OFFER
I'm sure that Tita Carmen was the one who sold this house. Ang hindi ko alam ay kung paano niya nalaman ang tungkol dito at kung bakit pati ito ay pinagdiskitahan niya.
Mas lalo akong naluha dahil sa galit nanamumuo sa puso ko para sa kay Tita. Lahat na lang kinuha niya sa akin.
Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Kunot ang noo, nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. I could feel his intense stare at me, as though weighing every inch of my soul...
It was as if he could see through me, and I was powerless under the weight of his stare.
Ilang minuto pa siyang ganoon lang bago siya tumikhim.
Umigiting ang kaniyang panga.
"Wipe your tears. I don't like uninvited guest crying in my doorstep," baritonong aniya bago tumalikod at dumiretso sa bar counter malapit sa sala.
Mabilis kong pinalis ang aking luha gamit ang nanginginig na kamay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Should I walk away?
This is not mine anymore kaya dapat ay umalis na ako pero saan naman ako pupunta?
The image of me sleeping at the cold cement outside made my heart hurt.
Napalunok ako at pinanood siyang kumuha ng isang bote ng whiskey. Binuksan niya iyon nang walang kahirap-hirap at pinuno ang isang baso. Matapos iyon, uminom siya na para bang hindi niya kayang tiisin ang kalagayan ko... o ang presensya ko sa bahay.
He licked his lips. Umiling siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, hawak pa rin ang baso.
"So… this house used to be yours?" he asked, his voice cold as ice, breaking the silence. But his jaw twitched, and for a split second, his grip tightened on the glass.
Nanatili akong tahimik. Tila may nakabara sa aking lalamunan. Pipiyok lang ako kapag nagsalita kaya tumango na lang ako.
He raised an eyebrow. “Seems like...” Tumungga siya, this time with more force. “You had no idea it was sold? You’ve been scammed?”
I flinched at how sharp his words landed. I've been scammed by my own family.
Napakagat ako sa labi, pinipigil ang luhang nagbabadya na naman. Humigpit ang hawak ko sa aking suot na black shirt at pinilit magsalita.
"Y-yes... ngayon ko lang nalaman. P-pinalayas ako sa amin and this is the only thing I have... but now..." namamaos kong sagot, umiiyak na naman. “Wala na akong ibang mapupuntahan…” bulong ko, halos hindi ko alam kung para ba sa kanya ‘yon o para sa sarili ko.
Sa nanlalabong nata, napansin ko ang bahagyang paninigas ng kaniyang panga. Mariin ang titig sa akin. His whole body tense, trembling in restraint, like a storm sealed inside a man’s skin. He didn’t move. Just clenched his jaw harder, as if holding back words that wanted to explode.
Suminghot ako at pilit pinipigil ang sarili sa pag-iyak. Siguro'y iniisip niya na nagpapaawa lang ako. But I'm not. Ayaw ko naman talagang kaawaan, hindi ko lang talaga mapigil ang pagluha sa sakit.
"Bakit ka pinalayas?"
Nagdalawang-isip ako saglit. Pwede ko siyang hindi sagutin o 'di kaya'y magsinungaling na lang. I didn’t know him. Hindi niya rin ako kilala. He was a stranger… and yet, for some reason, pakiramdam ko okay lang na magsabi ng totoo.
"My tita wanted me to marry someone..." Napalunok ako bago nagpatuloy. "A rich man she owes a huge debt to. As payment. I said no. She said I was ungrateful… then she kicked me out.”
Marahas niyang naibaba ang baso sa counter dahilan upang lumikha ito ng ingay. Muntikan nang mabasag. Then he let out a breath, harsh and heavy, as if struggling not to explode. His jaw was shaking now. His stare had turned deadly quiet.
"She tried to sell you to pay off her own mess?" he muttered, almost to himself.
Mukha siyang galit. I looked away, embarrassed. He probably thought I was pathetic. A burden. A stranger making a scene in his home. Maybe he was mad because I was dragging him into this.
“Pasesnya na,” I whispered, barely able to look up. “Hindi ko gustong abalahin ka...”
Matthew’s head turned sharply. His jaw locked again, and for a second, he looked like he was going to yell. But he didn’t. He swallowed it. All of it. Again.
"What about your boyfriend?" he asked suddenly, voice harder now. "Anong ginawa niya habang pinapaalis ka? Hinayaan niya lang?"
Gulat, bumalik ang tingin ko sa kaniya. Paano niya naman nalaman na may boyfriend ako?
Parang nabasa niya agad ang nasa isip ko. His shoulders tensed. He looked away for a second, then back at me.
“I'm assuming you have one... wala ba?” he asked, this time slower, almost cautious.
Napayuko ako.
“Meron... dati.” My fingers trembled. I fiddled with them, trying to look anywhere but his eyes.
“We broke a month ago. I caught him… cheating.” Halos bulong ang huli kong salita, pero ‘yung sakit, parang sumabog pa rin sa dibdib ko.
Tanggap ko naman na, pero ramdam ko ang sakit ngayon dahil nagsabay-sabay ang mga problema ko.
Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya. I froze.
His whole body was stiff. His hand was clenched so hard his knuckles turned white. The veins on his forearm were pulsing. His eyes, burning holes into the wall. Hindi ako ang tinitingnan niya. Para bang pinipigilan niyang sapakin ‘yung... pader?
“Cheating?” he spat the word, sharp, disgusted, like it was poison in his mouth.
“That son of a bitch.”
Hindi ko narinig ang huling sinabi niya sa sobrang hina pero ramdam ko ang kaniyang gigil.
Napasinghap ako nang bigla niyang abutin ang bote ng whiskey. He yanked it, poured another glass too fast, and some of the liquor spilled over his fingers, pero wala siyang pake. His hand trembled as he lifted it.
He didn’t drink.
He just held the glass in midair, breathing hard, staring at the amber liquid like it was the only thing keeping him from exploding.
Did someone also cheated on him? Na ang simpleng pagbanggit sa salitang iyon ay nagpagalit sa kaniya?
His chest rose and fell with every breath, as if he was holding back more than just rage... parang sakit...
Tama siguro ako. Dapat pala hindi ko na binanggit.
"You're better off," he growled, his voice rough, almost venomous. “People like that don't deserve anything. Not even your anger.”
Umawang ang labi ko, stunned. I'm sure he was thinking about someone when he said that. His eyes were dark, filled with something raw. Something deadly. But just as fast, he blinked, and it was gone. Replaced by a cold, unreadable stare. His throat worked like he’d just swallowed something sharp.
Natahimik siya saglit. Then slowly, his gaze found mine again, steady this time, calculating.
“Gusto mo ba ‘tong bahay?”
Napakunot ang noo ko. “Ha?”
Lumapit siya ng dahan-dahan, parang isang tigre na naaamoy ang kahinaan ng biktima niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
“This house,” ulit niya. “You want it back?”
Umawang ang labi ko.
Bakit niya tinatanong? Ibebenta niya ba sa akin? I would love that idea pero wala pa akong pera. Saan naman ako kukuha no'n?
Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.
“S-siyempre gusto. Ito na lang ang meron ako... at nandito ang alaala nina Mommy."
He smirked. Pero hindi iyon ‘yung mapanukso lang, may halong bagay na hindi ko mawari.
“Then let’s make a deal,” he said, voice low and smooth like poison wrapped in silk.
Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko.
"Marry me... be my wife.”
Nanlaki ang mga mata ko. Kumalabog ang dibdib ko.
“W-what? Ano’ng…”
“Contract wife,” dagdag niya, halos walang emosyon sa boses. Inaayos ulit ang benda sa kamay. “Six months. Act the part. I’ll give you back this house.”
Umiling ako, napaatras nang bahagya. Hindi pa rin tuluyang naproproseso ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
“B-bakit ako? Bakit kailangan pa ng kasal? Anong klaseng kalokohan ‘yan? S-sino ka ba?”
Sunod-sunod na tanong ko dahil sa gulat.
Kanina lang, pinalayas ako. Nalaman kong hindi na sa akin ang beach house at ngayon naman ay may lalaking hindi ko kilala na nag-aalok sa akin ng kasal?
Mababaliw na yata ako.
Umatras ulit ako, nanginginig ang tuhod, but he didn’t budge. Instead, he continued to approach, the predatory glint in his eyes sharpening with every step he took toward me. At may isa pang emosyon na hindi ko na naman mapangalanan.
Tila huminto ang paghinga ko nang iilang pulgada na lang ang layo namin. Nanuot sa aking pang-amoy ang pinaghalong whiskey at mamahaling pabangong panlalaki.
“Well,” he said in a voice as sharp as a knife, “I’m Matthew Fuentevello.”
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
He's Matthew Fuentavello?
I stared hard, disbelief crashing through me until recognition finally settled in. Totoo ba? Kaya pala mukha siyang pamilyar!
Isang beses akong naisama nina Daddy sa isang party na dinaluhan ng mga mayayamang angkan at doon ko siya unang nakita. Sixteen pa lang ako no'n at ang hula ko ay nasa early twenties na siya. Their family was on of the most richest family not just in the Philippines but in the Asia. He looked intimidating back then, yes… and handsome, too. But now? Even ‘handsome’ can’t hold a candle to what I’m seeing.
Kaya siguro hindi ko siya agad nakilala. He didn’t just change, he became something else entirely...
Bago pa man ako makapag-react, nagpatuloy na siya.
"I'm the CEO of Fuentex Holdings. Logistics, tech, real estate—we operate across Asia. And I’m also the executive director of the entire Fuentevello Group.”
Para akong estatwa lang doon, hindi alam kung ano ang uunahing isipin, ang sinabi niya o ang lapit namin sa isa't isa.
Nanaginip ba ako?
I barely managed to swallow the lump in my throat, and my voice came out a whisper, trembling, "b-bakit kailangan mo ng asawa?"
Dumilim ang kaniyang titig. Nagpakawala siya ng mapait na tawa.
“Because my grandfather’s will demands it. I need to be legally married before the next board meeting to gain full control of my shares and secure my position. Otherwise, the power goes to my fvcking asshole cousin, and everything my parents built?" he licked his lips, jaw clenching. "Mawawala sa akin.”
Napalunok ako.
“And you…” he continued, leaning closer until I could almost feel his breath. Parang tinatambol ang dibdib ko sa lakad ng kabog nito. “You have nowhere else to go. We're perfect match, isn't it?”
Napakapit ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, takot, o sa bumubulusok na damdaming ‘di ko maipaliwanag.
I tried to pull myself together, trying to find my voice amidst the confusion and disbelief.
"Ni hindi mo ako kilala..." hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, my voice shaky. Para bang magbabago ang isip niya kapag na-realize niya iyon.
Hindi niya ako kilala. I saw him at the party but he never saw me. Not once. Not even when he walked past our family. Kung totoo man ang mga sinasabi niya, paano ako makakasigurong tutupad siya sa pangako niya after niya makuha ang gusto niya?
He cockily tilted his head. "What is your name, then?"
Para akong napako sa aking kinatatayuan. For a moment, everything felt surreal, as if I were trapped in a dream I couldn’t escape from.
Before I knew it, the name slipped from my lips, almost like I was in a trance.
"R-rain... I'm Rain Italy Cervanue."
Bahagya siyang nangiti, 'yung totoong ngiti na hindi sarkastiko pero tingin ko ay namalikmata lang ako dahil kaagad din siyang bumalik sa pagiging seryoso.
At tuluyan na akong hindi makahinga nang bigla siyang yumuko at nilapit ang kaniyang labi sa aking tainga.
He whispered, low, smooth and... luring.
"Will you marry me then, Rain italy?"
BEATI stared at the white paper in front of me. Katatapos ko lang pirmahan ’yon.Nasa kwarto na ako ngayon, nakaupo sa gilid ng kama. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito mapawi ang init na tila bumabalot sa dibdib ko, parang may maliit na apoy na patuloy lang na lumiliyab sa loob nito.Napabuga ako ng hangin. Idinampi ko ang papel sa dibdib ko, saka dahan-dahang humiga at tumitig sa kisame.Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis lahat ng pangyayari. Parang kahapon lang… no, kagabi lang in-offer ni Matthew sa akin ang deal na ’to. Kanina lang ako pumayag. At ngayon, heto na, pirmado na naming dalawa.I closed my eyes for a moment, hoping that by doing so, everything would make sense. Pero sa halip, mas lalo kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. At sa dilim ng nakapikit kong mga mata, bumalik sa isip ko ang naging usapan namin kanina. Paulit-ulit. Lahat ng sinabi niya, malinaw na malinaw pa rin sa tenga ko."I will be your only family."That line. His voice.
RUNTahimik akong nakaupo pa rin sa hapag, habang hawak-hawak ang kutsarang kanina pa nanlalamig sa kamay ko. Hindi ko na magawang galawin ang pagkain, kahit isang subo. Hindi ko rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala sa mesa.Bakit ba siya nagalit?Pilit kong inalala ang naging usapan namin. Wala naman akong nasabing masama. Tahimik lang akong kumain, kagaya niya. Hindi naman kami nagtalo. Wala ring kakaibang nangyari…We ate silently… Then he stopped eating and looked at me.Muli kong binalikan sa isip ko ang eksenang ’yon. He scanned me… and then his eyes locked on my chin.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahang umangat ang kamay ko at hinaplos ang aking panga.Bahagya akong napadaing nang mapisil ko 'yon. May mga pasa nga pala ako roon! He saw it. Is that the reason why he suddenly got mad? Pero... bakit naman siya magagalit sa pasa ko? Isang ideya ang namuo sa isip ko.Did he just realize that I’m not worth the deal? That I’m a walking problem he should’ve never offered
RULESSandaling katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos kong sambitin ’yon.Tanging ang marahas at mabilis na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko sa loob ng sarili kong katawan. Para akong tumalon sa bangin na hindi ko alam kung may sasalo sa akin. Hindi kaagad kumibo si Matthew. Nakipagtitigan lang siya sa akin nang mariin, na para bang pilit niyang binabasa ang iniisip ko sa likod ng mga mata ko. Then, his voice finally cut through the silence. “So… you’re agreeing with the deal?”Bahagya lang akong tumango, halos hindi mabigkas ang salitang oo. Nahihiya ako. Hindi ko maiwasang isipin kung ano tingin niya sa akin ngayon. I wonder if he sees me as a desperate woman right now... But I have no choice. For me to be able to live, this is the only option I have.Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Halos hindi halata, pero hindi ’yon nakalampas sa paningin ko. It was a soft, fleeting smile, na agad niyang tinabunan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Umiwas
DECISION Marriage is a sacrament. I grew up believing that. It’s sacred, not something to rush or fake, only for the kind of love that’s real and lasting. Gusto kong magpakasal sa taong kayang higitan, o kahit pantayan man lang, ang katangian ni Papa. Someone who makes me feel safe. Someone who knows how to love and care without conditions.Kaya noong umabot sa standard ko ang ex ko, I thought he was it. I thought I found someone I could build something with. Not necessarily marriage, not yet… but a future. A shared space. A quiet kind of forever.He was there when I was at my lowest, noong sabay na nawala ang mga magulang ko at halos mawalan ako ng dahilan para mabuhay. And when someone stays through that kind of pain, you start to believe it means something. You begin to trust. To hope.So I fell. But I never imagined that he’d be the one to break me.I never thought he could cheat on me, and worse, with my own cousin.And most of all, never, not even in my wildest thoughts, did
OFFERI'm sure that Tita Carmen was the one who sold this house. Ang hindi ko alam ay kung paano niya nalaman ang tungkol dito at kung bakit pati ito ay pinagdiskitahan niya. Mas lalo akong naluha dahil sa galit nanamumuo sa puso ko para sa kay Tita. Lahat na lang kinuha niya sa akin.Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Kunot ang noo, nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. I could feel his intense stare at me, as though weighing every inch of my soul...It was as if he could see through me, and I was powerless under the weight of his stare. Ilang minuto pa siyang ganoon lang bago siya tumikhim. Umigiting ang kaniyang panga."Wipe your tears. I don't like uninvited guest crying in my doorstep," baritonong aniya bago tumalikod at dumiretso sa bar counter malapit sa sala.Mabilis kong pinalis ang aking luha gamit ang nanginginig na kamay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I walk away? This is not mine anymore kaya dapat ay
ENCOUNTER“Tita, maawa po kayo... Wala na po ako ibang mapupuntahan,” I begged, my voice cracking.Lumuhod pa ako para magmakaawa pero mas lalo lang nag-alab sa galit ang mga mata ni Tita Carmen. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang aking mukha. My heart pounded loudly. Ramdam ko sa hawak niya ang panggigigil.“Wala akong pake! Kung sana ay pumayag ka na lang sa kasal mo kay Mr. Vueno, hindi ka sana masasaktan pero dahil masyado kang maarte, binastos at tinakasan mo siya, ang tanga mo! Pera na ‘yon, Rain! Pera! Sinayang mo lang!” galit na galit niyang sigaw.Tears blurred my vision. It hurts so bad. Lalo na noong marahas niyang binitawan ang panga ko at nagpakawala ng malakas na sampal. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya ang aking buhok at pilit akong kinakaladkad palabas ng bahay. Napasigaw ako sa sakit. Ang pinsan kong si Cath ay nasa gilid lang, nanonood at nakangisi.Simula nang namatay sina Mommy at Daddy, hindi ako kailanman pina