LOGINMabilis ang bawat kilos ko kahit na may hapdi sa aking kamay. Kinakausap naman ako ng apat na mokong, pero hindi ito ang dahilan para tumagal ako sa kuwartong ito. Nasa harapan ko sila at nangungulit, samantalang si Locke ay lumabas nang hindi nagpapaalam.“Tour mo naman kami rito sa Sta. Ana, Talitha,” si Reed na para bang bata. “Oo nga, mamimili rin kasi kami ng mga pasalubong,” ani naman ni Lucian habang umiinom ng kape. “Samahan mo na kami, Talitha. Panggabi naman ang trabaho mo kaya pwede ka sa umaga,” dagdag naman ni Darien. Napangiwi ako, hindi dahil sa pangungulit nila, kung hindi dahil sa hapdi ng sugat ko. Kasabay ng hapdi ng sugat sa aking balat ay ang kirot sa aking dibdib na dulot ng pag-uusap namin kanina ni Locke. “Bakit hindi na lang kayo magpasama kay Carter? Panigurado ay kabisado niya ang lugar rito,” sagot ko sa kanila. “Ayaw namin diyan,” mabilis na tutol ni Lucian. “Nagpatayo lang ’yan ng resort dahil sa babae. Kaya hindi rin siya naglalagi rito kahit may
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko at naisip kong sinusundan ako ni Locke. Hindi ko alam… pero umasa ang puso ko na sinusundan talaga ako rito. Isang bahagi ng pagkatao ko ang nanginginig sa takot, pero ang puso ko na noon ay palihim na tumitibok para sa kaniya ay tila nagdiriwang sa atensyong inaakala ko. Huli akong pumasok sa loob dahil natulala ako sa paraan ng pagkakapahiya ko sa aking sarili. Kung hindi pa ako tinawag ni Reed, malamang ay tapos na sila sa kanilang ginagawa samantalang ako ay tulala pa rin.Tahimik akong naglilinis sa kusina, kung saan maraming nakakalat na mga bote ng alak—mukhang nag-inuman kagabi ang mga mokong. Ang amoy ng alak at sigarilyo ay humahalo sa pamilyar na bango ni Locke na nanunuot sa bawat sulok ng kuwartong ito, isang amoy na nagpapaalala sa akin ng lahat ng gusto ko nang kalimutan pero pilit na pinapaalala ito sa akin ng tadhana. Habang abala ako sa paglilinis ng kusina, nasa sala naman sina Reed at Locke na abala sa kani-kanilang lapto
Tahimik ang gabi sa Sta. Ana, pero ang isip ko ay parang isang bagyong ayaw tumigil. Ang bawat pag-hampas ng alon ay payapa pero ang utak ko ay magulo. Tila may kung ano sa dibdib ko na hindi ko matanggap. Para bang mali… kahit tama naman ang lahat ng nangyayari. Pag-uwi ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Ashley. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa, samantalang ako, walang ganang naupo sa sofa na nasa terrace. Tila pagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginagawa. Sa totoo lang, mga limang kuwarto nga lang ang nilinis ko. Umihip ang malamig na hangin. Madaling araw na pero mukhang hinintay ako ni Ashley sa labas dahil balot na balot ang buong katawan niya. “Anong nangyari? Nakita ka ba? Kinaladkad ka ba?” sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri ang buong katawan ko. “Tang-ina, magdamag akong nagbantay sa labas sa takot na may isang Salvador na biglang sumulpot dito. Isa pa itong si Bryan, ang sabi niya ay hindi siya makakauwi rito dahil may importante siyang gagawin.”
Ang pananahimik ni Carter ay maaaring hindi sapat kung ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para paglapitin kaming muli ni Locke. Ang tadhana na ang dahilan kung bakit natagpo kami ni Locke. Napako ako sa aking kinatatayuan habang hawak pa rin ni Ashley ang braso ko. Ang kaniyang mungkahi na tumakas kami ngayon din ay tila isang malakas na ingay na hindi rumehistro sa utak ko. Tumingin ako sa pinto, pagkatapos ay kay Theo na tanaw kong kumakain sa kusina kasama si Manang Marta. “Hindi tayo aalis, Ashley,” mahina kong sabi, pero puno ng paninindigan. “Anong hindi aalis?! Talitha, nakita ako ni Locke! Alam mo kung paano mag-isip ang mga Salvador. Hindi siya titigil hangga’t hindi ka niya napipilit na sumama sa kanya!” natatarantang bulong ni Ashley. Niyugyog niya pa ang braso kong hawak-hawak niya. “Kung aalis tayo ngayon, lalo lang nating kinukumpirma sa kaniya na narito ako. At kung hahabulin niya tayo, saan tayo pupunta? Pagod na akong tumakbo, Ash. Pagod na akong mamu
Nanigas ang buong katawan ko habang nakatingala sa lalaking nasa harapan ko. Ang boses ni Carter ay tila isang hatol na nagtapos sa pitong taon kong pagtatago. Gusto kong tumayo at tumakbo, pero ang aking mga tuhod ay tila naging yelo sa sobrang kaba. “Talitha… ikaw nga,” pag-uulit ni Carter, ang kaniyang tono ay puno ng pagkamangha na may halong hindi makapaniwalang ekspresyon. “Matagal ka nang hinahanap ni Locke. Hindi ko alam… na sa loob ng nakalipas na pitong taon, dito pa kita makikita at ako pa ang unang nakakita sa iyo.” Sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan ni Locke, tila binuhusan ako ng banyerang yelo. Mabilis akong lumuhod nang maayos at hinawakan ang laylayan ng kaniyang pantalon—isang desperadang aksyon na hindi ko pagdadalawang-isipan na gawin. Wala na akong pakialam sa aking dignidad dahil ang mahalaga ay ang kaligtasan namin ng anak ko. “Carter, pakiusap,” basag ang boses kong pagsusumamo habang ang mga luha ay muling naglandas sa aking pisngi. Nanlaki ang mga
Ang resort na pinagtatrabahuhan namin ni Ashley ay resort, ngunit mistula itong hotel dahil maraming nag-che-check-in. Hindi lang pang-isang araw, dahil madalas, umaabot ang mga bisita rito nang isa o dalawang buwan. Kaya dapat hindi na ako nagtataka kung makita ko si siya rito. Bukod sa kaibigan niya si Carter, businessman din ito na halos mga businessman din ang nag-che-check-in at nagbabakasyon sa Carter Resort. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtigil ng pag-ikot ng mundo ko nang maramdaman ko ang pamilyar na presensya niya nang pumasok siya sa loob ng elevator. Ang bawat hibla ng balahibo ko sa braso ay tumayo, at ang kaba sa aking dibdib ay tila isang tambol na nagwawala. Kahit hindi ako tumingala, sapat na ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango—isang amoy na humahalimuyak ng awtoridad, panganib, at sakit—para malaman ko kung sino ang lalaking nakatayo ilang pulgada lang ang layo sa akin. Si Locke Salvador. Pitong taon ang lumipas, pero ang kaniyang aura ay hindi nag
Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto ng silid ni Luther, pinagmamasdan ang dulo ng pasilyo kung saan naglaho ang pigura ni Tita Kelly. Ang kaniyang huling banta ay tila isang malamig na hanging dumaan sa aking batok. Katulad ng aking nanay? Ano ang ibig niyang sabihin? Ang pagkakakilala ko
Nagising ako na wala na ang mga punit na saplot kong gumapos sa aking mga kamay at paa. Nakahiga rin ako nang maayos sa kama at may takip pang kumot, ngunit ang tanging sumalubong sa akin ay ang nakabibinging katahimikan ng silid. Ako lang ang mag-isa. Dahan-dahan kong tiningnan ang aking kata
Inilibot ni Locke ang kaniyang tingin sa kabuuan kong walang saplot. Tila ba bawat kurba ng aking katawan ay kaniyang kinakabisado, tinititigan ako nang may halo-halong poot at pagnanasa na tila ba ako ang kaniyang pinakamahalagang biktima. Ang kaniyang titig ay tila sapot ng gagamba—marahan, malag
“Anong testing your patience? Kumakain lang kami,” sagot ko. Hindi nawala ang ngisi sa aking labi.Naging mas madilim ang mukha ni Locke dahil sa sagot ko. Kung nakakamamatay lang ang mariin niyang tingin, malamang ay kanina pa ako nakahandusay. Ramdam ko ang kuryente ng galit na nagmumula sa kaniy







