LOGINKahit kilala si Rachelle sa entertainment industry at sa marangyang pamilya, hindi makakapayag si Professor Martin na bastusin niya ang isang haligi sa larangan ng medisina.
“Miss Rivera, watch your words. Wala kang karapatang laitin ang sinuman dito lalong-lalo na ang bisita ko.”
Dating estudyante ni Professor Martin si Claire sa UK at alam niya ang kakayahan nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na bumalik na ng Pilipinas at magtrabaho sa Medical Center, pero laging bigo siya. Kaya nagtaka siya nang pumayag ito na bumalik ngayon. Gayumpaman, masaya siyang nandito ito ngayon.
Bahagyang napahiya si Rachelle pero taas-noo pa rin siya.
“I will hire you,” malamig na sabi nito. “Masama ang pakiramdam ng Mommy ko nitong mga nakaraang araw. Sakto, ikaw na ang tumingin—”
“No!” sagot ni Clarisse ng diretso. “Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay.”
Nginitian niya si Rachelle nang nakakaloko.
Natigilan si Rachelle sa sagot nito. Nagngingitngit sa galit at tinaas niya ang kan’yang kamay.
“You’re a fake. Akala mo kung sino ka—”
Hindi na umabot ang sampal sa pisngi ni Clarisse. Isang kamay ang humawak sa pulso nito. Mahigpit ang kapit nito.
“Anong ginagawa mo?” baritonong boses ang pumukaw sa kanila.
Lahat napalingon. Lucas Montenegro.
“Rachelle, nananakit ka na ngayon? Everyone’s looking. Hindi mo naman siguro gustong makita ang mukha mo sa TV this evening.”
Namumutla si Rachelle nang mapagtanto ang nasa paligid. Ngumiti siya nang pilit.
“Lucas, nagbabakasakali lang naman ako na matulungan niya ang Mommy. Mali ba ‘yon? Ang daming doctor pero walang makitang problema—”
Sa gilid, humihikab si Clarisse sa nasaksihan. Still the old, manipulative bitch Rachelle. Pero ang ikanatataka niya kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin Mrs. Montenegro si Rachelle.
Malamig ang titig ni Lucas kay Rachelle, saka lumingon kay Clarisse.
“Dr. Claire Navarro.” Inabot niya ang kan’yang business card. “Lucas Montenegro.”
Hindi ito kinuha ni Clarisse. Masiyadong mataas ang pride niya para sa small introductions nila.
“Kilala na kita. Let’s just go to business. Anong kailangan mo?”
Bahagyang humigpit ang ekspresyon ni Lucas.
“Malubha ang kalagayan ng Lola ko ngayon. She’s refusing any treatment. Umaasa ako na matutulungan mo ako. You can name your price.”
Tumaas ang kilay ni Clarisse. “At paano kung tumanggi ako?”
Bumuga nang mabigat na hininga si Lucas.
“I can do anything. Pumayag ka lang. My company can help you with anything you want.” Halos magmakaawa na si Lucas sa kan’ya.
Maya-maya pa, ngumiti si Clarisse.
“Joke lang. Siyempre, gusto ko ring kumita sa Montenegro family.”
“Name your price,” malamig na sagot ni Lucas.
“Hindi na muna. Tingnan na muna natin ang pasyente.”
Kung tutuusin, kahit hindi humingi ng tulong si Lucas, tutulong pa rin siya. Ang matandang ginang na ‘yon ang nag-iisang tao na nagtrato sa kan’ya nang maayos.
***
HALOS walang nagbago sa bahay ng mga Montenegro. Sanay pa rin sila sa katahimikan kaysa tawanan. Mataas ang bakod na bakal na may classic design, tugma sa gusto ng Senior Grandma noon pa man.
Malalapad ang haligi, malalaking bintana, at kisameng mataas pa sa simbahan. Sa labas pa lamang, dama na ng kung sinuman ang bigat at impluwensya ng nakatira roon. Sa loob naman, ang karangyaan ay sumisilaw sa bawat ilaw na naroroon.
Subalit pagbukas pa lamang ng pinto, naiingayan na naman siya.
“Tita, galit ba sa akin si Lucas?” umiiyak si Rachelle.
Sa sala, makintab ang sahig na gawa sa marmol. Sa dingding nakasabit ang mga painting at lumang larawan ng mga Montenegro. Subalit napansin niya na wala na roon ang wedding pictures nila ni Lucas.
“Don’t worry, Rich,” awang-awa si Mrs. Montenegro, “Iyang si Dr. Navarro, puro yabang lang ‘yan. Ni wala nga ‘yang media exposure. Kung totoong doctor ‘yan, malamang naglipana na ang mukha niyan sa TV.”
“Huwag niyo na po akong ipagtanggal. Kasalan ko naman talaga ‘yon. Handa naman akong humingi ng tawad.”
“Okay.” Isang tamad na boses ang sumingit. “Ngayon na mismo. Sana sincere. Gusto ko sana ‘yong ginawa mo sa eksena mo. 90 degrees bow ba ‘yon?”
“Dr. Navarro?” Napatalon si Rachelle sa gulat. “Paano ka napunta rito?”
“I was invited. May problema ba? Hindi mo naman siguro bahay to para magalit, di ba?”
Nanigas ang mukha ni Rachelle. Parang tinamaan siya ng kutsilyo sa lalamunan.
Umubo si Mrs. Montenegro at sinipat si Clarisse mula ulo hanggang paa.
“Ito na ba ang nahanap mong doktor, Lucas? Bakit probinsyana?”
Ngumiti si Clarisse sa tinuran ng ina ni Lucas. “Oo nga po, eh. Hindi karapat-dapat.”
Mas lalong nainis ang ina. Natapon ang konting laman ng tasa sa glass table. “Manloloko ang babaeng ‘to, Lucas. Palayasin mo ‘to!”
Hindi gumalaw ang kasambahay. Tumingin ito kay Lucas ngunit tahimik lang ito.
“Wala na bang puwang ang boses ko rito?” Nagngingitngit sa galit ang ina.
Bahagyang inobserbahan ni Clarisse si Mrs. Montenegro.
“Huwag ho kayo masyadong highblood. Mahirap na po at baka magkaproblema pa. Iwasan niyo rin ho ang kung anu-anong iniinom,” kalmadong turan ni Clarisse na may konting pagbabanta.
Biglang tumahimik ang sala na animoy may dumaang Diyos.
Sa isip ni Mrs. Montenegro, “Paano nangyari ‘yon? Imposibleng alam niya.”
Hindi na nagsalita si Clarisse, sa halip ay hinanap niya ang pasyente. Tumalikod siya at inuna ang pakay niya.
Pumunta siya sa staircase na gawa sa bakal patungo sa ikalawang palapag, kung saan naroon ang mga silid—malalaki, tahimik, at hiwa-hiwalay. Minsan ng nahagip ng kan’yang mata ang dati niyang k’warto, at napansin ‘yon ni Lucas kaya nagkunwari siyang tiningnan ang lahat.
Sa ikatlong palapag ang k’warto ng Senior Grandma. Tahimik na animoy saradong bahagi ng mundo.
Kumatok si Lucas. “Grandma, si Lucas ‘to.”
Isang malakas na baston ang tumama sa pinto.
“Gago kang bata ka! May lakas ka pang magpakita sa akin? Lumayas ka!”
Hindi na pinansin ang mga sabi-sabi ng mga tao sa paligid at sinundan na lamang nila sina Lia at Lucas sa loob ng isang store.“Come, let’s go inside.”Pumasok sila sa isang men’s luxury brand. Tahimik lamang si Clarisse pero may kung anong bigat ang presensya niya na agad nakapansin ng tao. Nagkatinginan ang dalawang sales lady. “This is a high-end luxury boutique,” saad ng isa, taas noo. “Everything is extremely expensive. Pumunta na lang kayo sa tiangge. For sure, ma-afford niyo ‘yon.”“Don’t waste our time kung wala naman kayong pambili,” dagdag pa ng isa na tinitingala si Lucas sa kabilang isle.Kumulo ang dugo ni Andrei pero sinipatan niya ito ng mata, kaya tumigil. “Pumili ka na. May gusto ka ba?”Inilapag na rin ni Lucas si Lia para makapili ng gusto niya. “Go.”Halatang hindi natutuwa ang mga sales lady. “Kung may masisira kayo diyan, hindi niyo kayang bayaran.”Ipinasok ni Clarisse ang kamay sa bulsa, kalmadong nagtanong. “Ano na ang nabasag ng mga anak ko ngayon? Nagtiti
Clarisse spent her entire day inside the hospital treating patients. Pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit. Sumasakit na rin ang balikat at paa niya. Habang naglalakad papuntang parking lot, minamasahe niya ang braso niya ang inuunat ito. Iniisip na lamang niya kung gaano kasarap mahiga ngayon sa kama.Nang lumingon kung nasaan ang kotse, naroon na si Lucas at nakasandal sa bandang driver seat, mukhang kanina pa naghihintay.“Seriously?” bulong niya sa sarili.Lumapit siya rito, halatang iritado. “Sir Lucas, naligaw ka yata? Umalis ka diyan kung ayaw mong sipain kita.”“Sasabay na ako,” hirit ni Lucas habang nakangiti sa kanya. “Doctor po ako, sir Lucas, hindi driver. I drove you once, ayos na ‘yon. At please lang, huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot. Tawagan mo muna ako. At baka may makakakita pa sa atin. Misunderstanding na naman,” litanya niya na tila pinapangaralan niya ang binata.“Anong misunderstanding?” kalmadong tanong ni Lucas, pero n
The next Monday morning, maagang muli na pumasok si Clarisse sa ospital. Hindi pa man siya nakapasok sa opisina, agad siyang hinila ni Nurse Vera sa gilid.“Doc, ayos ka lang? May kalaban ka ba ngayon?”“Huh?”“Si Miss Rachelle nasa loob,” bulong nito. “Sinabihan ko na baka mag-off ka today at bumalik nalang siya bukas. Pero ayaw niya.”Pagkarinig niya no’n, agad sumilay ang ngiti sa labi niya na ikinagulat ni nurse Vera. “Okay lang. I’ll call you when I need you,” kalmado niyang sabi.“Nasa nurse station lang ako, ha. Tawagin mo lang ako kapag need mo ng resbak.”Tumango si Clarisse saka marahang binuksan ang pinto. Nandoon nga si Clarisse, nakaupo sa sofa habang naglalaro sa phone niya. Nang nakita ni Rachelle si Clarisse, tumayo siya at halatang iritado ang mukha.“Honestly, I underestimated you. Ang lakas ng loob mo. Dinala mo na agad ang mga bastardo mo sa bahay ng Montenegro?”“Bastardo?”“Akala ko ba wala kang gusto kay Lucas? Ano ‘yon? Nagbago ang isip mo?” tanong nito na pun
Nasa braso pa rin ni Lucas si Lia at ayaw pang bumaba. Tahimik lamang si Andrei sa paligid at mukhang guilty sa ginawa niya kanina. “Tito, hinarangan po kami. Ayaw niya po kaming palabasin. Tapos sinigawan niya si Mama ko,” sumbong ni Lia habang mahigpit ang hawak sa damit ni Lucas. “Tapos, pinagtanggol ni Kuya si Mama.”“Hindi gan’yan ang nangyari,” sigaw naman ni Lara. “Lucas, huwag kang maniwala sa mga ‘yan. Tinulak ako ng batang ‘yan at hindi pa nagso-sorry.”“Inunahan mo kami. Ininsulto mo kami ng mga anak ko. Gusto mo ng respeto pero hindi mo maibigay sa amin. Ano ‘yon?” singit ni Clarisse. “Mom, please. Stop this,” pakikiusap ni Lucas sa ina. “Bumalik ka muna sa loob. Aasikasuhin ko lang ito. At sana naman, Mom, ito na ang huli.”Hindi makapaniwala si Lara na kinampihan ni Lucas ang mag-iina.“Lucas, I’m your Mom. Noon, sinabi mong pabayaan kita sa kumpanya, ngayon naman pati sa pagpapakasal, bawal pa rin ako?”Mas kumunot pa ang noo ni Lucas. Ayaw niyang makarinig ng ganito
Alam ni Lucas kung paano hindi makatanggi si Clarisse sa regalo. Alam din ni Clarisse na kahit anong mangyari, mga apo pa rin ‘yon ng matanda at ayaw niya itong ipagdamot, maliban na lang kay Lucas at sa ina nito. “Pero next time, huwag na gano’n kamahal. They’re just kids. They don’t know the prices. Kahit toys lang sa mga department store or sa street stalls, masaya na ang mga ‘yon,” paliwanag ni Clarisse habang ibinabalik ang kahon sa mesa.“I think you’re late. Hiningi ni Andrei sa akin kahapon ang susi ng Lexus ko.” Napapikit na lamang sa Clarisse. Parang ayaw na niyang harapin si Lucas sa kahihiyan.“He surely inherits your hobby. Sinulyapan niya si Lucas at nagrereklamo.Pinigilan ni Lucas ang kan’yang tawa. “Walang duda. Anak ko nga ‘yan.”Nang bumaba sila para sa agahan, masigla si Senior Grandma. Mas may buhay ito kesa noong nakaraang araw, mula noong makilala sina Andrei at Lia.“Ang tatalino ng dalawang ito. They are just four, right?” masayang komento ng matanda. Agad
Nang bumalik si Lucas mula sa restroom, unang bumungad sa kanya si Clarisse na nakasubsob sa mesa at may dalawang lata ng beer. Natatawa na lang siya nang mahina sa nakita niya.Ang tigas talaga ng ulo.Nagbayad na siya sa counter at maingat na inalalayan si Clarisse palabas. Kahit pa pinipilit nito na maglakad ng tuwid, halatang nahihilo na. Inupo niya ito sa passenger seat, at ikinabit ang seatbelt. Habang nagmamaneho pauwi, banayad lamang ang pagpapatakbo niya. Ayaw niya itong magising sa pagkakatulog. “Mmm, ang sarap. Gusto ko pa ng isa…” bulong nito.Bigla itong nagmulat ng mata, luminga-linga, at tuluyang tumitig sa kan’ya. Mamula-mula na ang pisngi nito sa sobrang kalasingan. “Who are you?” tanong nito.“Call me honeybunch.”“Ang corny. Ew!” sabay irap kay Lucas.Napatawa na lang si Lucas sa kanya. “Akala ko tulog ka. Nakakapagmura pa, ah.”Hindi na sumagot si Clarisse. Yumuko lamang at humikab.“I’m warning you. Kung dadalhin mo ako kung saan-saan, sasapakin kita.”“Iuuwi







