Share

5

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-08-27 11:39:14

Aria's POV....

"Anong gagawin ko?! Mag-isip ka, Aria! Huwag kang papayag!"

Mahigpit pa rin na nakakapit sa balakang ko ang kamay nito, palapit na palapit na doon sa parteng yun na Hindi naman dapat hinahawakan nito..

Pero biglang isang malakas na sigaw ang yumanig sa buong silid.

Umiiyak ang babaeng natamaan ni Damien ng dart sa mata..

Nanlambot ako sa nakita, pero agad akong nakaisip ng paraan para makatakas sa walang-hiyang manyakis na to.

Pasimple kong nilandian ang boses ko.

"Master, lilinisin ko lang po yung dugo sa sahig..."

Hindi Ito sumagot.. pero sapat na Yung pag bitaw niya sakin..Kaya mabilis akong kumilos.

Si Jasmin at Kim ay lumabas kasama ang babae, kaya naiwan ako.

Ako ang naglilinis.

Ilang minuto ang lumilipas wala parin sila Jasmin at Kim ... Ako na Hindi malaman ang gagawin ay pumuwesto nalang sa gilid umaasa na hindi matatawag pero parang impossible dahil parang nagsisimula na silang mabagot..

Tumayo silang apat.

"Papawis naman tayo..." Sabi nung Javier...

Agad nagtanguan ang iba at

sabay-sabay nilang hinubad ang kanilang pang-itaas. Lumantad ang mga katawan nilang matitipuno at may perpektong abs na nagpalunok sa akin ng todo..

Si Asmodeus lang ang naiba dahil tadtad ito ng tattoo sa katawan na nakakatakot talaga tignan kung titignan...

Napaatras ako, nanlamig, ramdam ang pintig ng puso kong dumadagundong sa pandinig ko.

Anong gagawin nila...huwag nilang sabihin na gangbang ito!! Nahihintakutan kong tanong sa sarili..

Iba't ibang scenario na ang nag pla-play sa utak ko..lalo pa at hubad na ang mga pang itaas ng mga ito..

"Naku wag naman po baka di ko Kayanin siguradong daks ang mga Yan!!!!"

"You, Number 28...lapit."

Parang kumislot ang buong katawan ko nang marinig ang pagtawag. Alanganin akong lumapit, nanginginig ang tuhod.

"A-ano po 'yon... M-master?" mahina kong tanong, pilit pinipigil ang kaba na bumabalot sa dibdib ko.

"Let's play a game..." aniya ng lalaking may hikaw sa kaliwang tenga na is Javier .

Nagpalitan ng mga tingin ang apat na lalaki. Nagngisian ng nakakaloko, tumitig sa akin nang direkta, para bang sinusuri ang buong katawan ko at kung gaano ako tatagal.

"Maglalaro tayo. All you have to do... is...." Ngumisi muna siya bago idinugtong ang huling salita..

"Run...."

At doon ko naramdaman ang unti-unting pag-igting ng takot sa sikmura ko.

"Mabilis ka bang tumakbo, Number 28?" tanong pa nung Damien...

Hindi ako makasagot.

Ngumiti yung nagngangalan na Asmodeus, puno ng kasadistahan.

"Kapag ako ang nakahabol sa'yo..."

Humakbang siya palapit, nasilayan ko ang matalim niyang tingin.

"...may isang parte ng katawan mo ang mawawala." Sabi nito na kinalaki ng mata ko dahil may hawak na itong knife.

Natawa sila sa reaksyon ko..

Ngunit ang tawa ay walang halong ginhawa-mas lalo itong nagdulot ng takot sa kaluluwa ko.

Samantala, ang isang may hawak sakin kanina ay umupo ulit si Zephyr, hindi kumikibo. Tila walang pakialam, pero ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Tahimik siyang tumungga ng alak, hindi inaalis ang tingin sa akin. Pagkatapos ay marahang ngumisi.

"Ano pang ginagawa mo diyan?"

Inilapag niya ang baso at bahagyang tumagilid ang ulo, parang isang pycho na tila nananakot.

"Takbo na."

Nanlaki ulit ang mga mata ko. Sa isang iglap, kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto habang rinig ko ang mga halakhak at mabibigat na yabag ng mga halimaw na iyon na nagsimulang sumunod sa akin.

Pagkabukas ko ng pintuan..

Mabilis akong bumaba ng malaking hagdan ng mansion, Hindi alintana ang mga iilang client na naglilibang din.

Sa harap ko, isang malawak na bakuran ang bumungad ng makalabas ng Mansion.... Sa pinakadulo, tanaw ko ang malaking tarangkahan na gawa sa bakal, mataas at tila imposibleng akyatin, iyon lamang ang tanging daan palabas.

"T-tanginang t-trip yan..." halos manginig pati boses ko sa paghinga, natatakot ako.. dahil hindi ko alam Kung anong pwedeng mangyari sakin pag nahuli ako..

Kumakaripas akong tumakbo, halos hindi ko na alintana ang pag taas paunti unti ng skirt ko. Ngunit sa bawat takbo, ramdam kong may mga matang nakatingin sakin, pinapanood ako.

Sa likod ko..

"Asmodeus," boses iyon ng lalaking may hikaw.

"Huwag mong hayaang makalampas sa gate."

"Okay lang yan.. hindi naman yan makakalabas.." Sabi pa ng isa

Napalingon ako, at doon ko sila nakitang apat, naglalakad, mabibilis ang hakbang. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa balat, at ang kanilang mga mata ay kumikislap ng panganib.

"Shit..."

Napakuyom ako ng kamao ko, at lalo ko pang binilisan. Wala nang atrasan-isang maling hakbang lang, maaari nang mawala ang isang parte ng katawan ko, lalo na kung yung Asmodeus ang makakakuha sakin..

Ang mga walanghiya pinag pustahan pa ata ako!!!

At sa pagitan ng pintig ng puso ko, ramdam kong nagsimula na ang tunay na laro.

Napalingon ako, at halos manlamig ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dalang baril ang isa sa kanila.

Ang isa naman, nakangisi habang pinapaikot-ikot ang hawak niyang baseball bat..

Kasunod ay ang lalaking may hawak Naman ng matalim na kutsilyo, naglalaro sa mga daliri niya na para bang simpleng laruan lang iyon. Kumislap ang talim sa ilalim ng buwan, tila sabik na sabik na malasahan ang dugo, yun ay si Asmodeus...

Mukhang totoo nga na pag siya ang nakahuli sakin, mawawala ang isang parte ng katawan ko!!!.

At ang huli... Yung zephyr walang dala. Pero siya ang pinakanakakapangilabot. Wala man itong dala, nakikipag tawanan to sa mga kasama, may sigarilyong umuusok pa na nakasuksok sa bibig habang nag lalakad..

Oo nag lalakad lang sila parang kampante sila na hindi ako makakalayo..

Nakita niya ang pag lingon ko habang tumatakbo..Ngumisi ito at Mayamaya pa ay itinapon muna nito ang sigarilyo bago sumibat ng takbo nilagpasan ang mga kasama niya.

At sa kabila ng angkin niyang kagwapuhan, may ngisi siyang nakakakaba, parang walang halaga ang buhay ng mga katulad namin sa kanila.

Tangina!!

"Nalintikan na..."

Napakagat ako ng labi, halos tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"kung hindi ako mapuputulan ng parte ng katawan, Baka gulpi sarado ako kapag naabutan nila...o Baka makuha pa yung pinakaiingatan ko!!"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng skirt ko, at mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Hindi ko na iniisip ang sakit ng binti ko, ang tanging nasa isip ko lang ay ang tarangkahan sa dulo.

Buti nalang kahit paano mabilis akong tumakbo..

"Number 28......malapit na kami!" sigaw ng lalaking may hawak ng baril.

BANG!!!!

Umalingawngaw ang putok ng baril napalingon ako.. nakatutok lang ito paitaas... Mukhang gusto lang niya akong takutin... Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumatakbo na din sila....

"SHIT!!!SHIT!!!SHIT!"

Napasigaw ako, halos maiyak sa takot. Lalong bumilis ang paghinga ko, at mas pinag-igting ko ang pagtakbo. Hindi ko na iniisip kung madadapa ako o hindi basta makarating lang sa gate.

Sa likod ko..

"Bilisan mo, babae!" sigaw naman ng may hawak ng baseball bat,

"Takbo pa..." rinig kong sigaw nila, tila pinaglalaruan ang takot ko,

Humihingal na ako, pawis na pawis, pero pilit kong inaabot ang malaking gate na nasa unahan ko na. Ang tanging iniisip ko kung hindi ko maaabot ang tarangkahan, tapos na lahat.

Mabilis kong inakyat ang tarangkahan, halos kinakalmot ng mga palad ko ang malamig na bakal.

Kaya ko 'to... kaya ko!

Kahit pawis na pawis, kahit nanginginig ang tuhod, hindi ako papatalo.

Napangiti pa ako sa sarili ko kahit mukha akong mahina, kahit akala nila wala akong kakayahan, sanay na ako rito. Ilang beses ko nang ginawa 'to sa gate ng eskwela noon.

Ilang beses na akong nakapag cutting classes... Sisiw lang ito...

Konti na lang...

Naaabot ko na ang dulo, halos madama ko na ang hangin ng kalayaan sa kabila ng tarangkahan, nang bigla kong maramdaman ang malamig na kamay na pumulupot sa aking bewang.

"H-hindi...hindi, hindi!!!"

Nanlaki ang mga mata ko, halos kumapit ako ng husto sa bakal para lang hindi niya ako mahila pababa.

Pinilit kong kumapit..

Pero pinuwersa niya akong hilahin Hanggang sa mabitawan ko ang kinakapitan ko. Sa isang iglap na iyon, bumagsak ang katawan ko sa mga bisig ng kung sino man ang nakakuha sakin..

At sa mismong paglapag ko, narinig ko ang mababang tinig na dumurog sa lahat ng pag-asa ko.

"Got you..."

Nasa likuran ko siya. Si Zephyr. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko, nakadikit ako sa matitigas niyang bisig, at ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking batok. Sa lapit niya, mas malinaw ko nang makita ang malamig na anyo ng kanyang mga mata, mapanganib, walang emosyon, at tila ba nilalamon ang kaluluwa ko.

"Paano ba yan, panalo ako..." bulong niya, nakangising bahagya...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
LunaElisseo
nakakatakot nmn
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
huyyyyy,,anu ba tong mgkakaibigan na ito......hahhaha
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
oh my nakakatakot trip ng mga magkakaibigan na to mas malala sila kay ace haha ,ang ganda din ms A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Unexpected Obsession   Epilogue

    Nakaupo ako ngayon sa banyo, habang si Zephyr ay nasa labas ng pinto.“Ano ang result?” tanong niya.“T-two lines…” malungkot kong sagot.Nakita kong napangiti siya, kabaligtaran ng nararamdaman ko. Kasi naman, pitong buwan pa lang ang kambal namin!Nakalimutan ko na naman Kasi makainum ng mahiwagang pills..Napahawak ako sa tiyan ko habang ramdam ko ang bigat ng lahat—ang kambal na hindi pa man ganap na malaki, at ang panibagong buhay na paparating. Hindi ko alam kung kakayanin ko, isipin ko palang kung gaano ako nahirapan manganak noon.pero nang mahigpit akong niyakap ni Zephyr, doon ko lang naramdaman… hindi ako nag-iisa. At siguro, sapat na iyon para harapin ang bukas.Nanatili pa rin kami sa suite. Kahit ipinagawa na ni Zephyr ang isang malaking bahay malapit lang sa tinitirhan ng kakambal niya, mas pinili naming manatili rito. Dito kasi nagsimula ang lahat—ang kuwento naming magkaiba ng mundo. Dito rin unti-unting nahubog ang pagmamahalan na nagsimula lamang sa pagitan ng isang

  • His Unexpected Obsession   55

    Four Months later ...Kabado si Aria habang marahan siyang naglalakad, mahigpit ang hawak sa braso ng kanyang ama. Suot niya ang isang puting mermaid-style wedding gown na tila isinadya para sa kanya-elegante at kaakit-akit, bagay na bagay sa okasyong ito.Ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya mula sa bawat panauhin. May halong kaba at saya ang pintig ng kanyang puso, lalo na't bawat hakbang ay palapit nang palapit sa lalaking makakasama niya habang buhay.Sa dulo ng aisle, naghihintay si Zephyr-ang kanyang napakagwapong mapapangasawa. Hindi nito maikubli ang ngiti at bakas sa mga mata ang labis na kasiyahan. Nasa tabi niya ang kanyang kakambal, kapwa nakangiti at puno ng pagmamalaki sa oras na iyon.Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Aria ang kanilang kambal na sina Zariel at Zamiel, na buhat-buhat ng kanilang mga ninang na sina Kim at Jasmin. Ang dalawang bata'y nakatitig sa kanya, wari'y nakikibahagi rin sa kasiyahan ng kanilang mga magulang.Paglapit niya sa altar, marahan

  • His Unexpected Obsession   54

    Pagmulat ng mga mata ko, ang una kong nakita ay si Zephyr na nakatingin lang sa akin, Nakangiti siya ng bahagya habang hinahaplos ang buhok ko. Para kaming tunay na mag-asawa na—ang lapit, ang lambing, at ang init ng umaga na puno ng kakaibang saya.“Good morning…” bulong niya sabay halik sa noo ko.Namula ako, lalo na’t sariwa pa sa isip ko ang gabing nag-proposed siya. Hindi ko maiwasang mapangiti at umirap sa kanya.Bumangon na kami..Paglabas namin ng kwarto ng kambal, magkahawak ang kamay namin, Pero sa kabila ng saya, ramdam ko rin ang lungkot sa darating na oras. Aalis si Zephyr ngayon para sa business meeting sa Italy kasama ang kakambal niyang si Azrael. "Hindi ba pwedeng ang kakambal mo nalang na si Azrael ang pumunta..?" Malungkot Kong tanong Dito..“I’ll come back soon. Don’t worry.” Sabi nito na nakahawak parin saking mga kamay..At sa simpleng gesture na iyon, ramdam ko na kahit saan siya magpunta, dala-dala niya ako sa puso niya.“Gusto mo, papuntahin mo na lang mga f

  • His Unexpected Obsession   53

    Third's POV Pagkapasok pa lang nila sa kwarto, agad na sinunggaban ni Zephyr si Aria ng isang maalab, gutom na halik. Para bang ilang taon siyang naghintay ng pagkakataong iyon—mariin, puno ng pananabik, at may halong desperasyon. Ang mga labi niya ay mainit, medyo agresibo mula sa paghalik..Napapikit si Aria, halos mawalan ng balanse sa biglang pag-atake. Ramdam niya ang init ng hininga ni Zephyr sa kanyang leeg ng lumipat ito doon, at ang kamay na agad na humawak sa kanyang dibdib—mahigpit, mapang-angkin, hinahaplos ang nipple niya sa ibabaw pa lang ng damit.“T-teka lang… Zephyr!” natatawa niyang protesta, pilit na itinutulak ng bahagya ang dibdib nito. Ngunit imbes na tumigil, mas lalong dumulas ang mga daliri ni Zephyr sa laylayan ng kanyang damit. Mabilis, sabik, parang hindi makapaghintay na tanggalin ang hadlang sa pagitan nila.“Hindi mo alam… kung gaano ko ito na-miss..” bulong ni Zephyr laban sa kanyang labi, mababa, paos, at puno ng pagnanasa. “Miss na miss kita, Aria. M

  • His Unexpected Obsession   52

    Third's POVSa sala, tahimik na nakaupo si Aria sa mahabang sofa habang isa-isang inaayos ang mga gamit ng kanilang kambal. Maingat niyang tinutupi ang maliliit na damit, pinaghihiwalay ang mga lampin at inilalagay sa kani-kanilang lalagyan ang mga gamit ng mga bata.Paminsan-minsan ay napapangiti siya kapag may nakikita siyang maliit na medyas o damit na hindi niya maiwasang isipin kung gaano kabilis lumalaki ang kanilang mga anak.Ngunit sa kabila ng abala niya, may isang bagay na paulit-ulit na bumabagabag sa kanyang isipan.Ang kanyang ama.Napahinto siya sa pagtitiklop ng isang maliit na damit.Bahagya siyang napayuko, at unti-unting napalitan ng lungkot ang ngiti sa kanyang labi.Matagal na rin mula nang huli niya itong nadalaw.Hindi dahil ayaw niya.Kundi dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang buwan..Napabuntong-hininga siya"Kumusta na kaya si Papa?" tanong niya sa sarili.Saglit siyang natahimik bago muling napaisip."Tagal ko na rin siyang hindi nadadalaw..."May k

  • His Unexpected Obsession   51

    Aria's POVPangatlong araw ko na sa ospital. Bukas na kami lalabas kasama ang aking mga bagong silang na anak.Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan nina Jasmin at Kim nang biglang may pumasok sa p***o.Si Zephyr iyon — at sa likod niya, ang kakambal niyang si Master Azrael.Nanlaki ang mata nila Kim at Jasmin nang makita ang kapatid ni Zephyr. Tulala sila, tila hindi makapaniwala sa kanilang nakita.Tahimik na lumapit si Master Azrael sa rolling crib ng mga anak ko. Maingat niyang kinarga ang isa, halatang sabik at masaya sa kanyang unang pamangkin. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa amin.Lumapit naman si Zephyr sa tabi ko at marahang hinalikan ako sa noo."Nagugutom ka ba?" tanong niya, na sinabayan ng isang ngiti."B-busog pa ako… diba kakakain lang natin," sagot ko, sabay ngiti rin.Napalingon ako kina Kim at Jasmin Tulala pa rin sila habang nakatitig kay Azrael, na kasalukuyang karga ang isa sa kambal.Doon ko naalala...Oo nga pala hindi pa nila alam na may kakambal si Zephyr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status