ALTHEA POV
Pagkarating ko sa ospital, agad akong nagtungo sa kwarto ng papa ko. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto, kinakabahan sa maaaring kondisyon niya. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama, payat at maputla. Ngunit sa kabila ng panghihina niya, pilit siyang ngumiti nang makita ako. "Anak…" mahina niyang tawag. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang lumalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, pinipigilan ang sariling maiyak. "Pa… kumusta na po kayo?" Bago siya sumagot, biglang pumasok ang doktor. Agad akong tumayo at hinarap siya. "Dok, kumusta na po si Papa?" nag-aalalang tanong ko. May hawak na chart ang doktor habang seryosong nakatingin sa akin. "Nagkaroon ng kaunting improvement ang lagay ng ama mo, Ms. Dela Fuente. Tumalab ang gamot, at sa ngayon, mas stable na ang kanyang kondisyon." Bahagyang lumiwanag ang mukha ko sa narinig. "Totoo po? Ibig sabihin, may pag-asa pa?" Tumango ang doktor. "Oo, pero kailangan pa rin ng patuloy na gamutan. Kailangan din nating bantayan ang reaksyon ng katawan niya sa mga susunod na araw." Napatingin ako kay Papa. Kita sa mga mata niya ang panghihina, pero ramdam ko rin ang pag-asa. "Salamat po, Dok." Ngumiti ang doktor bago tumingin kay Papa. "Mabuti at malakas pa rin ang loob niyo, Ginoo. Pero siguruhing nagpapahinga kayo." "Salamat, Dok," sagot ni Papa, mahina ang boses pero may halong tapang. Matapos magbigay ng paalala ang doktor, lumabas na ito ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Papa. "Anak, pasensya ka na… napapagod ka na dahil sa akin," mahina niyang sabi. Umiling ako, pilit na pinipigilan ang pagluha. "Huwag niyo pong sabihin 'yan, Pa. Gagawin ko ang lahat para gumaling kayo." Hinaplos niya ang kamay ko. "Althea, huwag mong kalimutang alagaan ang sarili mo. At si Zsa Zsa…" Napakagat-labi ako. "Oo po, Pa. Huwag kayong mag-alala." Ngumiti siya, pero bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Hindi ko man masabi sa kanya ang lahat ng problema ko ngayon—si Xander, ang trabaho ko, at ang banta sa buhay namin—isa lang ang sigurado ko. Hindi ko siya pababayaan. Lalaban ako, anuman ang mangyari. Nang makauwe na si Althea sa kan'yang apartment, tahimik ang paligid. Tanging mahihinang tunog ng orasan at ang banayad na ihip ng hangin mula sa bukas na bintana ang maririnig. Dahan-dahan siyang lumapit sa silid, bahagyang binuksan ang pinto, at doon niya nasaksihan ang hindi niya inaasahang tanawin. Si Xander, ang lalaking pinakakinaiinisan at iniiwasan niya, ay nakahiga sa kama, yakap-yakap si Zsa Zsa. Magkatabi silang natutulog, at kahit sa dilim, kitang-kita ni Althea ang payapang ekspresyon sa mukha ni Xander—tila ba walang bigat sa mundo. Sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang matigas at arogante. Si Zsa Zsa naman, nakayakap rin sa kanya, na para bang alam ng bata na ang lalaking katabi niya ay may espesyal na papel sa buhay niya—kahit hindi pa niya alam ang totoo. Napakagat-labi si Althea, pinipigilan ang bugso ng damdamin. Sa sandaling ito, gusto niyang kalimutan ang sakit, ang galit, ang takot. Ngunit alam niyang hindi ganoon kadali ang lahat. Hindi niya kayang baguhin ang nakaraan, at hindi rin niya alam kung paano haharapin ang hinaharap. Dahan-dahan siyang umatras, nagdesisyong huwag silang gambalain. Ngunit bago pa siya makalabas ng kwarto, narinig niya ang malamig ngunit malalim na boses ni Xander. "Hanggang kailan mo ipagkakait ang katotohanan, Althea?" Napapitlag siya. Unti-unti siyang lumingon, at doon niya nakita si Xander—gising na at nakatitig sa kanya, ang mga mata nito ay puno ng seryosong emosyon na hindi niya maipaliwanag. Natigilan siya. Ramdam niya ang bigat ng tanong na iyon, pero hindi niya alam kung paano sasagutin. Dahil kahit siya… hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning itago ang totoo. "Umalis ka na, Xander," mariing sabi ni Althea, pilit pinapanatili ang matatag na boses habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa harapan niya. "Gabi na. Kailangan ko ng pahinga." Ngunit hindi natinag si Xander. Nakapamulsa ito, nakatingin sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya. "Hindi ako aalis." Nanikip ang dibdib ni Althea. "Xander, huwag mo nang gawing mas mahirap pa ‘to. Nakita mo na si Zsa Zsa, alam mo nang ligtas siya. Wala nang dahilan para manatili ka rito." Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi ni Xander. "May isang dahilan pa." Bahagyang lumamig ang pakiramdam ni Althea nang makita ang seryosong ekspresyon ni Xander. "Ano na naman?" tanong niya, pinipilit maging kalmado. "Kung ayaw mong manatili ako rito, isama ko na lang si Zsa Zsa." Direktang sabi ni Xander, walang bahid ng biro sa tinig nito. Nanlaki ang mga mata ni Althea. "Anong sinabi mo?" "Kukunin ko siya," matigas na ulit ni Xander. "Alam ko na ang totoo, Althea. Alam kong ako ang ama niya." Nanghina ang tuhod ni Althea. Alam niyang darating ang araw na ito, pero hindi pa siya handa. "Hindi mo siya pwedeng kunin!" "Kung gano’n, payagan mo akong manatili." Natahimik si Althea. Alam niyang hindi siya puwedeng magpatalo, pero alam din niyang hindi niya hahayaang mawala si Zsa Zsa. At ngayon, nasa kamay niya ang desisyon. Papatuluyin ba niya si Xander? O hahayaang mawala ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya? KINABUKASAN.... "Anong ginagawa mo rito?" matabang na tanong ni Althea habang pinagmamasdan si Xander na abala sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron, tila sanay na sanay sa ginagawa. May bahagyang usok pang lumalabas mula sa kawali, at ang amoy ng nilulutong itlog at sinangag ay kumalat sa buong apartment. Napangiti si Zsa Zsa, mukhang aliw na aliw sa panonood sa ama niya. "Wow! Ang galing mo, Daddy!" bulalas ng bata, palakpak pa ang maliliit nitong kamay. Ngunit si Althea, imbis na matuwa, ay nagpipigil ng inis. Napalalim ang kanyang buntong-hininga bago lumapit. "Xander, sinabi ko na sa’yo kagabi, ayoko na ng ganito. At bakit ka ba nandito? Hindi ka ba papasok sa trabaho?" Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Xander. Tahimik itong nagpatuloy sa paghahalo ng itlog. "Gusto kong kumain ng almusal kasama ang anak ko," sagot nito, diretsong tinig. "At isa pa, gusto kong siguraduhin na may kinakain kayo bago ako umalis." Napapikit si Althea, pilit nilulunok ang pait na nararamdaman. Naalala niya ang dating Xander—ang lalaking minahal niya noon. Noon, siya ang laging nagluluto para rito, tinuturuan pa nga siyang magluto nang maayos dahil parating siyang palpak sa kusina. Pero ngayon, parang pinapaalala lang sa kanya ng lalaking ito kung paanong nagbago ang lahat. "Hindi namin kailangan ng tulong mo," madiin niyang sabi. "Alis ka na pagkatapos mong kumain." Ngunit imbes na sumagot, nilagyan lang ni Xander ng sinangag at itlog ang isang plato at itinapat iyon kay Althea. "Kumain ka muna," aniya, malalim ang titig. "Mukha kang butot-balat." Muntik nang masamid si Althea sa narinig. "Ano?" "Kain ka muna bago ka magsungit diyan." Umupo si Xander sa harapan niya at sinimulan nang kumain na parang wala siyang sinabi. Si Zsa Zsa naman, abala sa pagkain, walang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan nilang dalawa. Habang pinagmamasdan ni Althea ang lalaking nasa harapan niya, hindi niya maiwasang isipin—paano kung hindi na talaga niya ito mapaalis sa buhay nila? Pagkatapos nilang kumain, agad na naghanda si Althea para pumasok sa trabaho. Ayaw niyang mahuli, lalo pa’t marami na siyang tsismis na naririnig tungkol sa kanya sa opisina. Hindi rin niya gusto ang ideyang ihahatid siya ni Xander—siguradong mas lalo lang siyang magiging usap-usapan. “Sasabay na ako kay Uncle William,” mariing sabi ni Althea habang inaayos ang bag niya. “Wala nang kailangang maghatid sa akin.” Ngunit nagtaas lang ng kilay si Xander habang sinusuot ang coat niya. “Sino may sabi niyan? Sasabay ka sa akin.” Napasinghap si Althea at mabilis na tumingin kay Zsa Zsa, na masaya pang nag-aayos ng bag niya para pumasok sa school. “Xander, hindi na. Kaya ko namang sumakay ng jeep.” “Wala akong pakialam kung kaya mo o hindi. Sumabay ka.” Tumunog ang boses nito, may bahagyang diin na hindi na nagpapaliwanag. Bago pa siya makatanggi ulit, bumukas ang pinto at pumasok si Uncle William. “Oh? Saan kayo pupunta? Ihahatid ko na kayo.” Agad na sumabat si Xander. “Huwag na, Uncle. Ako na ang maghahatid kay Althea at kay Zsa Zsa.” Nagkatinginan sina Althea at Uncle William. Alam niyang gusto siya nitong ipagtanggol, pero mukhang wala nang magagawa. Kaya napabuntong-hininga na lang siya at sumunod kay Xander palabas. Sa loob ng sasakyan, tahimik lang silang tatlo. Si Zsa Zsa lang ang masayang nagkukwento tungkol sa school niya, habang si Althea ay pinipilit huwag mapatingin kay Xander na seryosong nagmamaneho. “Mommy, sabay kayo ni Daddy sa trabaho?” tanong ni Zsa Zsa, puno ng tuwa. Hindi agad nakasagot si Althea. Pero bago pa siya makahanap ng matinong sagot, si Xander na ang sumagot. “Oo. At palagi na kaming sabay.” Napatigil si Althea. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. Ano bang binabalak ni Xander? Pagdating nila sa paaralan, mabilis na bumaba si Zsa Zsa at masayang kumaway sa kanila. “Bye, Mommy! Bye, Daddy! See you later!” sigaw ng bata bago tumakbo papasok. Althea bit her lip, forcing herself to keep calm as she closed the car door. She turned to Xander, her voice firm and unwavering. “Listen, Xander. We may be married on paper, but that’s all it is—a piece of paper. There’s nothing between us, no real relationship. So stop acting like a husband because you are not one.” Xander tightened his grip on the steering wheel, his jaw clenching as he turned to look at her. “Nothing between us?” he repeated, his voice dangerously low. “Are you sure about that, Althea?” She met his gaze head-on. “Yes. So whatever game you’re playing, stop it. We both know this marriage was a mistake.” A smirk ghosted Xander’s lips, but there was no humor in his eyes. “A mistake?” He leaned closer, his presence suffocating in the confined space of the car. “Then why do you still affect me, Althea?” Her breath hitched, but she quickly looked away. “Just drive. We’re going to be late.” Xander chuckled, the sound low and dark. “Fine. But don’t think for a second that I’ll just let this go.” As the car sped toward their office, Althea clenched her fists on her lap. She thought she had closed this chapter of her life. But with Xander back, it felt like she was being pulled into a storm she wasn’t sure she could escape. Narating din agad nila ang Montevista Group Company. Pagkababa ni Althea, hindi pa man ganap na nakatapat ang sasakyan sa building, ay mabilis siyang naglakad palayo. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang mga empleyado para pag-usapan na naman siya—lalo na't kasama niyang dumating si Xander. "Althea," malamig pero matigas ang tawag ni Xander mula sa loob ng sasakyan. Hindi siya lumingon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad, ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa lobby ng gusali, isang malakas na busina ang umalingawngaw sa paligid. Napahinto siya, at pati ang ibang empleyado ay napatingin sa direksyon ng sasakyan ni Xander na ngayon ay direkta nang nakaparada sa harap ng entrance. Bumaba ito mula sa sasakyan, walang pakialam sa mga matang nakatutok sa kanila. Dumiretso ito sa kanya, hindi alintana ang atensyong nakukuha nila. Tumigil siya sa harapan niya at bahagyang yumuko upang mapantayan ang tingin niya. "Are you seriously going to pretend like you don't know me, Althea?" His voice was low, but the authority in it made her swallow hard. "We're at work, Xander," mariin niyang sagot, pilit na pinapanatili ang malamig na ekspresyon. "I don’t want people talking." Xander smirked. "Oh, people will talk regardless. So why don’t we give them something real to talk about?" Mas lalong nag-init ang pakiramdam ni Althea sa sinabi nito. Alam niyang binibiro lang siya ni Xander, pero hindi niya magawang balewalain ang pang-aasar nito. Bago pa siya makasagot, narinig nila ang mga bulungan ng mga empleyado sa paligid. "Si Ma’am Althea ba ‘yon? Bakit siya kasama ni Sir Xander?" "Grabe, ang kapal naman ng mukha niya. Baka iniisip niyang magiging asawa siya ng CEO!" Muli siyang napapikit sa inis. Hindi niya ito kailangang marinig. Hindi niya ito kailangang maramdaman. Pero bago pa siya makatalikod, lumapit si Xander sa kanya, bumulong malapit sa tenga niya. "I told you, Althea. I won’t let this go." At sa mga titig nitong puno ng determinasyon, alam niyang hindi ito nagbibiro.EPILOGUE – LIMANG TAON MAKALIPAS Third Person POV Maliwanag ang sikat ng araw. Sa isang hardin na pinalibutan ng puting bulaklak at hanging sariwa, isang masayang kasalan ang nagaganap. Simple lang—pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat ngiti, sa bawat sulyap, at sa bawat hakbang. Nakahawak si Althea sa braso ni Zsazsa, ngayon ay siyam na taong gulang, habang naglalakad sa aisle. Si Zsazsa ang nagsilbing flower girl at bridesmaid—proud na proud, may konting arte pa sa lakad, pero may kinikilig sa mata. Sa unahan, nakatayo si Xander. Hindi na siya ‘yung lalaking laging may bigat sa puso. Ngayon, isa na siyang ganap na asawa, ama, at lalaking natutong lumaban para sa pamilya niya. Habang naglalakad si Althea, dahan-dahan siyang tumingin kay Xander. Nandoon pa rin ang kilig, ang lungkot, ang kasaysayan ng nakaraan—pero sa lahat ng iyon, ang nangingibabaw ay pagmamahal. Sa tabi ni Xander, nakaupo si baby Liam—ngayon ay apat na taong gulang, nakasuot ng maliit na coat, at abala sa pag
THIRD POV Lumipas ang mga araw sa pagitan ng lungkot at pag-asang bumabalot sa tahanan ni Althea. Unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan, at bawat araw na dumadaan ay parang tinutulak siya ng panahon pabalik sa mga alaala nila ni Xander. Samantalang sa malayong lugar, isang lalaking punong-puno ng pag-aalala at pangungulila ang nakaupo sa labas ng isang lumang ospital. Si Xander. Namumugto ang kanyang mga mata, at tila ba nahulog ang buong mundo sa balikat niya. May tungkulin siyang kailangang tapusin—isang pangako sa nakaraan na matagal na niyang pinasan. At iyon ay si Lilia. Hindi niya kayang sabihin kay Althea ang katotohanan. Alam niyang masasaktan ito. Alam niyang mahirap itong ipaliwanag sa pamilya ni Althea, lalo na sa anak nitong si Zsazsa. Kaya pinili niyang manahimik, magsakripisyo, at muling itago ang sariling sakit. --- XANDER POV “Patawad, Althea…” bulong ko habang nakatanaw sa malamig na burol ng babaeng minsan kong inalagaan.* Lilia is gone. Tinup
Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n
Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b
Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.
Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na