LOGINMainit ang panahon ngayon dahil pumasok na ang summer. Ramdam ko ang pawis sa aking katawan. Nauuhaw na rin ako. Sakto at nasa kabilang kalsada lang si Manong na nagbebenta ng buko juice. Madalas din ako doon.May naka-display na karatula sa harap nya. Bagama't sulat kamay ang ginamit, klaro mo pa rin mababasa ang 'Fresh Buko Juice - 5 pesos'Perfect.Pumwesto ako sa harap nito. Nilapag ko sa tabi ang dala kong mga supot para bumunot ng barya sa aking bulsa. I finally fished out the coin and handed it to manong, taking the cup gratefully.Unang tikim, napapikit ako sa sarap nito. Lasang lasa mo talaga ang buko. Ang lamig din nito ay nanuot sa nanuyo kong lalamunan kanina sa sobrang init ng panahon.Nothing fancy, just fresh and simple. It was one of the reasons I loved stopping here.Habang nakatayo ako doon at ninamnam ang limang piso kong buko juice, may biglang komosyon na pumarada sa harap ko.It was them again. Ang mag-asawang sina Aling Susie at Mang Kanor. The market's favorite
"Himala! Kompleto tayo ngayon," pag-iiba ko ng usapan.That, thankfully, distracted them. Napunta ang atensyon ng lahat kay Elise. Sya kasi ang laging wala rito. Paano, e, laging may date. Palagi rin bakante ang cashier."Basta, Elise, 'yung puso, ha?" si Mia, ang tagalinis ng lamesa't kagamitan dito. "Huwag mo sya gawing mundo. Balanse lang dapat."Umismid naman si Elise. "Ba't sa'kin napunta ang usapan?" napatingin sya sa akin. "Si Alina ang star ngayon, ah."Sabay-sabay silang apat na napalingon sa akin. Ngumisi si Linda at handa na sanang kumantyaw ulit kaso hindi natuloy dahil tumunog ang munting bell sa counter.Lumabas si Elise para bentahan ang customer. Pagkatapos nun, naging abala na kaming lahat dahil dinumog na ang shop ng mamimili.Ganito na ang nangyayari sa amin kapag ganitong oras. Walang upo-upo dahil sa dami ng customer. Saka lang uunti ang bumibili pagsapit ng alas nuwebe. Pero ganoon pa rin, abala kami sa paggawa ng bagong stock ng tinapay.For a while, the shop wa
"Sorry, sorry," paumanhin ko sa gitna ng aking tawa. "Nadala kasi ako sa sarap ng tinapay."Napatingin sya sa tray ng tinapay at muling natawa. "Siguro nga. Paubos na nga rin, e."At doon na ako napahalakhak. My God! Sa kangunguya ko, hindi ko rin namalayan na muntik ko nang maubos ang mga ito. Ano ba 'yan! Sya pa talaga nakasaksi sa pagiging patay-gutom ko."Bilisan mo kasi sa pagkain. Napag-iiwanan tuloy kita," natatawa kong sisi sa kanya, kahit ang totoo niyan medyo nakakaramdam na ako ng hiya.Umiling-iling na lang sya pero ang bakas ng ngiti ay nasa mga labi pa rin nya.Sa totoo lang, parang naging komportable na ako sa kanya kahit ngayon ko lang sya nakasama sa ganitong sitwasyon. Oo, sigurado na akong mahiyain sya't tahimik na tao, pero ewan. Parang nakapalagayan ko na sya ng loob."Tapos na ako," biglang tayo ko matapos kong higupin ng isang beses ang kaunting natira sa aking kape.Mukhang tapos na rin sya. Pinatong nya ang ubos na rin nyang pinagkapehan sa wala ng laman na tr
Hindi agad ako nakapagsalita, dahilan ng paghawak nya ulit sa batok."Sabayan mo na lang ako magkape."Since when did he care about having company? Hindi naman kami gano'n ka-close para ayain akong sabayan siya."...Hindi ko kasi mauubos 'to," he said, gesturing to the ridiculous amount of bread. "Sayang kung itatapon lang pagkatapos."Mariin ko syang tinitigan. Ang mga kantyaw sa akin ng mga kasamahan ko nitong nakaraan ay parang bumulong sa tainga ko. Hindi kaya..."Sasabayan mo lang ako. Wala akong intensyon na kahit ano," mabilis nyang segunda. Siguro napansin ang pagdududa sa mukha ko.Sa huli ay napabuntong hininga ako. Wala pa naman alas syete. Hindi rin naman masama. Isa pa, hindi pa ako nakakapag-almusal.And honestly, a cup of coffee sounded really good right now."Sige," pagsuko ko.Tinulak ko ang upuan sa harap niya at naupo roon. Pero napatayo ulit ako nang mapagtantong kailangan kong kumuha ng sariling tasa. Sa halip na kumuha ng kape mula sa lumang coffee machine, kinuh
Mas lalong nanuot sa ilong ko ang amoy ng mga tinapay. The comforting scent made me smile a little, easing some of the tiredness clinging to my body.Tinulak ko ang de-salamin na pintuan ng shop. The familiar chime ringing softly above me as the door closed. Hindi nga ako nagkakamali na kay Primo ang kotse sa harap.Nalingunan ko sya sa kanyang karaniwan na pwesto, malapit sa bintana. Mabilis syang tumayo nang makita ako."Alina."I paused mid-step. Naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa harap ko. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko siyang tawagin ako sa aking pangalan.Hindi ko lang alam kung dahil ba sa pagod o ano pero sa pagkakaalala ko, ngayon lang talaga.Tiningala ko sya at nginitian. "Bakit?"Tulad kahapon, pumosisyon na naman ang isang kamay nya sa kanyang batok. Ang mata nya'y hindi makatingin sa akin ng diretso."I..." usal nya sa nahihiyang tono. "Uhm, pumunta ako dito para bayaran ang utang ko."Napakunot saglit ang noo ko, inalala kung may utang nga ba sya sa ak
Dinadakma ng malamig na hangin ang aking mukha habang naglalakad ako papunta sa bakeshop. Tahimik ang paligid, tanging ilang ilaw sa kalye ang kumikislap habang nananatiling madilim ang langit.Mag-aalas singko pa lang ng umaga. Ganitong oras ako pumapasok. Bahagya kong pinilig ang aking ulo upang mag-inat. Ramdam ko ang pananakit ng aking tuhod at balikat, dulot ng puyat at pagod na natamo sa raket ko kagabi.Pinigilan kong huwag mapahikab sa daan. Marahan ko pang sinampal ang nanlalamig kong pisngi upang tuluyan nang magising ang diwa.Bitin na bitin ang tulog ko. Mag-aalas dose na nang nakauwi ako. Gusto ko pa sanang matulog ng matagal pero hindi naman pwede dahil nga may trabaho pa ako.Ang simpleng pag-mi-makeup sana sa isang batang babae ay napunta sa pagiging baby sitter. The little girl needed more help than I expected.Sa huli, inalalayan ko siya sa backstage. Ako na ang nag-asikaso sa mga isinuot niya sa pageant, sa kanyang buhok, at maging ang pagpapakalma sa kanya mula sa
"Ayos ka lang ba talaga?" usisa ni Lando habang naglalakad kami patungo sa fine dining area ng resort. "Namumula 'yang ilong mo. Sinisipon ka ba?""Wala 'to. Napuwing lang ako kanina sa deck," pagsisinungaling ko sabay mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Saan nga pala tayo kakain? Gutom na ka
Isang linggo na ang lumipas pero parang kanina ko lang siya nakita. Iyon na kasi ang laman ng utak ko. Malingat lang ako nang konti, parang nakikita ko na naman ang huling ekspresyon ng mukha niya bago siya nagpaalam sa amin ni Lando. Nakauwi na kaya siya sa kanila? Kung ganoon, sino naman ang kas
Tahimik ang naging paglalakad namin ni Lando pabalik sa parking lot. Bawat hakbang ko ay parang may nakakabit na pabigat, at ang singsing na hawak ko pa rin ay tila nagbabara sa daloy ng dugo ko sa sobrang higpit ng hawak ko doon. Pumasok ako sa sasakyan nang hindi nagsasalita. Nakatingin lang ako
"Wala," pag-uulit niya. "I feel a strange sense of familiarity, yes. Like my body recognizes your presence, but my mind is a blank wall. Pinuntahan kita rito dahil pagod na akong magtanong sa mga taong ayaw naman akong sagutin nang totoo."Sandali siyang tumigil at tinitigan ang suot kong damit, an







