LOGIN
Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.
Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle. Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama. "Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili. Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon rin niya. Suot niya ang uniform kung saan siya nagta-trabaho ngayon sa isang coffee shop, dalawang linggo palang siya sa trabaho na yon at nag-enjoy naman siya. Hinaplos niya ang gilid ng picture frame bago tuluyang lumabas ng apartment. Naglakad lamang siya mula sa kaniyang apartment dahil hindi naman ‘yon kalayuan. Bukod sa nakatitipid siya sa pamasahe ay nagsisilbing exercise niya. Pagdating sa tapat ng café ay napansin niyang mas maraming sasakyan ang nakaparada kaysa kahapon. Mula sa malaking salaming bintana ay tanaw niya ang ilang customer na nakaupo sa loob. "Mukhang maraming customer ngayon," bulong niya habang nagmamadaling maglakad. Mas maganda ito ang naisip ni Helena dahil may posibilidad na makatanggap siya ng tip ngayong araw. Hindi niya ginagastos ang mga tip na natatanggap. Iniipon niya ang mga iyon sa isang maliit na alkansiyang nakatago sa kaniyang maliit na kabinet. Pagpasok niya sa café ay agad siyang sinalubong ng kaniyang katrabahong si Mica. "Helena! Buti nandito ka na. Ang daming customer ngayon!" bungad nito na halata sa mukha ang saya. "Oo nga kaya nagmamadali na ako." Ngiting sagot ni Helena sa kasamahan at naging kaibigan na rin. "Siguro dahil weekend ngayon, sige bilisan mo na, may bagong dating sa table six." Napalingon pa si Helena sa grupo na dumating pero hindi niya masiyadong pinansin at agad tumalikod. "Sige, ilagay ko lang ‘tong gamit ko sa locker." Mabilis siyang nagtungo sa maliit na locker room ng mga empleyado upang ilagay ang kaniyang bag at kunin ang kaniyang name tag. Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa dining area. Napansin niya ang isang malaking mesa sa bandang sulok ng café ‘yung grupo na dumating. Nasa isip ni Helena na mukhang ka-edad niya lang ang mga ito. Apat na kabataan ang nakaupo roon. Dalawang lalaki at dalawa ring babae na mukhang magkakaibigan. Kapansin-pansin na galing sa mayayamang pamilya ang mga ito dahil sa kanilang pananamit at mukhang mamahalin na mga gamit. Dala ang maliit na order pad, lumapit si Helena sa mesa. "Good morning po! Welcome po!" magiliw niyang bati. "Ready na po ba kayong umorder?" Matamis ang ngiting pagkakasabi niya. Sabay-sabay na napatingin sa kaniya ang apat. "Yes, miss!" masayang sagot ng isang babae. Napansin ni Helena na napakaganda nito. Mahaba at makintab ang itim nitong buhok, maputi ang balat, matangos ang ilong. Nakasuot ito ng simpleng puting blouse at maong na pantalon, ngunit halatang mamahalin ang lahat nang ‘yon. "Okay po. Ano pong order ninyo?" Baling na ngiti niya sa babae. "Isang iced caramel macchiato at blueberry cheesecake," sabi ng magandang babae. "Me, iced latte at chicken pesto sandwich," sabi naman ng isa pang babae. "Matcha latte at chocolate croissant," yung isang lalaki naman. Habang nagsusulat si Helena ‘ay napansin niyang may isang lalaking hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Matangkad ito, maputi, at may maayos ang buhok. Nakasuot ng itim na polo shirt na bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Cool at malakas ang dating ‘yun ang napansin ni Helena pero mukhang mayabang. Hindi maikakailang guwapo ito. Ngunit hindi ‘yon dahilan upang mawala ang kaniyang pagiging propesyonal. "Sir, kayo po?" magalang niyang baling na tanong rito. Ngumiti ang lalaki na may nakakalokong ngiti habang titig na titig sa mukha ni Helena. "Ikaw." Natigilan si Helena. "Ano po?" Tanong niya ulit para linawin. "You're the one I want to order." Biglang natawa ang dalawang kasama nito dahil sa sinabi bukod doon sa isang babaeng maganda. “Jacob!" saway ng magandang babaeng katabi nito bago hinampas ang braso ng lalaki. "Stop it! Nakakahiya ka!" "Ano ba? Nagbibiro lang naman ako!" Depensang sagot nito na natatawa pa rin. Napailing ang babae bago humarap kay Helena. "Sorry, miss. Ganiyan talaga 'yan. Huwag mo na lang pansinin." Ngumiti lamang si Helena. "Okay lang po, ma'am." Magalang na sabi niya sabay ngiti. "Jacob, umorder ka na nang maayos." Ani pa ng babae. Napabuntong-hininga ang tinawag na Jacob at saglit na sinulyapan ulit si Helena. "Fine. Isang hot cappuccino at clubhouse sandwich." Halatang bad trip ito dahil sa tono ng boses. "Noted po, sir." Ngiting yuko ni Helena. Bago umalis ay inulit muna ni Helena ang lahat ng order nila upang matiyak na walang mali. "Okay po. Ihahanda na namin ang orders ninyo. Thank you!" Ngumiti siya bago tumalikod. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niya ang mahinang pagsipol ng lalaki. "The waitress is so beautiful and hot.” "Jacob, seryoso ka ba? Lahat na lang ng babaeng nakikita mo!" narinig niyang reklamo ng isang kasama nito. Hindi na lumingon si Helena, sanay na siya sa ganoong klaseng mga lalaki dahil madalas siyang tingnan ng mga lalaki na ganun. Dahil maganda Helena, hindi siya ganun kaputi pero bumagay sa kanya at isa pang pinagtitinginan sa kanya ay ang kanyang makurbang katawan. Dahil sexy talaga si Helena, sakto ang dibdib hindi sobrang laki may maliit na beywang at malapad na balakang. Nasa 5’4 ang height ni Helena kaya hindi na siya nagsusuot ng may mga takong dahil para siyang nalulula kapag nagsusuot pa ng heels. Lumipas ang halos isang oras na abala si Helena sa pagsisilbi sa mga iba pang customer. Halos hindi siya naupo dahil sunod-sunod ang mga dumarating. Nang matapos ang kaniyang shift ay napabuntong-hininga siya sa ginhawa. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya. Napansin niyang halos lahat ng customer na kaniyang inasikaso ay nakaalis na. Maliban sa anim na magkakaibigang nakaupo pa rin sa sulok na panay ang kuwentuhan. Lumapit siya sa mga ito. "Excuse me po. May kailangan pa po ba kayo?" "Nothing.” sagot ng isa sa babae sabay tayo. "Mitch, mauna na kami. Kita-kits bukas!" sabi ng isang babae. "Sige! Be careful!" Napansin ni Helena na nanatiling nakaupo ang magandang babaeng kanina pa niya nakikitang sumasaway doon sa Jacob. “Helena.” Napalingon si Helena dito sa Jacob at napansin niya na nakatingin ito banda sa may dibdib niya kung saan nakalagay ang name tag niya. "Jacob!" muling saway ng babae. "What's up, Mitch? I just said her name!" "You already have a girlfriend, right?" Napakamot sa batok si Jacob dahil sa sinabi ni Mitch. "Ex-girlfriend na." Pagtatama nito at namulsa. "Seriously?” Namimilog ang matang sabi ni Mitch. "Kaninang umaga lang." Nagtawanan ang dalawa pang kasama nito na naghihintay. Napailing naman si Helena ngunit hindi na nagsalita. "Sorry talaga sa kaibigan ko," sabi ng babae kay Helena. "Wala pong problema, ma'am." Ngiting sagot niya. Nauna ng lumabas ‘yung tatlo at naiwan yung Mitch na busy sa cellphone. Tumalikod na si Helena at naglakad ngunit nakakailang hakbang palang siya. "Miss!" tawag ni Mitch bago pa tuluyang makalayo si Helena. Napalingon siya. "Yes po?" Simpleng ngiti ni Helena. "Anong oras ang out mo?" Bahagyang nagtaka si Helen. "Actually, tapos na po ang shift ko." Sagot niya pa rin. "Really? Then, puwede ba kitang makausap sandali? At puwede bang tumambay pa rito? Hihintayin ko pa kasi ‘yung sundo ko.” Bahagyang nagtaka si Helena dahil hindi niya kilala ang babae at ngayon lamang niya ito nakita. Gayunpaman, mukhang mabait naman ito dahil kanina wala itong ginawa kung hindi sawayin ‘yung Marcus. "Sige po. Mag-aayos lang po ako ng gamit ko.” Ngiting sabi niya. "Okay! I'll wait." Masayang sabi ni Mitch. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Helena na wala na ang kaniyang apron at name tag. Naupo sa tapat nito. Pagkaupo ni Helena doon nagsimula ang kuwentuhan tungkol sa trabaho, mga paboritong pagkain, pelikula, at maging sa mga lugar na magandang puntahan sa Metro Manila. Hindi namalayan ni Helena na halos kalahating oras na silang nag-uusap na dalawa. Parehong naramdaman nila ang gaan ng pakikipag-usap sa isa't-isa. "Sorry pala. Hindi pa ako nagpapakilala nang maayos," sabi niya. "I'm Helena Cruz. Helen nalang kung gusto mo.” masayang pakilala niya. Iniabot niya ang kaniyang kamay kay Mitch at masayang tinanggap iyon ng babae. "Nice to meet you, I prefer Helena! I'm Michelle Villarreal. Pero puwede mo akong tawaging Mitch." "Nice to meet you, Mitch." Masaya ring pagkakasabi ni Helena. "Alam mo, gusto kita," biglang sabi ni Mitch. Napakurap ng mata si Helena dahil sa sinabi ni Mitch. "Ha? Natawa si Mitch. "Hoy! Huwag kang mag-isip ng kung ano aa! Ang ibig kong sabihin, gusto ko ang personality mo. Ang gaan mong kausap." Napangiti bigla si Helena dahil nag-loading siya kanina. "Salamat. Ikaw rin naman gusto ko rin ang personality mo." Totoong ani niya. "Actually, matagal na akong naghahanap ng kaibigang hindi ako tinitingnan dahil lang sa apelyido ng pamilya ko." Bahagyang kumunot ang noo ni Helena dahil sa sinabi ni Mitch. “Ano'ng ibig mong sabihin at nakit naman?" Napabuntong-hininga si Mitch at naging seryoso ang mukha. "Let's just say na medyo kilala ang pamilya namin sa negosyo. Minsan kasi, hindi mo alam kung sino talaga ang gustong makipagkaibigan sa 'yo." Seryosong pagkakasabi ni Mitch. Tumango si Helena dahil nauunawaan niya si Mitch pero hindi na siya nagtanong ng kung ano pa. "Naiintindihan ko at ganun naman talaga ‘yung iba sinasamantala nila ‘yon.” Sagot niya. "Teka, saan pala ang bahay mo hindi ka gagabihin?” Nag-aalalang tanong ni Mitch at napatingin sa cellphone. "Ayos lang malapit lang dito ang bahay ko, pero hindi talaga ako taga rito dayo lang dahil sa trabaho.” “Ha? Ganun ba, bakit ka nalipat dito?” Curious na tanong ni Mitch. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikuwento ang tungkol sa kaniyang ina. Ngunit sa huli ay nagpasiya siyang magsabi ng totoo dahil palagay na agad ang loob niya kay Mitch. "Wala na kasi akong pamilya, namatay ang mama ko dalawang buwan na ang nakalipas." Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Mitch. "Oh my God. I'm so sorry,” takip nito ng palad sa bibig. "Okay lang. Unti-unti naman akong nasasana at syempre kailangan ko talagang masanay." "How about your dad?" Muling tanong ni Mitch. "Hindi ko siya nakilala." Mahinang sambit niya. Mas lalong nalungkot ang mukha ni Mitch dahil sa nalaman. "So, mag-isa ka lang talaga ngayon?" Mahinang tanong nito. Tumango lang si Helena. "Oo. Pero kaya ko naman. May trabaho ako at may kaunting ipon." Pinasigla ni Helena ang boses dahil hangga't maaari ayaw na niyang nalungkot. Hindi agad nagsalita si Mitch, dahil may kung anong tumatakbo sa isip nito. Hanggang sa mayamaya ‘ay hinawakan nito ang kamay ni Helena. "Alam mo, simula ngayon, puwede mo na akong maging kaibigan." Natigilan si Helena at hindi niya inaasahan yun mula kay Mitch. "Ha?" Tanging nasambit niya. "Seryoso! Hindi ako nagbibiro. Kung kailangan mo ng makakausap o makakasama, tawagan mo lang ako." Hindi napigilan ni Helen ang mapangiti dahil sa sinabi ni Mitch. "Salamat po ma’am." "You're welcome! Ayoko nang tinatawag mo akong ma'am. Magkaedad lang naman siguro tayo." "Twenty-two na ako." Sagot niya. "Twenty-three naman ako! 'Di ba? Halos magkaedad lang tayo!" Pareho silang natawa na dalawa at pagkatapos ay kinuha ni Mitch ang kaniyang cellphone. "Exchange tayo ng number!" Masayang sabi nito. Hindi niya rin alam na ang simpleng pagkakaibigang nagsimula sa isang coffee shop ay magiging dahilan upang makilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniyang buong buhay.Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas.Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya.Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila."Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang pinto ng sasakyan.Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone."Sino ang kasama mo?" Tanong nito.Napairap si Michelle. "There we go again.""I'm just asking you.”
Nakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo.Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape."Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan."Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo."Damien!"Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito."Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!"Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sof
Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle.Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama."Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon







