Share

Chapter 17

SUOT ang itim na sumbrero at itim na mask ay patago-tago si Anastacia sa bawat poste o gusali na madaraanan niya habang sinusundan ang kaniyang asawa. Noong nakaraang araw ay dinala siya nito sa kompanya nito kaya alam na niya kung saan. Doon ay nagkaroon siya ng ideya na sundan ang asawa para matukoy kung ano ang itinatago nito.

Mabuti na lamang talaga at natakasan niya si Arturo matapos niyang palihim na lagyan ng pampatuloy ang kape nito kaninang umaga.

Pinakiramdaman niya ang paligid saka sumilip. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang sumakay ng kotse ang kaniyang asawa. Napangiwi siya saka dali-daling pumara ng taxi.

"Saan ho tayo ma'am?"

Itinuro niya ang kotse ng asawa. "Kuya, sundan mo iyong kotseng itim."

Gulat na napatingin sa kaniya ang driver. "Tapos! Pasensya na ma'am. Minsan na akong nadamay sa galit ng mister na sinundan ng misis. Baka ho maakusahan na naman akong—”

"Kuya!" Umismid si Anastacia. "Babayaran kita ng malaki. Sundan mo na ang kotse niya dahil baka mai
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status