Share

His Sudden Bride
His Sudden Bride
Author: binibiningbiyang

Chapter 1: Wedding

Rebecca's Point of View

MALAKAS ang tibok ng puso ko dahilan para mamuo ang mga butil ng pawis sa gilid ng aking noo. Hindi pa bumubukas ang pintuan ng simbahan ngunit naririnig ko na ang musika na nagmumula sa loob. Nanlalamig ang dalawa kong kamay at kanina pa sumasakit ang aking mga paa.

Samu't saring imahe ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito.

"Please, Rebecca. Spare me. Spare me and my baby." My heart raced inside my ribcage as Natasha's voice echoed inside my head.

Spare me and my baby.

Iyon ang totoong nagtulak sa akin para magdesisyon sa bagay na ito. Alam kong kapangahasan ang gagawin ko ngunit wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ito.

The door slowly opens. Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. It's time for me to walk down the aisle.

Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko at mas lalong nanlamig ang mga kamay ko.

The bouquet I'm holding right now would be ruined if I could not stop myself from holding tight to it.

"Rebecca." Sitsit ni Maffel sa isang gilid, sinisinyasan niya akong maglakad na ngunit nakikita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Ang kagustuhan na pigilan ako sa gagawin ko.

I swallowed hard. There's no turning back.

Inihakbang ko ang mga paa at nakitang ang lahat ng tao sa loob ng simbahan ay nakatingin sa akin. Every pair of eyes are looking at me.

May ilan na kumukuha pa ng litrato na mas nagdagdag ng intensyon sa sistema ko.

Spare me and my baby.

Those words. I just have to remember those words to sustain my sanity. Kailangan kong maging matibay.

Bawat hakbang palapit sa altar mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Buong buhay ko, pakiramdam ko palagi akong hinuhusgahan ng mga tao. Palagi akong tinatanong sa mga desisyon ko.

"Why not take medicine? Ayaw mo bang maging doctor? Hindi ba family of doctors kayo?"

I swallowed hard again. Sumisikip ang dibdib ko at mas lalong nangingilid ang luha ko.

"Hindi kita papayagan sa gusto mo, Rebecca! Bakit hindi ka gumaya sa ate mo? Maiintindihan namin kung kahit nurse man lang ang kunin mo!"

Ipinilig ko ang ulo at sa isang sulok ay nakita agad ng mga mata ko sila daddy at mommy. Nakatayo ng matuwid at nakatingin ng mataman sa akin.

Nakakunot ang noo ni Daddy samantalang nakahawak sa braso nito si mommy. Pinipigilan na huwag gumawa ng eskandalo ang asawa dahil alam kong kahit sa malayo kitang-kita na niya ang pagkakaiba namin ni Natasha.

She's their favorite daughter. Walang-wala ako kay ate.

She's the perfect daughter for them. The apple of their eyes. The beloved child.

"Rebecca?" I could read his lips.

Disappointment is evident on his eyes. I looked away. Now I'm determined to corroborates my decision.

Even if it breaks me. I would still continue this. Ang mahalaga, kung may aatras man sa kasal na ito hindi ang pamilya namin. Hindi kami.

Slowly my heart prays for that thought. Sana hindi matuloy. Sana kapag makita ako ng lalaking pakakasalan ko siya na mismo ang magsabing itigil ang kasal.

Nang marating ko ang dulo ng altar kung saan naghihintay ang lalaking dapat ay pakakasalan ni Natasha, ang lalaking dapat ay pakakasalan ng kapatid ko, nagbulungan ang ibang naroon.

Mayroong nakakilala na sa akin.

Maybe they already realized that they had the wrong bride for this wedding.

"What are you doing?" Ang malamig na boses ni Nicolas ang nangibabaw sa pandinig ko.

Mahina lamang ang pagkakasabi niya noon pero sapat iyon para tumagos ang lamig sa kalamnan ko nang marinig ang kaniyang boses.

Naroon ang galit at pagkalito sa kaniyang mga mata nang magkatinginan kami.

"I'll marry you." My voice broke.

Pinagpasalamat ko na nagawa kong pigilan ang mga luha na tumulo kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa sulok ng mga mata ko.

Click from cameras ruined our staring-contest. He swallowed hard as if there's a lump on his throat.

Mas lumakas ang bulungan dahil pareho kaming hindi gumagalaw sa kinatatayuan. He's wearing white tuxedo but his expression contradicts it.

Unti-unti niyang inilahad ang kamay sa akin. Nanatili ang kaniyang mga mata sa ibang direksyon. Ayaw na niya akong tingnan ngayon.

Ilang beses pa lang ba kaming nagkikita?

Twice? Thrice?

I don't know. I could hardly remember.

Humupa ang bulungan. Natahimik ang lahat nang marating namin ang altar. Ngayon ay nakatayo kaming pareho sa harap ng pari. Bumitaw agad ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

I don't know what's he thinking now. Noon pa man naririnig ko na kay Daddy na maprinsipyo ang mga Gazalin. Pinapanindigan nila ang bawat nilang desisyon.

Kaya siguro kahit ako ngayon ang pakakasalan niya, alang-alang sa prinsipyo ng kaniyang pamilya tumuloy pa rin siya. Dahil sa oras na masira ang kasalang ito, mabilis na kakalat sa buong San Gabriel ang balita na ang isa sa mga apo ni Madam Soledad Gazalin ay hindi sinipot ng babaeng papakasalan.

Naging katatawanan ang kasal.

Magiging laman iyon ng balita. Isang kuwento na laging babalikan ng mga tao kahit lumipas na ang panahon.

"Today, we are to witness the union of this couple, Ashlyn Natasha Andrada and—"

"Father." I interrupted politely.

Tiningnan niya ako, nabigla sa pagpigil ko.

"Sorry po." I bowed a bit.

"Amora Rebecca Andrada po ang pangalan ko. Mali lang ng naisulat."

He looked at me. Umawang ang kaniyang bibig at tiningnan ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng ikakasal. Kumunot ang noo ng pari at tumikhim.

"Anong pangalan?" Mahina niyang bulong sa akin, tinakpan pa ang maliit ma microphone na nasa malapit.

"Amora Rebecca Andrada po." Ulit ko, nahihiya sa katotohanan na mukhang alam na rin ng pari ang nangyayari.

Sinulyapan niya ang lalaki sa tabi ko. Nang makitang wala siyang makukuhang pagtutol sa mga nangyayari ay tumikhim muli.

"Today we are to witness the union of this couple, Amora Rebecca Andrada." The priest eyed me.

"And Nicolas Syn Gazalin."

The ceremony started. Tahimik naman kaming pareho ni Nicolas. Hindi kami lumilingon sa isa't isa.

Ayaw ko rin naman na tingnan siya. Baka tuluyan na akong mahimatay sa mas matinding kaba at kahihiyan. Sigurado ako, magiging laman pa rin ng usapan ang kasal na ito.

This epic failed wedding of the year.

I'm just hoping this won't be published in any form of news or article.

"Amora Rebecca Andrada, do you take Nicolas Syn Gazalin to be your wedded husband to live together in marriage?" The priest asks slowly.

My heart pumps hard. I could hardly breathe. This is the moment.

"I-i do." I stutter.

"Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?"

Dahil nakaharap kaming pareho sa isa't isa nakikita ko ang nang-aakusa niyang mga mata. Mariin na nakatikom ang kaniyang bibig at kahit wala siyang sabihin nakikita ko ang kagustuhan niyang pagsabihan ako't pagtawanan ngunit hindi niya magawa.

"I do." I hoarsely said.

Naningkit ang kaniyang mga mata. Tila hindi inaasahan na hindi ako magpapapigil sa kasalan na ito. Pagkaraan ay nag-iwas siya ng tingin.

"Nicolas Syn Gazalin, do you take Amora Rebecca Andrada to be your wedded wife to live together in marriage?"

Naririnig ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. Nasa baba pa rin ang kaniyang mga mata.

"I do." He answered.

"Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health forsaking all others, be faithful only to her so long as you both shall live?"

Nag-angat siya ng tingin. Sinalubong ang mga mata ko. Pakiramdam ko natigil ang mundo nang makita ko ang nangungusap niyang mga mata. He's telling me that I have to be firm with my decision.

Sinasabi niyang dahil sinimulan ko ito kailangan kong panindigan.

"I do." He said.

"I now pronounce you husband and wife." The priest announced.

"You may now kiss the bride." The priest motioned his hand.

I could still remember my beating heart, so fast and loud, as he reaches for my lips. The wedding is sealed with a kiss.

A kiss that last for thousand of seconds.

His taste lingers to my lips. Hanggang sa marating namin ang reception area hindi pa rin iyon nawawala sa isipan ko.

Wala ako sa sarili nang mag-pictorial sa simbahan ang buong pamilya at ang mga bridesmaids at groomsmen. Hindi ko alam kung bakit mas nawindang ako sa halik niyang iyon.

"Rebecca." Mom approaches me.

Hinawakan niya ang laylayan ng wedding gown at tinulungan akong makaakyat sa mini stage. Dahil ang magaling na si Nicolas ay nasa hulihan kausap ang ilan niyang kaibigan.

"Where's Natasha?" She murmured.

Nang makaakyat ako sa apat na baitang tiningnan ko siya. Namumugto ang kaniyang mga mata at hindi ko alam kung umiyak ba siya dahil sa nangyari.

"Mom," I said, trying to sound comforting but I could not.

"Hindi ko alam. Iniwan—"

"Corina!" A woman behind her greeted.

"Naku, napakaganda naman nitong anak mo!"

Nalipat na ang buong atensyon niya sa babae. Tumuloy naman ako para umupo sa engrandeng sofa na nakahanda para sa aming dalawa ni Nicolas. It's a bright red and so comfy sofa for two.

Dumating si Nicolas at hindi nakaligtaan ng mga mata ko ang paghulog niya ng cellphone sa bulsa ng kaniyang trouser.

He sits beside me.

Tiningnan niya ako. There's always growls on his eyes. Hindi mo makakayanan na tingnan siya ng matagal dahil bumibilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

"Where's Natasha?" He asked.

Mas lalong dumami ang tao. Dumating na rin ang master of ceremony dahilan para mag-ingay ang mga tao.

Lumapit siya. Halos magkadikit na ang katawan naming dalawa. Malaki ang sofa pero dahil malaki din siya, mas lalo tuloy kaming nagkakalapit sa isa't isa.

"Where's Natasha?" He asked again.

I tried not to roll my eyes.

"She ran away." I said casually.

I don't want him to think that I'm affected. Alam kong naguguluhan din siya sa mga nangyayari dahil napaka-biglaan ng lahat pero nangyari na, wala na kaming magagawa. We have to deal with the damage later.

The ceremony starts. I could hardly breathe when the host asks us to kiss after all the heart warming messages from our families.

Parang walang mali, lahat ay maayos, even his parents greeted us. Ang mahaba at makabuluhan nilang mga mensahe ang mas lalong nagpatahimik sa akin.

"Let's call for the groom's beloved grandmother! Madame Soledad Gazalin."

Mas tumindi ang paglalim ng hininga ko. Naramdam ko din ang pag-ayos ng upo ni Nicolas sa aking tabi.

Well, she's the reason for this arrange marriage. Sa lahat ng tao sa buong San Gabriel, ang pamilyang Gazalin ang pinaka-bantog sa lahat. They are the richest clan in this town. Lahat ay tinitingala at kinikilala ang mga Gazalin lalo na si madame Sole.

She has the power to rule over.

"Nicolas," the old woman said.

"You know very well that marriage is not a thing you could cut through a scissor or a knife. It's not a responsibility or a duty to become a husband, it's your purpose to become a loving man to your wife. I want you to remember this, love every part of your wife, accept every flaws, and hate nothing but the thought of separation with her. Ayaw kong malaman na lolokohin mo at sasaktan si.." bumaling ang tingin niya sa akin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Si Rebecca. You could never find a woman like her again. She's the only one. Keep her, my son." Madamdamin na sabi nito.

Binasa ko ang ibabang labi. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko nakita ang galit at pagkamuhi sa mga nito sa kabila ng ginawa namin ni Natasha.

"Seems like Abuela likes you." 

Nilingon ko siya. Nagkatinginan kami.

Good God. I'm saved.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status