Ano bang gusto niyong kainin o inumin? Ipaghahanda ko kayo.""Meron ho ba kayong cucumber juice dyan?" sabat ni Noah. "I have been craving it for a week now."Tumango si Ms. L. "Of course we have. Meron pa ba kayong request?" Umiling si Anthony. "Iyon lang ho. Thank you."Matapos ang usapang iyon ay agad na tinawag ni Ms. L ang isa sa mga katulong at agad na iniutos ang paghahanda ng meryenda para sa kanilang bisita. Right after that, muli niya sil