LOGINETHAN GREY
Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. Kung hindi lang talaga importante ang dahilan ng pag-iimbita nila, hindi ako babangon nang ganito kaaga. Pagkauwi ko kagabi mula sa club ay saka ko lang nalaman na tumawag si Mr. Villafuerte kay Dad. Halos mag-aalas-onse na ako nakauwi noon kaya kulang-kulang limang oras lang ang tulog ko. Kaya sana naman, may magandang dahilan sila para gambalain ang pahinga ko. Matapos maligo nang halos dalawampung minuto, nagpahatid ako ng mainit na soup sa kuwarto. Saktong si Mom ang nagdala. "Gaano ba karami ang nainom mo kagabi?" tanong niya habang inilalapag ang tray sa mesa. Umupo ako at kumuha ng kutsara. "Biglaan naman kasi ang imbitasyon nila," sagot ko habang humihigop ng soup. "Kung alam ko lang na may pupuntahan tayo ngayong umaga, hindi sana ako nagpakalasing." Napailing siya. "Hayaan mo na. Sigurado naman akong mahalaga ang pag-uusap na ito." Tumayo na siya. "Kumain ka na at maghanda. Aalis na tayo maya-maya." Pagkaalis niya ay agad kong inubos ang pagkain bago nagbihis. Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko, lumabas na ako ng kuwarto. Pagdating sa labas ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng umaga. "I'll use my own car." Hindi na ako naghintay ng sagot mula kina Mom at Dad. Dumiretso ako sa garahe. Pinahintulutan naman nila ako kaya agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ang makina. Pinauna ko muna ang sasakyan nila bago ako sumunod. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi sa club. Partikular na si Kyler. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon niya nang makita niya si Shanaia. Ang paraan ng pagtitig niya rito. Ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya nang akbayan ng lalaking kasama nito ang dalaga. At ang pagbabago ng mood niya pagkatapos noon. Bigla kong naalala ang nangyari sa table namin. "Kyler, sino ba 'yung babaeng kausap mo kanina?" tanong ko. "Yung may kasamang lalaki." Agad siyang napatingin sa akin. At sa unang pagkakataon sa buong gabi, nakita kong tumalim ang tingin niya. "Bakit?" malamig niyang tanong. Napakunot-noo ako. "Anong bakit?" "Interesado ka ba sa kanya?" Mas lalong tumalim ang tingin niya. "Type mo siya?" Napaatras ako nang bahagya. "Teka nga." Napatawa ako nang walang humor. "Nagtatanong lang ako." Ngunit lalo lang siyang nainis. "Wag ka nang magtanong." Mariin niyang inilapag ang bote ng alak sa mesa. "She's none of your business." Napasinghap ako. "Ano bang problema mo?" Bago pa ako makadagdag ay dumating si Aaron. "What's happening?" Tumingin ako rito. "Ikaw ang magtanong sa kanya." Tinuro ko si Kyler. "Maayos akong nagtatanong tapos sisigawan ako." Napabuntong-hininga si Aaron. "Kyler?" Ngunit hindi ito sumagot. Tahimik lang siyang nakatitig sa bote ng alak na hawak niya. Mahigpit. Sobrang higpit. Hanggang sa— CRASH! Napalingon ang buong club nang ihagis niya ang bote sa pader. Nagkalat ang bubog sa sahig. "FUCK!" Mabilis akong napatayo. "Ano bang problema mo?!" Ngunit parang wala siyang narinig. Isa pang bote ang kinuha niya. At isa pa. At isa pa. Halos magwala siya kagabi. Kapag pinipigilan namin ni Aaron, kami pa ang sinisigawan niya. Kung hindi lang talaga siya kaibigan, baka nasapak ko na siya. Naputol ang alaala ko nang makarating kami sa mansiyon ng mga Villafuerte. Pagkababa ko ng kotse ay agad kaming sinalubong ng isa sa mga tauhan nila. Si Jaxon. Katulad noong unang punta namin rito. Pinangunahan niya kami papasok hanggang sa makarating kami sa dining hall. Nakatayo na roon sina Mr. at Mrs. Villafuerte kasama si Shally. "Good morning." Nakipagkamay si Mr. Villafuerte kina Mom at Dad. Pagkatapos ay sa akin. "Please, have a seat." Umupo kaming lahat sa nakahandang mesa. May dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Shally. "Shally, pakitawag ang ate mo—" "No need." Napalingon kaming lahat sa pintuan. Nakatayo roon si Shanaia. Tahimik. Elegant. At gaya ng dati, walang emosyon ang mukha. Naglakad siya papasok na para bang siya ang may-ari ng buong silid. Hindi man lang bumati. Hindi rin tumingin kina Mom at Dad. Diretso siyang naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. "So, let's eat?" Parang simpleng breakfast lang ang pag-uusapan namin. Hindi isang bagay na kayang baguhin ang buhay ng lahat ng naroon. "K-kumain na tayo." Pilit na ngumiti si Mrs. Villafuerte. Nagsimula ang almusal. At kasabay noon ang nakakabinging katahimikan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Shanaia. Pero hindi niya man lang ako nilingon. Sa buong oras ng pagkain, si Shally lang ang pinapansin niya. Kapag si Shally ang kausap niya, bahagyang lumalambot ang mukha niya. Kapag ibang tao na— Bumabalik ang malamig na ekspresyon. Nakakapagtaka. Sanay kasi akong ako ang sentro ng atensyon ng mga babae. Pero si Shanaia? Parang hindi niya alam na nandito ako. At mas lalong parang wala siyang balak malaman. Matapos ang almusal ay lumipat kami sa sala. Doon magsisimula ang totoong dahilan ng pagpunta namin. "Ano ba talaga ang pag-uusapan natin?" tanong ni Dad. Umayos ng upo si Mr. Villafuerte. "It's about the marriage." Naramdaman kong napangiti si Mom. "So nakapagdesisyon na kayo?" tanong niya. Magsasalita sana si Mr. Villafuerte nang biglang magsalita si Shanaia. "Makakarating tayo diyan, Mrs. Parker." Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Malalaman niyo ang desisyon ko bago pa tuluyang malugi ang kumpanya ninyo." Napakunot-noo si Mom. Samantalang ako ay nakaramdam ng kakaibang kaba. Lalo na nang ngumiti si Shanaia. Diretso sa akin. Malamig. Mapanganib. At parang may binabalak. "Bago ko sabihin ang desisyon ko," panimula niya, "may gusto muna akong linawin." Tumayo siya. At doon nagsimula ang gulo. "Kilala niyo ba ang dating CFO na nagnakaw ng pera sa kumpanya ninyo?" Napatigil sina Mom at Dad. "Alam niyo bang kamag-anak namin siya?" Natahimik ang buong sala. "What?" "Asawa siya ng kapatid ni Dad." Parang sumabog ang bomba sa gitna ng silid. Napalingon sina Mom at Dad kay Mr. Villafuerte. At nang tumango ito— Tuluyan nang sumiklab ang galit. Ngunit mabilis ding pinatahimik ni Shanaia ang lahat. Isa-isa niyang pinabalik sa kani-kanilang upuan. At walang sinuman ang naglakas-loob na kontrahin siya. Pagkatapos ay sinabi niya ang desisyon niya. "Hindi magpapakasal si Shally sa anak ninyo." Napangiti ako sa loob-loob ko. Sa wakas. Malaya na ulit ako. Pero hindi pa pala tapos. Dahil ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang nagpayanig sa mundo ko. "Bakit?" Ngumiti siya. "Ako ang magpapakasal kay Ethan." Tumigil ang oras. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako makahinga. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— Ako ang nawalan ng kontrol sa sitwasyon. Pagkalabas niya ng sala ay agad ko siyang sinundan. "Shanaia!" Hindi siya lumingon. "Shanaia!" Mas binilisan ko ang paglalakad. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya. Mabilis niya iyong tinanggal. At malamig akong tiningnan. "Hindi pa tayo kasal, Mr. Ethan." Mariin ang bawat salita. "Kaya wala ka pang karapatang tawagin ako sa pangalan ko." At muli siyang tumalikod. Napasuklay ako sa buhok sa sobrang inis. "Fine!" Huminto siya. "Ms. Shanaia!" Ngayon ay lumingon siya. May nakakalokong ngiti sa labi. "Alam mo naman pala." Napakuyom ako ng kamao. "Yung sinabi mo kanina. Seryoso ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Hindi. At iyon ang mas nakakainis. "Bakit ikaw? Bakit hindi si Shally?" Tahimik siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay sumagot. "Kailangan kong protektahan ang kapatid ko. At kailangan ninyong iligtas ang kumpanya ninyo." Humakbang siya palapit. "Masyado pang bata si Shally para itali sa isang kasunduang wala siyang gusto. Ako ang gumawa ng desisyong ito. At ako ang tutupad." Napatawa ako nang walang gana. "Paano kung ayoko?" Ngumiti siya. At doon ko napagtantong mas delikado siya kaysa sa inaakala ko. "Either you like it..." Bahagya siyang yumuko. "...or you will like it." Napamulagat ako. "Anong klaseng pagpipilian 'yan? Wala." "Exactly." Tumalikod siya. "You have no choice, Mr. Ethan." At tuluyan siyang sumakay sa kotse. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng driveway. Tahimik na pinagmamasdan ang paglayo niya. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Mariin akong napakuyom ng kamao. At sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya— Gusto ko siyang kontrahin. Pagbabayaran mo ang desisyong ito, Shanaia Villafuerte. Sisiguraduhin ko.SHANAIA ISABELLEPagkaalis ko sa restaurant ni Kyler, hindi muna ako umuwi. Tahimik akong nagmamaneho habang nakatanaw lang sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta—ang alam ko lang, hindi pa ako handang bumalik sa mansiyon.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Shally. "Hapon na ako makakauwi. Huwag mo na akong hintayin sa tanghalian.""Sige po, Ate. Pero kumain ka rin, ha? Huwag kang magpapagutom."Hindi ko napigilang mapangiti. "Okay."Tinapos ko ang tawag at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ako sa parking lot ng isang condominium. Agad kong ipinarada ang kotse at dumiretso sa loob ng building.Binati ako ng security guard, ngunit tumango lang ako bilang tugon. Hindi na rin ako dumaan sa reception. Kabisado ko na ang unit number ni Clayton.Pagkabukas ng elevator sa ikasampung palapag, diretso akong naglakad papunta sa kaniyang condominium. Isang pindot lang sa doorbell ang ginawa ko. Ilang segundo pa lang ang lumipas nang bumukas
KYLER EZEKIELBandang alas otso ng umaga nang magising ako, ngunit pakiramdam ko ay wala man lang akong naitulog. Mabigat ang ulo ko. Parang may martilyong paulit-ulit na pumapalo sa sentido ko. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak... o ng babaeng hindi na nawala sa isip ko buong magdamag.Si Shanaia.Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang eksena sa club.Ang lalaking kasama niya. Ang pag-akbay nito sa kaniya. At higit sa lahat..."Kung gusto mong maka-usap ang baby ko, next time na lang. Kakagaling lang namin sa kuwarto."Napapikit ako at mariing kinuskos ang mukha ko. "Tangina..."Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Talaga bang galing sila sa iisang kuwarto? O baka naman mali lang ang pagkakaintindi ko? Maybe they were discussing something important. Something private. Pero...Bakit ang sakit pa ring isipin?Napailing ako. "Ano ba 'tong iniisip ko?"Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo. Mas mabuti pang bisitahin ko si Sky. Siya lang ang lugar na kahit pa
ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. Kung hindi lang talaga importante ang dahilan ng pag-iimbita nila, hindi ako babangon nang ganito kaaga. Pagkauwi ko kagabi mula sa club ay saka ko lang nalaman na tumawag si Mr. Villafuerte kay Dad. Halos mag-aalas-onse na ako nakauwi noon kaya kulang-kulang limang oras lang ang tulog ko. Kaya sana naman, may magandang dahilan sila para gambalain ang pahinga ko. Matapos maligo nang halos dalawampung minuto, nagpahatid ako ng mainit na soup sa kuwarto. Saktong si Mom ang nagdala. "Gaano ba karami ang nainom mo kagabi?" tanong niya habang inilalapag ang tray sa mesa. Umupo ako at kumuha ng kutsara. "Biglaan naman kasi ang imbitasyon nila," sagot ko habang humihigop ng soup. "Kung alam ko l
ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman nito.Napangisi ako. Sigurado akong hindi magiging maganda ang reaksyon ni Shanaia kapag nalaman niya ang mga impormasyong ito.O baka hindi rin. Si Shanaia pa naman iyon. Napakahirap basahin ng emosyon niya. Hindi mo malalaman kung galit ba siya, masaya, nalulungkot, o nasasaktan dahil palagi siyang may poker face. Walang emosyon sa mga mata. Walang ekspresyon sa mukha. Minsan naiisip ko na baka ganoon talaga kapag sobrang dami mong pinagdaanan. Unti-unti kang natututong itago ang lahat hanggang sa wala nang makabasa ng nararamdaman mo.Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto ng office. Napatingin agad ako roon. At gaya ng inaasahan, si Shanaia iyon.Agad akong tumayo mula sa swive
ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong matapos, wala pa ring lumabas.Wala.Kahit isang impormasyon tungkol kay Shanaia Villafuerte.Para bang hindi siya nag-eexist.Ni wala man lang lumalabas na lumang larawan, social media account, o kahit anong koneksiyon sa pamilya nila. Maging sa profile ng mga magulang niya at ni Shally, wala man lang kahit isang bakas ng pangalan niya.Napahilamos ako sa mukha.Pagkatapos ay dinampot ang lata ng beer at lumagok nang mahaba."Who the hell are you, Shanaia Villafuerte?"Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naiintriga sa babaeng iyon.At mas lalo akong naiinis.Saktong tumunog ang cellphone ko.Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot."Hello.""Parang bad mood ka ah."Napa
KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ring nagyayaya sa club at kung anu-anong kalokohan.“Sir, fifteen thousand pesos po.”Napalingon ako sa cashier at iniabot ang card ko.Pagkatapos magbayad ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng dress na pinabili ni Claire. Lalabas na sana ako ng boutique nang mapahinto ako sa mismong pintuan.Parang huminto ang buong mundo.Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Dahil naroon siya.Nakatayo ilang metro ang layo sa akin.Kasama ang kapatid niyang si Shally.Shanaia.Tatlong taon.Tatlong mahabang taon ko siyang hindi nakita.At ngayon, nasa harapan ko na siya.Mas maganda.Mas elegante.Mas malamig.Mas mahirap abutin.Unti-unti akong lumapit habang pilit kinokontrol ang mabilis na t







