LOGINAng bawat yabag ko sa madilim na pasilyo ng rest house ay nagsisilbing tunog ng isang malakas na tambol sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay biglang lilitaw si Ethan mula sa kung saan, ngunit ang takot ko sa banta ni Raz sa text ay mas nangingibabaw.Tahimik kong binuksan ang glass door patungo sa likurang bahagi ng farm. Sinalubong ako ng malamig na hangin habang tinatahak ang daan patungo sa malaking puno ng oak. Doon, sa ilalim ng malalabay na sanga, natanaw ko ang isang pigura. Nakasandal siya sa puno, nakapamulsa, at kahit madilim ay ramdam ko ang titig niyang nakapako sa akin. Mabilis akong lumapit doon."Anong ginagawa mo rito, Raz? Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Bakit ngayon ka lang nagpakita pagkatapos ng—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sa isang mabilis na galaw ay naramdaman ko ang paghila niya sa bewang ko, kasabay ng pagsiil niya sa labi ko ng isang marahas at mapusok na halik. Namilog ang mga mata ko sa gulat, ngunit ang pamilyar na lasa ng mga
Hindi ko alam kung gaano katagal akong napatulala sa dilim, dinaramdam ang init ng mga hininga niya na patuloy na nananunuot sa balat kot. Ngunit bago pa man bumalik ang kuryente, naramdaman ko ang marahas niyang pagbitaw baywang ko.“Next time we see each other, you’ll finally know the whole truth. Get ready, Samantha. Your paradise is built on lies,” may pagbabanta niyang bulong.Kasabay ng muling pag-ilaw ng banyo ay ang paglamon muli ng katahimikan sa paligid. Wala na siya. Ang bintana sa gilid ay bahagyang nakaawang, hinahayaan ang malamig na hangin sa labas na pumasok dito sa loob. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang mabasag ang katahimikan ng magkakasunod at malalakas na katok mula sa pinto.“Sam! Samantha! Open the door! Are you okay?!”Boses iyon ni Ethan. Bakas ang labis na takot at pag-aalala base sa tono niya. Nanginginig man ang mga kamay ko pero nagawa ko pa rin siya pagbuksan ng pintuan. Pagbukas ng pinto, agad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.“Than
Kinabukasan, naging abala si Ethan sa pag-aayos ng lahat. Hindi lang pala simpleng usapan ang kasal na sinasabi niya; gusto niya itong simulan sa isang pormal na engagement party sa mismong rest house na ito.“I want the world to know… well, at least our world here… na akin ka na, Sam,” nakangiting sabi niya habang may kausap na caterer sa telepono.Sa loob ng isang linggo, napuno ang tahimik na rest house ng mga dekorasyon. Puti at gold ang tema, mga bulaklak na lila at puti ang nakakalat sa bawat sulok. Habang pinapanood ko ang mga tauhang nagkakabit ng mga kurtina at ilaw, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.Engagement party… Isang hakbang na lang at tuluyan na akong magiging pag-aari ng isang tao… ni Ethan. Masaya dapat ako, ’di ba? Pero bakit…Sinubukan kong alisin ang mga isiping iyon. Tama! Dapat akong maging masaya. Ethan is a good man. He saved me. He loves me. Ito na ang pangarap ko, 'di ba? Isang tahimik na buhay malayo sa lahat ng gulo. Pero bakit sa tuwing tumitingin a
“Marry me, Samantha Ion De Miranta…”Napatitig ako sa kaniyang mga mata habang ang mga salitang ’marry me’ ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. I mean… kasal? Paanong napunta agad sa pagpapakasal ang pananatili namin dito?Lihim akong napasinghap nang synod na pumasok sa utak ko ay ang magaganda niyang nagawa sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin habang magkadikit ang mga labi ko.Bagaman hindi naging mabuti ang paghihiwalay namin noon, bumawi naman siya sa akin magmula n’ung sinagip niya ako. Siya na ang lalaking hindi ako binitawan noong mga panahong pati ang sarili ko ay ayaw ko nang panghawakan. Siya ang naglinis ng mga sugat ko, hindi lang ang mga nasa balat, kundi pati ang mga sugat sa pagkatao ko. Sa loob ng halos dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kundi masiguro na ligtas at masaya ako.‘Does he deserve a 'yes'?’ tanong ko sa sarili ko.Muli na naman akong napasinghap ng lihim nang maalala ko ang mukha ni Raz sa TV noong nakaraang taon.
Isang tao, tatlong daan at animnapu’t limang araw na ang lumipas mula nang huling maramdaman ko ang hapdi ng lubid sa mga pulso ko at ang malansang amoy ng dugo sa impyernong silid na ’yun.Sa halos dalawang taon, ang rest house na ito ni Ethan sa gitna ng malawak na farm ang naging kaisa-isa kong mundo. Hilom na ang mga natamo kong sugat sa balat, pero may bigat pa rin sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring ’yun. Ganunpaman, masasabi ko pa ring unt-unti na akong nagiging okay. Natutunan ko na ring yakapin ang katahimikan dito.Ngayong hapon, naglalakad ako sa malawak na lupain sa harap ng rest house. Ang amoy ng damo ay sumasana sa hangin, pati na ang sariwang bulaklak. Mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw ko si Ethan na naglalakad din sa hindi kalayuan, tila may tinitignan sa mga pananim. Napangiti ako nang lumingon siya sa akin at kumaway."Sam! Halika rito, tignan mo 'tong mga bagong tanim na sunflowers!" sigaw niya.Natawa ako at nagsimulang tumakbo patungo sa kaniya.
Pumikit ako nang mariin habang umaandar ang sasakyan ni Ethan. Nangingibaw man ang panghihina, sinubukan ko pa ring sulyapan ang labas ng bintana. Sa halos isang linggo kong nakakulong sa silid na ’yun, ang akala ko ay nasa liblib na kagubatan o abandonadong bundok ang kinaroroonan n’un. Ang gusaling pinanggalingan ko pala ay walking distance lang mula sa isang maluwag na highway kung saan tanaw ang mga dumadaang sasakyan at poste ng ilaw.Napayuko ako at hindi na napigilan ang paghikbi nang may mapagtanti ako. “How could Raz not find me there?” pabulong kong tanong sa sarili habang humahagulgol. “With all his power, with all his money... it’s just a few meters away from the main road. Was I really that invisible to him? Or maybe Gino was right... maybe Raz never really intended to find me at all.”Bahagya akong natigil sa paghikbi nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Ethan na humawak sa nanginginig kong kamay. "You're safe now, Sam. Please, stop crying. Hinding-hindi ka na nila







