Two parts tayo tonight! Bukas na ulit ang update. Siguro 4-5 pm.
Humupa ang gulo. Nahila palayo ni Fatima si Arsen na halos manginig sa galit at pagkapahiya. Minabuti ngi Fatima na pauwiin na lang ang pamangkin kaysa maeskandalo pa sila. Sumingit naman ang ilang bisita sa pagbibigay ng regalo at ilang saglit pa’y nakalimutan din nila ang ginawang eksena ni Arsen. Muli ay bumalik ang galak sa puso ni Lucio. Naging magaan muli ang atmospera at marami nang regalo ang nabuksan ng matanda. Sa wakas ay turno na ni Aeverie na magbigay ng regalo. Nilingon ni Rafael si Blue at agad naman nitong nakuha ang senyales ng kapatid. Umalis ang lalaki para kunin ang regalo, at pagbalik nito’s sunod-sunod na singhap ang pumuno sa venue. Ang mga kaibigan ni Lucio Galwynn na mahilig din magkolekta ng antigong mga gamit ay namangha ng lubos sa dala ni Blue. Isang antigong upuan ang maingat na binubuhat nito. Nakilala nila ang dala-dala nitong antigo. “I-iyan ang regalo kay Mr. Galwynn?” “Hindi ba't iyan ang Sedia regale? Iyan ang upuan na pinapaniwalaang inukit ng
"If she really wanted this painting, why didn't she bid with me? She didn't really want to buy it, she just wanted to cheat me!" Sigaw ni Arsen, desperadang ibaling ang sisi kay Avi. Napakunot-noo ang mga tao at hindi alam kung paniniwalaan ang babae o kaaawaan na lang. "Hindi kaya may lihim na galit ang dating asawa ni Mr. Galwynn kaya ginawa niya ito? Everybody knows that Miss Espejo is engaged with Mr. Galwynn now.” “That's a petty. Tingin ko hindi iyon gagawin ng babaeng ito lalo pa’t mukhang tanggap naman niya na hiwalay na sila ni Silvestre.” “Sa bagay. There's Rafael Cuesta by her side.” Lalong sumidhi ang galit ni Arsen dahil sa mga tsismis! Kahit anong gawin niya'y wala siyang makuhang simpatya mula sa mga tao. "Avi, did you really do that?" May diin na tanong ni Bernard kay Aeverie. Tahimik naman na pinagmasdan ni Lucio Galwynn ang apo, naghihintay ng paliwanag. Walang panghuhusga sa mga mata ni Lucio, ngunit mayroong pag-iingat. Hinihikayat niya sa kaniyang tingin si
“You...are you kidding me?”Umahon ang galit sa puso ni Arsen, at ang ngiti sa kanyang mukha ay lalong naging pilit nang makita na nagbubulungan ang ilang bisita na eksperto sa pagbusisi ng mga painting. “I bought this painting from Huo's Auction House, how could it be fake?” Hasik niya. Sa isang salita, nadamay ang pamilya Huo sa iskandalong ito kaya naman napasulyap ng tingin ang ilang bisita kay CK. "Miss Espejo, you probably rarely attend auctions, so you don't know the market conditions of auctions, right? Our Huo Auction House is the largest auction house in the country. The collections we collect have been strictly screened and evaluated. Kaya imposible na magpa-auction kami ng pekeng mga item. It doesn't matter if you don't know the goods yourself, but don't ruin the reputation of our family.” Malamig na saad ni CK. Naging seryoso ang titig ni Silvestre sa kaniyang kasintahana. Pinagmasdan niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito, mas lalong nabalot ng pangamba at h
“Yes, yes, Papa, you are right…” Walang nagawa ang mag-asawang Bartolome at Fatima kung hindi ang sumangayon sa sinasabi ng matanda. "I like this gift so much. Where's Amanda? Come here and let Abuelo give you a hug.” Malambing na tawag ni Lucio. “The young lady said that she is not feeling well and will not come down for the time being. She will come to see you later.” Mahinahon na sagot ni Benito. “My sweet child..." Napailing si Lucio sa panghihinayang. “Hayaan muna natin at baka nahihiya dahil maraming bisita. Kumuha ka na lang ng frame Benito para sa painting ng aking apo. Hang this gift in my study, so that I can see it all the time.” Tumango ang sekretaryo at maingat na kinuha ang larawang nakarolyo sa kamay ng matanda. Halos mapunit ang puso ni Lucinda sa inggit nang marinig ang labis-labis na pamumuri ng kanilang Abuelo sa kaniyang kapatid. Akala niya’y mapapahiya si Amanda sa mumurahing regalo, ngunit ang walang kwentang painting pala nito ang naging sentro ng atensyon
There’s an breakable silence. Wala nang ibang marinig si Aeverie kung hindi ang malakas na tibok ng kaniyang puso. Hindi niya inaasahan na iyon ang hihilingin ng matanda sa kaniyang kapatid. Tila sumikip rin ang kaniyang dibdib dahil ramdam niya ang sensiridad ng matanda sa pagtitiwala kay Rafael sa kaniyang kaligtasan. “Abuelo…” Mabilis na humakbang palapit si Bernard at pilit na ngumiti para pagaanin ang biglang naging seryosong atmospera sa paligid. “Why don't we take a look at the birthday gifts prepared for you by the children, Papa? After seeing the gifts, we will start the banquet and not keep the guests waiting for too long.” Dahan-dahan na ibinaling ni Lucio ang mukha sa anak at marahan na lamang na tumango. Ibinalik din nito agad ang tingin kay Rafael at mainit na ngumiti saka tinanguan rin ito. "Halika kayo at samahan niyo akong magbukas ng mga regalo.” Mas masayang sabi ni Lucio. Gumaan sa wakas ang tensyon. Nakahinga ng maluwag si Aeverie nang makitang tumalikod na
Ngunit ang hindi alam ni Fatima, alam na ni Aeverie na darating sila sa puntong ito na kakailanganin niyang sabihin ang totoo at aminin ang mga kasalanan niyang nagawa. Ang totoo niyan ay naisip na niya na maaaring dumating ang panahon na kamumuhian siya ng pinakamamahal niyang Abuelo dahil sa paglilihim niya tungkol sa kaniyang pagkatao. She already prepared herself for the worse. "Abuelo, please don't blame Avi." Tumayo ng matuwid si Silvestre at mataman na tiningnan si Aeverie. "She doesn't owe me anything. Now that she can be with Mr. Cuesta, I wish her well. " Kahit na may kaunting pait sa puso ni Silvestre ay ibinaon na lamang niya iyon nang hindi na mangambala. Mas mabuti na rin na isipin ng kaniyang Abuelo na ipinagpalit na sila ni Avi sa mga Cuesta kaysa sabihin na isa rin itong Cuesta at niloko lamang sila. That would probably break the old man's heart. Baka hindi kayanin ng matanda kapag nalaman nito ang ginawa ni Avi sa kanilang pamilya. Samantalang natigilan si Aever