Share

Chapter 3

CALLIE IVIANNA

I went back to our table after I puked inside the rest room. Ibang iba talaga ang nararamdaman ko ngayong gabi. I felt nauseous again. Kaninang umaga ay ganito rin ang naramdaman ko. I really don't know what's happening to me but I pretended that I am fine in front of my friends.

"I thought hindi ka na naman babalik, eh," Lauren said while a smirk, but it faded when she saw me being pale and unwell. "Hey, Cal. Are you okay lang ba?"

Napalingon naman si Kyra sa gawi namin. She excused herself sa kausap niyang lalaki na nakaupo sa tabi niya. "Girls, what's the matter here?" She asked. "Cal? Oh my god! Why do you look so pale?"

I furrowed my eyes and continued to act like I am really just fine kahit na hindi naman talaga. "What do you mean? How do you know na I'm pale, eh ang dilim naman dito. You can't clearly see my face!"

"Boba!" Lauren hissed saka niya ako mahinang binatukan. "Kapag tumatapat yung malilikot na lights sa'yo, nahahalata kaya!"

I chuckled. "You guys are just overacting! Stop it! I am really fine, okay?" I assured to them kahit na hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. I don't want them to worry about me and just enjoy the rest of the night but my body... ayaw niyang makisama.

I took a shot of vodka and I raised the glass up. "Let's enjoy, guys!" I exclaimed. Kinuha din nilang dalawa ang kanilang shot at nakipag-cheers naman as akin. But as soon as I chugged the alcohol, ay agad ko na naman itong nailuwa kaya naman my friends got panicked. Oh god. What the hell is wrong with me tonight? Bakit tinatanggihan ng katawan ko ang alak?

Kyra handed me a wet wipes and tinulungan niya rin akong linisin ang sarili ko. Lauren was busy wiping the floor naman dahil sa pagsusuka ko. I apologized to them agad. Kyra told me I should go home and ihahatid na lang daw nila ako, but I insisted na huwag na.

"Fuck shit ka, girl," ani Kyra na may halong pag-aalala as tono ng boses niya. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Sabi mo okay ka lang, eh."

I took deep breaths para maikalma ko ang sarili. I tried to open my eyes, but all I can see were their blurry faces and lights. Pahina rin ng pahina ang boses nila. Hindi ko na rin gaanong marinig ang malakas na music dito sa loob ng club. It's like the world was spinning. My head is aching and I felt dizzy, hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin.

When I woke up, white walls welcomed me. I blinked several times para maaninag ko ng maayos ang nasa paligid ko. Where am I? I asked myself. Lumingon ako sa kanang bahagi, and I saw white curtains. Si Kyra and Lauren na nakaupo sa sofa at natutulog.

Iniangat ko rin ang kanang kamay ko. I furrowed my eyes. Why am I here sa hospital? Paano ako napunta rito? I turned my head sa may pintuan nang biglang may pumasok na isang nurse at isang babaeng doctor. Rinig ko naman ang boses ng dalawa kong kaibigan.

"You're finally awake," the doctor said while smiling at me.

Agad naman akong nilapitan ng mga kaibigan ko. Kyra hugged me tight and I heard her sobs. Mas lalong kumunot ang aking noo. Why is she crying? "Thank goodness, you're finally awake!" bulalas niya.

"W-What happened?" I asked Lauren. "Why am I here?"

Lauren told me everything, kung paano ako nawalan ng malay hanggang sa pagdala nila sa akin dito sa hospital. Nakinig lang din ang doctor sa ikinwento ni Lauren, at maya-maya pa'y kinausap uli ako.

"Mukhang ayaw na ayaw ho talaga ni baby ang lasa ng alak. That's why you puked," the doctor uttered na ikinagulat ko maging ng mga kaibigan ko. "And the other symptoms that you felt was normal sa babaeng buntis, hija."

It's like my whole world stopped from spinning nang marinig ko ang sinabi lahat ng doctor. What? Tama ba talaga ang narinig ko? O baka mali lang iyong doctor?

"W-What...?" I stuttered. "I-I... I'm... what?" Please, tell me this isn't true. Nananaginip lang ako.

The doctor smiled and slightly nodded her head. "You are pregnant, Mrs. Perez."

"W-What?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalawa kong kaibigan.

My jaw dropped and my eyes widened. No. This can't be true. This can't be happening. Paano ko sasabihin kina Mommy and Daddy ito? Hindi. Hindi 'to maaari. Agad ko namang naalala ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon. Jameson. Siya lang naman ang lalaking nakasalamuha ko, wala nang iba. Shit. Hindi ko na namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

I looked at my friends who were as confused as I am. Hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig at nalaman. Maya-maya pa'y humagulgol na rin si Kyra. Sumunod naman si Lauren. Muli akong kinausap ng doctor at kung anu-ano ang mga inihabilin niya sa akin.

"You are not allowed to drink alcohol, pati na rin ang paninigarilyo ay bawal." Ayaw tanggapin ng utak ko ang katotohanang ito. "I already prescribed you Ferrous sulfate plus folic acid medicine because kulang ka sa iron. You should also eat healthy foods, okay? Bawal ang masyadong matatamis at malalamig. At ang pinaka-importante rin sa lahat ay bawal kang ma-stress. I hope your husband will help you with this, Mommy."

Kung anu-ano pa ang sinabi sa akin ng doctor na hindi ko naman maintindihan because my mind was clouded with so many thoughts. Hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng impormasyong nalaman ko hanggang sa nakaalis na ang doctor dito sa kwarto ko.

I cried so hard as soon as I touched my tummy. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ito, dahil alam kong hindi masisiyahan sila Mommy kapag malaman nila. Masyado nila akong ipinagmamalaki sa lahat ng taong involved sa business nila, na ako ang tagapagmana ng lahat ng pinaghirapan nila. They were so proud to have me as their daughter pero ano ang ibinalik ko sa kanila? THIS. I am such a huge disappointment to them. Isa itong malaking kahihiyan sa pamilya namin.

Napaupo si Kyra sa sofa habang iniisip kung paano nangyari sa akin ito. "I-I... Fuck!! I can't believe this, Cal!" She facepalmed and heaved out a huge sigh.

"P-Paano..." Nauutal na tanong ni Lauren. "Tangina, Cal. Paano nangyari ito? Who the hell is that guy? Saan nangyari? H-How... Oh my goodness! Cal, hindi mo ba naiisip kung ano ang mangyayari sa'yo once na malaman nila Tita iyan!?"

"H-Hindi ko rin naman inaasahan na mangyayari 'to, okay!?" I exclaimed. Hinding hindi ko inaasahan ito.

Ikinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari, and they can't believe kung sino ang lalaking may gawa rin nito. They both gasped at halos lahat na ata ng mura ay nasabi nilang dalawa sa akin.

"Are you fucking serious!? THE Jameson Kye Velasco is the father of that tiny baby inside your womb!?" Tanong ni Kyra sa akin. I nodded in reply while still crying. "What an actual fuck! Ano ba'ng pumasok sa isip niyo pareho!?"

Napahilamos naman ng kanyang mukha si Lauren. "You're both doomed. Masisira ang career niya as an actor kapag malaman ng media 'to, and magagalit sila Tita sa'yo! My goodness, Callie Ivianna Perez! Just... Oh good lord! Magagalit din sa amin si Tita and she might think na hindi kami naging good influence ni Kyra sa iyo!"

"Ano na ang gagawin mo diyan ngayon, Cal?" seryosong tanong ni Kyra sa akin. "Ano'ng plano mo? When are you going to talk to Jameson? When are you going to tell this to Tito and Tita?"

I looked down, shrugged and I bit my lower lip. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam. I just cried and cried. Kyra sighed out of frustration and brushed her hair up bago niya ako tinignan ulit.

Lauren sat beside me and gave me a hug. "Ang tanga tanga mo naman, girl," she told me habang umiiyak sa balikat ko. "Ang tanga tanga mo, sobra."

"I-I know," sagot ko naman sa kanya. "I know. I-I'm sorry for causing you too much trouble. Hindi ko sinasadya na madamay din kayo sa katangahan ko. Fuck alcohol."

Umupo na rin si Kyra sa kabilang bahagi ng higaan at niyakap niya na rin ako ng mahigpit. "Yeah, right? Fuck alcohol. And tangina din ni Jameson so much," aniya. Kung kanina ay galit siya sa akin, ngayon naman ay umiiyak na siya. "W-We'll help you on this one, okay? You don't have to worry. I-I'm sorry if nagalit man ako sa'yo earlier. I was just... Hindi ko lang talaga ineexpect na ganito ang mangyayari sa'yo."

"I'm sorry," sambit kong muli sa kanila.

I don't have any words to say right now kundi ang humingi lang ng tawad sa kanila. Ang ikinababahala ko na lamang ay kung paano ko masasabi kina Mom and Dad ito, that their unica hija was so stupid and is such a disgrace to the family.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status