May class po ako bukas ng 8:00 am. Kaya I need to sleep na po. Bawi po ako sa sunod na update. Promise.
Elizabeth's Point of View Sa sunod na pagkagising ko, mas tahimik na ang silid. Wala nang nakakasilaw na liwanag. Wala nang ingay galing sa monitor at nag-uusap na mga tao. Wala na ang bigat ng pagpapanic. Maayos na ang paghinga ko. Mabagal kong ikinurap ang mga mata. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong natutulog. But thank goodness, my head's not hurting for oversleeping. Ilang sandali pa ay napatulala na ako sa puting kisame. Ang bigat ng pag-aalala sa kaligtasan ko at sa kaligtasan ng dinadala ko ay napalitan ng bigat ng kalungkutan dahil sa naging panaginip. Hindi ko alam kung bakit parang ibinabalik sa isip ko ang mga pangyayari sa kahapon. Hindi ko alam kung bakit napapanaginipan ko ang nakaraan namin ni Primo. Those things were coming back to me like a tidal wave. Nakakalunod ang detalye. Binabalik lahat sa akin, ang isturya, ang damdamin, ang sakit— ang lahat ng emosyong naramdaman ko. Unti-unti kong ibinaling ang mukha sa kung nasaan ang pinto. Ngunit natigi
Elizabeth's Point of View Gulantang ang guard sa guardhouse nang makita ako. Napatayo pa siya sa gulat. “Señorita!” Dali-dali siyang lumapit at inalalayan akong makapasok sa guardhouse. Dalawa sila sa loob, pero ang isa ay mukhang abala sa pagtitimpla ng kape kaya hindi ako napansin. Pumasok ako at sinadyang itago ang sarili mula kay Primo. Nakakahiya! Sobrang pula na siguro ng mukha ko. Pakiramdam ko, lalagnatin ako. Sa pagkataranta ng guard, ini-radio niya sa mansion na nasa guardhouse ako at basa. Which is not true, dahil hindi naman ako gaanong nabasa. Umaambon na lang nang tumakbo ako palabas ng sasakyan ni Primo kaya hindi naman nabasa ng husto ang uniform ko. Sinundo ako ni Kuya Vino sa guardhouse. Alalang-alala siya at namumutla pa. “Señorita, sana sinabi niyong uuwi na kayo. Lagot ako nito sa Papa niyo.” Namumutlang sabi ni Kuya Vino. “Pasensya na po,” pinunasan ko ang basang buhok gamit ang tuwalyang dala niya. Mabagal ang patakbo niya sa sasakyan para magkausap pa
Elizabeth's Point of View Dahil sa sinabi ni Peter na i-te-text niya si Kuya Alted, umasa ako. I waited in the library. May mga tao pa rin sa loob, at may ilang faculty pa rin naman sa campus, pero kaunti na lang ang naiiwan. My feet is hurting already. Nakatayo lamang ako habang naghihintay at hindi sigurado kung kailan susunduin. Hindi naman ako nagdadala ng payong dahil hindi ko kailangan. May driver na naghahatid-sundo sa akin at hindi ko pinoproblema ang ulan noon. Kung kailangan ng payong, si Kuya Vino ang magdadala no’n para sa akin. I bit my lower lip. Graduate na si Kuya Nexon at Kuya Alted. Hindi na gaya ng dati na palagi ko silang kasabay umuwi. Now, I'm really all alone in this cold and dark corridor. Tiningnan ko ang suot na relo at napagtanto na mag-da-dalwampung minuto na pala simula nang dumaan sila Primo. Siguro wala pang nakakaalam sa bahay na uwing-uwi na ako. Hindi rin malalaman ni Kuya Vino na naghihintay ako dahil shutdown ang phone ko at hindi ko siya mate
Primo's Point of ViewHindi ko alam kung may ginawa ba ang doktor sa akin, o ano, pero pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na naman ako. I’m really scared for my baby, but I couldn't fight the drowsiness.Hinihila ako ng antok sa kadiliman.“Wala ka bang payong?” iritadong tanong ni Primo.His voice was so familiar to me that I found myself looking his way.Malakas ang buhos ng ulan, nakabukas na ang mga ilaw sa corridor dahil madilim na ang paligid dahil sa walang tigil na pag-ulan. The clouds were still thick and black. The surrounding was already dark.Pero kahit na madilim, natagpuan ko pa rin siya, kausap niya ang isa sa mga kaibigan niya. Mukhang galing sila sa gym at dito dumaan sa library dahil dito lang din ang may masisilungan. Pero kung galing sila sa gym, mas malayo ang nilakad nila papunta sa main gate.I tried to look away, but it’s already too late. Nang mag-angat siya ng tingin, nahuli niya akong nakatingin sa kanila.“Wala e, kinuha ni Irin.” Sagot ng kaibigan niy
Elizabeth's Point of ViewHindi ko kayang harapin si Madame Sole o si Tita Wendell. Nanginginig ang katawan ko sa kaba, at may kutob ako na hindi lang simpleng pagbisita ang ipinunta nila rito.Pabalik-balik ako sa paglalakad habang hawak ang cellphone. Kalahating oras ang byahe galing sa Lanayan papuntang San Gabriel. Hindi ko naman siguro pwedeng papaghintayin ang dalawa ng ganoon katagal? Pero imposibleng makarating agad si Primo!Ten minutes passed and I almost jump on my feet when Mama knocked on my door. Mabilis ang katok.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko."Liza?" Malakas niyang tawag mula sa labas.Sinubukan niyang pihitin ang seradura, pero hindi niya nabuksan ang pinto dahil nakasarado iyon mula sa loob. Kumatok siya ulit."Liza? Bumaba ka na."Kinagat ko ang ibabang labi, mas lalong nataranta. Parang tinutusok ng karayom ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim dahil mas matinding paninikip ng dibdib ang sunod kong naramdaman.Kahit na kinakabahan ay sinubukan ko pa r
Elizabeth's Point of ViewI thought that'd be the first and last time he will send Cassy to San Vicente, pero hindi pala, dalawang beses na sinundo niya si Cassy sa bahay para ihatid sa San Vicente.I always tried to act natural whenever he's around. But I just can't stand his presence.Sa pangatlong araw, sinadya kong hindi pumunta sa Lanayan at magpahinga na muna. Sinabi ko kay Aurora kagabi na hindi ako pupunta, pero aayusin ko ang ilang delivery ng kagamitan para sa preparasyon. Kaya wala siyang dapat ipag-alala.Alas nuebe na ako ng umaga nagising. And that's the very first time that I woke up late. Wala nang tao sa bahay, nakaalis na si Kuya Nexon at Papa papunta sa trabaho, si Mama naman ay nasa bahay ng kaniyang amiga.Ang umagang ito ay kakaiba rin sa mga umagang lumipas na. Hindi ako gaanong nahilo at kahit paano mas maayos na ang pakiramdam ko. I felt like my body is lighter than before. Dati kasi parang ang bigat-bigat lagi ng katawan ko sa tuwing gumigising ako.Pagkatapo