Share

His Sweet Lies
His Sweet Lies
Author: Deeveeon Lien

Kabanata 1

Ang mga mata niya ay mainit na nakatitig sa aking katawan, naglakbay ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Ang mga labi niya ay unti unting bumaba mula sa aking mga labi patungo sa aking leeg at saka niya binaon ang kanyang ulo sa aking d****b. I gasp for air, tila hindi ako makahinga sa init na aking nararamdaman. I held his head and couldn’t help but let out a moan when he touched my breast. Inangat niya ang kanyang mata at nag abot ang maalab naming mga tingin. Ang pamilyar niyang mukha ay nagpabilis ng tibok ng aking puso.

 “-my…”

Then suddenly the scenrio changed, wala na sa aking harapan ang lalaking nag bigay init sa aking katawan. Ang tanging nakikita ng aking mga mata ay ang madilim na paligid, giniginaw ang aking h***d na katawan at higit sa lahat ako’y nag-iisa.

 “Mommy!”pasigaw na tawag ni Sato habang tinatapik ang aking pisngi ng maliliit niyang kamay. Napabalikwas ako at unti-unting idinilat ang aking mga mata.

 That dream again. Palagi nalang, sa tuwing papalapit ang kaarawan ng kambal ay binabagabag ako ng panagip na iyon. And worst is, parang na eenjoy ko pa ito. Pathetic Orelia.

“Good morning baby,” usal ko sabay h***k sa noon ni Sato.

“Where’s your sister?” tanong ko sa kanya. Nakakapanibago na hindi silang dalawa ang bumungad sa akin ngayon. Karaniwan ay palaging nag uunahan ang dalawa sa unang makakakuha ng h***k mula sa akin.

 “She’s with Dada downstairs mommy,” ang sabi ni Sato. 

Oh, nakalimutang kung ngayon pala siya bibisita. Agad kong binuhat si Sato at pumasok sa banyo. Sabay kaming nag sipilyo at nag hilamos ng mukha. Pagkababa ay nasa sala na sina Kito at Lezzie. Naka upo sa kandungan ni Kito si Lezzie at sinusuklay niya ang mahabang buhok nito.

 “Have you brushed your teeth Lezzie?” tanong ko sa kambal ni Sato na halos hindi pa maidilat ang mga mata. Tango lamang ang nakuha kong sagot mula rito.

 “I went with her earlier, don’t worry,” kumpirma ni Kito.

“You’re spoiling her too much,” tumawa ng marahan si Kito sa aking sinabi. Binalik ko ang ngiti sa kanya at lumapit sa batang si Lezzie.

“Mommy,” usal niya sa kanyang inaantok na boses. Kinuha ko siya mula kay Kito at dinala sa kusina, sumunod naman ang dalawa at sabay na naupo sa kani kanilang mga upuan.

“Wake up now Lezzie, time for breakfast, you still have class later,” bulong ko sa tenga ni Lezzie.

Nang matapos kong ilagay lahat ng pagkain sa mesa nagsimula ng kumain ang lahat. Tahimik lamang ang dalawang bata dala narin siguro ng antok. Samantalang si Kito ay kasalukuyang nagbabasa ng newspaper habang iniinom ang kanyang kape.

“Kumusta ang trabaho?” tanong ko sa kanya. Agad niyang nilapag ang dyaryo sa mesa at ngumiti sa akin.

“The usual, tsaka nga pala bago ko makalimutan, mayroong party na i-oorganize ang kompanya at kailangan ng flower arrangement. So is the florist available next week?” Kagyat akong tumango sa kanyang tanong.

“Good then,”

“Party?” tanong ni Sato. Hinarap ko siya at pinahid ang gatas na natira sa kanyang bibig.

“Yes baby, a party. But you can’t go there because it’s for big people na like your Dada,” sagot ko kay Sato. Tumango naman ang bata at ibinalik ang atensiyon sa kaniyang kinakain.

“When you get off work later mommy let’s go to the mall, I wanna buy a book.” Sabi ng tapos na sa pagkaing si Lezzie. 

“Okay, let us go when you visit mommy after class.”

Between the twins si Lezzie mahilig at seryoso sa pag-aaral. Bagama’t bata pa ito makikita na sa personalidad nito ang pagiging seryoso sa buhay, bilang nakakatandang kapatid gusto niyang pinoprotektahan ang mahiyaing si Sato. Ngunit ang mas nakakagulat ay sa tuwing nakikita mahiyaing si Sato si Lezzie na nasasaktan ay kinakalimutan nito ang takot at susuong sa kahit anong kalaban ng kanyang kapatid. Hindi man magka-pareho ang ugali ng dalawa ay lagi silang nagkaksundo kaya wala akong naging problema sa pag papalaki sa kanila.

Matapos kumain ay hinatid ng dalawang bata sa pintuan si Kito at nag paalam ang mga ito. Mauuna na ito dahil maaga pa siyang papasok sa opisina. Madalas lamang itong bumisita sa bahay upang kumustahin ang kalagayan namin.

“I’ll visit again Rel, I’m going first bye,” paaalam nito sa akin. Tumango ako bilang sagot at inalalayan na ang mga bata upang makapagbihis.

**********

 Pagkahatid sa mga bata sa paaralan ay dumiretso na ako sa Marquez Flowers, ang flower shop na aking pinagtatrabahuhan. Tumunog ang chimes sa aking pagpasok at bumungad sa akin ang halimuyak ng mga bulaklak. Ito ang isa sa mga pinakagusto ko sa paagtatrabaho sa flower shop. Ang mga nakaka-relax na bango ay nakakapagpaganda ng araw at ang iba’t-ibang mga bulaaklak ay napakagandang tignan.

“Magandang Umaga po Ma’am,” bati ko sa may-a*i ng flower shop.

“Ilang ulit ko bang sasabihin na Lony ang itawag mo sa akin? Para naman akong senior diyan sa tawag mo,” saway niya sa akin. 

Ang amo ko ay nag ngangalang Lony Marquez, isa siyang guita*ista sa isang banda ngunit kanya rin itong flower shop. Nagtataka nga rin ako kung panong ang isang musician ay nagmamay-a*i ng isang bulaklakan. Ayon sa kanya una talaga siyang naging florist bago naging guita*ista. Bata pa si Ma’am Lony, sa pagkaka-alam ko ay tatlong taon lamang ang agwat namin. Ang maamo niyang mukha ang nagbibigay alindug sa kanya at ang mga matang tila puno ng lungkot. Kailanman ay hindi ko pa ito nakikitang tumawa ng totoo.

“Sige po ma’am Lony,” sagot ko sa kanya. Binigyan niya ako ng hindi maakapaniwalang tingin at umiling-iling.

“Di bali na, wala na talaga akong magagawa tungkol sa tawag mong ‘yan. So by the way, may gig ako mamayang gabi ikaw na muna ang mag sarado ng shop, okay?” sabi ni ma’am Lony. Tumango ako at tinanggap ang kanyang nilahad na mga susi.

“Okay po ma’am, tsaka nga po pala, ay sinabihan ako ni Kito na kailangan ng flower arranger para sa event ng kompanya nila, ilalagay ko na po ba sa schedule?” Kumpirma ko sa kanya.

“Kito? Iyong boyfriend mo?” tanong niya na agad ko namang itinanggi.

“Hindi po, hindi ko nga po siya kasintahan, he’s a family friend po,” tanggi ko. 

“Sabi mo eh. O, don’t look at me like that, I believe you okay, I was just teasing you. Halata naman na wala kang nararamdaman para sa lalaking iyon, pero hindi mo sigurado kung katulad lang rin ba ng pagtingin mo ang pagtingin niya sayo.” Umiling lamang ako sa sinabi ni ma’am Lony.

Kalaunan ay umalis rin si ma’am Lony at nagsimula na akong mag arrange ng mga bulaklak. Napa-isip ako sa sinabi ng aking amo, matagal na kaming magkakilala ni Kito, mga anim na taon na rin. Noong unang salta ako sa Maynila ay siya ang tumulong sa akin. Anak siya ng best friend ng aking ina, kaya noong nalaman niyang pupunta ako ng Maynila ay tinulungan niya akong maka pag settle down. 

Hindi ako bulag sa nararamdaman ni Kito at napag usapan na namin ito. Hindi ko nais na paasahin siya gayong alam kong walang pag asang maibigay ko ang aking puso sa kahit kaninong lalaki. Magmula ng ipinanganak ang kambal ay ipinangako ko sa aking sarili na hindi nila dadanasi ang mga kahirapang aking dinanas at pupunuin ko sila ng pagmamahal.

Alam ko rin kung gaano kasakit ang pagkawasak ng puso kaya una palang ay linagyan ko na ng linyang hindi maaaring tawarin ang relasyon namin ni Kito. 

Mag hapon akong naging abala sa mga customer ng shop, iba’t-ibang bulaklak ang aking nai-arrange. Isa sa mga naging kustomer ay magkasintahang medical student dahil dito ay naalala ko ang minsang naging pangarap ko. 

Nakapaag-aral ako hanggang second year college ng medisina ngunit hindi ko ito natapos dahil nabuntis ako sa kambal, hindi ko man pinagsisihan na mag drop-out para sa panganganak ay hindi ko parin maiwasang isipin kung paano nalang kung nakapag tapos ako, ngayon sana ay isa na akong ganap na doktor. Ngumiti ako nang mapait at iniling nalang ang aking naisip.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay tumunog ang chimes ng shop senyales na may bagong kustomer. Hinanda ko ang aking praktisadong ngiti at binati ang papasok na mambibili.

“Good afternoon sir, welcome to Marquez flowers, what flower would you want to see?” bati ko sa kustomer.

Ngunit parang napako ako sa aking kinatatayuan, biglang nanlamig ang aking katawan at namawis ang aking mga kamay. Nakasuot ang lalaki ng isang itim at mamahaling suit, ang buhok nito ay maayos na naka dyel at wala ni isang nakatabing sa kanyang nakaka-akit na mukha. Kapansin-pansin rin ang dalawang magkasunod na nunal sa ilalim ng kanyang mata. Kahit lumipas pa ang ilang taon, ang mukha ng lalaki ay ganon parin, maliban nalang sa lalong pag mature nito. Ang tikas ay ganoon parin, at ang eleganteng tindig ay buhay parin. Hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ay si Juancho Makoto Kirigaya.

Tila ang buong katawan ko ay na yelo, bumilis ang tibok ng aking puso at napuno ng magkahalong emosyon ang aking isipan. Galit, nerbyos, at pagkamuhi ang naangibabaw sa lahat ng emosyong ito.

 “Give me a bouquet of baby’s breath,” nagulat ako sa biglang pagsasalita ng lalaki. Nabasag ang yelong nakabalot sa aking katawan dahil sa kanyang boses. Hindi agad ako naka galaw at napatitig lamang ako sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at kanyang kinatok ang mesa ng counter. 

 “Hey miss, are you deaf?” 

Naalimpungatan ako at agad na inasikaso ang kanyang order. Labis akong nagtataka, sadya bang hindi niya ko nakilala, o nagpapanggap lamang siya? Nang matapos ko ang bouquet ay iwas tingin ko itong ibinigay sa kanya.

“Tsk, your services are horrible,” aniya. Inilapag niya ang mga perang papel sa mesa at nag tungo sa pinto.

“Iyong sukli niyo po,” ani ko ng makitang sobra ang ibinayad niya. Iniliban ko ang mga emosyong umaapaw sa akin at pilit na hinarap ang lalaki bilang isang propesyunal.

“Keep it,” ang tanging sagot niya at tuluyan nang lumabas. 

Nang mawala na siya sa aking paningin ay naramdaman ko ang pag kaubos ng aking lakas. Napa –upo ako at huminga ng malalim, hindi ko kalianman inakala na makikita ko siya dito mismo sa shop. Pagkatapos ng walong taon akala ko ay tuluyan na akong nakalimot ngunit bumalik yata lahat ng memorya dahil lamang sa kanyang presensya. At ano iyong pakikitungong iyon? Hindi ba niya ako nakilala? Ha! Hindi na dapat na dapat ako nagulat, sigurodong isa lamang ako sa maraming babaeng linapastanganan niya. 

Nang sulyapan ko ang orasan ay pasadong alas tres na, uwian na ng mga bata. Laking pasasalamat ko at wala pa ang kambal ng pumarito ang lalaki. Hindi ko alam ang akong gagawin kung biglang nagkita ang mga karakter ng aking buhay na kailanma’y hindi maaaring magkita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status