Share

His Greatest Desire
His Greatest Desire
Author: Nicolihiiyaah

Prologue

“Come out, love. I know you’re hiding somewhere. And I hate it, Anna. Malilintikan ka sa akin. You know how I hate punishing you, love.” Napapikit ako nang marinig ang baritonong boses ni Havoc. Pigil ang aking paghinga ng mamataan ko siyang dumaan malapit sa closet na pinagtataguan ko. Ininda ko ang init at may kasikipan sa loob ng pinagtataguan ko huwag lang akong makuha ulit ni Havoc. I didn’t expect him to be like this. He is like a monster in disguise!

Pinagpawisan muli ako ng malamig nang marinig ang mga mabibigat niyang yabag. Kung sino-sinong santo na ang tinawag ko para umusal ng panalangin sa aking isipan huwag lang niya akong makita.

“You can’t escape from me, love. See this?” Sinilip ko siya sa maliit na butas ng aparador. My body trembled when I see him holding a gun. Hinalik – halikan niya pa iyon na parang santo at kapagkuwan ay tumawa na parang baliw. “I’ll use this on you when you don’t come out.”  Nadagdagan ang takot ko nang marinig muli ang mga yabag niya. This time it is coming closer.

“Lord, please help me. Ayaw ko pa pong mamatay. Huwag po rito. Huwag sa kamay ng lalaking ito.” Paulit – ulit ko iyon ipinalangin sa aking isipan.

“Sir, may nakakita po sa kaniya na papalabas ng mansiyon.”

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig hanggang sa mawala ang takot ko nang marinig ang mga yabag nilang papalayo sa pinagtataguan ko. I wiped my tears and sweat using my tore clothes. Nasira ito nang pagtangkaan akong gahasain ni Havoc kanina. I can even still feel his hand on my face when he slapped me.

Gustong-gusto ko na lumabas mula sa pinagtataguan ko bago bumalik si Havoc. Ngunit naghintay pa ako ng sampung minuto bago lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang makalanghap ng hangin na maayos. Ngunit ganoon na lamang ang paninigas ko nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa aking likuran at para bang binangungot muli ako nang makita si Havoc sa taas ng aparador. Nakangisi ito sa akin habang nakatutok sa aking ang kaniyang baril.

“Found you, my love...” he said coldy before jumping towards me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status