Share

Chapter 45

Sabay kaming naupo ni Tita Malou sa sofa pagtapos naming kumain. I missed this, kung minsan talaga ay naiisip ko kung ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi ko pinutol ang koneksiyon naming dalawa pag-alis ko sa probinsya.

"Nasaan nga pala si Tito Luis?" kuryosong tanong ko sa kanya.

"Dalawang araw sa Makati ang Tito Luis mo. Doon na siya tutuloy, pupuntahan niya na lang kami rito sa Martes."

Tumango ako bilang sagot. So, they're just here for Tito Luis' work.

"Iyong nobyo mo? Hindi mo isinama, nasaan ba siya?"

Napangiti ako sa tanong niya. Lucian is someone that I would love to brag about, not because he's rich, but because he's the best man for me... kahit pa nagagawa niyang magsinungaling at palaging nasa trabaho.

"Nasa trabaho siya, tita."

Hindi na siya nagulat sa sinabi ko, bagkus ay natuwa pa siya. Alam ko na magugustuhan niya si Lucian dahil noon pa man, gusto na niyang mahanap ko ang lalaking magpapasaya sa akin. Akala niya nga noon ay babae rin ang gusto ko dahil ni isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status