LOGINNakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo.
Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo. Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya. "Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape. "Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan." Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo. "Damien!" Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito. "Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!" Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sofa. "Sorry, Lo." Mahinang sabi niya. Tumayo ang matanda at lumapit sa malaking salaming bintana ng kaniyang opisina. Mula roon ay tanaw ang malawak na hardin ng mansiyon. "Makinig kang mabuti, apo. Hindi naman kita pinipilit na magpakasal. Ang gusto ko lang ay magdala ka ng disenteng babae sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Isang babaeng maayos manamit, magalang, at hindi iyong mga babaeng lagi mong isinasama sa mga bar at nightclub." Napailing Damien at bahagyang napangiti dahil ito kalimitang nagpapa-stress sa Lolo niya kapag nababalitaan nito iba-iba ang babaeng kasama niya. "Ano bang problema sa mga babaeng nakakasama ko?" Tanong niya kahit alam niya naman ang sinabi sa kanya. Humarap sa kaniya ang matanda. "Ang problema, Damien, wala kang sineseryoso! Kung sinu-sino ang dinadala mo sa condominium mo. Kung hindi artista, modelo naman! Minsan nga, may tumawag pa rito na babae at sinasabing nabuntis ‘daw siya sa iyo!" Dahan-dahan na napakamot sa batok ang binata. "That's not true." Tanging sagot niya lang. "Alam ko! Dahil ipinatawag ko ang babaeng ‘yon at nalaman kong pera lang ang habol niya.” Hindi na sumagot si Damien dahil kahit naman siya alam na alam ‘yun dahil ilang babae na ang nangugulo sa kanya. "Ang kailangan ko ay makita ng mga kasosyo natin na kaya mong maging responsable. Hindi iyong puro babae, alak, at barkada ang inaatupag mo." "I have businesses, hindi ko ‘yun pinababayaan.” "Alam ko. Kaya nga ikaw ang gusto kong pumalit sa akin dahil marunong ka naman.” Napatingin si Damien sa matanda. Matagal na niyang alam na balak ng kaniyang lolo na ipamana sa kaniya ang pamamahala ng Vizconde Group of Companies. Isa iyon sa pinakamalalaking kompanya sa Pilipinas na may negosyo sa real estate, construction, logistics, at mga hotel. Ngunit hindi lamang mga legal na negosyo ang hawak ng kanilang pamilya. Sa likod ng marangyang pangalan ng mga Vizconde ‘ay may mga lihim na hindi kailanman dapat malaman ng publiko. May sarili silang organisasyong sangkot sa pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na produkto, ilegal na transaksiyon, at iba pang negosyong pinatatakbo sa ilalim ng kanilang organisasyon. Sii Damien ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Chairman Ronaldo, upang pangasiwaan ang pinakamapanganib na bahagi ng kanilang negosyo. "Kung hindi ikaw ang papalit sa akin, sino? Ang pinsan mong si Lucio?" malamig na tanong ng matanda. Napangisi si Damien. "Wala namang alam sa negosyo si Lucio. Puro party at bakasyon ang inaatupag no'n at baka sumakit pa ulo mo sa kanya.” "Yun na nga ang sinasabi ko. Kaya ayokong mapunta sa kaniya ang pinaghirapan kong itayo sa loob ng maraming taon!" Bumalik sa kaniyang upuan si Chairman Ronaldo. "Maraming gustong makuha ang posisyon ko, Damien. May mga kamag-anak tayong naghihintay lamang na magkamali ka. Kaya kailangan mong patunayan na ikaw ang karapat-dapat na mamuno sa pamilya natin." Tahimik na nakinig si Damien, dahil ang sinasabi ng Lolo niya ay isang malaking responsibilidad para sa kanya. "Sa darating na Sabado, ipagdiriwang ko ang aking kaarawan. Naroon ang mga kasosyo natin, mga kilalang negosyante, at ilang mahahalagang tao sa kompanya. Sa gabing iyon, pormal kong i-aanunsiyo kung sino ang magiging susunod na chairman ng Vizconde Group." "Maaari naman akong pumunta pero bakit kailangan pa ng babae sa tabi ko?" "Oo. Isang babaeng hindi magbibigay ng kahihiyan sa pangalan natin at walang makakakilala sa kanya na isang masamang uri ng babae.” Napabuntong-hininga si Damien, dahil para sa kanya mahirap na hanapin ang ganung babae. Lalo pa at malamang isa siyang mayamang tao. "Bahala na.” Sagot niya lang. "Siguraduhin mong maayos ang babaeng pipiliin mo dahil kung hindi ipapalapit ko talaga sa’yo ang mga anak ng mga kakilala ko.” “Lo, yan huwag mong gagawin. Magdadala ako,” Tumango ang matanda bago tumayo. "Mabuti kung ganoon. Magpapahinga na ako." Akala ni Damien ‘ay tapos na ang kanilang pag-uusap ngunit bago tuluyang lumabas ay muli itong humarap sa kaniya. "Nasaan pala ang kapatid mo?" "Si Michelle?" "May iba ka pa bang kapatid?" masungit na sagot ng matanda. Napailing si Damien. "Hindi ko alam, lumabas kasama ang mga kaibigan niya ‘yun ang huling alam ko." "Alas-sais na ng gabi at wala pa siya rito. Tawagan mo o kaya sunduin mo. Ayokong ginagabi ang kapatid mong babae sa kung saan-saan." "Lo, bente tres na ang kapatid ko. Hindi na siya bata." "Wala akong pakialam kung ilang taon na siya! Hangga't nasa poder ko kayong magkapatid, responsibilidad kong tiyaking ligtas kayo." "Okay, susunduin ko na." Surrender na ni Damien para rin matapos na ang usapan nila. Hindi na sumagot ang matanda at tuluyan nang lumabas ng opisina. Naiwang mag-isa si Damien, napailing siya bago kinuha ang kaniyang cellphone. ___ Samantala, nasa Café pa rin si Michelle Villareal. Masaya silang nagkukuwentuhan ni Helena tungkol sa kung ano-anong bagay. Hindi nila namalayang mahigit isang oras na pala silang magkasama. "Wait lang, Helena. Tingnan mo 'to!" natatawang sabi ni Michelle habang ipinapakita ang isang video sa kaniyang cellphone. Nang makita iyon ni Helene ‘ay agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig upang pigilan ang pagtawa. "Grabe ka naman, bakit mo naman kinunan 'yan?" "Kasi ang kulit niya! Akala niya walang nakakakita!" Pareho silang nagtawanan. Ang video ay kuha ni Michelle sa isa nilang kaibigang lalaki na nadulas habang sumasayaw sa isang birthday party. "Alam ba niyang may video ka?" tanong ni Helena na napapangiti pa rin. "Hindi pa! Pero balak kong ipakita sa kaniya kapag nagkita kami ulit." "Ang sama mo talaga!" natatawang sabi muli ni Helena. Muling nagtawanan ang dalawa. Biglang tumunog ang cellphone ni Michelle at bago niya sagutin nabasa niya ang message ng sundo niya na ang Kuya niya raw ang magsusundo sa kanya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag ay napairap siya. "Hey! Here comes my brother, akala mo siya ang papa ko.” Natigilan si Helena dahil may kapatid pala si Michelle. "Kuya mo?" "Oo. Sobrang istrikto nito. Minsan nga, mas mahigpit pa kaysa kay Lolo,” napapangiting ani Michelle at sinagot ang tawag. "Hello, Kuya?" "Where are you?" malamig na tanong sa kabilang linya. "Sa coffee shop." "Coffee shop? Address.” Tanong ng Kuya niya. Matapos sabihin ni Michelle ang address kung nasaan siya ay napabuntong hininga ang kuya niya. "Alam mo bang anong oras na at hinahanap ka na?" Napairap ang dalaga. "Kuya, alas-sais pa lang!" "Pinapasundo ka ni Lolo. Pupuntahan kita." "Kuya, kaya ko namang umuwi mag-isa.” "Michelle?” Napabuntong-hininga ang dalaga. "Fine!” Mabilis na pinatay ni Michelle ang tawag at napatingin lang si Helena habang nakangiti. "Mukhang istrikto nga ang kuya mo." "Sobra! Akala mo naman may sampung taong gulang siyang kapatid!" "Nag-aalala lang siguro sa 'yo." Ani ni Helena. "Alam ko naman. Pero minsan nakakasakal ‘din. Hindi ako puwedeng basta sumama sa kung sinu-sino. Kailangan alam nila kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko." "Siguro mahal na mahal ka lang nila at ayaw nilang may mangyari sayong masama." Sandaling natahimik si Michelle at pagkatapos ay ngumiti ito. "Oo naman. Lalo na si Lolo. Kami na lang kasi ang inaalagaan niya." "Hindi mo kasama ang parents mo?" Tanong ni Helena. "Matagal nang wala ang parents namin. Kaya si Lolo ang nagpalaki sa ami ng kuya ko." Bahagyang lumungkot ang mukha ni Helena, dahil pareho pala sila. "Sorry." Mahinang pagkakasabi niya. "Huwag kang mag-sorry. Matagal na iyon. Masaya naman kami ngayon." Ngumiti si Helena, sa puntong iyon ay lalo niyang naramdaman na may pagkakapareho sila ni Michelle, naiba lang dahil may kapatid ito. Samantalang siya ay wala nang ibang maaasahan kung hindi ang sarili lang. Makalipas ang halos dalawampung minuto ay huminto ang isang itim na SUV sa tapat ng coffee shop. Nasa likurang upuan si Damien habang ang kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan at matalik na kaibigang si Adrian Torres ang nagmamaneho. Si Adrian ang kanang-kamay ni Damien sa kanilang mga negosyo. Matagal na silang magkakilala at isa ito sa iilang taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. "Nandito na tayo, Boss," sabi ni Adrian. Napatingin si Damien sa malaking salaming bintana ng café. Nakita ang kaniyang kapatid. Nakatayo at may nakausap na babae nakatalikod pero napansin agad ni Damien ang magandang kurba ng katawan nito. Napakunot ang noo niya. "Sino 'yang kausap niya?" Sumulyap si Adrian sa bintana. "Hindi ko kilala, Boss." Tahimik na pinagmasdan ni Damien ang babae. Mahaba ang buhok nito at simple lamang ang suot. Hindi niya gaanong makita ang mukha dahil nakatagilid ito. Napansin niya ang saya sa mukha ng kapatid na matagal na niyang hindi nakikita na ganun kasaya ang kanyang kapatid.Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas.Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya.Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila."Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang pinto ng sasakyan.Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone."Sino ang kasama mo?" Tanong nito.Napairap si Michelle. "There we go again.""I'm just asking you.”
Nakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo.Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape."Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan."Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo."Damien!"Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito."Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!"Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sof
Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle.Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama."Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon







