Share

Chapter 5

Natahimik lang ang lahat nang tumunog ang phone ni Rynierre. Sinagot niya ang caller, at talagang narinig namin ang buong pag-uusap nilang dalawa. Kailangan niya nang umalis dahil kailangan niya pang makipagkita sa mga ka-grupo niya. Hindi pwedeng ipasa lahat through email dahil kailangan talaga ang presinsya ng bawat isa. Dahan-dahan na silang tini-train sa gusto nilang maging profession someday.

Nalungkot ako syempre. Sa pagtatantya ko ay kalahating oras ko lang siyang nakasama. Ang mag-asawa ay kaagad ding nagpaalam na magpapahinga muna, at ang dalawa namang magkakapatid ay nagpaalam na rin dahil may kaniya-kaniya pa silang lakad.

And now, I decided to visit my father. I wanted to have a long conversation with him before the opening of classes. Tinahak ko ang masukal na daan. Kahit saan ka man lumingon ay mapapansin mo talaga na kakaunti lang ang nakakaalam sa lugar na 'to. When in fact, this place was the hideout of some Rizalistas.

"Faith!" sigaw ni Papa.

Niyakap niya ako nang mahigpit, kaya napapikit na lamang ako. Tunay ngang ang sarap langhapin ng yakap ng isang ama.

"Kumusta na po kayo, Pa?" Naglibut-libot ako ng tingin. At napansin ko na wala pa rin namang pinagbabago ang lugar. Tahimik pa rin ngunit madadama mo ang pagiging kontento ng mga tao na nasa paligid. "Malapit na po kasi ang opening of classes, e', baka maging madalang na lang ang pagbisita ko rito, Pa."

"Okay lang, 'Nak." Nginitian niya akong muli. "Maayos pa rin naman ang kalagayan naming lahat. Sa katunayan nga ay ang ganda ng tyempo ng pagpunta mo ngayon dito." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin kaya muli siyang nagsalita. "May isang writer na nais kunan kami ng pahayag. Balak nilang gumawa ng article patungkol sa relihiyon at maging sa paraan ng pamumuhay natin dito."

Nagpaalam naman ako saglit kay Papa dahil kailangan ko pang puntahan si Jacob sa bahay nila. Balak kong siguraduhin kung may available pa ba sa program ng Mama niya. Desperada na talaga ako. At this time, mas domoble pa talaga. Sa huli, napagpasyahan naming dalawa na sa Plaza na lang magkita.

"You know what, kailangan mo na talagang galingan this time. Nag-iisang project lang 'yan ni Mama para sa mga students."

"Oo na." May kaba sa boses ko. "Pero anyway, may itatanong ako. Bilang isang lalaki, masyado pa bang bata ang edad na 24?" Bigla-bigla ko na lang kasi naalala si Rynierre. At nais kong malaman ang POV ng isang lalaki. Gusto kong maintindihan ang lalaki na 'yon.

"24?!" nagulat pa si Jacob. "Legal na nga 'yang mag-asawa! 'Yang ganiyang edad, normal nang magkaroon ng asawa."

Natahimik ako, 'di malaman kung ano ang irereak. Hindi ko inasahan na mapupunta sa pag-aasawa ang topic namin ngayon. Gusto ko lang naman kasi mabatid kung bakit itinuturing ng future neurosurgeon ko ang edad na 24 na kabilang sa young category.

"May kakilala kasi akong tao, Jacob," I meaningfuly explained. "Wala talaga siyang interes sa mga commitment. Hindi ko alam kung bakit. Well, depende na lang kung--" I stopped my sentence and heaved a big sigh. Gay ba siya? Kasi hindi siya sa mga babae kundi da mga kagaya niya rin?

No. This could not be.

"Baka focus lang talaga siya sa pag-aaral," Jacob said. "May ganiyan talagang tao. May taong nakikita ang kaligayahan sa makakapal na libro."

"Normal pa naman ang ganiyan, 'no? I mean, baka tama ka. Baka talagang sa libro niya lang nakikita ang kinabukasan at kaligayahan niya. He couldn't make his books pregnant, but he could really use them to reach out his dream in life."

"'Bat ka napatanong?" Pinaningkitan ako ng mata ni Jacob, kaya naaasar kong nilagyan ng siopao ang bibig niya. Inirapan niya na naman ako at pabuntong-hiningang umupo.

Pero 'di nagtagal ay nagsalubong ang dalawa kong kilay nang mapansin ang pamilyar na pigura. 'Di ako maaaring magkamali. My instincts never failed me. Kaya ay tumakbo ako, kaya nagtatakang napasunod si Jacob sa 'kin. Alam kong malabong makita ko siyang muli kasi ang dami talagang tao sa lugar, pero gusto kong umasa.

Kahit na masakit, I wanted to confirm whether Rynierre was dating someone or not.

Tama nga si Adrian -- ang mga babae ang mismong maghahabol sa Kuya niya. It wouldn't hard for him to find a girlfriend since everybody was willing to have a romantic moment with him.

Napapikit ako. Dama ko ang hapdi ng puso ko, pero kahit na ganoon ay pinalakas ko ang sariling loob.

Baka hindi siya 'yon.

Baka ay namamalik-mata lang ako kasi palagi ko siyang iniisip.

Sana nga.

Sana nga ay hindi siya 'yon.

Parang nawalan ng enerhiya ang mga balikat ko. Hindi maproseso ng sistema ko na si Rynierre nga ang natatanaw ko ngayon. He's just. . . having a moment with someone else.

'Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano, kasi matagal ko na siyang gustong makita na masaya sa isang babae, pero ngayon ko lang na-realise na ako rin pala ang mas kawawa.

Well, I didn't have the right to feel this building jealousy within me. I must teach myself how to know my place. Magkaiba kami. For me, he's still the man who seemed unreachable. Yes, I could observe his supremacy, I could adore him. Pero kahit kailan ay hindi maaabot ang mga ulap. Yes, they would make you feel so special, pero hanggang diyan lang. No one could literally touch them. No one could embrace them.

"You looked wasted, baby," Jacob teased me as he jokingly observed my reaction. Gusto kong umangal, pero alam ko sa sarili ko na tama siya. Emotionally, I was wasted. Jacob again spoke. "Puwede mo bang sabihin kung 'bat ka naging ganiyan? Because, F-Faith, hindi ako sanay na makita kang ganiyan. It's hurting me so much."

Seryoso akong napabaling sa kaniya, para makita ang nag-aalala niyang ekspresyon. Marahil nga ay kakaiba na ang nailalabas kong ekspresyon ngayon. Sa huli ay mapakla na lamang akong natawa. Jacob looked around, as if trying to find the reason why my mood suddenly changed, but he looked frustrated when he found nothing.

"Is Rynierre here?" sabi niya at nagsalubong ang mga kilay niya. "Siya lang naman ang nagpapabago sa mood mo. So I guess he's here."

Tumango ako sa kaniya. Tinuro ko ang puwesto nina Rynierre at ng matangkad na babae na kasama niya. Sinilip ko si Jacob. Noong una ay seryoso pa siya, pero makalipas ang ilang segundo ay natawa siya. Isang tawa na para bang may balak gawin. Isang tawa na talagang magpapakaba sa 'yo.

"Jacob, don't tell me you're--" I almost panted when Jacob made steps forward, making me nervous to the core. Hindi ko na talaga siya mapigilan pa, kasi kahit ilang beses kong tawagin ang pangalan niya ay nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa isang direksyon. To say that I was afraid was definitely an understatement.

Jacob was very protective to me. 'Yan ang madalas kong napapansin sa kaniya. Noong grade 10 pa nga kami, ayaw na ayaw niyang may nakakabanga sa 'kin. Sa tuwing may nakakatapak nga sa medyas ko ay nagsasalubong na ang mga kilay niya.

Kung normal lang ang sandali na 'to, tatawanan ko na lang ang pagiging overprotective niya, pero hindi. Involved na si Rynierre rito. At ayaw kong masaktan siya. Gosh, I never wanted to see him hurt. Knowing Jacob, hindi man halata ay magaling talaga siya manuntok. I wasn't belittling Rynierre abilities, sadyang 'di ako sigurado kung makakayanan niya bang magtimpi kapag aatake na 'tong kaibigan ko.

"Mr. Cattaneo," Jacob almost shouted. "Hindi ko akalaing mahilig ka pala sa mga babae."

His striking words really stabbed my system. Napansin ko ang biglaang paglingon ni Rynierre. The woman beside him looked so shock, making her to step backward. I winced at the sight. Maganda siya, pero hindi ko gusto ang pagiging mahinhin niya. Seemed like she was acting unnaturally. Medyo halata na pinipilit niya lang maging dalagang Pilipina kasi nasa harapan namin si Rynierre.

"Yes?" Rynierre's words engulfed my hearing. His eyes migrated to me. Noong una ay nalito siya, pero nang nagtagal ang tingin sa 'kin ay para bang nakilala niya na ako.

Ouch.

Sakit.

Pighati.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status