หน้าหลัก / Romance / His Fake Wife / Kabanata 51.4: I Want You To...

แชร์

Kabanata 51.4: I Want You To...

ผู้เขียน: Purplexxen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-18 19:47:09
Aurora's Point of View

"I can do the dishes." Basag niya sa katahimikan nang hindi na bumalik sila Sonya dahilan para maiwan kaming dalawa sa kusina.

"H-hindi na. Ako na nito, kaya ko naman."

Bakit ganito? Kanina lamang nang kasama namin ang mga bata hindi naman ako nakakaramdam ng matinding kaba.

Kanina, kaya ko pa siyang sulyapan, pero ngayon, maliban sa hindi ko na iyon kayang gawin, para rin akong pinapaso dahil sa presensya niya.

"I know." Turan niya.

"Baka lang isipin mong kinukuha kitang katulong kaya ka narito." Sinundan pa iyon ng mahinang tawa.

Nabitin sa ere ang basong hawak ko dahil sa narinig kasabay ng pagiging abnormal ng tibok ng puso ko. Gusto kong makita ang mukha niya pero wala akong lakas para harapin o sulyapan man lang siya.

Kagat ang ibabang labi na bumalik ako sa paghuhugas habang palihim na kinakalma ang naghuhurumintado kong puso.

"H-hindi naman." Utal ko pang sagot.

Umayos siya ng tayo at humalukipkip. Nakita ko iyon sa gilid ng mga mata
Purplexxen

Dahil mabagal ang net namin ngayon, na-double update pala ang Kabanata 51. I'm sorry. I will delete that tomorrow.

| 99+
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (23)
goodnovel comment avatar
Rowena Castro
ang ganda Ng story author sna wala dagdagan mo PO ang points nmin pra mejo mahaba haba Ang nabasa nmin. salamat author.
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat.........
goodnovel comment avatar
Lorna
sayang yung points namin bgyan sana kami ng bonus points
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • His Fake Wife   Kabanata 22.3

    Jehan’s Point of View Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nexon is to be engaged with my sister… alam ni Nicole ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero mukhang may alam nga siya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya’t nag-iwas na lamang ko ng tingin. “You know that Tita Lian and Tito Aiden are entitled to have an opinion on their son’s marriage, right? Bilang mga magulang may karapatan sila na magbigay ng opinyon o maghanap ng babaeng karapat-dapat sa anak nila…” Lumiko ang sasakyan kaya napatigil siya saglit. Nasa bayan na kami mismo kaya't may ilan kaming nakakasabay na mga sasakyan, pero karamihan doon ay mga tricycle at pickup. “Pero na kay Kuya Nexon naman kung sino ang pipiliin niya. Well, unlike in our family na parang kailangan sumunod sa tradition ng arranged marriage, sa mga Dela Fuente naman ay may kalayaan pa rin sila na humanap ng taong gusto nilang pakasalan kahit na may napili na para

  • His Fake Wife   Kabanata 22.2

    Jehan’s Point of View “Jehan?” Agad akong napalingon sa direksyon ng boses at nakita si Nicole. Palapit na siya sa amin, dala-dala na niya ang kahon ng cookies na i-binake ni Tita Lian para sa pamilya ni Clad. “Ang layo naman ng pagpark mo?” Nagtataka niyang tanong. Kinabahan ako, lalo’t narito pa si Nexon. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Umatras ako at nilingon ang lalaki. Pababa na siya ngayon sa sasakyan. Tumayo siya ng matuwid at nilingon ang direksyon ni Nicole. “Kuya Nex?” Napakunot ang noo ni Nicole nang makita si Nexon. Tumikhim ako, inaayos ang boses, dahil parang manginginig iyon sa oras na magsalita ako. “Uh… tinulungan ako ni Nexon na iikot ang sasakyan sa rotunda. I don’t really know how to drive.” Nakalapit sa amin si Nicole. Nanatili ang nakakunot niyang noo at ang pagtataka sa mga mata. Umayos ako ng tayo at pilit na hindi pinahalatang kinakabahan, pero hindi ko maitago. Si Nexon naman, namulsa at parang relax na relax pa siya. “Akala ko nasa

  • His Fake Wife   Kabanata 22

    Jehan's Point of View Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nalilito kong tiningnan ang susi ng sasakyan na ngayon ay nasa kamay ko na. Nakakahiya kung wala akong gagawin, lalo’t iniasa sa akin ni Nicole ang sasakyan, pero ano’ng gagawin ko kung hindi rin naman ako marunong magmaneho? Wala ako sa sarili nang maglakad palabas ng bahay para magtungo sa sasakyan na nakaparada sa may rotunda. Mamamatay ako kung susubukan kong pakialaman ang sasakyan niya, kaya maghihintay na lang siguro ako rito hanggang sa makabalik siya. At least I’ll be honest with her. Tumabi ako sa sasakyan at tumayo ng matuwid. Ngayon ko naisip kung gaano kahalaga na matuto ako na magmaneho kahit na iyong pagpapaandar lang ng sasakyan hanggang sa makaikot. Pero paano ako matututo? Natatakot akong magdrive. “What are you doing here?” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses galing sa likod ko. Mabilis ko iyong nilingon at nakita si Nexon. Nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang cellphone sa isa. Ibin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.3

    Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.2

    Jehan’s Point of View There’s something wrong with me again. Alam ko naman na narito siya, dahil narinig ko ang sinabi ng kasambahay kanina, pero bakit nagugulat pa rin ako sa presensya niya? Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa direksyon niya at nakitang palapit na siya sa amin— sa mesa. “Kuya Nex.” Bati ni Nicole. Tumango si Nexon, ngunit saglit lamang ang naging sulyap kay Nicole dahil napatingin siya agad sa akin. Nagtama ang tingin namin at para akong sinipa sa dibdib nang makitang madilim na naman ang anyo niya. Galit na naman ba siya? O default expression niya ang pagiging malagim at malupit? “Kumain ka na ba, hijo? Join us. Nag-uusap pa kami ni Nicole at ni Jehan.” Tumigil sa dulo ng mahabang lamesa si Nexon. Ang tingin niya ay sa akin pa rin kahit na nagsasalita na si Tita Lian. Ako ang unang nagbawi ng tingin, parang hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang mga mata. “Nasabi ng kasambahay na dumating ka nga, pero hindi ko maiwan ang mga bisita.” Napa

  • His Fake Wife   Kabanata 21

    Sobrang hiya ko na ganoon ang nangyari sa akin sa harap nila, kaya naghinay-hinay na ako para hindi na mabulunan kung sakaling may sabihin na naman si Tita Lian na nakakabigla. “How about your eldest sister, Jehan, is she already married?” Magaan na tanong ni Tita Lian. Sabi ko, maghihinay-hinay na ako para hindi na ako mabulunan, pero inabot ko pa rin ang tubig dahil parang may nagbabara na naman sa lalamunan ko. Napabaling ng tingin sa akin si Nicole at kuryusong tumingin. Pinilit kong ngumiti. “Am… Ate Lisanda’s not married yet.” Mahina kong sagot. Kumunot ang noo ni Nicole. “Wala pang nagpapakasal sa inyo?” Marahan akong umiling, mas lalong kinakabahan na sa akin na ngayon ibinabato ang mga tanong. “Wala pa.” Paos kong bulong. Tumango si Nicole, ganoon din si Tita Lian, at mukhang naniwala naman sila kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Nga lang, parang nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. Mula sa bulwagan ng dining table, pumasok ang isang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status