Elizabeth's Point of View Bumalik ako sa loob at nang matanaw ng isang katulong na may dala ako ay agad na lumapit para kunin iyon. "Akin na po, señorita." A young maid said. Nang tanggapin niya iyon, agad siyang nag-iwas ng tingin. Tila natakot. Now, I could not hide the irritation on my face. Bumalik ako sa sala para samahan sila. Kahit na nag-uusap si Kuya Alted at Corzi ay sumusulyap siya sa akin, halata ang pagtataka sa kaniyang mukha. “It’s my pleasure, Mr. and Mrs. Dela Fuente.” Ngumiti si Corzi. That’s our cue to end it here. Tumayo si Corzi, tumayo rin si Kuya Alted at si Aurora kaya tumayo na rin ako. Muling nakipagkamay si Corzi sa dalawa bago bumaling sa akin at ngumiti. “Bukas ng umaga, maaga kaming babalik ng team ko.” Sabi niya na sa akin ang mga mata. Tumango ako, ngunit hindi makangiti. “Thank you so much, Corzi.” I said formally. Inilibot niya ang tingin, tila may hinahanap. “Liza, si Cassiopeia?” Tanong ni Aurora, nahulaan kung sino ang hinanap
Elizabeth's Point of View “Kung ganoon, siya ang susukatan ko?” Baling sa akin ni Corzi. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Yes. And also, si Kuya Alted at ang kambal.” Tumango si Corzi at nagbaba ng tingin sa kambal. Kumibot ang kaniyang labi. “Nasa lahi niyo talaga ang pagiging maganda at guwapo, ano?” Ngumiti lamang ako. Nasa lahi nga. Naalala ko pa na isa si Corzi sa baliw na baliw sa kapatid ko. I met Corzi in college. Dati siyang architecture student, napilitan na kunin ang kursong iyon dahil sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang. Pero nagshift ng course kalaunan nang mapagtanto na hindi niya makita ang kaniyang sarili sa hinaharap bilang isang arkitekto. Mas gusto niya pa rin na gawin ang matagal na niyang pinapangarap, ang maging isang dress designer. Mabuti na lamang at nakikilala na siya sa industriya. Muli siyang naupo at bumalik sa pag-inom ng tsaa. Si Cassiopeia naman ay inalok agad ni Aurora na maupo na rin. Ang kambal ay umalis para makapaglaro. “B
Elizabeth’s Point of View I squatted when they got near. Patuloy pa rin sila sa pag-uunahan na makalapit. Walang pag-aalinlangan naman na dinumog ako ng dalawa lalo na nang makita na sasalubungin ko sila ng yakap. “I got her first!” Tumatawang sigaw ni Snow sabay yakap sa leeg ko. “I got her first!” “I want to hug her, Snow.” Sabay hila ni Winter sa kamay ng kapatid ngunit humagikhik lamang ito. Mas humigpit ang yakap ni Snow sa leeg ko para hindi maalis ni Winter ang kamay niya. “Kids, baka nasasaktan ang Tita niyo.” Saway ni Aurora sa mga bata. But Snow went from hugging me to kissing my cheeks. Tumatawa siya habang pinupupog ng halik ang pisngi ko. “I miss you, Tita Liza.” Aniya habang paulit-ulit na pinapatakan ng halik ang pisngi ko. Nang mga oras na ‘yon, nakalimutan ko ang lahat. Maging ang negatibong nararamdaman. Ang tanging alam ko lang, sobrang saya ng puso ko. Nakikiliti iyon dahil sa mga halik at hagikhik ni Snow. Tila ba may mahika siyang dala sa ba
Elizabeth's Point of View “Please, tell Zychi about this. Baka mag-aalala sa’yo kung hindi ka makakauwi ngayong gabi.” Pahabol pa ni Kuya Nexon. Hindi ko narinig ang sagot ni Cassiopeia dahil pumasok na ako sa sasakyan. Pinagbuksan naman ng magaling kong kapatid si Cassiopeia pagkatapos ng ilang saglit pa nilang pag-uusap. “Mag-ingat sa pagmamaneho, Liza.” Mariin niyang bilin. I rolled my eyes at him. “Yeah.” I said as I pulled the lever. Nang maiatras ko na ang sasakyan ay umikot naman ako para maiharap na iyon sa malaking gate. “Ang guwapo ni Nexon kahit bagong gising.” Mahinang puri ni Cassiopeia. Nilingon ko siya, nakangiti naman siya habang nakatingin sa side mirror. Mukhang tinitingnan niya pa ang repleksyon ng kapatid ko. “Oo, mas guwapo pa kay Zychi.” Sagot ko at tuluyan nang lumabas sa villa. Napabaling naman ang tingin sa akin ni Cassiopeia. Umayos siya ng upo at hindi na nagsalita. Nasulyapan kong namumula ang kaniyang pisngi, siguro ay nahiya sa sinabi ko. Alam
Elizabeth's Point of View Sumunod siya sa akin habang naglalakad pabalik sa loob ng villa. “Magagabihan ba tayo sa Lanayan, Liza?” I stopped on my track. Nilingon ko siya. “Oh.” Hindi ko naisip na posibleng magabihan nga kami sa Lanayan. Sa akin, wala iyong problema kung sa bahay na kami nila Kuya Alted matutulog kung sakaling magabihan nga kami. Pero nakalimutan kong hindi nga pala kami pareho ni Cassiopeia. Kailangan niya ng pahintulot mula kay Zychi kung hindi siya uuwi ngayong gabi. “Baka magabihan nga tayo.” Amin ko. Nakita kong dumaan ang pag-aalala sa mga mata niya, pero marahan pa rin siyang tumango para paluguran ako. “Okay, if that’s the case, then… then I could just call Zychi. O baka itext ko na lang.” Alanganin niyang turan. May kaunting pag-aalala na umahon sa dibdib ko nang makita na nag-aalangan siya sa kaniyang sinabi. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya sa telepono na maaaring magabihan nga kami ng husto sa Lanayan kaya magpaalam na lang siya kay Zychi. H*
Elizabeth’s Point of View Cassiopeia stepped out of the car. She's wearing white fitted dress. Mahaba ang laylayan nito at medyo hapit sa bewang ang suot na dress. She looked stunning as she stepped out of the card. Nasa malaking gate na ako, naghihintay sa pagdating niya. Kagaya nga ng sabi niya, hanggang sa labas lang ng villa si Primo at hindi magpupumilit na pumasok sa loob. Tumigil nga ang sasakyan sa tapat ng malaking gate at doon na ibinaba si Cassiopeia. “Liza.” She greeted me. Nakangiti siya at ang mga mata ay maamong nakatingin sa akin. Kahit na magaan naman ang presensya niya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng mabigat na enerhiya. Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan nang napasulyap ng tingin sa driver’s seat lalo pa’t bumaba mula roon si Primo. Mas lalo lamang na bumigat ang nararamdaman ko nang makita siya. Hindi ba't may driver naman sila? Bakit hindi na lang iyon ang naghatid kay Cassy? Bakit kailangan na siya pa? “I baked some brownies for