LOGINMula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.
May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas. Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya. Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila. "Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang p***o ng sasakyan. Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone. "Sino ang kasama mo?" Tanong nito. Napairap si Michelle. "There we go again." "I'm just asking you.” seryoso ang mukhang sabi ni Damien. "Bagong kaibigan ko. Si Helena Cruz.” Sambit ni Michelle sa pangalan ni Helena sa kuya niya. "Saan mo nakilala?" Tanong pa muli ni Damien habang nasa cellphone ang mata. "Dito sa café. Dito siya nagtatrabaho." "Anong alam mo tungkol sa kaniya?" Muling tanong ni Damien. Napatingin nang masama si Michelle sa kaniyang kuya. "Kuya, please lang! Huwag mo naman siyang imbestigahan!" Naiinis na sabi ni Michelle. Napangisi si Adrian habang tahimik na nakikinig. "Tinatanong lang naman kita," sagot ni Damien. "Alam ko na ang ibig mong sabihin. Gusto mong ipa-background check siya kay Adrian, 'di ba?" Nakataas ang kilay na turan ni Michelle. Hindi sumagot si Damien. "See? Kilalang-kilala talaga kita Damien Vizconde.” Pagkumpleto pa ni Michelle sa pangalan ng kuya niya. "Alam mong ginagawa ko lang ito para sa kaligtasan mo." Ani ni Damien at napasulyap sa shop. "Alam ko. Pero hindi lahat ng taong nakikilala ko ‘ay may masamang intensiyon sa akin. Mabait si Helena kuya. Hindi nga niya alam kung sino talaga tayo dahil Villareal ang sinabi ko na apelyido." "Mas mabuti kung ganoon." Sagot lang ni Damien. Napailing si Michelle "Hay nako minsan talaga Kuya nakakainis ka.” Simangot ni Michelle. Hindi na sumagot si Damien. Sa halip ay muling tumingin ito sa labas. Saktong nakita niyang lumabas mula sa café ang babaeng kanina lamang ay kasama ng kanyang kapatid. May hawak itong dalawang paper bag at isang lalagyan ng kape. "Is that her?" Tanong ni Damien na hindi inaalis ang tingin kay Helena. Napalingon si Michelle. "Oo siya kuya ‘diba ang ganda niya at gustong-gusto ko yung simple niyang ayos.” "Adrian." Hindi pinansin ni Damien ang sinabi ng kapatid, iang pangalan lamang ang binanggit ni Damien ngunit agad nang naintindihan ni Adrian ang ibig niyang sabihin. Lumabas si Adrian at lumapit kay Helena. Samantala, katatapos lamang ni Helena na magpaalam sa kaniyang manager nang maalala niya ang ipinangako niyang ibibigay pa kay Michelle. Kanina kasi ay nabanggit nitong gustong matikman ang kanilang bagong chocolate crinkles at ensaymada. Kaya bago siya umalis ay bumili siya ng ilang piraso bilang gift na rin niya. May kasama na rin ‘yun na dalawang malamig na kape. Nang makalabas siya ng café ay agad siyang nilapitan ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na polo shirt. "Miss Helena?" Bahagyang nagulat siya. "B-bakit po?" "My name is Adrian. Kasama ako ng kapatid ni Miss Michelle. Nasa sasakyan sila." Itinuro nito ang itim na SUV na nakaparada sa gilid ng kalsada. Napatingin si Helena at nakita niya si Michelle na kumakaway mula sa nakabukas na bintana. Napangiti siya. "Ah, okay po. Salamat." Sagot ni Helena. Sinamahan siya ni Adrian patungo sa sasakyan. Habang naglalakad ay hindi maiwasang mapansin ni Helena ang tangkad at seryosong mukha ng lalaki. Halatang hindi ito ordinaryong driver. Mas mukha itong bodyguard. Nang makarating sila sa sasakyan ay agad siyang binati ni Michelle. "Helena!” tawag ni Michelle. "Buti hindi pa kayo umaalis akala ko hindi na kita aabutan." Ngumiti si Helena habang itinataas ang mga dala. "Ito pala yung ipinangako kong ensaymada at crinkles. Nilagyan ko na rin ng kape para may maiinom ka habang pauwi." "Oh my gosh! Thank you!" masayang sabi ni Michelle. Iniabot ni Helena ang mga paper bag. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay napansin niya ang lalaking nakaupo sa tabi ni Michelle. Nagtama ang kanilang mga mata. Bahagyang natigilan si Helena dahil sa napakaguwapo ni Damien. Mapapansin mo na matangkad ito kahit nakaupo lamang, malapad ang mga balikat, at halatang maganda ang pangangatawan. May makapal itong kilay, matangos na ilong, at mga matang para kayang basahin ang iniisip ng isang tao. Bahagyang may balbas ang kaniyang panga na lalo lamang nagbigay rito ng matapang awra. Nakasuot ito ng mamahaling itim na polo shirt at relo na halatang hindi biro ang presyo. Ngunit higit sa lahat ay ang malamig nitong ekspresyon ang nakakuha sa atensiyon ni Helena. Para bang hindi ito sanay ngumiti. Samantala, si Damien ‘ay hindi rin agad nakapagsalita. Kanina pa niya pinagmamasdan ang babae mula sa loob ng café ngunit ngayong malapitan na niya itong nakita ay saka niya napagtantong napakaganda pala nito. Simple lamang ang ayos ni Michelle, walang makapal na makeup o mamahaling alahas. Ngunit mayroon itong kakaibang ganda na hindi niya madalas makita sa mga babaeng nakakasama niya. Lalo na nang ngumiti ito at titig na titig siya sa labi ni Helena na walang bahid na lipstick. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay napako ang kaniyang paningin sa mukha ng dalaga. "Kuya!" Napakurap si Damien. Napatingin siya sa kaniyang kapatid. "What?" Kunot noong ani ni Damien. Napangisi si Michelle. "Kanina pa kita kinakausap. Ipapakilala ko sa 'yo ang kaibigan ko." Humarap si Michelle kay Helena. "Helena, meet my Kuya Damien Viz–” pinutol na agad ni Michelle ang balak sasabihin. Pagkatapos ay humarap ito sa kuya niya. "Kuya, this is Helena Cruz. My new friend." Bahagyang ngumiti si Michelle. "Nice to meet you po, Sir Damien." Nagsalubong ng kilay ni Damien. "Sir?" Bahagyang namula ang mukha ni Helena. "Ah, sorry po. Damien lang po ba?" Bahagyang napangiti si Damien ngunit saglit lang. "Damien is fine." Napansin ni Michelle ang kakaibang paraan ng pagtingin ng kaniyang kuya sa kaibigan niya at napangisi siya. "Kuya, bakit parang ngayon ka lang nakakita ng babae?" Napalingon nang masama si Damien sa kapatid at binigyan ng warning na tingin. "Ano? Nagtatanong lang naman ako.” Natatawang sagot ni Michelle. Napailing si Helena habang pilit na pinipigilan ang kaniyang ngiti. "Sige Michelle. Baka gabihin ako sa pag-uwi ko.” Paalam na ni Helena. "Teka, ihahatid ka na namin." Alok ni Michelle. Mabilis na umiling si Helena na nakangiti. "Huwag na. Malapit lang naman ang apartment ko rito." "Sure ka ba?" Nag-iisip pa si Michelle dahil gusto rin niya malaman kung saan nakatira si Helena. "Oo. Kasabay ko naman si Mica ‘yung kasama ko pareho lang kami ng dadaanan." Saktong lumabas mula sa café ang kaniyang katrabaho. "Helena! Tara na!" tawag nito. Napalingon si Helena. "Oo sandali!" Sagot niya at muli siyang humarap kay Michelle. "Mauna na talaga ako. Text na lang tayo, okay?" "Sure! Ingat ka.” Masayang sagot ni Michelle. "Salamat. Kayo rin." Paalam na ni Helena. Bago tuluyang umalis ay muli siyang napatingin kay Damien. "Nice meeting you po." Simpleng ngiting tango ni Helena. Tumango lang si Damien. Bahagyang napangiti si Helena bago tuluyang nagpaalam. Tahimik naman siyang pinagmasdan ni Damien habang naglalakad palayo kasama ang kaniyang katrabaho. Hindi niya maiwasang mapansin ang simpleng kilos nito habang naglalakad. Wala itong anumang pagpapanggap. Hindi rin nito sinubukang magpapansin sa kaniya kahit halatang mamahalin ang kanilang sasakyan. Kabaligtaran iyon ng mga babaeng madalas niyang makilala. "Kuya!" Muling napalingon si Damien. "What again?" Napangisi si Michelle. "Kanina mo pa tinitingnan si Helena." "What?” Salubong ang kilay ni Damien. "Wala lang. First time kitang makitang tahimik sa harap ng babae." Napailing si Damien. "Huwag kang mag-isip ng kung ano." "Ee, bakit parang interesado ka sa kanya?” Pangungulit pa ni Michelle. "Hindi ako interesado." "Talaga ba?" Nanlalaki ang mata ni Michelle. Tahimik na tiningnan ni Damien ang kapatid. "Okay! Okay!" natatawang sabi nito. Sumandal si Damien sa upuan. "Adrian, tara na." "Yes, Boss." Pinaandar na ni Adrian ang sasakyan. Ilang sandali silang tahimik bago muling nagsalita si Damien. "Mukhang okay naman ang kaibigan mo." Napatingin si Michelle. "Sino? Si Helena?" "May iba ka pa bang bagong kaibigan?" Masungit na sagot ni Damien. Napangiti si Michelle. "Oo naman. Sobrang bait niya. Alam mo bang mag-isa na lang siya sa buhay?" Bahagyang napakunot ang noo ni Damien. "What do you mean?" "Patay na ang mama niya. Hindi niya rin nakilala ang papa niya. Kaya mag-isa nalang siya at siya lang mag-isa ang nakatira sa apartment." Tahimik na nakinig lang si Damien. "Pero kahit ganoon, ang positive pa rin niya sa buhay. Hindi siya iyong tipo ng babaeng mahilig umasa sa ibang tao." Napapaisip lang si Damien sa mga kinuwento ng kapatid na para bang tinatandaan niya ang lahat. "Hndi niya alam na mayaman tayo. Hindi ko naman sinabi sa kaniya ang tungkol sa pamilya natin." "Mabuti naman at sinusunod mo na ako.” Napapailing si Michelle. "Alam mo, Kuya, gusto ko talaga siyang maging kaibigan." Sandaling tumahimik si Damien bago sumagot. "Kung ganoon, walang problema." Napalingon si Michelle at hindi makapasok sa sinabi ng kuya niya. "Talaga?" "Oo. Mukha naman siyang disenteng babae sa tingin ko lang,” Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "Wow! Himala! Hindi mo ako pagbabawalang makipagkaibigan sa kaniya?" "Sinabi ko bang pinagbabawalan kita? Pinipili ko lang." "Okay fine.” Taas kamay ni Michelle na sumusuko. Tipid na napangiti si Damien. "But there is a condition." "Ano na naman?" Lingon na tanong niya sa kuya. "Huwag mo siyang basta isasama sa mga lugar na pribado. Siguraduhin mong hindi siya madadamay sa mga problema ng pamilya natin." Bahagyang nawala ang ngiti ni Michelle, alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang kuya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na may mga mapanganib na taong konektado sa kanilang pamilya. Kahit hindi siya direktang nakikialam sa mga negosyo ng mga Vizconde, alam niyang hindi ordinaryo ang mundong ginagalawan ng kaniyang kuya lalo ang Lolo niya. "Alam ko, Kuya," mahinang sagot niya. "Okay mabuti na nagkakainitindihan tayo.” Ani ni Damien. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay muling ngumiti si Damien. “Dahil pinayagan kitang makipagkaibigan sa kaniya, may utang kang pabor sa akin." Agad na napalingon si Michelle at napapaangat ang kilay niya. "Ano?! Bakit naman?" Napangisi si Damien. "May kailangan akong tulong sa 'yo." "Ano ‘yon?" "Birthday ni Lolo sa Sabado." Simulang sabi ni Damien. "Yes I know.” "Kailangan kong magdala ng date." Biglang natawa si Michelle. "Kuya, seryoso ka ba? Ikaw pa talaga ang nahihirapang maghanap ng date? Ee, ang dami mong babae!" Napapikit si Damien. "Hindi puwede ‘yung mga babaeng na ‘yon." "Ha? Bakit naman?" Takang tanong ni Michelle. "Gusto ni Lolo yung disenteng babae. Iyong tahimik, simple, at hindi mahilig magpapansin." Sandaling natahimik si Michelle. Pagkatapos ay unti-unting lumapad ang ngiti nito. "Wait a minute..." Napakunot ang noo ni Damien at naghihintay sa sabihin ng kapatid. "May naiisip akong babae na perfect sa hinahanap mo." Hindi agad sumagot si Damien. Ngunit nang makita niya ang pilyang ngiti ng kaniyang kapatid ay tila nahulaan na niya kung sino ang tinutukoy nito. "Hwag mong sabihin na—" "Si Helena! Perfect siya,” Napapikit si Damien at napailing. "You're unbelievable." "Why not? Maganda siya, mabait, simple, at higit sa lahat, hindi siya kagaya ng mga babaeng lagi mong kasama." "Kakakilala mo pa lang sa kaniya idadamay mo na agad siya.” Napabuntong hininga si Damien. "So? Hindi naman kita pinapakasal sa kaniya! Isasama mo lang sa birthday ni Lolo!" Tahimik na napaisip si Damien. Hindi niya maikakailang na kay Helena ang mga katangiang hinahanap ng kaniyang Lolo at yun rin ang naiisip ko ngayon. Ngunit may isang problema. Mukhang napakainosente ng babae para sa mundong ginagalawan niya at isasama sa ganung party. Ayaw niyang madamay ito sa anumang kaguluhan. "Pag-iisipan ko," maikling sagot niya. Napangiti si Michelle. "That's my kuya!" "Huwag ka munang matuwa. Wala pa akong sinasabi.” Napaayos ng upo si Damien. "Pero hindi ka rin naman nagsabing hindi siya puwede." Hindi nakasagot si Damien, samantala, tahimik na napangiti si Adrian habang nagmamaneho. Kilalang-kilala niya ang kaniyang boss. Hindi ito ang tipo ng lalaking madaling makumbinsi, lalo na pagdating sa mga babae. Ngunit kanina, nang makita nito si Helena ay may napansin siyang kakaiba sa paraan ng pagtingin nito. Sa loob ng maraming taon nilang magkakilala, ngayon lamang niya nakita si Damien na tila nawalan ng sasabihin sa harap ng isang babae. Hindi pa alam ni Helena na ang simpleng pakikipagkaibigan niya kay Michelle ‘ay unti-unti nang magbubukas ng pintuan patungo sa isang mundong puno ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas.Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya.Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila."Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang pinto ng sasakyan.Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone."Sino ang kasama mo?" Tanong nito.Napairap si Michelle. "There we go again.""I'm just asking you.”
Nakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo.Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape."Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan."Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo."Damien!"Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito."Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!"Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sof
Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle.Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama."Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon







