DECISION
Marriage is a sacrament.
I grew up believing that. It’s sacred, not something to rush or fake, only for the kind of love that’s real and lasting. Gusto kong magpakasal sa taong kayang higitan, o kahit pantayan man lang, ang katangian ni Papa. Someone who makes me feel safe. Someone who knows how to love and care without conditions.
Kaya noong umabot sa standard ko ang ex ko, I thought he was it. I thought I found someone I could build something with. Not necessarily marriage, not yet… but a future. A shared space. A quiet kind of forever.
He was there when I was at my lowest, noong sabay na nawala ang mga magulang ko at halos mawalan ako ng dahilan para mabuhay. And when someone stays through that kind of pain, you start to believe it means something. You begin to trust. To hope.
So I fell.
But I never imagined that he’d be the one to break me.
I never thought he could cheat on me, and worse, with my own cousin.
And most of all, never, not even in my wildest thoughts, did I imagine I’d end up trapped in this kind of setup...
Umagang-umaga, nakatitig ako sa puting kisame. Hindi ako halos nakatulog kagabi. Parang ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko ang nangyari... o sadyang ayaw ko lang talagang tanggapin.
Kagabi, nang hindi ako makasagot sa tanong ni Matthew, sinabi niyang bibigyan niya ako ng kaunting oras para pag-isipan ang kaniyang offer. Mamaya raw kami ulit mag-uusap.
Pinayagan niya rin akong makitulog muna rito sa isang kwarto sa itaas ng bahay at pinakain pa ako bago matulog.
Hindi ko alam kung sapat na rason na iyon para sabihing mabait siya, pero siguro nga, mabait naman siya kahit papaano. Oo, malamig siya magsalita at hindi mawari ang mga emosyon, pero hindi naman lahat ng tao patutuluyin ang isang estranghero sa bahay nila. Siguro kailangan niya talaga ng contract wife kaya kahit hindi niya ako lubos na kilala, pinagkatiwalaan pa rin niya ako.
Wala rin naman akong ibang mapupuntahan kaya dapat ko na lang sigurong tanggapin ang alok niya. Pero paano kung hindi siya tumupad sa kasunduan? Kaya nga ako pinalayas sa amin dahil ayaw kong magpakasal tapos papayag ako kay Matthew? Saan naman ako pupunta kapag tumanggi ako?
Napapikit ako ng mariin at hinilot ang aking sintido. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko?
Ilang minuto pa akong nakahiga bago ako tuluyang bumangon at nagdesisyong maligo. I'm not a guest here. Kung tutuusin, trespasser nga lang ako ayon sa kanya kaya hindi ako puwedeng magmukmok lang.
At nakapagdesisyon na rin naman ako.
May sariling CR sa loob ng kwarto, at nagulat ako na halos walang nagbago rito. Medyo nag-aatubili pa akong gamitin, lalo’t hindi pa ako nagpapaalam na makikigamit. Pero siguro ayos lang… Mas nakakahiya naman kung maghaharap kami mamaya nang hindi man lang ako nakaligo.
Napansin ko ang iilang pasa sa katawan ko habang naliligo, mga bakas ng pananakit ni Tita. Napasinghap ako nang maramdaman ang hapdi sa anit ko at makita ang maliliit na pasa sa may panga. Hindi ko 'yon agad napansin kagabi, dala ng sobrang kaba at pagod. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang lahat.
Hinding-hindi na talaga ako babalik sa bahay na iyon kahit anong mangyari.
Isang kulay asul na bulaklaking bestidang lagpas ng kaunti sa tuhod ang sinuot ko. Ito na kasi ang pinakamahaba sa mga damit na binigay ni Donna. Hindi ko napansin na puro maiikli na dress at short ang pinabaon niya asa akin.
Kung mag-isa lang ako, ayos lang sana pero na-conscious ako bigla, knowing I was under the same roof with a man.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ko ang paraan ng pagkakabulong niya kagabi. I mentally scolded myself.
Sana hindi ako manginig sa presensya niya mamaya.
Dahan-dahan akong bumaba. Nakita ko sa wall clock na lagpas alas-siete na ng umaga. Gising naman na siguro siya. Pero pagdating ko sa sala, walang tao. Malinis na rin ang paligid at wala na ang nagkalat ma basag na vase kagabi. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko siya makita.
Tulog pa kaya siya?
Aakyat na sana ako ulit pero may narinig akong ingay mula sa kusina. Agad akong nagtungo roon.
Suot ang kulay abo na t-shirt na hapit sa kaniyang katawan at isang puting shorts ay naroon si Matthew na nagluluto. Napakurap ako. His hair was still damp, and the faint scent of his manly body wash mixed with aftershave wafted in the air.
Parang ang hirap pa rin paniwalaan. Matthew Fuentavello, the ruthless CEO everyone’s afraid of, is literally cooking in front of me. And last night? He asked me to marry him. Contracted wife. Sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay ko, ito 'yung hindi ko talaga in-expect.
Naramdaman yata niya ang presensya ko kaya nilingon niya ako. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Morning," his cold husky voice is enough to make my heart pounded.
Napalunok ako. "G-good morning..."
"I cooked for your breakfast," he said proudly, gesturing the cooked bacon, omelette, chicken adobo and pasta. Nagsasangag na siya ngayon at iyon na yata ang huling putahe.
Marunong pala siyang magluto...
May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. Hindi ko lang mawari kung gutom ba o kaba dahil mabilis din namang naglaho sa sunod niyang sinabi.
"I hope this is enough already to make you clear your mind for a wise decision," he said, his tone unreadable.
I pursed my lips. So, nagluto siya para roon?
Nag-iwas ako ng tingin.
"Nakapagdesisyon na ako."
Natahimik siya kaya binalik ko ulit sa kaniya ang tingin. Nakataas ang kilay niya at tila naninimbang ang kaniyang titig.
He licked his lips slightly. "We'll talk about it while eating."
Tumango lang ako. Pakiramdam ko mali na panoorin ko lang siya sa ginagawa kaya nagpresinta na akong kukuha ng mga pinggan. Kahit ang kusina ay hindi nagbago ang ayos kaya agad kong nakuha ang mga pinggan at mga kubyertos. Hindi ko alam kung tama iyon pero hindi naman siya kumibo at pinanood lang akong inaayos sa lamesa ang mga iyon kaya okay lang siguro.
Nilatag ko na rin sa lamesa ang mga niluto niya at amoy pa lang, siguradong masarap na.
Mommy always cooked for us back then, and I used to cook for my ex because he didn’t know how, so this is the first time I've seen and experienced a man cooking for me... even though he did it for his own benefit.
Pagkatapos niyang matapos ang fried rice, umupo siya sa kabisera ng lamesa. Minuwestra niyang maupo ako sa upuang nasa kanan niya.
May pag-aalinlangan man, tahimik akong sumunod.
Hinintay ko siyang unang kumuha ng pagkain pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"Lady's first," he said, a smirk tugging at his lips.
Napakagat ako sa labi sa hiya at agad kumuha ng pasta at chicken. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya halos mangatog ang kamay ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Pagkatapos ko, saka pa lang siya kumuha para sa sarili niya.
"Let's eat," he said simply.
Tumango ako at pumikit saglit para magdasal. Nakagawian ko na iyon mula pagkabata. I thanked God for another day, and for a little bit of grace kahit sa gitna ng kaguluhan.
Pagmulat ko, naabutan ko siyang nakatingin pa rin sa akin, nakaawang ng bahagya ang labi. Malamig pa rin ang mata niya pero may halong... parang amusement.
Hindi ako sigurado. Ang hirap niya naman kasing basahin.
Nagtaas siya ng kilay. Ngumisi siya at inabala na ang sarili sa pagkain. Ganoon rin ang ginawa ko.
Unang tikim pa lang sa pasta, napaangat ang kilay ko. Tama nga ang hinala ko, masarap iyon. He cooks so well. Ramdam kong nakaguhit sa mukha ko ang pagkamangha kaya nang lingunin ko siya, may nakapaskil na ngiting may halong pagyayabang sa labi niya, tila alam niyang nagustuhan ko.
Uminit ang pisngi ko. Mabilis kong ibinalik ang tingin sa pagkain.
One of my weaknesses is that I'm too soft... too easy to read. I wear my heart on my face...
Tahimik kaming kumakain pagkatapos no’n. Wala ni isa sa aming nagsalita. Ang tanging maririnig ay ang kaluskos ng kubyertos sa mga pinggan, at ang mahinang lagaslas ng hangin mula sa bintana.
Gusto ko na sanang ibulalas ang desisyon ko. Kanina pa. Pero tuwing susubukan kong buksan ang bibig ko, parang may bumabara sa lalamunan ko.
Ang awkward.
"So..."
He shifted in his seat, making me look up at him.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti na lang at siya na ang unang nagsalita dahil hindi ko atlaga alam kung paano magsisimula.
"What's your decision?" kalmanteng tanong niya matapos sumubo ng bacon sabay angat ng tingin.
Nagkatitigan kami. Sa hindi ko mapaliwanag na dahilan, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Binitiwan ko ang hawak na tinidor. Uminom ako ng tubig para makapagsalita nang maayos at mabawasan nang kaonti ang kaba.
He stopped eating, full attention on me now.
Napalunok ako. This isn't how I imagined getting engaged…
I always pictured it like a scene from a fairytale. Me, standing in a garden of roses, the wind soft against my skin, the sky painted in pastel hues. And there he is, the man I love, kneeling before me, smiling as if I’m his favorite person in the world. A ring in his hand. Love in his eyes. And I’d say yes with tears of joy.
But this… this is far from that dream.
Ang hirap paniwalaan. Walang rosas sa paligid, wala ring langit na kulay pastel. Walang ngiting dulot ng pagmamahal. Tanging isang misteryosong lalaki na kasing lamig ng yelo kung makatingin lang ang narito.
Huminga ako nang malalim. Tahimik ang paligid pero parang ang ingay ng puso kong kumakabog sa kaba.
I looked at him. Walang emosyon sa mukha niya.
Alam kong magbabago ang lahat sa magiging sagot ko...
I lowered my gaze for a second, trying to gather the pieces of my courage scattered within my fragile heart. Then I looked up again, and with a trembling voice, I said the words I never thought I’d say.
“P-Payag na ako sa offer mo,” I whispered, barely hearing myself.
“I can be your contracted w-wife.”
BEATI stared at the white paper in front of me. Katatapos ko lang pirmahan ’yon.Nasa kwarto na ako ngayon, nakaupo sa gilid ng kama. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito mapawi ang init na tila bumabalot sa dibdib ko, parang may maliit na apoy na patuloy lang na lumiliyab sa loob nito.Napabuga ako ng hangin. Idinampi ko ang papel sa dibdib ko, saka dahan-dahang humiga at tumitig sa kisame.Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis lahat ng pangyayari. Parang kahapon lang… no, kagabi lang in-offer ni Matthew sa akin ang deal na ’to. Kanina lang ako pumayag. At ngayon, heto na, pirmado na naming dalawa.I closed my eyes for a moment, hoping that by doing so, everything would make sense. Pero sa halip, mas lalo kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. At sa dilim ng nakapikit kong mga mata, bumalik sa isip ko ang naging usapan namin kanina. Paulit-ulit. Lahat ng sinabi niya, malinaw na malinaw pa rin sa tenga ko."I will be your only family."That line. His voice.
RUNTahimik akong nakaupo pa rin sa hapag, habang hawak-hawak ang kutsarang kanina pa nanlalamig sa kamay ko. Hindi ko na magawang galawin ang pagkain, kahit isang subo. Hindi ko rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala sa mesa.Bakit ba siya nagalit?Pilit kong inalala ang naging usapan namin. Wala naman akong nasabing masama. Tahimik lang akong kumain, kagaya niya. Hindi naman kami nagtalo. Wala ring kakaibang nangyari…We ate silently… Then he stopped eating and looked at me.Muli kong binalikan sa isip ko ang eksenang ’yon. He scanned me… and then his eyes locked on my chin.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahang umangat ang kamay ko at hinaplos ang aking panga.Bahagya akong napadaing nang mapisil ko 'yon. May mga pasa nga pala ako roon! He saw it. Is that the reason why he suddenly got mad? Pero... bakit naman siya magagalit sa pasa ko? Isang ideya ang namuo sa isip ko.Did he just realize that I’m not worth the deal? That I’m a walking problem he should’ve never offered
RULESSandaling katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos kong sambitin ’yon.Tanging ang marahas at mabilis na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko sa loob ng sarili kong katawan. Para akong tumalon sa bangin na hindi ko alam kung may sasalo sa akin. Hindi kaagad kumibo si Matthew. Nakipagtitigan lang siya sa akin nang mariin, na para bang pilit niyang binabasa ang iniisip ko sa likod ng mga mata ko. Then, his voice finally cut through the silence. “So… you’re agreeing with the deal?”Bahagya lang akong tumango, halos hindi mabigkas ang salitang oo. Nahihiya ako. Hindi ko maiwasang isipin kung ano tingin niya sa akin ngayon. I wonder if he sees me as a desperate woman right now... But I have no choice. For me to be able to live, this is the only option I have.Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Halos hindi halata, pero hindi ’yon nakalampas sa paningin ko. It was a soft, fleeting smile, na agad niyang tinabunan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Umiwas
DECISION Marriage is a sacrament. I grew up believing that. It’s sacred, not something to rush or fake, only for the kind of love that’s real and lasting. Gusto kong magpakasal sa taong kayang higitan, o kahit pantayan man lang, ang katangian ni Papa. Someone who makes me feel safe. Someone who knows how to love and care without conditions.Kaya noong umabot sa standard ko ang ex ko, I thought he was it. I thought I found someone I could build something with. Not necessarily marriage, not yet… but a future. A shared space. A quiet kind of forever.He was there when I was at my lowest, noong sabay na nawala ang mga magulang ko at halos mawalan ako ng dahilan para mabuhay. And when someone stays through that kind of pain, you start to believe it means something. You begin to trust. To hope.So I fell. But I never imagined that he’d be the one to break me.I never thought he could cheat on me, and worse, with my own cousin.And most of all, never, not even in my wildest thoughts, did
OFFERI'm sure that Tita Carmen was the one who sold this house. Ang hindi ko alam ay kung paano niya nalaman ang tungkol dito at kung bakit pati ito ay pinagdiskitahan niya. Mas lalo akong naluha dahil sa galit nanamumuo sa puso ko para sa kay Tita. Lahat na lang kinuha niya sa akin.Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Kunot ang noo, nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. I could feel his intense stare at me, as though weighing every inch of my soul...It was as if he could see through me, and I was powerless under the weight of his stare. Ilang minuto pa siyang ganoon lang bago siya tumikhim. Umigiting ang kaniyang panga."Wipe your tears. I don't like uninvited guest crying in my doorstep," baritonong aniya bago tumalikod at dumiretso sa bar counter malapit sa sala.Mabilis kong pinalis ang aking luha gamit ang nanginginig na kamay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I walk away? This is not mine anymore kaya dapat ay
ENCOUNTER“Tita, maawa po kayo... Wala na po ako ibang mapupuntahan,” I begged, my voice cracking.Lumuhod pa ako para magmakaawa pero mas lalo lang nag-alab sa galit ang mga mata ni Tita Carmen. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang aking mukha. My heart pounded loudly. Ramdam ko sa hawak niya ang panggigigil.“Wala akong pake! Kung sana ay pumayag ka na lang sa kasal mo kay Mr. Vueno, hindi ka sana masasaktan pero dahil masyado kang maarte, binastos at tinakasan mo siya, ang tanga mo! Pera na ‘yon, Rain! Pera! Sinayang mo lang!” galit na galit niyang sigaw.Tears blurred my vision. It hurts so bad. Lalo na noong marahas niyang binitawan ang panga ko at nagpakawala ng malakas na sampal. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya ang aking buhok at pilit akong kinakaladkad palabas ng bahay. Napasigaw ako sa sakit. Ang pinsan kong si Cath ay nasa gilid lang, nanonood at nakangisi.Simula nang namatay sina Mommy at Daddy, hindi ako kailanman pina