Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa malawak na bakuran ng palasyo. Ang mga ibon ay nagliliparan, at ang mga hardinero ay abala sa pag-aayos ng mga bulaklak. Pero sa gitna ng lahat ng katahimikan, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa loob.“WHO TOOK MY ROBE?!”Napahinto ang lahat ng kawal. Alam nilang boses iyon ng Hari—si Nathaniel.Lumabas si Cassandra mula sa kwarto, naka-house dress at hawak ang tasa ng tsaa. “Nat, what’s happening this time?”“Cass, my royal robe is missing! You know, ‘yung ginamit ko sa coronation anniversary last week!”Sumilip si Elera mula sa hagdan, hawak ang nasabing robe—pero ginawang cape ng alagang pusa nila. “Uhm… Dad? I think Sir Whiskers is the new king now.”Napangiwi si Nathaniel. “ELERA!”Natawa si Cassandra, halos mabitawan ang tsaa. “Oh come on, Nat! He looks adorable. Maybe we can appoint him as ‘Royal Feline Protector’.”“Royal headache, you mean,” reklamo ni Nathaniel, habang kinuha ang robe sa pusa. Pero sa sandaling iyon, napa
Tahimik ang buong palasyo, ‘yun ang akala ni Nathaniel.Maaga pa lang, nakasuot na siya ng royal robe, hawak ang kape, at nag-iikot sa hallway . “Hmm,” bulong niya, “finally, isang araw na walang gulo. Maybe this time, tahimik talaga.”Pero bago pa siya makalakad ng tatlong hakbang, sumabog ang “BOOM!” mula sa kusina.Napahinto siya, napasinghap. “...Cass?”Wala pang limang segundo, tumakbo palabas si Elera, may hawak na mangkok at tinapay na sunog. “Dad! Don’t panic! Experiment lang ‘to!”“EXPERIMENT?” sigaw ni Nathaniel, halos mapatapon ang kape. “Anong klaseng experiment, anak?!”Lumabas din si Alaric, may soot na apron at puno ng harina ang mukha. “We’re trying to make Grandma’s Secret Bread! Yung niluluto ni Mom dati!”Sa gilid, naglalakad si Cassandra, nakangiti pero halatang pigil ang tawa. “Relax, Nat. At least hindi sila nagsusunog ng palasyo this time.”“This time?” bulalas ni Nathaniel. “Wait—this happened before?!”“Twice,” sagot ni Cassandra, casual. “Pero minor lang nama
Sa wakas, dumating na ang mga araw na matagal nilang pinangarap — mga araw na walang tensyon, walang panganib, walang takot. Maagang nagising si Cassandra nang umagang iyon, at sa halip na marinig ang mga trumpeta o mga guard na nagbabalita ng bagong problema, ang bumungad sa kanya ay halakhak ng mga bata. Pagbukas niya ng bintana, nakita niya sina Elera at Alaric, parehong nakaupo sa damuhan kasama ang kanilang mga anak .“Ang aga niyo namang mag-gulo diyan!” sigaw ni Cassandra mula sa balkonahe, ngunit halatang natatawa.“Good morning, Mom!” sagot ni Elera, sabay kaway. “Family breakfast daw, sabi ni Kuya!”“Lola! Lola!” sigaw naman ng isa sa mga bata, sabay takbo papasok sa loob ng palasyo, may dalang bulaklak. “Para sa’yo!”Napangiti si Cassandra, lumuhod at tinanggap ang maliit na bulaklak na may lupa pa sa tangkay. “Aba, ikaw ha, marunong nang manuyo si Prince Kai!”“Hindi po ako manliligaw!” sabat ng bata, halatang namumula. “Para lang po sa pinakamagandang lola sa buong mundo
Mahinahon ang hangin ng umagang iyon, at ang sinag ng araw ay parang ginto na dahan-dahang bumabalot sa kaharian ng Alvion. Ang dating ingay ng digmaan, mga iyak ng takot, at mga sigaw ng paghihirap ay matagal nang napalitan ng tawanan, awitin, at pag-asa. Sa tuktok ng palasyo, sa silid na minsan ay naging sentro ng mga plano at laban, nakaupo ngayon sina Nathaniel at Cassandra. Ang dating hari at reyna, ngayo’y simpleng mag-asawa na lamang—nakasuot ng magagaan na kasuotan, nagkakape habang pinagmamasdan ang umagang puno. “Ang tahimik na ng mundo natin, Nat,” mahinang sabi ni Cassandra, habang inaayos ang balabal ng asawa. “Parang kailan lang, puro laban, puro luha, puro takot…” Ngumiti si Nathaniel, pinisil ang kamay ng asawa. “At ngayon, puro kape, halik, at tahimik na umaga na lang. Hindi ba ‘yan ang pinangarap natin noon?” Tumawa si Cassandra. “Oo, pero never kong in-expect na mangyayari talaga. Parang panaginip. Minsan nga, natatakot pa rin ako magising.” “Kung panaginip
Ang araw ng koronasyon ay dumating na. Mula pa lang sa pagsikat ng araw, ang buong kaharian ay puno ng sigla. Ang mga kampana ng palasyo ay sabay-sabay na tumunog, ang mga bandila ay nagwawagayway, may dalang mga bulaklak at banderitas. Maging ang mga bata ay nakasuot ng maliit na korona habang sumisigaw: “Long live Prince Alaric and Princess Elera!” Ang mga tagapagsilbi ay naglalakad nang mabilis, ang mga alagad ng musika ay nag-aayos ng instrumento, at ang mga royal guards ay nakaayos sa dalawang hanay na parang mga rebulto. “Hindi mo pa rin binabago ang ugali mo,” sabi ng reyna, napapailing. “Pag may event, laging last minute nagbibihis.” Ngumiti si Nathaniel, halatang in love pa rin. “Bakit naman ako magmamadali kung ang pinakamagandang reyna sa buong mundo ay ako pa rin ang kasama?” “Nat…” kunot-noo ni Cassandra Naku, tigilan mo nga ‘ang linya mo. Malapit nang magsimula!” Sa kabilang kwarto, si Elera ay nagpa-panic. Tatlong maid ang sabay-sabay na inaayos ang kanyan
maga pa lang, gising na si Alaric. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa mga bintana ng palasyo, dumadampi sa marmol na sahig na parang kumikislap sa bawat galaw ng hangin. Tahimik ang buong paligid maliban sa malambing na awit ng mga ibon sa labas. Pero sa loob ng silid ng hari’t reyna, may kakaibang sigla. Katatapos lang ng mahabang araw kahapon, kaya dapat ay pahinga muna sila ngayon. Pero iba ang naramdaman ni Alaric nang pumasok ang isang royal messenger, hingal na hingal, at may hawak na isang selyadong sobre na kulay ginto. “Your Highness!” hingal na sabi ng mensahero. “A letter has arrived — urgent, but… it carries the royal seal of Celvane Kingdom.” Napataas ang kilay ni Alaric. “Celvane? I thought they cut ties after the trade collapse?” tanong niya, sabay abot ng liham. Pagtingin niya sa selyo, hindi lang ito basta royal — ito ang personal seal ng Queen of Celvane, isang kilalang matandang kaalyado ng kanilang pamilya noon pa. Dumating si Elera, nakasuot ng