His Secretary By Day, His Wife By Contract

His Secretary By Day, His Wife By Contract

last updateHuling Na-update : 2025-08-02
By:  dangeroselyIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
5Mga Kabanata
18views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

She only wanted to live. He only needed a wife—on paper. But what started as a contract… is about to rewrite their hearts. After Rain Italy Cuervanue refuses to be sold off to an old man to pay her aunt’s debt, she’s thrown out of her own home. Desperate and alone, she flees to the only place that still holds her father’s memory, the beach house he gave her on her 18th birthday, only to find out it’s been sold. And not just to anyone. To Matthew Fuentavello, the youngest, powerful, and most feared CEO in the country, from a family known across Asia. To her shock, Matthew offers her a deal: Marry him for six months, a secret contract to fulfill his grandfather’s condition for taking full control of their empire. In return, she gets the beach house back. The catch? She must also work for him as his secretary. No one must know they’re married, except his family. Rain agrees with no choice left, never expecting that the man she married on paper… is the uncle of her cheating ex-boyfriend, the one who broke her heart with her own cousin. As they pretend by day and blur the lines by night, a dangerous chemistry starts to grow. Office rumors spark. Jealousy brews. And when the whispers get too loud, Matthew drops the biggest bomb—Rain isn’t just his secretary. She’s his wife. Just when Rain begins to believe in their stolen happiness, the past comes knocking. Her ex wants her back. Matthew’s ex, the woman who once rejected the deal Rain accepted, now wants him again. And Rain begins to wonder… Was she just a second option? Or is there something Matthew’s been hiding from the start… something real?

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

ENCOUNTER

“Tita, maawa po kayo... Wala na po ako ibang mapupuntahan,” I begged, my voice cracking.

Lumuhod pa ako para magmakaawa pero mas lalo lang nag-alab sa galit ang mga mata ni Tita Carmen. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang aking mukha. My heart pounded loudly. Ramdam ko sa hawak niya ang panggigigil.

“Wala akong pake! Kung sana ay pumayag ka na lang sa kasal mo kay Mr. Vueno, hindi ka sana masasaktan pero dahil masyado kang maarte, binastos at tinakasan mo siya, ang tanga mo! Pera na ‘yon, Rain! Pera! Sinayang mo lang!” galit na galit niyang sigaw.

Tears blurred my vision. 

It hurts so bad. Lalo na noong marahas niyang binitawan ang panga ko at nagpakawala ng malakas na sampal. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya ang aking buhok at pilit akong kinakaladkad palabas ng bahay. Napasigaw ako sa sakit. Ang pinsan kong si Cath ay nasa gilid lang, nanonood at nakangisi.

Simula nang namatay sina Mommy at Daddy, hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay ni Tita Carmen. This was the first time I saw her this angry and this violent.

“Wala kang kwenta! Pagkatapos kitang alagaan ng tatlong taon, ganito ang isusukli mo sa akin? Walang utang na loob! Lumayas ka! Layas!”

Patuloy pa rin siya sa paghila sa aking buhok. Sobrang sakit na ng ulo ko. Wala akong magawa, iyak lang ako nang iyak. I tried to remove her hands, but she was too strong that they didn't move even a bit.

Mabait at maalaga si Tita sa akin dati, pero nang lumaki ang mga utang niya dahil sa pagsusugal ay naging mainitin ang ulo niya. Dagdag pa ang naging away namin ni Cath na anak niya kaya mas lalo siyang nagalit sa akin. Pinipilit niya akong pakasalan ang isa sa pinagkakautangan niyang si Mr. Vueno. Tumanggi ako dahil bukod sa matanda iyon sa akin ng triple, labag iyon sa aking kagustuhan.

“Tita, please... Let me stay. Kay Daddy naman po itong bah-“

She pushed me with all her strength. Tumama ang likod ko sa gate. Napadaing ako at hindi nakapagpatuloy sa pagsasalita. Humihikbi, mabilis akong gumapang palayo para hindi niya na ako maabot.

“Kapatid ko ang Daddy mo kaya mas may karapatan ako sa bahay! Ako rin ang legal guardian mo kaya pwede kong gawin ang anumang gusto ko sa’yo! Layas!”

Pinilit kong tumayo para pigilan siya sa pagsarado ng gate pero tinulak niya lang ako kaya napaatras akong muli.

“Tita! Tita!” I pleaded.

Para siyang walang naririnig at nagpatuloy sa pagkandado ng tarangkahan. Nang masigurong hindi na iyon mabubuksan ay tumalikod na siya at pumasok na sa loob.

Lumapit ako roon at sinubukang buksan. Nanlalabo ang mga mata ko habang ginagawa iyon. Sinubukan kong pwersahin pero ayaw talaga mabuksan. The physical and emotional pain she inflicted was too much for me to handle.

“Kung hindi ka titigil at aalis diyan, tatawagan ko si Mr. Vueno para siya mismo ang kumuha sa’yo.”

Parang gatilyo ang salita ni Tita kaya agad akong napatigil. Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip siya sa harap ng pinto, katabi si Cath na tila tuwang-tuwa sa mangyayari sa akin. 

Nag-uunahan sa pag-agos ang luha ko. 

Just a month ago, I found out my boyfriend was cheating on me… with her. I didn’t even get an apology. Instead, she told me it was my fault, that I was too soft, too boring, as if that justified what they did. At sa huli, siya pa rin ang pinili ng boyfriend ko. Then yesterday, Tita said I should marry an old rich man… someone I don’t even know. At ngayon naman, pinapalayas na nila ako sa sarili naming pamamahay.

Halos hindi ako makahinga sa sobrang paghikbi. 

Kilala ko si Tita at hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya. Kahit labag sa kalooban ko, tumulak ako paalis ng village. Gusto kong magalit kay Tita. Kay Cath. Gusto kong gantihan sila pero alam kong hindi ko naman kaya.

Pinalis ko ang aking luha at huminga ako ng malalim. Walang magagawa ang pag-iyak.

Kahit nagdadalawang isip ay napagdesisyunan kong dumiretso sa bahay ng kaibigan kong si Donna. Ni isang gamit ay wala man lang akong nakuha sa bahay, kahit ang wallet ko ay naiwan din. Siya ang pinaka-close ko sa mga kaibigan ko at pwede lang lakarin ang layo ng bahay nila mula rito. Pagkarating ko doon ay kinapalan ko na ang mukha ko at agad na nangutang ng pera. 

Ipamamasahe ko iyon papunta sa beach house namin sa Subic. 

Binili iyon ni Daddy noong eighteenth birthday ko at bilang regalo, pinangalan niya sa akin ang titulo noon. That was my last card. Sa ngayon, iyon lang ang matuturing kong akin. Donna knew about it so she didn't hesitate to lend me money for my transportation. Gusto niya pa nga sanang doon na lang ako sa bahay nila tumira pero natatakot akong baka guluhin din sila ni Tita kapag nalaman niya ang tungkol doon kaya tumanggi ako. Nag-offer pa siyang ihahatid ako pero tinanggihan ko rin dahil masyado na akong nahihiya, pinahiram niya na kasi ako ng pera, binigyan niya pa ako ng ilang mga damit para may magamit ako. 

I'm so blessed to have her. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Hindi ako close sa kahit sinong relatives namin kaya wala akong ibang mapupuntahan, buti na lang ay may kaibigan akong malalapitan kahit papaano. 

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit sa bahay nina Donna, nagtungo na agad ako sa terminal ng bus. I know how to commute. Binenta rin kasi ni Tita lahat ng sasakyan namin kaya wala akong pagpipilian kundi mag-commute o maglakad palagi.

Hinanap ko ang may sign board na Subic at sumakay na. Halos humigit kumulang apat na oras din ang tinagal ng byahe bago nag-anunsyo ang konduktor na nakarating na kami sa terminal kung saan ang last stop. 

Agad akong sinalubong ng malamig ng hangin, pagkababa ko. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. The scent of sea salt in the air aroused my sense of smell. Matatayog ang mga puno at napakalinis ng paligid. May mga turista ring naglilibot sa paligid kahit bahagyang umaambon.

This is a perfect place to begin my life with. Hindi ko alam kung alam ni Tita ang tungkol sa beach house namin dito pero sana naman ay hindi. College na ako at isang taon na lang ay gra-graduate na ako. Maghahanap ako ng trabaho at dito ko na siguro ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. 

Pagkasakay ko ng tricycle, agad na kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Binigay ko sa driver ang eksaktong address ng beach house. Iniisip ko pa lang na simula ngayon ay mamumuhay na ako ng mag-isa sa bahay na iyon ay parang dinadaga na ang dibdib ko. 

Sana lang talaga ay maging maayos lang ang lahat. 

Bawat lugar na nadadaanan ng tricycle ay nagpapaalala sa akin kina Mommy. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko labis na pag-iyak pero tila hindi pa rin naubos ang mga luha ko. Ito ang unang beses na hindi ko sila kasamang pumunta rito. Pakiramdam ko tuloy ay malaking bahagi ko ang kulang. I miss them so much. How I wish I could go back to the time when we were complete and happy. 

Inayos ko ang sarili ko nang huminto ang tricycle sa harap ng isang pamilyar na malaking gate. Daddy installed a smart lock in the door kaya passcode lang ay kailangan at makakapasok na ko. Nagbayad ako at bumaba na. 

Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang natigilan ako.

Nakabukas ang gate. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang loob. Halos walang nabago sa itsura ng beach house mula noong huli ko itong nakita, maliban sa magarang kotse sa garahe at isang lamesa sa garden na tila hinanda para sa isang romantic date.

Kumabog ang dibdib ko. Isang konklusyon ang pumasok sa aking isipan. Sa nanginginig na mga tuhod, nagpatuloy ako sa pagpasok. At tuluyan kong nakumpirma ang hinala nang makalapit ako sa pintuan at nakabukas din iyon. 

Ibig sabihin may tao sa bahay... 

Pero sino?

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang dahan-dahan akong pumapasok sa loob. Medyo magulo ang sala, at agad kong napansin ang basag na vase na nagkalat sa lapag.

Bigla akong nakarinig ng yabag na nanggagaling sa hagdan, tila pababa ang isang tao. Kaagad akong lumingon.

Isang matipuno at medyo pamilyar na lalaki ang naroon. Ramdam ko ang pamimilog ng mga mata ko habang pinapanood siyang bumaba.

Pakiramdam ko ay nakatingin ako sa isang obra. Magulo ang kaniyang itim na buhok at may iilang hibla pang nahulog sa kaniyang nakakunot na noo na tila may kaaway. Makapal ang kaniyang kilay na bumagay sa perpektong hugis-almond na kaniyang mga mata. Matangos din ang kaniyang ilong. Ang kaniyang mapulang labi at matalim na panga naman ay tila inukit ng dalubhasang iskultor sa sobrang perpekto. Wala man lang makikitang kahit isang maliit pagkakamali sa itsura niya.

Ramdam ko ang pagbigat ng aking hininga nang bumaba ang mata ko kaniyang katawan. 

Santsima! He was topless! 

Nakasuot lang siya ng isang khaki short kaya kitang-kita ko ang laki at lapad ng kaniyang dibdib at balikat. Tila bumagal ang takbo ng oras, pinapalibutan niya ng bandage ang kamay niya at bakas doon ang kulay pulang marka. Dugo... parang kagagaling niya lang sa isang away. 

Baghayang napaawang ang labi niya nang magtama ang aming mata. He stared at me. His hazel brown eyes searching, almost confused. I gasped. Kinakalibutan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin, malalim at tila nakakaubos ng hininga. 

I couldn’t explain it, but something about the way he looked at me made my chest tighten. 

Para bang... hindi siya makapaniwala. Parang naguguluhan siya kung bakit ako naroon. O siguro ako lang ang nag-aakalang gano’n. Wala akong ideya kung sino siya, at sa itsura niya, mukhang gano’n din ang iniisip niya tungkol sa akin.

Napalunok ako.

“S-sino ka? W-why are you here?” nanginig ang boses ko sa pagtataka at kaba. 

Napakunot ang noo niya. Tila nagising mula sa isang malalim na iniisip. Dinilaan niya ang kanyang labi, saka napatingin sa gilid, para bang pinipilit pigilan ang kaniyang emosyon. Pakiramdam ko ay galit siya... 

Nang bumalik ang tingin niya sa akin, wala nang mababakas na emosyon sa mukha niya. Tila isang malamig at mataas na pader ang tinayo niya sa pagitan naming dalawa. 

“Hindi ba’t ako dapat ang nagtatanong niyan sa’yo?” aniya sa mababa at malamig na tinig. “You're trespassing... Miss.”

Trespassing?

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Nasa harap pa rin ako ng pintuan. Siya naman ay nasa gitna ng hagdanan, mga sampung metro ang layo. Dahan-dahan siyang bumaba at naglakad papalapit sa akin. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin, kaya't hindi ko rin maibaba ang paningin ko. At kasabay ng paghakbang niya ay ang pagkabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko’y para akong kunehong nahuli ng leon. 

Sa kaba ko, hindi ko namalayang nabitawan ko ang bitbit kong bag. Nahulog ito sa sahig, katabi ng paa ko.

Napatingin siya ro’n. Umangat ang kilay niya at tiningnan niya uli ako, mas lumapit pa lalo. Huminto lang siya nang halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. His aura screams, power and... danger. I could see it in the way he moved, like a predator who knew exactly how to control his prey.

Mas naging marahas ang pagtibok ng aking puso. At hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o kung ano... 

"I'm not a t-trespasser," pilit kong pinatatag ang boses ko kahit nanginginig ito. "Sa akin nakapangalan ang beach house na 'to."

He tilted his head slightly, then smirked. His eyes narrowed, and in them flickered something between amusement and disbelief.

"Are you sure?" he asked, voice calm but sharp. "Because the last time I checked, pangalan ko na ang nakalagay sa titulo ng bahay na 'to. To be exact, and for your information, I paid thirty-eight million pesos for this house… two years ago."

Nalaglag ang panga ko.  

“H-ha?” I breathed out, barely a whisper. “Ibig sabihin… naibenta na ’tong bahay?”

His smirk deepened. There was something dangerous in the way his eyes glinted, like he was enjoying my confusion, or maybe... hiding something behind it.

“Obviously,” he said, the sarcasm laced in his low, cold voice.

“So… welcome to my house... Miss.”

Tila gumuho ang mundo ko. 

Napahawak ako sa pintuan upang masuportahan ang aking balanse dahil pakiramdam ko’y matutumba na ako. 

Kusang lumandas ang luha sa mata ko, not just for the house, but for everything I had lost. The life I once knew, the people I cherished, and the future I had been holding onto... it was all slipping away, piece by piece.

Just for a second, his eyes widened, just a fraction. 

Saan na ako pupunta ngayon? 

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Aking Paraluman
highly recommended!
2025-08-07 15:50:45
0
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status