MasukSamantha's POV
"Mayroon ho pala kayong kapatid na lalaki, Ms. Taylor?" tanong ko habang inaayos ko ang mga folder. "Ang akala ko ay tatlo lang kayong magkakapatid." "Yes, meron. Ang totoo niyan ay matanda siya sa'yo ng dalawang taon. He's 30 years old pero wala pa ring kinatatandaan. Puro bulakbol at kalokohan ang alam na gawin." Tumango ako. "Nandoon din ho ba siya sa birthday party ng bunsong kapatid niyo no'ng December?" "He's not there. Actually, he's nowhere to be found. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, hanggang ngayon nga ay hindi ko alam kung saan siya nakatira. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero wala akong ideya kung nasaan siya." Sa sinabing iyon ni Ms. Taylor ay naalala ko tuloy ang lalaking nakasayawan ko noong nakaraang Sabado. Problema rin nito ang pamilya nito. "You know what?" ani Ms. Taylor na ikinalingon ko sa kanya. "I hope you meet my brother." "Bakit naman ho?" "Para kahit papaano ay mabigyan mo siya ng leksiyon. Sigurado kasi ako na kayang-kaya mo ang lalaking 'yon. Kung si Marc nga na ang laki-laking lalaki, nagagawa mong ipagtabuyan at hampas-hampasin. Iyong kapatid ko pa kaya?" "Naku, kung magkataon man ay siguradong kawawa sa 'kin 'yong kapatid niyo," sagot ko. "Hindi ko lang siya bibigyan ng leksiyon, makakatikim din siya ng ilang sampal mula sa 'kin." Natawa siya. Maya-maya ay nagbaba ako ng tingin sa ginagawa ko. For about thirty minutes, sa wakas ay tapos na rin ako. Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at inilagay iyon sa cabinet folder. Nang matapos ko iyon ay ibinigay ko ang ibang mga folder kay Ms. Taylor. "These are the files that you asked from the finance manager," sambit ko sabay lapag niyon sa desk niya. "Naayos na ho 'yan ni Mr. Sandoval at ang kailangan nalang ay pirmahan niyo ang ilang mga document." Binuklat niya iyon isa-isa. "You are the best, Samantha. Mabuti nalang at ikaw ang tinanggap ko sa labinlimang applicants. Hindi ako nagsisisi at sana nga lang ay hindi mo 'ko iwan hangga't ako ang CEO rito." Nginitian ko siya. "Hindi ko kayo iiwan, Ms. Taylor. Kahit pa tumanda kayo at mamuti 'yang buhok niyo, mananatili pa rin akong secretary niyo." Natawa siya at sumandal sa kanyang kinauupuan. "Hindi mo na talaga natanggal 'yang pagiging loka-loka mo 'no? I guess, bukod sa pagiging workaholic mo ay isa rin 'yan sa dahilan kung bakit ayaw kitang umalis dito sa company." Loka-loka? Oo, kailangan. Kailangan kong maging loka-loka. Bakit? Naku, ayaw ko na ulit siyang makitang nade-depressed at kulang nalang ay hindi makagulapay tulad ng nangyari five years ago. It's awful. Ang sakit sa pakiramdam kung paano siya magwala nang kunin sa kanya ang kaisa-isang anak niya. "Anyway, meron ba 'kong important schedule for today? Any meetings, conferences or seminars?" tanong niya. Binuklat ko ang notebook ko at tiningnan ang notes ko. "Meron ho. You're going to have your meeting with the board members about your travel in Japan at 1:30 in the afternoon. And after that, at 3 p.m., you're going to have a speech sa isang seminar na gaganapin sa event hall ng Physpon Incorporated." "Right. I almost forgot about our meeting," anito at nagbaling ng tingin sa akin. "Nagawan mo na ba ako ng speech sa seminar na 'yan?" "Yes, Ms. Taylor. Nai-print ko na kahapon at nilagay ko dyan sa folder na nasa desk niyo." Binuklat nito ang folder na nasa kanyang desk at mula roon ay napangiti siya nang makita niyang naka-clip doon ang tinutukoy kong speech niya. "Mapagkakatiwalaan ka talaga, Samantha," aniya. Six years na akong nandito, hindi pwedeng mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko. At kahit na tinatawan-tawanan lang ako ng mga kapitbahay namin dahil sa pagiging secretary ko, at least, I am earning more than them. "Anyway, about my travel in Japan with the board members. Nasabi ko na ba sa'yo ang tungkol doon?" "Hindi pa ho." Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at hinila ako patungo sa couch. Matapos naming maupo roon ay humarap siya sa akin at di kalaunan ay nagsalita. "We're going to establish another branch of our company there. At aabutin iyon ng mahigit five months…or maybe, more," pagsisimula niya. "Bilang mapagkakatiwalaang employee ko rito sa company, you're going to assists my substitute. Ikaw ang mas nakakaalam ng mga trabaho natin dito sa office at ikaw nalang din ang bahalang magturo sa kanya niyon." Nginitian ko siya. "No problem, Ms. Taylor. Sino ho ba ang magiging substitute niyo?" Bago pa man siya makasagot ay tumunog ang kanyang cellphone. Right after she grabbed her phone and answer the call, lumabas na ako ng kanyang opisina. Sino kaya ang tinutukoy ni Ms. Taylor na magiging substitute niya? I hope na hindi ako mahirapan sa kanya at sana nga lang ay matino siya katulad ng CEO. "Hi babe," bungad sa akin ni Marc. Nandito na naman ang asungot na to! "Bakit ba palagi ka nalang nandito? Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang ay mag-day off ka naman sa pagpunta rito?" Napakamot siya sa batok niya. "Ito namang si babe ko. Eh sa gusto kitang bisitahin. Para akong lalagnatin kapag hindi kita nakita." "Ako naman palagi akong nilalagnat sa tuwing nakikita kita," sambit ko na ikinakamot niya sa kanyang batok. "Ano nga kasing ginagawa mo rito?" Umupo siya sa upuan sa harap ng desk ko. "Gusto nga kasi kitang makita. Saka wala namang ibang makausap do'n sa labas at ayaw ko ring makisawsaw sa usapan nila. Sawang-sawa na 'kong makarinig ng mga tsismis." "Anong tsismis ba 'yon?" curious kong tanong. Naningkit ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Hindi mo alam?" "Kung alam ko ba, sa tingin mo tatanungin ko?" sarkastiko kong sambit. "Tinawagan kasi si supervisor ng pinsan ni CEO. Ang sabi ay pupunta raw dito 'yong loko-lokong kapatid ni Ms. Taylor mamaya. Kaya nga aligaga si supervisor dahil ayaw niyang maulit 'yong nangyari last time na nagpunta 'yon dito." Ngayon pupunta rito iyong kapatid ni Ms. Taylor? "Sigurado ba siya?" anas ko na ikinatitig niya sa akin. "Ako kasi mismo ang tumawag sa kapatid ni CEO at ang sabi niya ay bukas daw siya pupunta rito." "Ganon ba?" ani Marc at muli ay s******p ng kanyang juice. "Eh, 'yon ang balita. Saka hindi naman sasabihin ni supervisor ang ganon kung hindi siya sigurado. Kilala mo naman 'yon." Marahan akong tumango. Hindi kalaunan ay nagpaalam ako kay Marc at tinungo ang opisina ni Ms. Taylor.Samantha's POV"Ano? Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Alya habang nagtitimpla ng kape. "How about Theo? Wala ba siyang napapansin sa 'yo na kakaiba? Your cravings or your morning sickness?"Umiling ako. "Fortunately, parang normal lang naman ang lahat. Pero ayaw kong makampante dahil si Theo 'yon."She laughed as she turned to me. Right after she sip her coffee, umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko sa dinner table."Right. He's kind of a jerk sometimes. Pero hindi maitatanggi na magaling siyang bumasa ng sitwasyon." Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Hula ko nga ay nahawaan siya no'ng magaling niyang pamangkin na si Neo."Natawa ako sa sinabi niyang iyon.Paanong hindi sila magkakahawaan na dalawa?Noon pa man ay hindi na sila mapaghiwalay. Bukod pa roon ay talagang malapit sila sa isa't-isa to the point na kung minsan ay napagkakamalan silang magkapatid.Minsan pa nga ay mag-ama.Pero sa ngayon ay
Theo's POVHindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa narinig ko mula kina Bella at Taylor.Neo is going to Canada. Probably, he's going to stay there for good dahil doon na nga rin siya magtatrabaho. Wala akong ideya tungkol sa bagay na iyon dahil wala naman siyang nabanggit sa akin.Huling nagkausap kami ay nagkausap natutuwa siya dahil mayroon na rin siyang trabaho sa wakas. Ngunit sa kabilang banda naman ng tuwang iyon ay sinabi rin niya sa akin na mukhang hindi siya magtatagal sa kompanyang iyon.Hindi raw kasi niya gusto ang patakaran sa loob ng kompanyang iyon.Bukod pa roon ay wala sa lugar ang pagiging istrikto ng kanilang employer. Gusto nitong sumunod sila sa gusto nito kahit hindi naman karapat-dapat sundin ang mga ipinag-uutos nito.But now, he accepted another job offer.Paniguradong umalis na ito sa dati nitong pinagtatrabahuang kompanya.Bakit hindi man lang nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa b
Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan ko na ring natapos ang trabaho ko na ilang araw ko na ring pinagkakaabalahan. It is finally ready for publishing at ang kulang nalang ay ang approval ng President sa proyektong iyon.Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay saka naman ako natigil nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. As I opened my phone, bumungad sa akin ang sunod-sunod na text message mula kay Taylor.'Tito Theo, are you done with your work? Pwede bang pumunta ka rito saglit sa office? Meron lang akong importanteng papers na ipapakita sa 'yo.''Sure, that wouldn't be a problem. Sakto at lunchbreak na rin namin dito. Basta ba may ipapakain ka sa akin kapag pupunta ako dyan.' I typed.She reacted to my message with a laughing emoji.'Talagang may kapalit kapag humingi ng favor sa yo, no?' tugon niya na ikinatawa ko. 'Walang problema. Punta ka na rito ngayon. I'll wait for you.'Matapos ang mga sandal
Samantha's POVAgad na umangat ang magkabilang kilay ko sa narinig ko mula kay Neo. Sa puntong iyon ay lihim akong napalunok kasunod niyon ay ang mabilis pa sa alas-kuatro kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. Hindi nagtagal ay nagtungo ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pinagkakaabalahan kong trabaho."I don't know what you're talking about," pagsisinungaling ko. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kwentong 'yan pero sinasabi ko sa 'yo…""Would you stop denying it?" anas niya at sinundan ako sa kusina. "Mismong si Ms. L ang nagsabi sa 'kin tungkol sa koneksiyon niya sa 'yo. Anong gusto mong palabasin? Sinungaling siya? Gumagawa lang siya ng kwento? Alam kong kilala mo siya at hindi siya ganong klaseng tao."Muli ay natigil ako sa ginagawa ko kasunod niyon
Neo's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago pa man ako kumatok sa pinto ng bahay ni tito Theo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito at kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Kung tutuusin ay sigurado ako na hindi na naman ako haharapin ng lalaking iyon. Sigurado ako na wala na naman akong mapapala kung magpupumilit na naman akong kausapin siya.Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin sa akin ang loko.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak na patawarin ako.Hindi ko alam kung hanggang kailan at hindi ko alam kung magagawa pa ba niya akong patawarin. Sa katunayan ay hindi ko siya masisisi kung ituring niya na akong iba dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya.Well, may choice ba ako?Napag-utusan lang din naman ako at kung tutuusin sa ilang taon na pagtatago ko sa kanya ng sekretong iyon ay walang araw na hindi ko binalak na sabihin sa kanya ang totoo.I felt guilty every time I faced him.Mabuti nga at nagawa kong magpakatapang dahil kapag si Ms
Samantha's POVMatapos kong makipag-usap kay Alya sa kabilang linya ay agad ko nang pinatay ang cellphone ko. Hindi nagtagal matapos ang mga sandaling iyon ay tuluyan ko na ring hinarap ang pinagkakaabalahan kong trabaho.Right after we visited my parents in my hometown agad na akong bumalik sa pagtatrabaho. Marami-rami na rin kasi akong tambak na gawain at gusto ko na rin agad matapos ang mga iyon.Sa ngayon ay hindi na ako bumalik pa bilang secretary ni Ms. Taylor sa kompanya ng mga Buendia.Ipinagpatuloy ko na ang pagiging comic artist sa DigiComics kung saan ay nanatiling Vice President si Theo. Hindi na rin kasi ako pinakawalan ng kompanyang iyon at nag-offer sa akin ng mas malaking salary.Other than that, gusto ko na ring ipagpatuloy ang pagiging comic artist dahil hindi ganoon kalala ang trabaho. Pwede akong humingi ng pagkakataon na makapag-work from home lalong-lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Indeed, I am pregnant.Kinabukas







