Share

CHAPTER 7

THIRD PERSON'S POV

"Ate? Nariyan ka ba?"

Nang walang sumagot ay dumiretso na lamang si Helena sa kanyang kwarto upang ilapag ang kanyang mga gamit. Kakauwi niya lamang mula sa bahay ng kaniyang mga magulang kung kaya't pagod na pagod ito.

"Oh?! Hindi ko napansin ang mga paper bags na 'yan kanina ah? Ang dami naman!" gulat na bulalas nito nang makabalik sa sala.

Napansin niya ang sticky note na nakadikit sa pinakamalaking paper bag at binasa ang nakasulat.

-Kelvin bought all of these for you. Pambawi niya raw during the times he wasn't around.-

"Kelvin?! Eh wala ngang kaso sa'kin na nasa abroad siya kasi ayun naman ang goal niya sa buhay."

Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at saka isa-isang binuksan ang mga paper bags.

"Wow! Ang cute naman nitong plushie. Bakit kaya dinosaur? Mukha ba akong dinosaur?"

Magkakaiba ang laman ng bawat paper bag. May mga damit, sapatos, alahas, at mga pagkain. Ang ipinagtataka lamang ni Helena ay kung bakit saktong sakto ang sukat ng mga damit at sapatos gayong ilang araw pa lamang sila ulit nagkakasama ni Kelvin.

"Oh? Grabeng shopping naman 'yan," ani Dayne na kararating lang.

"Mga regalo po 'to lahat ni Kelvin, ate."

"Wow! Bigatin talaga ang batang 'yun."

"Teka ate, hindi mo ba alam ang tungkol dito? Hindi ba ikaw ang tumulong kay Kelvin upang maipasok lahat ng 'to rito sa unit? Akala ko nga ikaw nagsulat nitong note."

"Hindi ah. Baka si Kiana kasi alam naman no'n ang passcode natin."

Nagkibit balikat na lamang si Helena at saka ibinalik na sa paper bags ang mga gamit bago ito ipinasok sa kanyang kwarto.

Samantala, sa kabilang dako ng siyudad ay ang hindi makapagdesisyon na si Heeton. Siya'y nalilito kung tatawag ba siya o hindi sa dalagang bumihag sa kanyang puso.

"If I don't do it, I might lose the chance."

Humigit muna ito ng malalim na hininga bago tuluyang pinindot ang call button sa kanyang cellphone.

Sa bawat pag ring ng cellphone ay doble naman ang kabog ng kanyang dibdib sa takot na baka hindi ito sagutin ng dalaga.

"Hello? Heeton?"

Bagama't iyon lamang ang binigkas ng dalaga sa kabilang linya ay para bang nadagdagan ng ilang taon ang kanyang buhay nang marinig ang boses nito.

"H-hi, Helena. I am just wondering if you are f-free tomorrow?"

"Hmm..." Saglit na natahimik ang dalaga na tila ba malalim na nag-iisip. "Yup! Why? Do you wanna go somewhere?"

"Y-yes. I want to show you my grandma's favorite place."

"Oh, really?" she sounded excited. "I would love that."

"Alright. I'll just text you the details."

"Sure! Bye bye."

"Bye..."

Palihim na napangiti si Heeton dahil sa naging usapan nila. Although he seemed calm while talking to Helena, kabaliktaran naman ang nangyayari sa loob-loob niya.

"She actually said yes?" hindi makapaniwalang tanong nito sa sarili.

Before he knew it, he's now giggling and rolling on his bed like an idiot. An idiot who've fallen for someone. What's more, he is now worked up to do the household chores.

"Anong nakain mo,'nak? Kalilinis mo lang ng buong bahay kahapon, ah? Maglilinis ka ulit?" naguguluhang tanong ng nanay nito.

"Ma, dirt is always everywhere. Tsaka malay natin, maalikabok na pala ulit ang ilang corners ng bahay."

His mother was caught off guard. She knew something's up, kaya hindi siya kumbinsido sa sagot ng anak. Gayunpaman, hinayaan niya na lamang ito para hindi maging tamad si Heeton 'pag nagka asawa na.

Linis doon, linis dito. Kahit pawis at marumi na si Heeton ay masaya pa rin itong naglilinis. Ngunit kakaiba ang isang ito dahil lalong lumalabas ang angking kagwapuhan kapag napapagod.

"Anak, anong ginagawa mo? Bakit mo naman nilalagay sa basurahan ang walis? Tsaka bakit panay ngiti ka?Okay ka lang?"

"Ha?"

Napatingin na lamang si Heeton sa kanyang hinahawakan na walis at napatawa. Batid niyang hindi na niya namamalayan ang kanyang ginagawa dahil sa sayang nararamdaman ng puso niya.

"Adik..." bulong ng nanay niya at umalis na.

"Eh? Mukha ba talaga akong adik kapag ngumingiti mag-isa?" hindi makapaniwalang tanong ng binata sa sarili.

~••~••~

Heeton's POV

Today is the day that I will be meeting Helena. Excited na ako pero bahagya pa ring kinakabahan. Paano kung hindi niya magustuhan dito sa paboritong lugar ni lola? Edi, minus points ako kay Helena?

Nabaling ang aking atensyon sa sasakyang papalapit na alam kong pagmamay-ari ni Helena. Ang lakas ng tama ko. Kahit sasakyan pa lang niya ang aking nakikita ay napapangiti na ako kaagad.

"Hi, Heeton!"

"Hello. You're b-beautiful..."

"Thank you. Is this the favorite place of your grandma?"

"Yes. Come on, something amazing is waiting for us."

Ang lugar na ito ay may isang abandonadong malaking water tank na sementado. Sa ibabaw naman nito ay pwedeng tumambay.

"We'll have to climb this water tank first. Is that okay?" tanong ko sa kanya.

"Sure. It's a good thing I wore jeans."

Pina-una ko na siya to make sure she'll be safe.

"Wow! Ang ganda naman dito!" excited niyang sigaw.

"Nagustuhan mo ba? Okay lang ba sa'yo na dito tayo tatambay?"

Hindi ko alam kung bakit, pero gulat na gulat si Helena na tumingin sa akin. Tinititigan niya lang ako at hindi siya nagsasalita.

"Okay ka lang ba, Helena?"

"Wait, so hindi ako namali ng dinig? Nakakapag salita ka nga ng Tagalog?!"

Ah, 'yon pala ang concern niya. Haha! Cute.

"Oo. Hindi ba sabi ko sa'yo na Filipino-American ako?"

"Huy! Ang galing naman. Hindi halata sa'yo na marunong kang mag Tagalog. Fluent pa talaga ha?"

Tanging tawa na lamang ang aking nagawa sapagkat hindi ko na alam ang sasabihin. Isa pa, masyado akong nadadala sa mga reaksyon ni Helena.

"Wow! Mag pi-picnic pala tayo. Ang cute naman ng pagkakaayos mo sa mga pagkain at gamit."

"Thank you. Naparami nga ang mga pagkain kasi hindi ko alam kung ano ang mga gusto mo."

"Naku! Hindi naman ako mapili, eh. Tara, maupo na tayo. It's time for us to enjoy this majestic view."

I'm glad nagustuhan niya ang lugar na pinagdalhan ko sa kanya. Well, if there's one thing I noticed about her, it's that she's appreciative. Lalo na sa mga maliliit na bagay.

This place is owned by my lola, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapagiba ni mama ang water tank kasi importante raw ito para sa lolo at lola ko. Dito kasi sila unang nagkakilala.

-FLASHBACK-

Isang dalagang umiiyak ang tumatakbo patungo sa isang napakalaking sementadong water tank sa isang abandonadong water district. Mabilis itong umakyat sa hagdanan patungo sa itaas ng water tank na para bang sanay na sanay na sa kanyang ginagawa.

"Hoy! Miss! Bumaba ka riyan! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" sigaw ng isang binata.

Dali-dali itong bumaba sa kanyang motor upang puntahan ang dalaga at pababain ito.

"Miss! Bumaba ka! Napakadelikado ng ginagawa mo!"

"Lubayan mo ako! 'Wag mo akong pakialaman!"

"Anak ng!" tanging naibulalas ng binata matapos tuluyang makaakyat ang dalaga.

Sa takot na baka mapahamak ang dalaga ay wala pang isang segundo na napaakyat din ang binata. Bagama't medyo nag-aalangan dahil sa taas ng water tank, ay sumunod pa rin ito.

Humihingal na napaluhod ang binata nang makarating sa tuktok ng water tank. Ang kanyang puting polo ngayon ay basang-basa na sa pawis. Maging ang kanyang buhok ay basa na rin na animo'y katatapos niya lang maligo.

"Anong g-ginagawa mo rito? Bakit mo ako s-sinundan?" gulat na tanong ng dalaga.

"Miss, nag-alala lang ako na baka ipahamak mo ang sarili mo."

Binigyan lamang siya ng dalaga ng isang masamang tingin bago nito ibinalik sa tanawin ang kanyang atensyon.

"Ang ganda..." hindi makapaniwalang saad ng binata.

Umupo siya sa tabi ng dalaga at tahimik lang na pinagmamasdan ang tanawin. Bagama't hindi magkakilala, hindi maipagkakaila na agad naman silang naging komportable sa katahimikang namuo sa pagitan nila.

"Ako nga pala si Simon. Ikaw?"

Tinignan muna ng dalaga si Simon ng ilang segundo bago nagsalita.

"Ako si Edwina."

"Nice to meet you, Edwina."

Natigilan ang dalaga nang makita ang ngiti ni Simon. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakaramdam ng kapayapaan sa simpleng pag ngiti ng isang tao. Ngayon lang. At sa hindi malamang dahilan, hiniling nito na sana'y hindi ito ang una't huling pagkakataong mararanasan niya ito.

-END OF FLASHBACK -

"Wow! Garlic bread!" tuwang-tuwa na saad ni Helena.

"Do you like it? Sorry kung 'yan lang ang tinapay na dala ko."

"Seryoso ka ba? Paborito ko nga 'to, eh!"

Nagulat ako, pero kaagad din namang napangiti.

"Heeton, naranasan mo na bang maramdaman na parang walang patutunguhan ang buhay mo?"

Oh. I didn't expect her to open such topic. Could it be because she's feeling lost in life? If so, then she's great in pretending that she's okay.

"Noong nagsisimula pa lang ako ng baseball, naranasan ko 'yun. Inilaan ko lahat ng oras ko sa baseball, pero parang wala namang improvement sa skills ko. 'Yung coach and teammates ko that time, they all saw me as a burden so I quit the team. Since baseball lang ang pinagkakaabalahan ko noon, panandaliang nawalan ng direksyon ang buhay ko."

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Helena at ilang segundo rin siyang natahimik. May nasabi kaya akong mali?

"I'm glad you m-made it through that challenging phase..."

"Ikaw ba, Helena? Do you feel lost in life right now?" diretsahang tanong ko.

Gusto ko kasing malaman ang totoo. At kung magpapaligoy-ligoy pa ako, magsasayang lamang ako ng oras.

Humigit siya ng malalim na hininga at saka inayos ang kanyang tindig.

"I have always felt lost. I've always wanted to know what my purpose in life really is, but I just can't seem to realize it until now. Para bang sa tuwing hinahanap ko ang papel ko sa mundo, pilit naman itong lumalayo."

Purpose in life...

"Can every person really realize their purpose in life?"

Nagtatakang napatingin si Helena sa akin kaya nataranta ako.

"A-ah...What I mean is that, shouldn't the purpose you're trying to find be created? Baka kaya hindi mo nahahanap ang papel mo sa mundo kasi dapat ikaw ang magdedesisyon at gagawa nito. Maybe in your case, it is something that is not given."

Namuo ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ni Helena at kung na-offend ko ba siya sa sinabi ko. Gusto ko sana siyang tanungin, pero baka mainis lamang siya sa pagiging makulit ko.

Dumampot na lamang ako ng cookies at saka nilamon ito. Dapat yata manahimik na lang ako, eh.

"I never thought of that..."

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at dahan-dahang napatingin sa kanya.

"Malaki ang punto mo. At naiiyak ako na sa tanang buhay ko, pagkatapos ng lahat ng pressure na binigay ko sa sarili ko, ngayon ko lang narinig ang mga katagang sinabi mo. Ni isa sa mga taong kilala ko, hindi man lang naisip ang gano'n. Pero ikaw...ikaw na kakikilala ko pa lang..."

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang umiyak. Normally, I would hug the person crying in front of me. But this time, bahagya ko lang tinatapik ang likod niya dahil wala naman akong permiso para yakapin siya. Tsaka baka hindi siya maging komportable na yayakapin ko siya kasi hindi pa naman kami close sa isa't isa.

Hinahayaan ko lang siyang ibuhos ang kanyang damdamin. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang i-pressure ang sarili niya para hanapin ang purpose niya sa mundo, but I'm glade she's crying. It means that she's finally releasing the heaviness she feels inside.

Who would've thought that this simple picnic turns out to be her liberation from a notion that's holding her back to live fully.

"Thank y-you...Heeton."

"Okay ka na ba?"

She slowly nods.

"Well, then... You're just in time to watch a mesmerizing sunset," saad ko at itinuro ang sunset sa harapan namin.

Nagliwanag ang kanyang mga mata at sumilay ang napakagandang ngiti sa kanyang mukha. It's a more beautiful view, to be honest.

"Alam mo, akala ko talaga puro lang tawanan ang mangyayari ngayon. Hindi ko naman inakala na maiiyak ako nang bonggang-bongga."

I chuckled. "Hindi pa naman huli para magtawanan tayo, eh. Gusto mo ba sayawan kita?"

Inasar ko siya at itinataas-baba ang aking kilay habang nakatingin sa kanya.

"Seryoso? Sumasayaw ka?" natatawang tanong niya.

"Hmm..."

Kaagad akong tumayo at pumwesto sa harapan niya. Here goes nothing...

"HAHAHAHAHA!"

Alam ko naman na pagtatawanan niya ako, but that's the point of this. She has to regain her happiness.

I've only danced in front of others when it was required for our class, but if it means making this precious woman laugh as if there's no tomorrow, then I would gladly do it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status