LOGINKasunod ng marahas na pagbaba ni Sofia ng tawag ay ang muling pagbalot ng isang nakabibinging katahimikan sa buong silid. Ang tunog lang ng malalalim na hininga ko at ang masakit na iyak ni Theo ang naririnig ko. Halos mabitak ang puso ko sa bawat hikbi na pinapakawalan ng maliit kong anghel. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin kay Locke sa pamamagitan ng aking isip na huwag siyang pupunta nang mag-isa dahil isang malaking bitag ito, pero ang busal sa aking bibig ay tila unti-unting sumasakal sa natitira kong lakas. “Tingnan mo nga naman, Lucy. Isang tawag lang, parang tutang susunod agad ang makapangyarihang Locke Salvador sa kahit anong gusto natin,” nakangising saad ni Sofia habang tinatanggal ang maskara na may voice changer sa kaniyang mukha. Tumawa si Lucy habang sumasandal sa lamesa. “Sino ba naman ang hindi susunod, Sofia? Hawak natin ang kahinaan niya. Ang mag-ina niya. Seven years ago, wala siyang pakialam sa kahit sino. Pero ngayon? He looks so pathetic.” Tiningn
Naiwan kaming nakatitig sa screen ng cellphone ni Locke matapos tuluyang magdilim ito. At kasabay ng pagdilim ng cellphone niya siya ring pagpanaw ng natitira kong lakas. Ang bawat hikbi ni Theo ay tila latigong paulit-ulit na sumasariwa sa aking utak. Ang pagtawag nito sa amin ng kaniyang Papa ay siyang dumudurog sa puso ko. “Fûck! Dâmn it!” Isang malakas na sipa ang ibinigay ni Locke sa kalapit na silya, dahilan upang tumunog iyon nang malakas at mabuwal sa sahig. Nanginginig ang buong katawan niya sa nagngangalit na poot. “Locke, pakiusap, ang anak natin…” muli kong hinabol ang kaniyang kamay, habang ang mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos. Humarap sa akin si Locke, at sa muling pagkakataon, nakita ko ang bahagyang panginginig sa kaniyang panga sa matinding pagpipigil ng galit—isang galit na kahit noon ay hindi niya ipinakita sa aking harapan. Hinawakan ni Locke ang aking mga kamay gamit ang isa niyang kamay, samantalang ang isa ay pinagpunas niya sa aking pisngi na
Mabigat. Masakit. At parang pinupukpok ng milyong-milyong karayom ang aking ulo.Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata bago ko dahan-dahang sinubukang idilat ang mga ito. Ang unang sumalubong sa akin ay ang malabong liwanag ng isang bumbilya na nakabitin sa kisame. Sumasayaw-sayaw ito, lumilikha ng mga nakatatakot na anino sa paligid. Amoy amag, kalawang, at lumang semento ang hangin na aking nalalanghap kahit na sariwa pa rin sa aking ilong ang matapang na amoy ng kemikal na siyang kumuha sa aking kamalayan kanina sa kusina.Si Ashley… ang mga tauhan sa labas… si Locke…Agad kong sinubukang iangat ang aking mga kamay, ngunit isang matalim na hapdi sa aking mga pulso ang pumigil sa akin. Doon ko lang napagtanto na nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang lumang silyang gawa sa bakal. Bawat subok kong gumalaw ay ang marahas na pagkagat ng magaspang na lubid sa aking balat.“Mmmph! Mmmph!”Isang mahinang ungol ang narinig ko mula sa madilim na silid. Mabilis kong inikot ang ak
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha ng anak ko. Ang kaniyang tawa, ang maliit niyang kamay na humahawak sa akin kapag natatakot siya. Nasaan ka na ba, Theo? Kumain ka na ba? Nilalamig ka ba riyan? Humiwalay ako sa dibdib ni Locke ngunit nanatiling nakasubsob ang aking mukha sa aking mga palad. Basang-basa na ang kaniyang damit dahil sa aking mga luha, pero parang wala siyang pakialam. Sa tabi namin, tahimik na nakayuko si Bryan habang mariing nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Si Ashley naman ay nakasandal sa pader , at ngayon ay halos wala nang iluluha habang yakap-yakap ang sarili dahil sa matinding pagkasira ng loob at labis na panunumbat sa kaniyang sarili. “Hindi pwedeng maglaho na lang si Theo nang walang nakakakita! Maraming tao sa bayan, Bryan! Paanong walang nakapansin sa kumuha sa kaniya?!” sumabog ang boses ko, hindi ko na mapigilan ang pagsigaw dahil sa halo-halong galit at takot. “Patawad, Talitha… Inikot na namin ang buong Sta. Ana. Ang mga terminal ng
Takot na takot ako noon kay Locke dahil akala ko ay ilalayo niya sa akin ang anak ko kapag nakilala niya ito. Pero ang takot na iyon ay nawala nang pinatunayan niyang hindi niya ilalayo sa akin ang anak ko. Ngunit ngayon… ang takot na nararamdaman ko ay muling nagbalik dahil sa balita ni Ashley na sumira sa kapayapaan ng aming umaga. Isang malupit na katotohanan na humila sa akin pabalik sa kawalan. “Anong p-pinagsasabi mo, Ashley? Huwag mo akong biruin ng ganyan!” halos mawalan ako ng boses habang mabilis na lumapit kay Ashley at hinawakan nang marahas ang kaniyang magkabilang balikat. Ang buong katawan ko ay biglang nanghina, at ang mga luha na kanina lang ay walang dahilan upang lumabas ay mabilis na umagos sa aking mga pisngi. Ang panaginip ko… ang masamang panaginip ko noong isang gabi at araw-araw na bangungot na kinuha si Theo sa akin ay tila ba unti-unting nagkakatotoo ngayon. “H-Hindi ko alam, Talitha,” napaupo si Ashley sa sahig at nagsimulang umiyak habang ang kaniy
Idinilat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng sinag ng araw na dahan-dahang pumasok mula sa bintana ng aming bahay. Sa aking tabi, naramdaman ko ang mabigat na braso ni Locke na nakapulot sa aking bewang, dahan-dahang humihila sa akin pabalik sa kaniyang katawan.Tinitigan ko ang kaniyang mukha habang natutulog siya. Wala na ang bagsik at lamig na madalas kong makita sa kaniya—dahil pinalitan ito ng isang payapang anyo. Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon na pagtatago at pagtakbo, nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan ngayong katabi ko siya. Ang bawat hininga niya na humahaplos sa balat ko ay tila patunay na hindi na ako nag-iisa.Ang pader ng takot at pag-aalinlangan sa aking dibdib ay tila tuluyan nang natunaw. Pakiramdam ko, basta nasa tabi ko si Locke, ligtas kami ng anak ko. Ligtas na kami sa kahit anong unos.Isang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Locke na may anak siya. Isang linggo na rin ang lumipas na hindi na umalis si Locke sa tabi namin. Dito na
Tila banyaga ang mga lumabas sa bibig ni Locke. Hindi ko ito maintindihan.Hindi ko kailanman binigyan ang ibang tao na angkinin ako. Hindi ko kailanman binigyan ng karapatan ang kahit sinong tao na maging pag-aari nila ako.Kaya ano itong nagmumula sa bibig ni Locke ngayon? Nahihibang na ba ito?H
Gumaan ang pakiramdam ko habang tinitignan ang mga ngiti sa mga labi ng mga kapit-bahay nina Bryan. Nawala ang galit sa akin panandalian at napalitan iyon ng ginhawa dahil sa pagsalubong nila sa akin.Tila may malambot na kamay ang humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko silang tinutukso kam
Halos nasa isang milyon ang kulang sa pinasahod sa mga magulang ko sa loob ng dalawang taon. Hindi pa roon kasama ang isa pa nilang trabaho. Hindi pa kasama roon ang ilang taon pa nilang ginugol sa pagsisilbihan sa mga Salvador.Hindi ako kumain nang gabi dahil sa galit. Halong halo galit sa kanila
Tuluyan na nga akong bumigay. Tuluyan ko na ngang ipinagkaloob ang sarili ko kay Locke.Binigay ko ang sarili ko sa kanya na walang pamimilit. Binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil ginusto ko rin.Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader para kahit papaano ay magising ako sa kahibangan kong it







