Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 23.2

Share

Kabanata 23.2

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2026-01-16 18:23:32

Tiny is wearing a facemask. Mukhang nasa harap siya ng vanity table niya. Si Abby, halatang nasa kitchen at mukhang sa laptop niya tinanggap ang groupcall. Si Kim naman ay nakahiga na sa kama pero mukhang hindi pa matutulog dahil naghihintay din.

“So?” Udyok agad ni Tiny nang makita ako.

Sumandal ako sa headboard ng kama at tiningnan sila isa-isa. I do miss them now.

Parang noon lang, hindi ako mabubuhay kung hindi sila ang kasama. Mas komportable ako kung kami-kami lang ang magkakasama. Kilala ko na sila at kilala na rin nila ako kaya kahit sa maliliit na bagay ay nagkakaintindihan na agad kami.

Hindi ko naisip na mabilis na darating ang panahon na haharapin namin ang mga araw na hindi na namin kasama ang isa’t isa. I thought… I couldn't live without them.

Sa ngayon, alam kong nariyan pa naman sila para suportahan ako, pero kailangan ko pa rin na matutong tumayo sa sarili kong mga paa.

“Kamusta kayo?” Ngumiti ako ng maliit.

“Ano’ng kumusta kayo?” Agap ni Tiny.

“Huwag mo munan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Be M Mary
more updates pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 23.2

    Tiny is wearing a facemask. Mukhang nasa harap siya ng vanity table niya. Si Abby, halatang nasa kitchen at mukhang sa laptop niya tinanggap ang groupcall. Si Kim naman ay nakahiga na sa kama pero mukhang hindi pa matutulog dahil naghihintay din. “So?” Udyok agad ni Tiny nang makita ako. Sumandal ako sa headboard ng kama at tiningnan sila isa-isa. I do miss them now. Parang noon lang, hindi ako mabubuhay kung hindi sila ang kasama. Mas komportable ako kung kami-kami lang ang magkakasama. Kilala ko na sila at kilala na rin nila ako kaya kahit sa maliliit na bagay ay nagkakaintindihan na agad kami. Hindi ko naisip na mabilis na darating ang panahon na haharapin namin ang mga araw na hindi na namin kasama ang isa’t isa. I thought… I couldn't live without them. Sa ngayon, alam kong nariyan pa naman sila para suportahan ako, pero kailangan ko pa rin na matutong tumayo sa sarili kong mga paa. “Kamusta kayo?” Ngumiti ako ng maliit. “Ano’ng kumusta kayo?” Agap ni Tiny. “Huwag mo munan

  • His Fake Wife   Kabanata 23

    “It’s up to Jehan if she wants to join us or not.” Sa hapagkainan nang sumunod na gabi ay nagtatalo si Nicole at Nicolas dahil sa pagkakaiba ng opinyon nilang dalawa. Pabalik-balik ang tingin ni Madamé Sole sa kaniyang mga apo, hindi na rin siya makakain ng maayos dahil sa debate ng dalawa. Tahimik naman akong nakikinig at nagmamasid sa kanila. “But we have other plans, Nicolas.” Matigas na turan ni Nicole. Nagsuhestyon si Madame Sole magpa-party sa Sabado habang narito ang mga kaibigan ni Nicolas. Nagustuhan iyon ng binata at inanyayahan akong sumali sa kanila, pero sumingit si Nicole at sinabing may iba siyang plano para sa amin. “Jehan can stay here while you run your errands somewhere. Let her enjoy her stay, Nicole.” Ibinaba ni Nicole ang kaniyang kubyertos at tinitigan si Nicolas na nasa harap namin. I could feel the tension between them. Napapatigil din ako sa pagkain dahil sa kanila. “She's going to enjoy it, Nicolas. And don’t be a pushover. Magpaparty din ako, pero hi

  • His Fake Wife   Kabanata 22.3

    Jehan’s Point of View Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nexon is to be engaged with my sister… alam ni Nicole ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero mukhang may alam nga siya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya’t nag-iwas na lamang ko ng tingin. “You know that Tita Lian and Tito Aiden are entitled to have an opinion on their son’s marriage, right? Bilang mga magulang may karapatan sila na magbigay ng opinyon o maghanap ng babaeng karapat-dapat sa anak nila…” Lumiko ang sasakyan kaya napatigil siya saglit. Nasa bayan na kami mismo kaya't may ilan kaming nakakasabay na mga sasakyan, pero karamihan doon ay mga tricycle at pickup. “Pero na kay Kuya Nexon naman kung sino ang pipiliin niya. Well, unlike in our family na parang kailangan sumunod sa tradition ng arranged marriage, sa mga Dela Fuente naman ay may kalayaan pa rin sila na humanap ng taong gusto nilang pakasalan kahit na may napili na para

  • His Fake Wife   Kabanata 22.2

    Jehan’s Point of View “Jehan?” Agad akong napalingon sa direksyon ng boses at nakita si Nicole. Palapit na siya sa amin, dala-dala na niya ang kahon ng cookies na i-binake ni Tita Lian para sa pamilya ni Clad. “Ang layo naman ng pagpark mo?” Nagtataka niyang tanong. Kinabahan ako, lalo’t narito pa si Nexon. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Umatras ako at nilingon ang lalaki. Pababa na siya ngayon sa sasakyan. Tumayo siya ng matuwid at nilingon ang direksyon ni Nicole. “Kuya Nex?” Napakunot ang noo ni Nicole nang makita si Nexon. Tumikhim ako, inaayos ang boses, dahil parang manginginig iyon sa oras na magsalita ako. “Uh… tinulungan ako ni Nexon na iikot ang sasakyan sa rotunda. I don’t really know how to drive.” Nakalapit sa amin si Nicole. Nanatili ang nakakunot niyang noo at ang pagtataka sa mga mata. Umayos ako ng tayo at pilit na hindi pinahalatang kinakabahan, pero hindi ko maitago. Si Nexon naman, namulsa at parang relax na relax pa siya. “Akala ko nasa

  • His Fake Wife   Kabanata 22

    Jehan's Point of View Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nalilito kong tiningnan ang susi ng sasakyan na ngayon ay nasa kamay ko na. Nakakahiya kung wala akong gagawin, lalo’t iniasa sa akin ni Nicole ang sasakyan, pero ano’ng gagawin ko kung hindi rin naman ako marunong magmaneho? Wala ako sa sarili nang maglakad palabas ng bahay para magtungo sa sasakyan na nakaparada sa may rotunda. Mamamatay ako kung susubukan kong pakialaman ang sasakyan niya, kaya maghihintay na lang siguro ako rito hanggang sa makabalik siya. At least I’ll be honest with her. Tumabi ako sa sasakyan at tumayo ng matuwid. Ngayon ko naisip kung gaano kahalaga na matuto ako na magmaneho kahit na iyong pagpapaandar lang ng sasakyan hanggang sa makaikot. Pero paano ako matututo? Natatakot akong magdrive. “What are you doing here?” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses galing sa likod ko. Mabilis ko iyong nilingon at nakita si Nexon. Nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang cellphone sa isa. Ibin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.3

    Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status