“Ivy?”Paalis na sana ako nang may tumawag sa ‘king pangalan. Nilingon ko ito at nakita ko si Mr. Alejo na palapit sa ‘kin. Hinanda ko naman ang aking malapad na ngiti dahil ayokong idamay si Mr. Alejo sa kung ano mang init ng ulo na meron ako kay Fox ngayon.“Yes, Mr. Alejo? How may I help you? Is there any problem?” sunod-sunod kong tanong.Ngumiti lamang ito at ngumiti sa ‘kin. Hindi ko maiwasang mangunot ang aking noo dahil nagtataka ako sa kanyang pagtawag sa ‘kin.“I just wanna thank you for everything. For the effort for this big day of my life. Hinding-hindi ko ito makakalimutan, Miss Ivy.” Ngumiti ito sa ‘kin. “Ngunit aalis ka na ba?”Nagdadalawang isip akong tumango. Gusto kong sabihin sa kanya na oo, aalis na ako. Ayoko namang isipin niyang isa akong killjoy at ayokong masaksihan ang kasal niya. Kaya kahit labag sa ‘king kalooban ay umiling ako.“H-hindi pa, Mr. Alejo.” Pilit akong ngumiti.“Really? You look pretty on your dress. Akala ko may ibang lakad ka,” aniya. “And my
“Anong pag-uusapan natin?” diretso kong tanong rito. Dinala niya ako sa isang coffee shop na hindi lang din kalayuan sa resort kung saan gaganapin ang kasal. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin. But I think this has something to do with my parents. Dahil alam kong kahit siya ay nahihiwagaan pa rin sa pagkamatay nila Mommy at Daddy kahit ilang taon na ang dumaan. “What happened? Bakit ka nandito? Why are you working as a wedding planner? Hindi ba’t─” “I lost everything right after I lost my parent, Hansel.” Tipid akong ngumiti rito. “That’s why I’m now working as a wedding planner to suffice my needs… and my child’s.” Dumating ang isang waiter na nagkuha sa aming order kanina. Nilapag nito ang aming mga ini-order na kape. I smiled at the waiter and right after he left, Hansel started asking questions once again. “Y-you have a child? Are you kidding me right now? Sinong ama? Are you married already?” sunod-sunod nitong tanong sa ‘kin. Mahina akong natawa sa mga
“Ivy…”Napatingin ako sa tumawag sa ‘kin at agad kong ipinakita ang aking ngiti. Hindi ko siya kilala, okay? Hindi ko rin alam paano niya ako nakilala. Strangers calling me with just my name feels so weird. Hindi ako nasanay.“Yes, Sir? How may I help you with?” I politely replied.Ngumiti ito sa ‘king naging sagot at umiling. “No need to be polite. Anyway, I am Arnold, the groom’s brother.”Tumango-tango ako. That makes him look very familiar. Medyo kamukha niya si Mr. Alejo. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako tinawag at kung paano niya ako nakilala. Known enough for him to confidently call me by my name.“Ano pong maipaglilingkod ko? Is there any problem?” mahinahon kong tanong.“Nothing. I just came here to personally meet you,” he said. “Lagi ka kasing bukambibig ni Floryn at nabanggit din sa ‘kin ni Cris na isa kang magaling na wedding planner so I came here to see it for myself. And my brother was right.”Hindi ko alam kung ano ang tamang words na sabihin dahi
“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpaulan ka, ha? At sa gitna pa talaga ng sementeryo? Are you crazy? Paano kung magkasakit ka bukas? Ivy, nakikinig ka ba?”Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalo pa yatang sumikip ang aking dibdib dahil sa mga nangyayari. Lalo na nang masilayan ko ang malaking picture frame naming tatlo ni Mommy at Daddy.A single tear fell on my cheek while looking at the picture frame. Hindi ko alam kung paanong hindi pa rin nauubos ang luha ko dahil kanina pa ako umiiyak. Tila isa itong gripo na patuloy lamang sa pag-agos.Mariin kong pinikit ang aking mga mata at bumuntong hininga. Umupo ako sa isang couch at hindi ko na pinansin pa si April na kanina pa ako pinagsasabihan. Mabuti na lamang at available siya kaya agad niya akong pinuntahan sa sementeryo kanina. Dahil kung hindi ay siguro nanginginig na ako roon sa lamig.“Puro pa basa ang mga damit mo. Anong susuotin mo ngayon?”“He knows,” I said. “Alam na niya…”Alam kong gusto ni April na magt
“No. Hindi pwede. H’wag ka nang babalik doon,” saad ni April sa ‘kin sabay abot ng isang jacket dahil nanlalamig na ako.I looked at her and forced a smile. “Hindi ko alam, April. I think it’s an important matter na kinakailangan ko pang bumalik doon.”Kahit ako ay nagdadalawang-isip kung pupunta sa Batangas. Pakiramdam ko kasi ay isang malaking pagkakamali pa kung babalik ako sa lugar na nilisan ko dahil sa sobrang sakit. At kung sakali mang babalik pa ako roon, para saan pa? Para magpasampal dahil mukhang alam na ni Jessica ang katotohanan?Mariin kong hinilot ang aking sintido at bumuntong hinga. Niyakap ko ang aking sarili at muling umupo sa couch. Dala ni April ngayon ang maid niya na linggo-linggo niyang pinapalinis sa bahay ko. Ito na ang nagsaayos ng aking silid na aking tutulugan ngayong gabi.“Kung babalik ka roon at alam n ani Jessica ang totoo, ano na ang ang mangyayari sa ‘yo? Paano kung ipahiya ka niya? Paano kung… Jesus. Maraming what if sa isipan ko, Ivy. Hindi mo man
“A-ano?” My lips parted. “Anong pangalan niya?”“Fox Madrid po, Ma’am Ivy.” She then bit her lower lip. “Hinahan pka po niya. Nakakatakot po siya magsalita, Ma’am. Feeling ko po may galit siya sa ‘kin, e.”“Who’s here, Love?”Wala sa sarili akong napatingin sa ‘king anak na ngayon ay nagtatakang nakikinig sa usapan namin ni Candy. Pilit ko itong nginitian saka ako tumingin kay Candy.“Nasaan siya ngayon?” I asked.“Na sa lobby po, Ma’am. Hindi ko muna pinaakyat dahil sinabi ko sa kanyang baka hindi po muna kayo tatanggap ng kliyente,” she replied.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Nilingon ko ang aking anak at lumapit dito. I squatted on the floor and caressed his cheeks.“Do you want to go to mall and buy your favorite toy with Tita Candy?” I asked.Ang pagbanggit ko sa salitang ‘toy’ ay siyang nagpaliwanag ng kanyang mga mata. Kahit naman sobrang mature ng anak ko na magsalita at mag-isip ay isa pa rin siyang bata. He’s still a child and it’s normal fo
“Anong ginagawa mo rito?” I asked. “Napadpad ka yata rito?” Umupo ako sa couch at bumuntong hininga. Naupo naman si Hansel sa kung saan nakaupo si Fox kanina at niyakap ang isang throw pillow saka ako nito sinagot. “Well, I thought your son was here. I want to meet him,” aniya. Hindi ko maiwasang matigilan. Hansel is really eager to see my son, to know him, and even meet him. Sa halos tatlong linggo niyang pagbibisita rito ay hindi niya pa nakikita si Finn. I don’t want them to meet each other anyway. Dahil sa oras na magkita sila at mamukhaan ni Hansel si Finn ay marami akong magiging eksplenasyon na sasabihin nito. And knowing Hansel, I can still recall the old times where he used to ask me stupid questions and even detailed questions. At hindi ka niya titigilan hangga’t sa makontento siya sa mga impormasyong nalalaman niya. “Bad timing. Kaaalis lang ni Finn,” I said. “Anyway, can I ask why the hell did you tell Fox that I am your fiancée?” Ngumiwi ito sa naging tanong ko. “I j
“Where the hell are you taking me?” sikmat ko rito. “Shut your mouth up,” he said. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. He’s obviously kidnapping me! Pinilit niya akong sumakay sa sasakyan niya kanina at ngayon ay heto ako, nakaupo sa shotgun seat at may posas ang kamay. Yes, you read it right. Nakaposas ako at para akong presong itinakas niya mula sa kakatapos lang na court trial. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Taga-Boracay ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay kabisado ko na ang mga lugar na ito. Pinili ko na lang itikom ang aking bibig at binaling ang aking tingin sa labas ng bintana. Hindi ko maipaliwanag nag nararamdaman ko. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang kasama siya. Naglikot ang aking mga mata at napapasulyap ako sa kanyang pwesto na agad ko ring namang iniiwas. He can’t just catch me looking at him. Nakakahiya ‘yon! Hindi nagtagal ay huminto na rin ang sasakyan. Sinilip ko ang labas ngunit hindi ko masyadong