Elizabeth's Point of View “Please, tell Zychi about this. Baka mag-aalala sa’yo kung hindi ka makakauwi ngayong gabi.” Pahabol pa ni Kuya Nexon. Hindi ko narinig ang sagot ni Cassiopeia dahil pumasok na ako sa sasakyan. Pinagbuksan naman ng magaling kong kapatid si Cassiopeia pagkatapos ng ilang saglit pa nilang pag-uusap. “Mag-ingat sa pagmamaneho, Liza.” Mariin niyang bilin. I rolled my eyes at him. “Yeah.” I said as I pulled the lever. Nang maiatras ko na ang sasakyan ay umikot naman ako para maiharap na iyon sa malaking gate. “Ang guwapo ni Nexon kahit bagong gising.” Mahinang puri ni Cassiopeia. Nilingon ko siya, nakangiti naman siya habang nakatingin sa side mirror. Mukhang tinitingnan niya pa ang repleksyon ng kapatid ko. “Oo, mas guwapo pa kay Zychi.” Sagot ko at tuluyan nang lumabas sa villa. Napabaling naman ang tingin sa akin ni Cassiopeia. Umayos siya ng upo at hindi na nagsalita. Nasulyapan kong namumula ang kaniyang pisngi, siguro ay nahiya sa sinabi ko. Alam
Elizabeth's Point of View Sumunod siya sa akin habang naglalakad pabalik sa loob ng villa. “Magagabihan ba tayo sa Lanayan, Liza?” I stopped on my track. Nilingon ko siya. “Oh.” Hindi ko naisip na posibleng magabihan nga kami sa Lanayan. Sa akin, wala iyong problema kung sa bahay na kami nila Kuya Alted matutulog kung sakaling magabihan nga kami. Pero nakalimutan kong hindi nga pala kami pareho ni Cassiopeia. Kailangan niya ng pahintulot mula kay Zychi kung hindi siya uuwi ngayong gabi. “Baka magabihan nga tayo.” Amin ko. Nakita kong dumaan ang pag-aalala sa mga mata niya, pero marahan pa rin siyang tumango para paluguran ako. “Okay, if that’s the case, then… then I could just call Zychi. O baka itext ko na lang.” Alanganin niyang turan. May kaunting pag-aalala na umahon sa dibdib ko nang makita na nag-aalangan siya sa kaniyang sinabi. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya sa telepono na maaaring magabihan nga kami ng husto sa Lanayan kaya magpaalam na lang siya kay Zychi. H*
Elizabeth’s Point of View Cassiopeia stepped out of the car. She's wearing white fitted dress. Mahaba ang laylayan nito at medyo hapit sa bewang ang suot na dress. She looked stunning as she stepped out of the card. Nasa malaking gate na ako, naghihintay sa pagdating niya. Kagaya nga ng sabi niya, hanggang sa labas lang ng villa si Primo at hindi magpupumilit na pumasok sa loob. Tumigil nga ang sasakyan sa tapat ng malaking gate at doon na ibinaba si Cassiopeia. “Liza.” She greeted me. Nakangiti siya at ang mga mata ay maamong nakatingin sa akin. Kahit na magaan naman ang presensya niya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng mabigat na enerhiya. Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan nang napasulyap ng tingin sa driver’s seat lalo pa’t bumaba mula roon si Primo. Mas lalo lamang na bumigat ang nararamdaman ko nang makita siya. Hindi ba't may driver naman sila? Bakit hindi na lang iyon ang naghatid kay Cassy? Bakit kailangan na siya pa? “I baked some brownies for
Primitivo's Point of View Hindi na nagtanong si Manong Jose pagkatapos ng sinabi ko. Alam kong nag-aalala siya sa maaaring maging reaksyon ni Zychi kapag umuwi ito na wala si Cassy sa bahay. Inalalayan ko naman si Cassy papunta sa sasakyan habang dala-dala ang binake niyang brownies. I remember, Lola loves her baked brownies too. Halos lahat ng bini-bake at niluluto ni Cassy ay nagugustuhan ng lahat. Iyon na yata ang talento niya, ang maging magaling sa pagluluto. Pagkasakay niya sa passenger seat ay umikot na ako papunta sa driver's seat, siya namang pagring ng kaniyang cellphone sa pagpasok ko. "Liza." She greeted. I glanced at her when she mentioned Liza's name. Saktong lumingon din siya sa akin kaya nakita niya ang pagsulyap ko. "Ah, oo. Ihahatid ako ni Primo." Aniya. Inayos ko ang seatbelt at binuhay na ang makina bago sumulyap ulit sa kaniya. Hindi niya pa naaayos ang seatbelt niya. "Put your seat belt on." I said. Mabilis niyang kinapa ang seatbelt, kausap pa
Primitivo's Point of View Katulad ng inaasahan ko, hindi na ako kinibo ni Zychi dahil sa pang-aasar ko sa kaniya. I chuckled to myself when he left me all alone. Nang makita na tahimik ang buong dining area ay napailing na lang din sa sarili. Hindi pa rin ako sanay na tahimik ang dating maingay na hapag-kainan. But what else could I do? Ganito na ngayon ang mansyon, madalang na lamang ang mga tao. Pagkatapos kong mag-almusal ay umakyat na ako sa kuwarto para maligo at makapagpahinga. Mamayang hapon ay kailangan kong bumangon para bumyahe papunta ng Tacloban. I should be alert and sharp during the trip. Personal pa naman na hiniling ni First na ako ang sumundo sa kanila sa airport. My driver naman kami at maaari silang ipasundo, pero mukhang gusto niyang samahan ko rin sila sa private farm na nabili ni Khallel. Si Zychi kasi ay hindi pa pamilyar sa lugar na iyon, at tanging ako pa lamang ang nadala ni Khallel sa bagong property bago siya umalis. Ang alam ko ay si First ang
Primitivo's Point of ViewSi Cassy ang unang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa bahay. Pababa siya ng hagdan nang makita ko. Nakita kong nagulat pa siya nang makita niya akong pumapasok sa bahay."Primo!" She called.Mas binilisan niyang bumaba, tila nag-aalala."God. We were worried about you. Malakas ang ulan kagabi, hindi ka rin macontact. Ang sabi sa bistro ay maaga kang umalis, kaya nag-aalala kami na hindi ka pa rin umuuwi." Aniya.I smiled at her. I appreciate her concern.Si Cassy, Zychi at ako lamang ang nasa mansyon ngayon. Bumalik na si Nicole sa Manila, samantalang si Lola ay hindi pa umuuwi simula nang hindi na naman natuloy ang kasal ni Khallel.Pero nauunawaan ko rin naman kung bakit ayaw pa ni Lola na umuwi sa San Gabriel. Siguro ay nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari. The mansion was silent, and I couldn't take it. Kaya kagabi, pinaunlakan ko ang imbitasyon ng mga kaibigan ko.Mabuti na lang din talaga na pumunta ako kagabi sa bistro."I se