INICIAR SESIÓNKatherine My head hurts. I deserve a good sleep. Kaya naman, kinabukasan, alas tres ng hapon ako nagising. Kaya mas lalong sumakit ang ulo ko. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Kapag matagal akong natutulog tapos maaga akong nagigising, sobrang productive ako. Parang lahat kaya kong gawin. Samantalang kapag alas-otso ng gabi ako natutulog, tapos gigising ako ng alas-otso ng umaga. Parang wala akong ganang gumawa ng kahit ano. Nababaliw na ata ang body clock kong ito. Hindi ko maintindihan. Hay naku. Bumangon pa rin ako. May pangako pa naman ako na mag-iinom kami. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago ko kinuha ang cellphone ko sa may side table. Pag-open ko pa lang ng wifi. Inulan na agad ako ng message sa group chat namin. Hindi na ako nag-backread. Sapat na sa akin ang makita ang mga emoji nila na halos puro beer glass. "Tsk." At kahit ganyan sila, sobrang kulit. Hindi ko pa rin maiwasang isipin na dahil
Katherine "Is the set ready?" tanong ko sa mga director at cameraman na nasa set kung saan gaganapin ang fashion show ng mga bata. This will be the third time I will release the product. Everyone was excited to see the new design. The director gave me a thumbs-up. "Everything's good here, Miss Salvador." I nod. Lumipat ako sa mga model na nasa backstage. "Stacey, how about the kids? Are they all set?" Ngumiti siya nang malaki. "Of course, ma'am, they all are." Nakangiti niyang sagot. Wala si Cathy ngayon dahil may activity sila sa school nila, kaya iyong anak ng director ang kinuha namin bilang pamalit para sa last item na ipapakita. Iyon ang magiging highlight ng show. Muli kong pinagmasdan ang mga susuotin ng mga bata. Napangiti ako habang pinagmamasdan iyon. Ni hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala si Stacey. "For sure this will be sold out once again." "I hope so, Stacey." Ayokong maging kampante; gusto kong makita ang resulta. Inay
Katherine Seven years had passed since we left him. Dalaga na si Cathy. Marami na siyang tanong tungkol sa buhay niya, pero unti-unti ay natutunan niyang huwag na lang isipin ang bagay na iyon. I became a designer at my own company without anyone's help. Umalis ako sa buhay ni Alexander nang hindi alam ni Mr. Beaumont ni kahit sinuman. Nagsimula kami ni Cathy sa sarili kong pera. Iyong savings ko. Iyong emergency fund ko. At pati iyong bahay at kotse na binili ko noon ay ibinenta ko para lang magkaroon kami ng malaking puhunan. I discovered something I'm good at, and I immediately thought of making money from it. Hindi nga ako nagkamali. Maraming pera sa pasyon na napili ko. The United States was a huge place, and I made sure that neither Alexander nor Leon would know where we were. "Mama," tawag sa akin ni Cathy nang dumating siya galing sa eskwela. Ako naman ay abala sa mga susunod kong gagawin. I call my fashion show 'Angel Baby's' dahil mga
Katherine He was going to propose. Hindi ako makatulog. Pero kailangan kong gumawa ng hakbang. At alam ko naman na hindi nga nagbibiro ang ama ni Alexander. Kapag nandito kami ni Cathy, hindi safe si Alexander. Kapag naman pinilit namin ang sarili namin sa kanya… mas lalo lamang gugulo ang lahat. Ngunit masasaktan si Alexander kapag nawala kami. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "I will give you two days to think about it, Katherine Salvador." Naalala ko na naman ang sinabing iyon ng matanda. Fvck! Two days? Pinilit kong matulog kahit nahihirapan na ako. Everything was just a mess for me. Na-realize ko lang na kapag napalapit pa lalo si Leon kay Cathy, masasaktan lang ang anak ko at masasaktan din si Alexander. And if I stay here for a while, I wouldn't grow and would forever be in Alexander's shadow. I know that I am more than this. I know that I could give my daughter the life I wish for her. At hindi si Alexander ang magbibigay
Katherine Patuloy na bumabagabag sa aking isipan ang mga salita ni Leon at ang nangyari sa children's party. Ayoko mang isipin, pero kusa siyang bumabalik sa aking isipan. Limang taon. Limang taon kaming nagsama at sa loob ng limang taon na iyon ay ramdam ko na totoo ang pagmamahal niya sa akin. Ngunit sa limang taon na iyon ay nalaman ko na isa lang pala iyong palabas. May iba siyang pamilya. May asawa. May anak na kamukha niya. Habang ako... pekeng asawa at buntis. "I never married, Cathryn." Muli na naman iyong umiikot sa aking isipan. My chest tightened. Bumangon ako mula sa aking kama at nagpasyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Kailangan kong maging kalmado. "I want to be with you for the rest of my life, Katherine." Narinig ko ang boses ni Alexander. "Ikaw at si Cathy." Kinakain ako ng guilt. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla akong nagkaganito? I was so sure. From the very beginning, the answer was there. That I wo
Katherine Mali ito. Mabilis ko siyang itinulak at umalis na doon. Nakasunod naman ang anak ko sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili sa kung anumang nararamdaman ko. Ano bang iniisip mo, Katherine? Are you insane? "Mama," tawag ni Cathy. Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap nang may ngiti sa aking labi. "Yes, baby?" tanong ko sa kanya nang nakangiti. "Are you okay po?" nag-aalalang tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Of course I'm okay, baby. I was just afraid my face would hit the ground." She sobbed. "I'm sorry, Mama, hindi na po tayo maglalaro." "Shh," yumuko ako. I wiped her tears using my thumb. "It's not your fault, baby," bulong ko. Mas lalo lamang siyang umiyak, kaya agad ko siyang niyakap. At habang nagyayakapan kaming mag-ina, nasa pinakadulo si Leon na pinagmamasdan kaming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi, Katherine. Manindigan ka sa sinabi mong hinding-hindi mo silang paglalapitin dalawa. Mas lalo kong h







